KANINA pa malakas na malakas ang pintig ng puso ni Azenith ngunit hindi niya akalain na dodoble pa ang kanyang nararamdaman nang magsalubong na ang mga mata nila ni Zedric. Ganoon din ang naramdaman niya nang una silang magkita noon ni Zedric.
“Nag-a-apply kang model?”
Mula sa pagsusulat niya sa application form ay inangat niya ang kanyang tingin. Kung ikinabigla niya ang tanong ng lalaking nakatunghay sa kanya, higit naman siyang nabigla sa reaksyon ng puso niya nang magtama ang kanilang paningin. Parang tinatambol iyon kaya’t nahihiraan yata siyang huminga.
“Miss, okay ka lang ba?”
Hindi niya pingkaabalahang isipin at sagutin ang tanong nito. May tanong din kasi siya rito, “Anghel ka ba?”
Lumapad ang ngiti nito sa kanya. “Wala naman akong pakpak para mapagkamalan mo akong anghel.”
“Ang pogi mo kasi, eh,” hindi niya napigilang sabihin. “Talaga naman kasing ang guwapo nito. Pwede nga itong mapagkamalang nakababatang kapatid ni Aga Muhlach. Maputi kasi ito at makinis, maamo ang mukha na binagayan ng malalaki at hugis diyamanteng mata, matangos na ilong, maninipis at mapupulang mga labi. Mas lumutang pa ang kaguwapuhan nito dahil sa magkabilaang dimples nito na ubod ng lalim.
“Kaya, siguradong bagay na bagay tayo,” nakangiting sabi nito sabay lahad ng kamay. “Zedric Nolasco."
Inabot niya ang kamay dito. “Azenith Esguerra.”
Kung hindi lang niya napigilan ang sarili’y napasigaw na siya ng, “Oh my God!” Dahil dinala ni Zedric ang kamay niya sa labi nito. Sa isipan tuloy niya’y parang bigla siyang naging prinsesa.
“Miss Esguerra, are you okay?”
Saglit lang kumunot ang noo ni Azenith
dahil seryosong-seryoso na ang anyo ni Zedric ngayon samantalang kani-kanina lang ay ang lapad-lapad ng ngiti nito at nagniningning pa ang mga mata sa labis na kasiyahan.“Hindi ako mag-a-apply na model. Director/Scriptwriter ang pinag-a-apply-an ko,” pagtatama niya.
Kumunot ang noo nito “May sinabi ba akong mag-a-apply kang model?”
Ang lakas ng pagsinghap niya sa tanong nito Hindi naman kasi niya naiwasan ang makaramdam ng matinding pagkapahiya. Hindi naman kasi niya akalain na magtatagpo sa isipan niya ang noon at ngayon. Kung saan sila unang nagkakilala ni Zedric Nolasco. “I...I mean, m-mag-a-apply na model ‘yung character ko.”
Hindi na nito pinansin ang sinabi niya. “So, kailan tayo pwede umalis?” tanong nitong titig na titig sa kanyang mga mata na para bang gusto siyang i-hypnotize.
“Saan naman tayo pupunta?” mangha niyang tanong. Biro mo kakakilala pa lang nila nitong si Zedric Nolasco pro inaaya na siya nito sa kung saan. Dapat ay magalit siya. Makabubuti kung sasampalin niya ito. Kailangang maisip nitong lalaki na ito na hindi siya pakawalang babae.
Handa na sana siyang tarayan ito kaso parang may bumatok sa kanya ay nagsabing ang eksnang pumasok sa kanyang isip niya ay bahagi lang ng nakaraan. “Bakit tayo aalis?” naguguluhang tanong niya pero nakaramdam naman siya ng sobrang excitement dahil makakasama niya ang kanyang ‘asawa’.
“Ihahatid kita para alam ko kung saan kita dadalawin. Ibigay mo na rin ang landline at cp number mo para may komunikasyon tayo.”
“Dahil kailangan nating makilala ang isa’t isa.” Malalim na buntunghininga ang pinawalan nito. Para kasing nauubusan na ito ng pasensya. “Artista at producer ako, ikaw naman ang writer at director. Mas mapapadali ang trabaho natin kung magkakakilala muna tayo, hindi ba?”
Tumango siya kahit nalilito.
“Kaya, mag-empake ka na. Aalis tayo sa Linggo. Isang linggo tayo sa Nueva Ecija.”
“May resort ka na sa Nueva Ecija?” excited niyang tanong. Madalas kasi kapag nagkakakuwentuhan sila noon ni Zedric ay lagi nitong sinasabi na gusto nitong magkaroon ng resort sa Nueva Ecija.”
“Paano mo nalaman?” salubong ang kilay na tanong nito.
“Nahulaan ko lang,” pagsisinungaling niya. Tiyak naman kasi niyang hindi siya nito paniniwalaan kapag sinabi niyang mag-asawa dati pero dahil sa itinama niya ang kanyang pagkakamali ay hindi sila nakapag - I do. Sigurado naman kasi siyang hindi siya nito paniniwalaan. Baka nga isipin pa nito na nasisiraan siya ng bait.
“Congrats, magaling ka palang manghula.”
Nagbibiro ang tono ni Zedric pero dahil kilala niya ito ay alam alam niyang sarkastiko ang pagkakasabi nito ng mga katagang iyon. Siguro ay iniisip nitong isa siyang stalker at pumapantasya rito.
Hindi ba? Nagdududang tanong niya sa sarili. Kahit naman kasi gaano siya kaabala ay talagang sinusundan niya ang mga nangyayari sa buhay nito at kapag natutulog siya ay palagi pa rin niyang binabalikan ang masasayang sandali nila bilang mag-asawa at mga magulang.
“Mahuhulaan mo rin ba kung ilan ang girlfriend ko ngayon?”
“Isa lang ang nagmamay-ari ng puso mo,” wala sa loob niyang sabi saka napangiti. Palagi naman kasing ipinapaalala sa kanya ni Zedric na wala itong mahal at mamahalin kundi siya lang.
“Alam na alam mo,” anitong titig na titig sa kanyang mga mata. “Hindi ko na tatanungin kung sino dahil siguradong magkakamali ka ng sagot.”
“Oh,” hindi niya naigilang ibulalas. Para rin kasing ay malaking kamay na humawak sa kanyang puso. Ipinamumukha ba sa kanya ni Zedric na hindi na siya ang nilalaman ng puso nito.
“Siguro naman ay walang magiging problema kung sasama ka sa akin. Hindi mo naman siguro maiisip na masisira ang buhay mo kapag nagtiwala ka sa akin?” mapaghamong tanong nito habang titig na titig sa kanyang mga mata.
Ang lakas ng pagsinghap niya sa uri ng pagtatanong nito. Para tuloy gusto niyang isipin na kilala siya nito bilang asawa at nagagalit ito sa kanya dahil iniwan niya ito ngunit alam niyang napakaimposible noon. Nang bumalik siyang muli sa nakaraan ay nabura na rin siya sa isip ng mga taong nakilala niya mula ng maging mag-asawa sila ni Zedric.
“TAYONG dalawa lang ang magkasama?” kabadong tanong ni Azenith kay Zedric. Gayunman, may excitement siyang naramdaman kapag nagkakaroon sila ng solo moments ni Zedric, mas malaki ang tsansa na makuha niyang muli ang puso nito.
“Hindi mo muna ba ako ipapakilala sa ina at kapatid mo?” tanong sa kanya ni Zedric nang mailagay na nito sa compartment ng asul nitong BMW ang kanyang mga gamit.
Biglang bumilis ang kabog ng kanyang puso. Sigurado siyang hindi pa niya nabanggit dito na kasama niya sa bahay ang mommy at ate niya. Para tuloy gusto na niyang itanong dito kung may alaala rin ba ito tungkol sa kanilang nakaraan. Bubuka na sana ang bibig niya para magtanong pero naunahan na siya nitong magsalita.
“Magandang umaga po,” bati ni Zedric.
Sa sinabing iyon ng kanyang ‘asawa’ bigla siyang lumingon at nakita niya ang ina at kapatid na nasa may gate. Para tuloy gusto niyang lumubog sa kanyang kinatatayuan dahil sa klase ng tinging ibinibigay ng mga nakapaligid sa kanya.
Hindi naman siya nag-aalala na kontrahin pa ng mommy niya ang pagsama niya kay Zedric dahil nasa edad na siya para magdesisyon sa sarili. Alam din naman nito na trabaho lang ang dahilan kaya sila magsasama ngunit tiyak niyang nang-aakusa ang tingin sa kanya ng kanyang Ate Franchesca. Sigurado siyang iniisip nitong sinunggaban lang niya ang pagkakataon na ‘yon para maipaglaban niya ang kanyang pinaniniwalaan. Nang tumingin naman siya kay Zedric ay nakita niya ang nagtatakang anyo nito kung bakit hindi pa niya ito ipinakikilala.
“I’m Zedric po. Zedric Nolasco,” nakangiting pagpaakilala ni Zedric sa kanyang ina sabay lahad ng kamay.
Hindi niya napigilan ang mapasinghap dahil ng una ay inakala niyang makikipagkamay lang si Zedric ‘Yon pala ay magmamano ito. Sa totoo lang ay hindi na siya dapat nagulat sa ginawa ni Zedric dahil talaga namang nagmano si Zedric sa kanyang ina nu’ng una silang magkita. Yon nga lang ay magkaiba ang reaksyon ng kanyang ina.
“Bakit nagmano sa akin ang lalaking ‘yan? Kasal na ba kayo?” inis na bulong ng kanyang ina habang gumagawa ito ng merienda .
“Sa amin po kasi, ang pagmamano ay paggalang sa nakatatanda,”
Ngumiti ang mommy niya ng pagkatamis-tamis kaya labis niya iyong ikinagulat. Noon kasi, lagi itong nakanguso kapag nakikita si Zedric. Alam mo bang bihira na sa mga kabataan ngayon ang marunong magmano.”
“I’m Chesca,” wika ng ate niya sabay lahad ng kamay “Hindi ka naman siguro magmamano sa akin, ano?”
“Zedric…”
“Sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang matinee idol ay napakagaling na aktor?” nakangiting sabi ng ate niya sabay pa-beautiful eyes.
Kumunot tuloy ng husto ang noo niya at nagsalubong ang kanyang kilay ngunit alam niyang hindi iyon dahil sa selos kundi sa matinding pagtataka. Buong akala kasi niya ay ayaw na nitong ipagpatuloy ang ‘misyon’ niya kay Zedric.
“Bakit hindi muna kayo mag-almusal bago bumiyahe?” tanong ng kanyang ina.
Tatanggi sana siya pero naunahan siya ng at niya na magsalita. “Oo nga, para naman may laman ang sikmura ninyo habang bumibiyahe. Ilang oras din naman ang papuntang Nueva Ecija taos may trapik pa.
“Hindi ka pa nag-aalmusal?” nagtatakang tanong sa kanya ni Zedric.
Pinigilan niya ang mapasinghap sa tanong nito. Para kasing alam na alam ni Zedric na hindi siya umaalis sa bahay na hindi nag-aalmusal.
“Excited kasi masyado,” bulong ng kanyang ate pero malakas iyon kaya umabot din sa kanyang pandinig. Nadinig din niya ang bahagyang pagtawa ni Zedric. “Sa pagtatrabaho,” madiin nitong sabi sa huling kataga.
“PASENSYA ka na kung madaming tanong ang pamilya ko,” sabi ni Azenith nung nasa highway na sila. Pakiramdam niya kasi’y mapapanis na ang laway niya kung hindi pa siya magsasalita.
“Natural lang na magtanong sila,” anitong bahagya silang sinulyapan kaya tumalon na naman ang puso niya.
Hindi niya kasi napigilang isipin kung anong uri ng pagsulyap ang ibinibigay ni Zedric sa kanya ay may kalangkap na pagmamahal. O baka naman talaga lang malawak ang kanyang imahinasyon kaya kung anu-ano ang naiisip niya.
“Kunsabagay Saka, hindi rin naman natin solo ang lugar. May makakasama tayo, right?”
Napangisi ito. “Bakit parang kinakabahan ka?”
Tinutudyo ba siya ni Zedric? Maang niyang tanong kaya hindi niya naigilan ang mapatingin dito.
“Relax ka lang….wala naman akong gagawin sa’yo na hindi mo magiugustuhan,” nakangoto a ring sabi nito.
Napangiti na lang siya . Kung nang-aakit man si Zedric, naaakit talaga siya. Talagang kahit na ay dimple ito, ang mga mata pa rin nito ang pinakamagandang parte ng mukha nito. Para kasi iyong bituin na kumikinang.
“Hindi ka ba kumportable sa akin?” tanong sa kanya ulit ni Zedric. Sa pagkakataong iyon ay seryoso na itong nakatingin sa kanya.
“Sikat ka kayang artista,” nagawa niyang sabihin kahit ibang mga kataga naman talaga ang gusto niyang ibulalas. Miss na miss na kita kaya kung pwde lang, gusto kitang yakapin at halikan.
“Ganoon lang ba talaga ang tingin mo sa akin ngayon? Isang sikat na artista?” hindi makapaniwalang tanong nito. Huminto ito sa sasakyan saka siya hinarap. “Look at me”
Mabilis naman niyang sinunod ang sinabi nito. Pinakatitigan niya ito at parang gusto niyang umiyak. Kung pwede nga lang niyang haplusin muli ang guwapo nitong mukha. Kung maaari lang niyang halikan ulit ang mapupula nitong mga labi, ginawa na sana niya, ngunit, wala siyang karapatan. Ipinagpalit niya ang relasyon nila -- ang kanilang pamilya -- sa kanyang pangarap.
“Sabihin mong wala akong pag-asa habang nakatitig sa mga mata ko” utos sa kanya ni Zedric. Nang mga oras kasing iyon ay talagang nalilito siya kung ano ba talaga dapat niyang sundin. Ang isip o ang puso niya?
Sa pandinig niya ay parang nagmamakaawa ang boses ni Zedric kaya naman isang desisyon ang ginawa niya “Liars go to hell daw. Ayaw kong mapunta sa impiyerno kaya kailangan kong magsabi ng totoo. Mahal din kita Zedric,” kabado niyang sabi at ganoon na lang ang gulat niya ng bigla siya nitong yakapin at halikan.
Ano ba ang dapat kong maging tingin sa’yo?” nalilito niyang tanong.
Salubong na salubong ang kilay nito na para bang hindi mapaniwalaan ang kanyang tanong. “Isang tauhan sa isusulat mong istorya. Kaya, kailangan mo akong makilalang mabuti dahil ang gusto ko, gagawa ka ng istorya base sa pagkakakilala mo sa akin Naiintindihan mo ba?”
Tumango siya. Sunud-sunod. Baka kasi sa pamamagitan noon ay ilayo na ni Zedric ang mukha nitong nakadikit na halos sa kanyang mukha na para bang gusto siyang halikan.
O baka ikaw ang gustong humalikm nanunudyong sabi niya sa kanyang sarili.
Shucks, daig pa niya ang kriminal na tinu-torture ng mga sandaling iyon. Ramdam na ramdam niya ang presensya nito, naaamoy niya ang hininga nito at ang pamilyar na init na gusto ring tugunin ng kanyang katawan pero hindi na maaari.
Wala na siyang karapatan kay Zedric Nolasco -- sa kanyang asawa.
KUNG magkakaroon ka ba ng pagkakataon na baguhin ang buhay mo susunggaban mo ba? Ako kasi ‘oo’ dahil miserable ang buhay ko ngayon. Marami akong nagawang bagay na pinagsisihan ko dahil sa katigasan ng aking ulo.Sabi ng Daddy ko , tapusin ko ang pagmamasteral ko dahil mas magkakaroon daw ako ng magandang buhay. Kung ang credentials ko lang daw kasi ng mag-college ako ang aasahan ko, malamang, walang kumpanya ang tumanggap sa akin. Sino ba naman kasi ang employer ang magtitiwala sa empleyadong puro tres ang marka?It’s not the grade, it’s the script! Ikakatwiran naman niya sa amang nagsisilbing ‘kontrabida’ na abutin niya ang kanyang pangarap. Mula pa nu’ng mag-highschool siya ay pinangarap na niya ang maging manunulat kaya ng magkaroon ng scriptwriting workshop ay su
KISAMENG puti ang unang namulatan ni Azenith na labis niyang ipinagtaka. Hindi naman kasi ganu’n ang hitsura ng kisame sa silid nila ni Zedric. Walang kisame ang kanilang bahay, bubong lang ang mayroon. Maaari ngang pangit sa paningin niya ‘yung hitsura ng tinitirhan nila dahil maliit at simple lang tapos kulang-kulang pa sa kasangkapan pero pag-aari naman iyon ni Zedric. Pamana ng mga magulang nito na kawa pumanaw na. “Mabuti naman at gising ka na.” Oh, my God! Gilalas niyang bulalas nang marinig niya ang boses ng ama -- si Manuel Esguerra. Matagal na kasi niyang pinananabikang muling marinig ang makapangyarihang boses nito ngunit gustuhin man niya’y hindi maaari. Four years ago, pumanaw na ito sanhi ng heart attack. Sa katotohanang iyon, hindi niya napigilang umiyak. Pakiramdam niya kasi’y ang sama-
“ANONG nangyayari sa’yo?” nag-aalalang tanong ng kanyang Mommy. Tatanungin na sana ni Azenith kung ano ang ibig nitong sabihin nang marinig niya ang sariling paghikbi. Umiiyak ba siya? Nakuha niyang itanong sa sarili ang sariling katanungan ay nasagot nang haplusin nito ang sariling pisngi. Napagtanto niyang umiiyak siyang talaga. Hindi niya kasi napigilan ang masaktan. Para ngang dinurog ng pinung-pino ang kanyang puso habang siya’y siya’y nakatingin sa monitor ng kanilang TV. Pinanonood kunggaano ka-sweet si Zedric Nolasco sa kanyang leading lady sa pelikulang Ikaw na lang ang kulang. Ayon sa kanyang ina, Beauty daw ang pangalan pero Bruha sa kanyang paningin dahil obvious na
KANINA pa malakas na malakas ang pintig ng puso ni Azenith ngunit hindi niya akalain na dodoble pa ang kanyang nararamdaman nang magsalubong na ang mga mata nila ni Zedric. Ganoon din ang naramdaman niya nang una silang magkita noon ni Zedric.“Nag-a-apply kang model?”Mula sa pagsusulat niya sa application form ay inangat niya ang kanyang tingin. Kung ikinabigla niya ang tanong ng lalaking nakatunghay sa kanya, higit naman siyang nabigla sa reaksyon ng puso niya nang magtama ang kanilang paningin. Parang tinatambol iyon kaya’t nahihiraan yata siyang huminga.“Miss, okay ka lang ba?”Hindi niya pingkaabalahang isipin at sagutin ang tanong nito. May tanong din kasi siya rito, “Anghel ka ba?”
“ANONG nangyayari sa’yo?” nag-aalalang tanong ng kanyang Mommy. Tatanungin na sana ni Azenith kung ano ang ibig nitong sabihin nang marinig niya ang sariling paghikbi. Umiiyak ba siya? Nakuha niyang itanong sa sarili ang sariling katanungan ay nasagot nang haplusin nito ang sariling pisngi. Napagtanto niyang umiiyak siyang talaga. Hindi niya kasi napigilan ang masaktan. Para ngang dinurog ng pinung-pino ang kanyang puso habang siya’y siya’y nakatingin sa monitor ng kanilang TV. Pinanonood kunggaano ka-sweet si Zedric Nolasco sa kanyang leading lady sa pelikulang Ikaw na lang ang kulang. Ayon sa kanyang ina, Beauty daw ang pangalan pero Bruha sa kanyang paningin dahil obvious na
KISAMENG puti ang unang namulatan ni Azenith na labis niyang ipinagtaka. Hindi naman kasi ganu’n ang hitsura ng kisame sa silid nila ni Zedric. Walang kisame ang kanilang bahay, bubong lang ang mayroon. Maaari ngang pangit sa paningin niya ‘yung hitsura ng tinitirhan nila dahil maliit at simple lang tapos kulang-kulang pa sa kasangkapan pero pag-aari naman iyon ni Zedric. Pamana ng mga magulang nito na kawa pumanaw na. “Mabuti naman at gising ka na.” Oh, my God! Gilalas niyang bulalas nang marinig niya ang boses ng ama -- si Manuel Esguerra. Matagal na kasi niyang pinananabikang muling marinig ang makapangyarihang boses nito ngunit gustuhin man niya’y hindi maaari. Four years ago, pumanaw na ito sanhi ng heart attack. Sa katotohanang iyon, hindi niya napigilang umiyak. Pakiramdam niya kasi’y ang sama-
KUNG magkakaroon ka ba ng pagkakataon na baguhin ang buhay mo susunggaban mo ba? Ako kasi ‘oo’ dahil miserable ang buhay ko ngayon. Marami akong nagawang bagay na pinagsisihan ko dahil sa katigasan ng aking ulo.Sabi ng Daddy ko , tapusin ko ang pagmamasteral ko dahil mas magkakaroon daw ako ng magandang buhay. Kung ang credentials ko lang daw kasi ng mag-college ako ang aasahan ko, malamang, walang kumpanya ang tumanggap sa akin. Sino ba naman kasi ang employer ang magtitiwala sa empleyadong puro tres ang marka?It’s not the grade, it’s the script! Ikakatwiran naman niya sa amang nagsisilbing ‘kontrabida’ na abutin niya ang kanyang pangarap. Mula pa nu’ng mag-highschool siya ay pinangarap na niya ang maging manunulat kaya ng magkaroon ng scriptwriting workshop ay su