Share

Take #2: Para sa Forever
Take #2: Para sa Forever
Author: Maria Angela Gonzales

Prologue

Author: Maria Angela Gonzales
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

KUNG magkakaroon ka ba ng pagkakataon na baguhin ang buhay mo susunggaban mo ba? Ako kasi ‘oo’ dahil miserable ang buhay ko ngayon. Marami akong nagawang bagay na pinagsisihan ko dahil sa katigasan ng aking ulo.

Sabi ng Daddy ko , tapusin ko ang pagmamasteral ko dahil mas magkakaroon daw ako ng magandang buhay. Kung ang credentials ko lang daw kasi ng mag-college ako ang aasahan ko, malamang, walang kumpanya ang tumanggap sa akin. Sino ba naman kasi ang employer ang magtitiwala sa empleyadong puro tres ang marka?

It’s not the grade, it’s the script!  Ikakatwiran naman niya sa amang nagsisilbing ‘kontrabida’ na abutin niya ang kanyang pangarap. Mula pa nu’ng mag-highschool siya ay pinangarap na niya ang maging manunulat kaya ng magkaroon ng scriptwriting workshop ay sumali siya. Dahilan kaya  napabayaan niya ang kanyang pag-aaral. Kung hindi nga lang dean sa unibersidad na pinasukan niya si Manuelito Esguerra baka hindi lang pasang awa ang makuha niya kundi lumalagapak na singko. 

Ayon naman sa Mommy niya, kailangan niyang matuto sa mga gawaing bahay para kapag nag-asawa siya’y hindi na siya mahirapan. Muli, hindi siya nakinig. Sabi niya kasi sa sarili, hindi naman siya mag-aasawa ng mahirap kaya walang dahilan para mag-aral siyang mamalantsa, magluto at maglinis ng bahay. Yuck talaga!

Hindi ako isinilang sa mundong ito para magmistulang katulong!!!

Isinilang siyang prinsesa kaya mamamatay siyang reyna. Idol niya si JK Rowling kaya naman inaambisyon din niyang maging kasinsikat  siya nito. Iyon nga lang, imposibleng mangyari iyon dahil hindi naman siya nakapagsusulat sa wikang Ingles. Hindi naman kasi niya talaga sineryoso ang pag-aaral kaya’t kahit nakapagtapos siya ng AB Masscommunication ay kulang na kulang ang kanyang kaalaman. Talagang bumabawi lang siya kapag humahabi ng kuwento.

Ngunit ngayon, kahit anong gawin niya’y hindi na niya magagawa pang pagandahin ang kuwento ng kanyang buhay. Paano’y masyado ng wasak dahil sa katigasan ng kanyang ulo.   

Sabi ng Ate Franchesca niya’y huwag siyang magmamadali sa pag-ibig ngunit hindi niya napigilang sunggaban ang pag-ibig na iniaalok sa kanya ni Zedric. Unang kita pa lang niya kasi rito ay para ng may imbisibol na gunting na nagtanggal sa panty niya kaya ng ligawan siya nito’y hindi rin siya nakapagpigil na sagutin ito agad at makalipas ang ilang buwan ay nagpabuntis na siya rito kaya’t sa loob ng limang taon nilang pagsasama ay dalawa na ang kanilang anak.

Si Zedric Nolasco kasi ang pinakaguwapong nilalang na kanyang nasilayan kaya ginusto niyang magkaroon sila ng forever. Dahil doon ay nakalimutan niya ang kanyang ambisyon.At kahit naman gustuhin niyang magsulat ay hindi niya magagawa dahil abala siya sa kanyang pagtatrabaho para buhayin ang ang pamilya -- ang asawa at dalawang anak.

Nang mga nakaraang buwan kasi ay wala nang dumarating na project para kay Zedric dahil walang takot nitong inamin na mayroon na itong pamilya. Sa kasalukuyan kasi’y umuusbong ang pangalan nito sa showbiz nilang matinee idol. Hindi man mala-Machete ang katawan ni Zedric, mala-angel naman ang kaguwapuhan nito. Maputi at makinis ito na walang anumang pores ang bilugang mukha na kinakapalooban ng  nakakaakit na mga mata, matangos na ilong, mapupula at maninipis na mga labi na talaga namang ang sarap-sarap humalik.

Iyon ang dahilan kaya kahit pigilan niya ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng panibugho. Sa tuwing nakikita niya si Zedric na may ka-kissing scene, parang nilalamutak ang kanyang puso. Gusto niya kasi, siya lang ang hinahalikan ng kanyang asawa.

Oo, asawa niya si Zedric kaya siya si Azenith Esguerra-Nolasco. Nagpakasal sila  dalawang taon pagka-graduate niya ng kolehiyo nakilala niya ito sa channel 32 kung saan siya nag-apply sa screenwriting workshop habang ito naman ay nakuhang extra sa isang commercial. Tulad  niya, unang kita pa lang ni Zedric sa kanya attracted na ito kaya naman nang ihatid siya nito sa bahay at kinuha ang contact number niya ay nagsimula na ang kanilang magandang samahan na nauwi sa pag-iibigan 

Iyon nga lang, hindi pala lahat ng nagmamahalan ay nagiging masaya sa kanilang pagsasama lalo na kung kapos sa pera. Naisip tuloy niya, paano kaya kung hindi naging matigas ang ulo niya? Ano kaya ang nangyari kung inuna muna niyang tuparin ang kanyang pangarap?

Maraming what if’s na tumatakbo sa isip niya ngayon pero alam niyang mananatili lang iyon sa kanyang isipan, sapagkat malabo na niyang maibalik ang panahon at maitama ang kanyang pagkakamali.

“Alam mo bang matutulungan kita sa problema mo?”wika ng estrangherong tinig. 

Napahinto sa paghakbang si Azenith ng may bultong humarang sa kanya habang naglalakad sa may park na malapit sa tinutuluyan nila ni Zedric. 

Ang sabi ng isip niya’y dapat ay makaramdam siya ng takot dahil baka mamaya ay masamang tao ito na pinaplano siyang kidnapin at halayin, ngunit, wala naman siyang pera para sila ay makapag-ransom ay hindi naman siya kaakit-akit para pagnasaan nito. Kahit pa marami ang nagsasabing malaki ang hawig niya kay Ritz Azul, hindi siya naniniwalang ganu’n kalakas ang kanyang sex appeal lalo pa’t alam niyang haggard na haggard siya dahil sa pagod para pag-interesan siya ng lalaking mala-Ian Veneracion ang mukha, tangkad at tindig.

He laughed.

Naningkit ang kanyang mga mata. Para kasing pinagtatawanan siya nito na para bang nabasa ang laman ng kanyang isip.

“Anong sinasabi mo riyan?” inis niyang tanong dito. 

Alangan naman kasing tanungin niya ito kung paano nito nalaman na pinagsisihan nito kung anuman ang buhay na mayroon siya ngayon dahil kahit kay Zedric ay ayaw niya iyong ipaalam. Mahal na mahal niya ang kanyang asawa kaya hindi niya ito sasaktan sa anumang paraan. 

Saka, tulad niya ay nagsasakripisyo rin naman si Zedric. Kung siya ay nagtatrabaho sa mall bilang saleslady sa isang shoe section, si Zedric naman ang nag-aasikaso sa kanilang bahay at nag-aalaga ng kanilang mga anak 

“Hindi ba gusto mong itama ang pagkakamaling nagawa mo sa’yong buhay?”  marahang tanong nito sa kanya na labis niyang ikinagitla.

Sa puntong iyon ay nagawa niyang mamangha sa sinabi nito “Mind reader ka ba para  malaman mo kung anong iniisip ko?” mangha niyang tanong 

Sabi ng Mommy niya nu’ng bata pa siya, ‘Don’t talk to strangers’ dahil maaaring maging dahilan iyon para siya’y mapahamak. Pwede raw kasi siyang makidnap. Ngunit, ang Mommy din niya ang nagbilin na huwag siyang maging bastos huwag daw siyang tatalikod kapag siya ay kinakausap.

Nasa edad beinte sais   na naman siya kaya’t kinakailangan niyang harapin ng mabuti kung sinuman ang kausap niya ngayon. Ang hiling niya, sana nga ay hindi ito masamang nilalang. Tantiya naman niya ay matanda lang ito sa kanya ng sampung taon at mabait naman ang bukas ng mukha nito.  Hiling lang niya’y talagang mapagkakatiwalaan ito dahil gusto pa niya itong makausap. 

“Sabihin na nating nakikita ko sa kilos mo na nagsisisi ka sa kung anumang buhay na mayroon ka ngayon,” anitong titig na titig sa kanya na para bang ini-engganyo siya nitong amunin niya kung anuman ang kanyang nararamdaman. Nang igiya tuloy siya nito para umupo sa swing ay pinaunlakan niya ito. Umupo rin ito saka bilang swing kaya nakahinga siya nang maluwag. Hindi kasi niya alam ang kanyang gagawin kung tatayo ito sa likuran niya habang inuugoy ang swing.

“Mahal ko ang pamilya ko.”

“Kaya lang, may what if na naglalaro sa utak mo.”

Hindi siya kumibo. 

“Matutulungan kitang bumalik sa nakaraan para itama ang iyong pagkakamali,” mayabang na sabi nito. 

Gilalas siyang napatingin dito. “Ano ka, magician?” napapantastikuhan niyang tanong dito.

“Isa akong engkanto na tumatanaw ng malaking utang na loob sa’yo dahil iniligtas mo ang aming kaharian sa tuluyang pagkawasak. Dahil sa paglilinis na iyong ginagawa kapag nandito ka sa parke, hindi tuluyang pumasok sa mundo namin ang lason na idinudulot ng basurang itinatapon ng mga tao sa punong iyon,” tukoy nito sa malaking puno na siya raw nagsisilbing lagusan ng mga engkanto tungo sa kanilang mundo “Isa kang mabuting tao kaya karapat-dapat ka lang gantimpalaan at iyon ang magbibigay ng pagkakataon para maitama mo ang pagkakamali na iyong nagawa.”  

Hindi man siya sigurado kung may totoo nga ba sa sinasabi nito pero sa isang bahagi ng puso’t isipan niya ay gusto niyang umasa na mangyayari nga ang sinasabi nito kaya’t napabulalas siya ng, “Game.”

Related chapters

  • Take #2: Para sa Forever   Chapter 1

    KISAMENG puti ang unang namulatan ni Azenith na labis niyang ipinagtaka. Hindi naman kasi ganu’n ang hitsura ng kisame sa silid nila ni Zedric. Walang kisame ang kanilang bahay, bubong lang ang mayroon. Maaari ngang pangit sa paningin niya ‘yung hitsura ng tinitirhan nila dahil maliit at simple lang tapos kulang-kulang pa sa kasangkapan pero pag-aari naman iyon ni Zedric. Pamana ng mga magulang nito na kawa pumanaw na. “Mabuti naman at gising ka na.” Oh, my God! Gilalas niyang bulalas nang marinig niya ang boses ng ama -- si Manuel Esguerra. Matagal na kasi niyang pinananabikang muling marinig ang makapangyarihang boses nito ngunit gustuhin man niya’y hindi maaari. Four years ago, pumanaw na ito sanhi ng heart attack. Sa katotohanang iyon, hindi niya napigilang umiyak. Pakiramdam niya kasi’y ang sama-

  • Take #2: Para sa Forever   Chapter 2 

    “ANONG nangyayari sa’yo?” nag-aalalang tanong ng kanyang Mommy. Tatanungin na sana ni Azenith kung ano ang ibig nitong sabihin nang marinig niya ang sariling paghikbi. Umiiyak ba siya? Nakuha niyang itanong sa sarili ang sariling katanungan ay nasagot nang haplusin nito ang sariling pisngi. Napagtanto niyang umiiyak siyang talaga. Hindi niya kasi napigilan ang masaktan. Para ngang dinurog ng pinung-pino ang kanyang puso habang siya’y siya’y nakatingin sa monitor ng kanilang TV. Pinanonood kunggaano ka-sweet si Zedric Nolasco sa kanyang leading lady sa pelikulang Ikaw na lang ang kulang. Ayon sa kanyang ina, Beauty daw ang pangalan pero Bruha sa kanyang paningin dahil obvious na

  • Take #2: Para sa Forever   Chapter 3

    KANINA pa malakas na malakas ang pintig ng puso ni Azenith ngunit hindi niya akalain na dodoble pa ang kanyang nararamdaman nang magsalubong na ang mga mata nila ni Zedric. Ganoon din ang naramdaman niya nang una silang magkita noon ni Zedric.“Nag-a-apply kang model?”Mula sa pagsusulat niya sa application form ay inangat niya ang kanyang tingin. Kung ikinabigla niya ang tanong ng lalaking nakatunghay sa kanya, higit naman siyang nabigla sa reaksyon ng puso niya nang magtama ang kanilang paningin. Parang tinatambol iyon kaya’t nahihiraan yata siyang huminga.“Miss, okay ka lang ba?”Hindi niya pingkaabalahang isipin at sagutin ang tanong nito. May tanong din kasi siya rito, “Anghel ka ba?”

Latest chapter

  • Take #2: Para sa Forever   Prologue

    KUNG magkakaroon ka ba ng pagkakataon na baguhin ang buhay mo susunggaban mo ba? Ako kasi ‘oo’ dahil miserable ang buhay ko ngayon. Marami akong nagawang bagay na pinagsisihan ko dahil sa katigasan ng aking ulo.Sabi ng Daddy ko , tapusin ko ang pagmamasteral ko dahil mas magkakaroon daw ako ng magandang buhay. Kung ang credentials ko lang daw kasi ng mag-college ako ang aasahan ko, malamang, walang kumpanya ang tumanggap sa akin. Sino ba naman kasi ang employer ang magtitiwala sa empleyadong puro tres ang marka?It’s not the grade, it’s the script! Ikakatwiran naman niya sa amang nagsisilbing ‘kontrabida’ na abutin niya ang kanyang pangarap. Mula pa nu’ng mag-highschool siya ay pinangarap na niya ang maging manunulat kaya ng magkaroon ng scriptwriting workshop ay su

DMCA.com Protection Status