Share

Chapter 1

last update Last Updated: 2021-07-13 01:25:51

KISAMENG puti ang unang namulatan ni Azenith na labis niyang ipinagtaka. Hindi naman kasi ganu’n ang hitsura ng kisame sa silid nila ni Zedric. Walang kisame ang kanilang bahay, bubong lang ang mayroon.  Maaari ngang pangit sa paningin niya ‘yung hitsura ng tinitirhan nila dahil maliit at simple lang tapos kulang-kulang pa sa kasangkapan pero pag-aari naman iyon ni Zedric. Pamana ng mga magulang nito na kawa pumanaw na. 

“Mabuti naman at gising ka na.”

Oh, my God! Gilalas niyang bulalas nang marinig niya ang boses ng ama -- si Manuel Esguerra. Matagal na kasi niyang pinananabikang muling marinig ang makapangyarihang boses nito ngunit gustuhin man niya’y hindi maaari. Four years ago, pumanaw na ito sanhi ng heart attack.

Sa katotohanang iyon, hindi niya napigilang umiyak. Pakiramdam niya kasi’y ang sama-sama niyang anak. Wala siyang ibinigay dito kundi sakit ng ulo at paghihirap ng kalooban kaya hindi na siya magtataka kung namatay itong may matinding hinanakit na nararamdaman sa kanya. Naisip din niyang baka siya ang dahilan kaya inatake ito sa puso dahil ibang-iba ang pinili niyang buhay.

“May masakit ba sa’yo? Tatawag ako ng doctor. Hush, huwag ka na umiyak,”  masuyo ang sabi ng kanyang ama nang abutin nito ang buton sa kanyang ulunan para humingi ng tulong at sabihing gising na siya.

Ang mga luhang handa pa sanang tumulo ay parang biglang nasuspinde nang tuluyang tumambad sa kanyang paningin ang mukha ng kanyang ama. Buong pag-aalalang nakatingin sa kanya.

“Patay na ba ako?” hindi niya napigilang itanong.  Gusto niyang bumalikwas nang bangon pero pinigilan siya ng kanyang Daddy na labis niyang ikinamangha. Bakit nagawa nitong hawakan siya? Hindi ba dapat tumatagos lang ang kamay nito sa kanyang balat? Naguguluhan niyang tanong sa sarili.

“Muntik na. Naligo ka kahit alam mong nilalagnat ka na. Ni hindi  mo man lang sinabi dahil lang gusto mong pagpunta sa despidida party at kumain ng lechon.”

 Despidida party? Lechon? Naligo ng may lagnat? Ulit niya sa isip. Oo nga't nangyari iyon pero matagal na.

“K-kung buhay pa ako, bakit nandito kayo? Eh, deds na kayo. Ilang taon na,” pero bigla niyang na-realize na hindi rin niya ito gugustuhing mawala. Hindi na tuloy niya napigilang yakapin ito ng mahigpit na mahigpit. Kung talagang nananaginip lang siya ay ito na ang pagkakataon para maipadama niya rito ang kanyang pagmamahal at paghingi ng tawad.

“Mano ngang tigilan mo ‘yang sinasabi mo. Hindi pa ako patay at matagal pa ang buhay ko. Hindi ako mamamatay hangga’t di ko nakikitang maayos ang buhay ninyong magkapatid,” pangako pa nito.

Mahigit na mahigpit pa rin ang yakap niya rito.  “Sorry sa mga nagawa ko. Promise, susundin kita pero huwag kang kokontra sa gusto ko.”

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at pinakatitigan siya ng husto. “Mukhang gutom na gutom ka na kaya kung anu-ano na ang sinasabi mo. Kunsabagay, 36 hours ka ring walang malay. Huwag ka na umiyak dahil makakasama lang sa’yo ‘yan. Maya-maya ay darating na ang Mommy at Ate mong may dalang pagkain.”

“Si Zedric po?” nahagilap niyang itanong 

“Zedric? Lalaki? Sino ‘yan, boyfriend mo o manliligaw mo pa lang?” kunot noong tanong nito.

“Manugang n’yo,” nagtataka niyang wika. Para kasing napakakalmante ng boses nito gayung sa tuwing babanggitin niya noon ang pangalang Zedric ay awtomatikong nag-iinit ang ulo ng kanyang ama.

“Manugang?” gilalas nitong bulalas “Ni hindi ko nga nakikita ang anino ng lalaking sinasabi mo tapos sasabihin mong may asawa ka na. Sinong magkakasal sa inyo? Bakit wala akong marriage consent na pinirmahan gayung 15 years old ka pa lang.”

Hindi naman galit ang boses ng ama niya kaya hindi siya masyadong nag-alala ngunit hindi niya napigilan ang magtaka ng banggitin nito ang kanyang edad. “15 years old? Ako?” manghang-mangha niyang bulalas dahil twenty six years old na siya. 

Naputol ang pag-uusap nilang mag-ama nang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang matandang babae na hindi naman niya kilala pero tiyak niyang isang doctor dahil sa damit nitong puti at may stethoscope pang nakasabit sa leeg. May nurse din itong kasunod na alam niyang kukuha ng records niya. 

“Gising na pala ang aking magandang pasyente,” nakangiti nitong bati sa kanya. 

ISA nga lang bang panaginip ang lahat? Namamangha pa ring tanong ni Azenith sa sarili. Hanggang sa kasalukuyan kasi’y  malinaw pa rin sa alaala niya ang nangyari eleven years later. 

Eleven years later, mariin niyang pag-uulit. Kung ikukuwento niya ito sa bestfriend niyang si Edna, siguradong hahagalpak ito nang tawa at tatawagin siyang baliw. Talaga naman kasing kabaliwan ‘yung may alaala siyang naiwan sa kanyang hinaharap.

Sabi naman ng kanyang neurologist ay natural lang na makapag-isip siya ng ganu’n dahil nga kinumbulsyon siya nang isugod siya sa ospital. Umabot ng 40 ang taas ng kanyang lagnat kaya naman ang nerve sa utak niya ay labis na naapektuhan. Masuwerte nga raw siya at ganoon lang ang naging epekto sa kanya ng kombulsyon dahil ‘yung iba raw ay nahihirapang magsalita at maglakad.

“Ano naman ang hitsura ng future asawa mo?” nakangising tanong sa kanya ng kanyang Ate Franchesca habang siya ay binabantayan. Kahit kasi wala na siyang lagnat ay hindi pa rin siya binibigyan ng doctor ng go signal para lumabas. 

Mabilis ang kanyang pagsagot. “Siyempre guwapo.”

“Sasampalin kita kung mag-aasawa ka ng pangit. Kahit pa sabihing sa panaginip o imahinasyon mo lang naman hindi ka pwedeng magkaroon ng pangit na mister. Hindi tayo pwedeng malahian ng nget-pa,” wika pa ng kanyang Ate Franchesca sabay halakhak.

Ngunit, hindi niya ito masamahan sa pagtawa. Ni hindi nga niya makuhang mangiti man lang. Ewan niya po talagang may nagbago sa kanya. Kahit sabihin ng lahat na kinse anyos lang siya’y parang hindi iyon ang kanyang nararamdaman.

“Paano nga kung guwapo nga pero hindi naman mayaman?” matamlay niyang tanong habang nakaharap sa salamin. Hayun ang ebidensyang isa pa lamang siyang teenager at nasa taong 2005 pa lang sila.

“Depende ‘yan kung anong klaseng lalaki ba ang piiliin mo May ambisyon ba siya o wala? Kung may ambisyon din naman siya, go Siguradong hindi niya hahayaang maghirap kayo. Kung wala naman siyang ambisyon, huwag mo na siyang pag-aksayahan pa ng panahon ara kasing kumuha ka lang ng batong ipupukpok mo sa ulo.”

Sa kauna-unahang pagkakataon ay pinakinggan niya ang sinasabi ng kapatid kaya napatangu-tango pa siya. Dati kasi’y wala siyang pinakikinggan kundi ang sarili niyang paniniwala at wala siyang ginagawa kundi ang makapagpapasaya sa kanya. Wala siyang pakialam kung mayroon man siyang masaktan. Ngunit, dahil sa mga kamiserablehan na naramdaman niya sa kanyang buhay ay kailangan na niyang makinig sa opinyon ng iba, lalo na ng kanyang kapamilya. 

“Teka nga, bahagi pa ba ‘yan ng mahabang panaginip mo o mayroon kang boyfriend na Zedric talaga ang pangalan?” nagdududang tanong ng kanyang kapatid.

Kung mayroon akong boyfriend siguradong malalaman mo agad dahil ka-schoolmate ko ay anak ng pinakatsismosa sa ating lugar Saka, hello, hatid sundo kaya ako ng school bus.” 

“So, hypothetical question lang talaga ‘yan?” nagdududa pa ring tanong nito.

“Oo naman. Sabi n’yo nga, hindi ba, panaginip lang ang lahat,” aniyang hindi malaman kung ngingiti ba o malulungkot. Para kasing kahit maganda ang buhay niya ngayon ay para pa ring may kulang sa kanya. 

“I love you, Mama, kayo ni Papa,” wika ng batang lalaki 

“Mama, pasalubong ko,” wika naman ng isa ang boses batang babae.

“Mag-iingat ka, asawa ko. Pasensiya na hindi ka namin maihahatid, ” sabi naman ng boses ng lalaki na nagpapabilis ng pintig ng kanyang puso.

“Uy, anong nangyayari sa’yo?” natatarantang tanong ng ate niyang buong pag-aalalang nakatingin sa kanya. 

Mabilis niyang pinahiran ang kanyang pisngi. Hindi niya kasi namalayan na umaagos na pala roon ang masagana niyang luha. 

Naitanong niya tuloy sa kanyang sarili, kung talagang panaginip lang ang lahat bakit parang ang bigat-bigat ng kanyang dibdib? Parang nakakaramdam siya ng pangungulila?

SA tingin ni Azenith ay kailangan niyang kumpirmahin kung totoo nga ba o hindi ang kanyang ‘panaginip’ ay alam niyang magagawa lang niya iyon kung pupuntahan niya ang lugar na ‘yon. Alam na alam pa rin niya kung paano siya makakarating doon. Ang kailangan lang niyang gawin ay sumakay sa jeep. Higit sa lahat ay makaalis sa kanilang bahay. 

“Mom, pwede bang sumaglit ako sa bookstore?” malambing niyang tanong sa ina Alam niyang madali niya ito mapapasang-ayon kapag ganoon ang kanyang tono. 

Napahinto ito sa panonood ng K-Drama para lingunin siya. Buti na lang ay napigilan niya ang sariling humagalpak nang tawa dahil namumula na ang mga mata nito. Ibig sabihin, dalang-dala ito sa pinanonood. Paborito din naman niya ang mga teledrama. Dati. Ngunit, natuklasan niyang walang kaparis ang drama ng kanyang buhay. 

From riches to rags.

Ayaw kasing pumayag ng mga magulang niya na ipakasal sila ni Zedric kahit buntis na siya. Wala naman daw kasing regular na trabaho si Zedric para mabuhay siya nito ng matiwasay. Siyempre, hindi pumayag si Zedric na hindi siya mapanagutan at dahil mahal na mahal niya si Zedric, pinili niyang sumama rito. Kahit alam niyang ikagagalit iyon ng kanyang pamilya. 

Masaya siya sa piling ni Zedric, mabait naman kasi talaga ito, malambing at damang-dama niya na mahal na mahal siya nito. Kaya lang, iba ang buhay na nakasanayan niya. Nahihirapan siyang mag-adjust. Ngunit, dahil iba na ang kanyang buhay ay kailangan niyang makuntento sa mga bagay na kaya lang nitong maibigay. 

Nakagat niya ang labi ng may katanungang sumuot sa kanyang isipan: Kung isa lamang panaginip si Zedric, bakit hanggang ngayon ay nasa puso’t isip niya ito?

“Kagagaling mo pa lang sa ospital, baka mabinat ka,” nag-aalalang sabi nito. 

“Sandali lang naman po ako,” magalang na magalang niyang sabi kaya kita niya kung paanong natigilan ang kanyang ina. Para tuloy may imbisibol na kamay na sumampal sa kanya. Bigla kasi niyang maalala na madalas ay pabalang siyang sumagot sa kanyang mga magulang. Pakiramdam niya kasi’y pirming kokontrahin ng mga ito ang gusto niya. Hindi tuloy niya napigilang yakapin ang kanyang ina, “I’m so sorry, Mommy.”

“P-para saan?” nagtatakang tanong nito pero naramdaman naman niya ang pagganti nito ng mahigpit na yakap.

Ayaw pa rin niyang kumawala sa yakap nito dahil alam niyang di siya naging mabuting anak gayung walang ginawa ang kanyang mga magulang upang siya’y ipaglaban. Kahit pa kay Kamatayan. Bata pa lang kasi siya’y mahina na ang kanyang katawan. Labas-masok nga siya sa ospital. Kaya naman overprotective sa kanya ang pamilya. Hindi tuloy niya magawang ma-enjoy ang kanyang teenage life. 

“Alam ko kasing marami akong pagkukulang bilang anak  Gusto ko sanang bumawi promise, this time, magiging mabuting anak na ako,” wika niya sabay taas ng kamay nu’ng kumalas siya sa pagkakayakap dito 

“Mag-aaral ka na bang maglaba, mamalantsa, magluto at maglinis ng bahay?” naniniguradong tanong nito.

Walang alinlangan ang kanyang pagtango. 

“Sure ka?” naniniguradong tanong nito. Sa klase nga ng pagtitig nito sa kanya ay parang nag-aalinlangan pa rin ito kung talaga bang papaniwalaan ang kanyang sinabi. 

“Yes, ‘my. Ayoko kasing mahirapan ako kapag dumating ang panahon na kailangan ko na mag-asawa. Ayokong dumating ang oras na magsasawa ka na sa akin si…” Malalim na buntunghininga muna ang kanyang inawalan bago niya itinuloy ang sinasabi  “ang magiging asawa ko.”  

Hindi man kumibo ang kanyang ina ay nanatili naman itong nakatingin sa kanya na para bang namatanda. 

“Aalis na muna ko, ‘my,” wika niya nang muling maisip ang dahilan kaya naistorbo niya ang ina sa panonood ng K-drama “Babalik din ako bago mag-ala-sais para hindi ako abutan ng dilim.” 

Tulad ng ginawa niyang palusot, nagtungo muna siya sa bookstore upang bumili ng mga librong may kaugnayan sa pagsusulat tapos ay nagtungo siya sa parke kung saan nagsimula ang pagbabago sa kanyang buhay. Hindi pala. Dahil ang tamang salita, bumalik ang dati niyang buhay.

Walang tao sa parke na ‘yun ng siya ay dumating. Hindi na niya iyon ipinagtaka dahil silang pamilya lang ang madalas na tumambay doon. Kung minsan may mga dayo rin ngunit ang kalimitan sa mga naninirahan sa lugar na iyon ay hindi nagpupunta roon. Kahit pa sabihing ang parke na iyon ay maraming palaruan tulad ng slide, monkey bars,  seesaw at swing.  Mayroon ding lugar para makaag-picnic. Ang dahilan ay mayroon daw engkantong naninirahan doon  

“Psst...engkanto Nandyan ka ba?”

“Anong ginagawa mo rito?” wika ng boses ng isang lalaki. 

“Ay, engkanto!” gulat niyang bulalas sabay lingon dahil gusto niyang kumpirmahin kung sino ba ang may-ari ng boses at hindi nga nagkamali ang puso niyang bumilis ang pagpintig. 

Zedric...

“HEY, nasaan na ako?’’ gulat na bulalas ni Azenith dahil biglang nag-iba ang paligid. Kung kanina’y tiik na tirik ang araw, ngayon ay puro kadiliman na ang kanyang nakikita. Kung kanina’y muntik na niyang maka-face to face si Zedric, ngayon ay wala siyang nakikitang anuman. Nagsisimula na tuloy siyang makaramdam ng takot.

“Nandito ka sa aking kaharian,” wika ng isang pamilyar na boses. Kasabay noon, biglang nagliwanag ang paligid.

Namilog ang mga mata niya nang makilala ang nagsalita. Ang engkantong mala-Ian Veneracion ang hitsura. “Ikaw nga.”

Ngumiti ito at nagkaroon ng ningning ang mga mata. Kung hindi lang niya nakita ang mahahaba at matutulis nitong mga tenga ay iisipin niyang isa itong pangkaraniwang tao. Dapat nga sana’y makaramdam siya ng takot sa presensiya nito ngunit hindi iyon nangyari. Marahil ay dahil ikalawang pagtatagpo na nila ito at hindi naman nakakatakot ang hitsura nito.. Tiyak nga niyang kapag nasa mundo nila ito ay maraming babae ang magkakagulo rito dahil napakalakas ng dating.

“Wala ng iba. Naibigan mo ba ang pagbabalik mo sa nakaraan?”

Sunod-sunod ang pagtango niya. Ibig sabihin nu’n ay talagang may tsansa na siyang mabago ang kanyang buhay. Magiging mabuti siyang anak at kapatid.  Paghahandaan  din niya ang panahong magiging mabuti at ulirang misis at ina siya.

“Ngunit, may mga tao ka ring kailangang isakripisyo para ikaw ay magtagumpay,” marahan nitong sabi pero buong tiim na nakatingin sa kanya.

Kumunot ang noo niya. “Ang mag-aama ko lang ba ang kailangan kong isakripisyo?” hindi makapaniwalang tanong niya. Nang mga oras na iyon ay gusto niyang tumutol pero hindi niya magawa. 

“Hindi pa ito ang panahon para harapin mo ang pagpapamilya. Kung makakaharap mong muli ang mapaangasawa mo, malaki ang tsansa na kakalimutan mo na naman ang ambisyon mo at sundin ang idinidikta ng iyong puso.”

“Iyon ba ang dahilan kaya bigla akong nawala sa harapan ni Zedric kanina?”

“Iniligtas lang kita sa muli mong pagkakamali. Kung magkakaharap kayo ngayon at magkakaroon ng komunikasyon, mas lalala lang ang problema. Mas mapapadali ang pagsasama ninyo. Baka hindi lang dalawa ang maging anak ninyo.”

Sa kaisipang iyon ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi dahil sa kulang ang pagmamahal niya kay Zedric kundi dahil ayaw niyang may mga batang nagdurusa dahil hindi nila magawang maibigay ang mga gusto at pangagailangan ng kanilang mga anak,” Dahil doon, hindi niya napigilan ang mapakagat labi. Parang tuksong rumehistro na naman kasi sa kanyang isipan ang ilang beses na pagbagsak ng balikat ni Alden  dahil di niya nabili ang bolang inuungot nito at ang pagngawa ni Tricia dahil hindi niya nabili ang manikang gustung-gusto nito.

“May tamang panahon sa lahat ng bagay,” anito nakangiti pero may talim sa mga mata. Natawa siya sa kaisipang nagagalit ito sa kanya dahil imposible naman iyon. Sabi nga nito, malaki ang utang na loob nito sa kanya kaya ibinigay sa kanya ang pagkakataong iyon. "Kaya, makinig ka muna sa akin."

Inayunan naman niya ang sinabi nito pero maya-maya ay natigilan siya Ikalawang pagtatagpo na nila po hindi pa sila magkakilala ni hindi nga niya alam ang pangalan nito “Ako nga pala si Azenith. Ikaw, anong pangalan mo?”

“Haring Jordanes. Alam ko ang pangalan mo, kilala ko ang pamilya mo at ang lahat ng tungkol sa’yo.” Nakangiti man ito ng sabihin ang mga katagang iyon, pero, parang may kabang bigla na lamang lumukob sa kanyang puso. Gayunpaman, pinili niyang itaboy sa kanyang isipan ang negatibong naramdaman niya. Ang mahalaga lang naman sa kanya ay natulungan siya nito. 

“May tanong ako,” Hindi ito kumibo pero may nakahugis na ngiti sa labi na para bang alam na rin naman nito kung ano ba ang kanyang itatanong, gayunpaman, tinanong pa rin niya. “Bakit hindi ko nakalimutan ang pamilya ko nang bumalik ako sa nakaraan?”

“Paano mo malalaman ang mga pangyayaring dapat mong iwasan kung mabubura ang mga ito sa alaala mo?” tanong nito sa halip na sagutin ang kanyang katanungan. “Iyon nga lang dahil sa nabago mo ang iyong nakaraan, siguradong mababago mo rin ang iyong hinaharap.”

“Anong ibig mong sabihin?” Nanlalaki ang mga matang tanong niya. Ang agad kasing pumasok sa isip niya ay si Zedric at ang kanilang mga anak.

“Sa tamang panahon ay malalaman mo ang sagot.Ang tamang panahon na iyon ay sa pagdating ng panahon kung kailan ka bumalik sa nakaraan.”

MABILIS  lang talaga lumipas ang panahon kahit pa sa kaso ni Azenith na nagawang ulitin ang kanyang nakaraan. Sa pagkakataon nga lang na iyon ay siniguro niyang magagawa na niya iyon ng tama at hindi niya palalampasin ang lahat ng pagkakataon na kumatok sa kanyang pintuan. 

Nag-aral siya ng mabuti. Sinunod niya ang gusto ng Daddy niya na mag-masteral para mas mapaganda ang kanyang buhay. Sinunod niya ito pero hinayaan siya nito sa kanyang gusto.  Kumuha siya ng Bachelor of Arts in Film sa University of the Philippines at nagpatuloy siya ng Master of Arts in Media Studies (Film) sa unibersidad din na ‘yon, At tulad nga ng sinabi ng Daddy niya, nagkaroon siya ng magandang buhay 

Ngunit, masaya na ba siya?

Related chapters

  • Take #2: Para sa Forever   Chapter 2 

    “ANONG nangyayari sa’yo?” nag-aalalang tanong ng kanyang Mommy. Tatanungin na sana ni Azenith kung ano ang ibig nitong sabihin nang marinig niya ang sariling paghikbi. Umiiyak ba siya? Nakuha niyang itanong sa sarili ang sariling katanungan ay nasagot nang haplusin nito ang sariling pisngi. Napagtanto niyang umiiyak siyang talaga. Hindi niya kasi napigilan ang masaktan. Para ngang dinurog ng pinung-pino ang kanyang puso habang siya’y siya’y nakatingin sa monitor ng kanilang TV. Pinanonood kunggaano ka-sweet si Zedric Nolasco sa kanyang leading lady sa pelikulang Ikaw na lang ang kulang. Ayon sa kanyang ina, Beauty daw ang pangalan pero Bruha sa kanyang paningin dahil obvious na

    Last Updated : 2021-07-13
  • Take #2: Para sa Forever   Chapter 3

    KANINA pa malakas na malakas ang pintig ng puso ni Azenith ngunit hindi niya akalain na dodoble pa ang kanyang nararamdaman nang magsalubong na ang mga mata nila ni Zedric. Ganoon din ang naramdaman niya nang una silang magkita noon ni Zedric.“Nag-a-apply kang model?”Mula sa pagsusulat niya sa application form ay inangat niya ang kanyang tingin. Kung ikinabigla niya ang tanong ng lalaking nakatunghay sa kanya, higit naman siyang nabigla sa reaksyon ng puso niya nang magtama ang kanilang paningin. Parang tinatambol iyon kaya’t nahihiraan yata siyang huminga.“Miss, okay ka lang ba?”Hindi niya pingkaabalahang isipin at sagutin ang tanong nito. May tanong din kasi siya rito, “Anghel ka ba?”

    Last Updated : 2021-08-22
  • Take #2: Para sa Forever   Prologue

    KUNG magkakaroon ka ba ng pagkakataon na baguhin ang buhay mo susunggaban mo ba? Ako kasi ‘oo’ dahil miserable ang buhay ko ngayon. Marami akong nagawang bagay na pinagsisihan ko dahil sa katigasan ng aking ulo.Sabi ng Daddy ko , tapusin ko ang pagmamasteral ko dahil mas magkakaroon daw ako ng magandang buhay. Kung ang credentials ko lang daw kasi ng mag-college ako ang aasahan ko, malamang, walang kumpanya ang tumanggap sa akin. Sino ba naman kasi ang employer ang magtitiwala sa empleyadong puro tres ang marka?It’s not the grade, it’s the script! Ikakatwiran naman niya sa amang nagsisilbing ‘kontrabida’ na abutin niya ang kanyang pangarap. Mula pa nu’ng mag-highschool siya ay pinangarap na niya ang maging manunulat kaya ng magkaroon ng scriptwriting workshop ay su

    Last Updated : 2021-07-13

Latest chapter

  • Take #2: Para sa Forever   Chapter 3

    KANINA pa malakas na malakas ang pintig ng puso ni Azenith ngunit hindi niya akalain na dodoble pa ang kanyang nararamdaman nang magsalubong na ang mga mata nila ni Zedric. Ganoon din ang naramdaman niya nang una silang magkita noon ni Zedric.“Nag-a-apply kang model?”Mula sa pagsusulat niya sa application form ay inangat niya ang kanyang tingin. Kung ikinabigla niya ang tanong ng lalaking nakatunghay sa kanya, higit naman siyang nabigla sa reaksyon ng puso niya nang magtama ang kanilang paningin. Parang tinatambol iyon kaya’t nahihiraan yata siyang huminga.“Miss, okay ka lang ba?”Hindi niya pingkaabalahang isipin at sagutin ang tanong nito. May tanong din kasi siya rito, “Anghel ka ba?”

  • Take #2: Para sa Forever   Chapter 2 

    “ANONG nangyayari sa’yo?” nag-aalalang tanong ng kanyang Mommy. Tatanungin na sana ni Azenith kung ano ang ibig nitong sabihin nang marinig niya ang sariling paghikbi. Umiiyak ba siya? Nakuha niyang itanong sa sarili ang sariling katanungan ay nasagot nang haplusin nito ang sariling pisngi. Napagtanto niyang umiiyak siyang talaga. Hindi niya kasi napigilan ang masaktan. Para ngang dinurog ng pinung-pino ang kanyang puso habang siya’y siya’y nakatingin sa monitor ng kanilang TV. Pinanonood kunggaano ka-sweet si Zedric Nolasco sa kanyang leading lady sa pelikulang Ikaw na lang ang kulang. Ayon sa kanyang ina, Beauty daw ang pangalan pero Bruha sa kanyang paningin dahil obvious na

  • Take #2: Para sa Forever   Chapter 1

    KISAMENG puti ang unang namulatan ni Azenith na labis niyang ipinagtaka. Hindi naman kasi ganu’n ang hitsura ng kisame sa silid nila ni Zedric. Walang kisame ang kanilang bahay, bubong lang ang mayroon. Maaari ngang pangit sa paningin niya ‘yung hitsura ng tinitirhan nila dahil maliit at simple lang tapos kulang-kulang pa sa kasangkapan pero pag-aari naman iyon ni Zedric. Pamana ng mga magulang nito na kawa pumanaw na. “Mabuti naman at gising ka na.” Oh, my God! Gilalas niyang bulalas nang marinig niya ang boses ng ama -- si Manuel Esguerra. Matagal na kasi niyang pinananabikang muling marinig ang makapangyarihang boses nito ngunit gustuhin man niya’y hindi maaari. Four years ago, pumanaw na ito sanhi ng heart attack. Sa katotohanang iyon, hindi niya napigilang umiyak. Pakiramdam niya kasi’y ang sama-

  • Take #2: Para sa Forever   Prologue

    KUNG magkakaroon ka ba ng pagkakataon na baguhin ang buhay mo susunggaban mo ba? Ako kasi ‘oo’ dahil miserable ang buhay ko ngayon. Marami akong nagawang bagay na pinagsisihan ko dahil sa katigasan ng aking ulo.Sabi ng Daddy ko , tapusin ko ang pagmamasteral ko dahil mas magkakaroon daw ako ng magandang buhay. Kung ang credentials ko lang daw kasi ng mag-college ako ang aasahan ko, malamang, walang kumpanya ang tumanggap sa akin. Sino ba naman kasi ang employer ang magtitiwala sa empleyadong puro tres ang marka?It’s not the grade, it’s the script! Ikakatwiran naman niya sa amang nagsisilbing ‘kontrabida’ na abutin niya ang kanyang pangarap. Mula pa nu’ng mag-highschool siya ay pinangarap na niya ang maging manunulat kaya ng magkaroon ng scriptwriting workshop ay su

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status