Share

Chapter 2 

last update Last Updated: 2021-07-13 01:38:29

“ANONG nangyayari sa’yo?” nag-aalalang tanong ng kanyang Mommy.

Tatanungin na sana ni Azenith kung ano ang ibig nitong sabihin nang marinig niya ang sariling paghikbi.

Umiiyak ba siya? Nakuha niyang itanong sa sarili ang sariling katanungan ay nasagot nang haplusin nito ang sariling pisngi. Napagtanto niyang umiiyak siyang talaga.

Hindi niya kasi napigilan ang masaktan. Para ngang dinurog ng pinung-pino  ang kanyang puso habang siya’y siya’y nakatingin sa monitor ng kanilang TV. Pinanonood kung gaano ka-sweet si Zedric Nolasco sa kanyang leading lady sa pelikulang Ikaw na lang ang kulang. Ayon sa kanyang ina, Beauty daw ang pangalan pero Bruha sa kanyang paningin dahil obvious na obvious itong kinikilig sa kanya asawa.

Asawa? Mangha niyang bulalas sa sarili.   Paano pa niya kasi maikukunsiderang asawa niya si Zedric kung sa pagbabalik niya sa hinaharap ay hindi naman sila nagkakilala at nagpakasal? Kaya, ang pagiging mag-asawa nila ay bahagi na lang ng alaala niyang hindi nagkaroon ng katuparan.

Tulad niya, nagawang baguhin ni Zedric ang kanyang buhay Nang mabigyan ito ng break sa isang teleserye sa primetime bilang kontrabida ay nagtuluy-tuloy na ang pag-angat ng career nito. Magaling naman talagang umarte si Zedric kaya pinag-aagawan ito ng network at producers. Bukod doon, ang kaguwapuhang taglay nito ay pinaghalong Prince Charming at knight in shining armour type. Ibig sabihin, kahit mayaman o mahirap ang papel na ginagampanan  nito ay kayang-kaya nitong dalhin dahil nga sa kakaibang apoy na makikita sa mga mata nito kapag umaarte. Masyadong expressive kaya  ang bawat sabihin nito ay  tatagos sa kaibuturan ng iyong puso. 

“Wala akong ibang mamahalin kundi ikaw lang. Hindi ito isang pangako na mapapako lang dahil tiyak kong sa’yo lang titibok ang puso ko,” madamdaming pahayag ni Zedric nang sila ay ikasal.

Sa loob ng limang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa ay hindi sila nagkaroon ng pagtatalo tungkol sa babae  dahil palaging ipinapadama sa kanya ni Zedric na walang mahalaga para rito kundi silang mag-iina. Ngunit, hindi dahilan iyon para siya ay makuntento. Ang bagay na wala kasi sa buhay nila ang lagi niyang inaasam at iyon ay ang pagkakaroon ng maginhawang buhay.

“Azenith, hindi mo ba narinig ang tanong ko? Ano kako ang nangyayari sa’yo? Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ng kanyang  Mommy.

Kung pwede nga lang niyang sabihin dito na miss na miss na niya si Zedric, ginawa na sana niya ngunit kahit naman sabihin niya iyon ay hindi rin ito maniniwala. Baka nga pagtawanan pa siya nito at sabihing nababaliw na siya. Kahit naman kasi ina niya ito ay imposibleng maniwala ito na bumalik lang siya mula sa hinaharap. Para sa lahat, ang ikinuwento niya buhat sa pagkukumbulsyon ay isa lang panaginip.

“Nami-miss ko lang siya,” sabi niya sa halip habang nakatitig pa rin kay Zedric. 

“Ako rin naman, nami-miss ang daddy mo,” wika ng kanyang ina kaya’t napalingon siya rito.

Bigla tuloy siyang na-guilty. Nauna a kasi siyang maka-recover sa pagkawala ng kanyang ama kaysa tanggapin na bahagi na lang si Zedric ng kanyang alaala. Tuluyan na kasing bago ang kanyang hinaharap dahil hindi nagtagpo ang landas nila ni Zedric nu’ng araw na nakatakda sana silang magkita. Masyado kasi siyang busy sa kanyang documentary film  kaya hindi siya naka-attend ng scriptwriting workshop sa isang tv station.

“Bakit kaya namatay pa si Daddy kahit na ginawa naman natin ang lahat para hindi siya magkasakit?” tanong niya kahit na alam naman niya ang sagot ngunit ang mga mata niya ay hindi pa in magawang alisin sa tv. Doon na lang kasi niya nagagawang pagmasdan nang malapitan si Zedric.

“Dahil oras na niya,” sabi ng kanyang ina. 

Marahan siyang tumango bilang pagsang-ayon. Kahit kasi anong time travel ang gawin niya’y hindi pa rin nito matatapatan ang kapangyarihan ni God. Ang nakatakda ay nakatakda.

So, nakatakda na ba talaga silang magkahiwalay ni Zedric? Wala na ba talagang tsansa na magkaroon sila ng lovestory? Malungkot na tanong niya sa sarili Kung noon ay nagu-guilty siya dahil namatay ang daddy niya na nasa puso ang mating disappointment sa kanya, ngayon ay nakukonsensiya siya dahil may dalawang batang hindi naisilang.

‘May tamang panahon sa lahat ng bagay,” naalala niyang sabi ni Haring Jordanes . Naisip niya tuloy, kung nasa maling panahon sila nu’ng mabuo ang lovestory nila ni Zedric, hindi kaya ito na ang tamang panahon para magkaroon ng katuparan ang kanilang pag-iibigan?

Bigla siyang napapitik sa kanyang naisip. “Tama."

“Anong tama ang sinasabi mo riyan?” nagtatakang tanong nito 

“Papasok ako sa mundo ng showbizness,” mariin niyang sabi 

Manghang-mangha ang kanyang ina sa kanyang sinabi kaya naman ng magsalita ito ay naroroon agad ang pagtutol “Nagtapos ka ng pag-aaral para pasukin ang pag-aartista? Baka biglang bumangon sa hukay si Manuelito”

“Mom, mag-a-apply ako bilang director at writer,” nakangiti niyang sabi at sisiguraduhin kong si Zedric ang bida.

ILANG beses nang nabasa ni Zedric ang resume ni Azenith Esguerra pero parang hindi pa in siya nagsasawang basahin ang mga impormasyong nakasulat doon. Ewan din niya kung bakit hindi niya magawang alisin ang tingin niya sa picture nito. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang mukha nito.

Saan nga ba niya ito nakita? Kunot noo niyang tanong sa sarili. Tiyak niyang may alaalang gustong pumasok sa kanyang isipan pero parang may kung anong puwersang humahadlang sa kanya. Hindi niya tuloy napigilan ang mapamura sa sobrang frustration niya. Gayunpaman, hindi niya hahayaang mamayani lang sa isipan niya ang mga katanungan. Kailangang magkaroon iyon ng mga kasagutan at alam niyang mangyayari iyon kapag nagkaroon sila ng komunikasyon ng babaeng nasa larawan. 

ANG lapad-lapad ng ngiti ni Azenith nang matanggap niya ang tawag ng channel 35.

“May meeting ako with Zedric Nolasco?” excited niyang tanong. Kung hindi niya napigilan ang sarili, napatili na siya. Mabuti na lang at naalala niyang nasa Jollibee sila ni Edna.

Ang puso niya ay napuno ng excitement sa nakatakdang pagtatago nilang ‘mag-asawa’.Hindi na tuloy niya inintindi ang mga sumunod na sinabi ng nagpakilalang Teresa Miranda. Mabuti na lang at rumehistro sa kanyang isipan ang sinabi nitong 2pm sa Channel 35 building ang meeting place nila 

“Anong nagyayari sa’yo?” nagtatakang tanong sa kanya ni Edna 

Lumapad ang ngiti niya nang makita ang matalik na kaibigang buong pagtatakang nakatingin sa kanya 

“Pinapupunta na ako sa channel 35,” pagbabalita niya rito.

“Kahapon ka lang nagpasa ng application du’n, hindi ba? Kung sabagay, hindi naman kataka-takang agad kang makuha dahil impressive naman talaga ang credentials mo. Naging cum laude ka pa at 92 ang grade mo nu’ng mag-take ka ng civil service,” nakangiting sabi nito pero nasa boses naman ang bitterness. Hindi kasi ito pumasa ng mag-exam sa civil sevice kaya kailangan pang maghintay ng anim na buwan para makapag-retake. Gustung-gusto kasi nitong maging government employee ngunit habang hindi pa nangyayari iyon ay magiging manager muna ito ng kanyang coffee shop “Hay, buti pa ikaw, matutupad na ang pangarap mo”

“Matutupad mo rin ang pangarap mo,” nakangiting sabi niya .Gayunman, parang gusto niyang sabihin dito na may pangarap pa siyang hindi nagagawang tuparin at iyon ay ang makuha ang pag-ibig ni Zedric. Kahit na nangangati na ang dila niyang ibahagi sa matalik niyang kaibigan ang tungkol sa kanyang naunsiyaming pag-ibig. Ayaw na niyang dagdagan pa ang mga taong magtatawa sa kanya.

Kahit nga sa sarili niya’y nagtatanong na siya kung talaga nga bang nangyari ang tungkol sa love story nila ni Zedric Nolasco o baka naman isa lang iyong panaginip. May mga pagkakataon din na naiisip niyang si Haring Jordanes ay bahagi lang ng malikot niyang imahinasyon. Sabi kasi ng Mommy niya ng hapong nagpaalam siya ritong pupunta sa bookstore ay hindi siya natuloy. Tulog na tulog daw siya ngang pumasok ito sa kanyang kuwarto at wala rin ang mga librong binili niya.    

“Nagtataka lang ako sa’yo,” wika ni Edna nang maiayos na sa harapan nila ang kani-kanilang order. Burger steak meal ang sa kanya samantalang chicken joy meal naman ang order nito. 

“Ano naman ang nakapagtataka?” salubong ang kilay na tanong niya 

Sa halip na sagutin nito ang kanyang tanong, buong tiim muna siya nitong tinitigan “Kahit kasi tuwang-tuwa ka ngayon, parang hindi pa rin umaabot ang kasiyahan sa mga mata mo. May lungkot kang nararamdaman, right? Pero, bakit?” nagtataka nitong tanong. 

Hindi siya nakakibo. Totoo naman kasi ang sinasabi ni Edna. Talagang di pa rin lubos ang kanyang kanyang kaligayahan dahil wala pa sa buhay niya  ulit ang taong nagbibigay sa kanya ng walang hanggang ligaya.

Nang pumitik sa hangin si Edna ay parang bigla siyang natauhan. “Tama, lovelife ang kulang sa buhay mo.” 

“At huwag na huwag isipin na i-blind date ako sa kung sino. That won’t work,” mariin niyang sabi sa tatlong huling kataga na iyon. Kilalang-kilala kasi niya si Edna kaya’t sa tingin pa lang nito’y alam na alam na niya kung anong tumatakbo sa isipan nito. 

“Paano ka naman nakakasigurado?” tanong nitong nakataas ang kilay. Kahit sumusubo ito ay hindi pa rin siya iniiwanan ng tingin. 

“Una, may pangarap akong kailangang abutin,” At kasama na roon si Zedric, sabi ng puso niya. 

“Kaya, mas kailangan mo ng inspirasyon.”

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. “Pangalawa at ang pinakaimportante, nakita ko na ang lalaking mamahalin ko habambuhay at gagawin ko ang lahat para madugtungan ang aming happy ending.”

Matagal na hindi kumibo si Edna kaya nagulat na lang siya ng tumili ito ng pagkalakas-lakas. 

KAHIT  na sinabi ng Mommy niya na maganda na siya sa suot na office suit, hindi pa rin mapakali si Azenith Gusto niya syempreng maging magandang-maganda sa paningin ni Zedric. Kaya naman talagang gusto niyang masiguro na okay na okay ang suot na yellow blouse na pinatungan ng blazer at ang skirt niyang one inch above the knee.

“Trabaho ba talaga ang pupuntahan mo sa channel 35  o date?” natatawang tanong ng kanyang Ate Franchesca. Kahit kasi tapos na ito sa paglalagay ng make up sa kanya at pag-aayos ng kanyang buhok, panay pa in ang tanong niya rito kung talaga bang okay ang kanyang hitsura.

Hindi siya sumagot pero naramdaman niyang uminit ang kanyang pisngi sa tanong ng kanyang ate kaya naman nasisiguro niyang nakita nito ang amumula ng kanyang mukha. “Siyempre trabaho,” wika niya nang makabawi sa pagkabigla.

Tinaasan muna niya ito ng kilay bago sumagot. “Kunsabagay nga, pangarap mo rin naman talagang maging manunulat. Wala ngang dudang gusto mong magtrabaho sa isang network, pero, bakit hindi sa isang giant network? Dahil ba sa hindi ka nakuha o hindi ka nag-apply? Si Zedric Nolasco ba talaga ang gusto mong trabahuhin?” marahang tanong ng ate niya sa huling katanungan nito.  

Hindi siya nakakibo. Paano ba naman kasi, iyon naman talaga ang intensyon niya.

“Iniisip mo bang ang Zedric na nasa panaginip mo years ago at ang Zedric Nolasco na artista ay iisa?” hindi makapaniwalang tanong nito.

“Ate…” 

“Hindi ko kinokontra ang gusto mong gawin kaso lang ayokong masaktan ka. Huwag kang mabuhay sa panaginip na hanggang ngayon ay nasa isip mo lang. Daig mo pa ang babaeng iniwanan ng nobyo na hanggang ngayon ay umaasa na magkakaroon sila ng forever. Tigilan mo na ang pagpapahirap at pananakit sa sarili mo. Masasaktan at masasaktan ka lang, kapatid ko.”

Mas masakit ang tuluyan siyang mawala sa buhay ko, gusto niyang sabihin sa kanyang ate pero minabuti niyang sarilinin iyon.

“Hindi lahat ng nangyayari sa panaginip ay nagkakatotoo,” mariing sabi ng kanyang Ate Franchesca.

“Paano kung hindi naman iyon panaginip?” marahan niyang tanong Napabuntunghininga siya dahil ang bigat-bigat ng kanyang dibdib. Alam niya kahit sabihin niya ang totoo ay hindi naman maniniwala ang kanyang Ate Franchesca.  Pagkaraan ng ilang sandali ay ngumiti siya “I-goodluck mo na lang ako, Ate.”

Ito naman ang napabuntunghininga. “Goodluck. Saka, mag-iingat ka. Ingatan mo ang puso mo.

Related chapters

  • Take #2: Para sa Forever   Chapter 3

    KANINA pa malakas na malakas ang pintig ng puso ni Azenith ngunit hindi niya akalain na dodoble pa ang kanyang nararamdaman nang magsalubong na ang mga mata nila ni Zedric. Ganoon din ang naramdaman niya nang una silang magkita noon ni Zedric.“Nag-a-apply kang model?”Mula sa pagsusulat niya sa application form ay inangat niya ang kanyang tingin. Kung ikinabigla niya ang tanong ng lalaking nakatunghay sa kanya, higit naman siyang nabigla sa reaksyon ng puso niya nang magtama ang kanilang paningin. Parang tinatambol iyon kaya’t nahihiraan yata siyang huminga.“Miss, okay ka lang ba?”Hindi niya pingkaabalahang isipin at sagutin ang tanong nito. May tanong din kasi siya rito, “Anghel ka ba?”

    Last Updated : 2021-08-22
  • Take #2: Para sa Forever   Prologue

    KUNG magkakaroon ka ba ng pagkakataon na baguhin ang buhay mo susunggaban mo ba? Ako kasi ‘oo’ dahil miserable ang buhay ko ngayon. Marami akong nagawang bagay na pinagsisihan ko dahil sa katigasan ng aking ulo.Sabi ng Daddy ko , tapusin ko ang pagmamasteral ko dahil mas magkakaroon daw ako ng magandang buhay. Kung ang credentials ko lang daw kasi ng mag-college ako ang aasahan ko, malamang, walang kumpanya ang tumanggap sa akin. Sino ba naman kasi ang employer ang magtitiwala sa empleyadong puro tres ang marka?It’s not the grade, it’s the script! Ikakatwiran naman niya sa amang nagsisilbing ‘kontrabida’ na abutin niya ang kanyang pangarap. Mula pa nu’ng mag-highschool siya ay pinangarap na niya ang maging manunulat kaya ng magkaroon ng scriptwriting workshop ay su

    Last Updated : 2021-07-13
  • Take #2: Para sa Forever   Chapter 1

    KISAMENG puti ang unang namulatan ni Azenith na labis niyang ipinagtaka. Hindi naman kasi ganu’n ang hitsura ng kisame sa silid nila ni Zedric. Walang kisame ang kanilang bahay, bubong lang ang mayroon. Maaari ngang pangit sa paningin niya ‘yung hitsura ng tinitirhan nila dahil maliit at simple lang tapos kulang-kulang pa sa kasangkapan pero pag-aari naman iyon ni Zedric. Pamana ng mga magulang nito na kawa pumanaw na. “Mabuti naman at gising ka na.” Oh, my God! Gilalas niyang bulalas nang marinig niya ang boses ng ama -- si Manuel Esguerra. Matagal na kasi niyang pinananabikang muling marinig ang makapangyarihang boses nito ngunit gustuhin man niya’y hindi maaari. Four years ago, pumanaw na ito sanhi ng heart attack. Sa katotohanang iyon, hindi niya napigilang umiyak. Pakiramdam niya kasi’y ang sama-

    Last Updated : 2021-07-13

Latest chapter

  • Take #2: Para sa Forever   Chapter 3

    KANINA pa malakas na malakas ang pintig ng puso ni Azenith ngunit hindi niya akalain na dodoble pa ang kanyang nararamdaman nang magsalubong na ang mga mata nila ni Zedric. Ganoon din ang naramdaman niya nang una silang magkita noon ni Zedric.“Nag-a-apply kang model?”Mula sa pagsusulat niya sa application form ay inangat niya ang kanyang tingin. Kung ikinabigla niya ang tanong ng lalaking nakatunghay sa kanya, higit naman siyang nabigla sa reaksyon ng puso niya nang magtama ang kanilang paningin. Parang tinatambol iyon kaya’t nahihiraan yata siyang huminga.“Miss, okay ka lang ba?”Hindi niya pingkaabalahang isipin at sagutin ang tanong nito. May tanong din kasi siya rito, “Anghel ka ba?”

  • Take #2: Para sa Forever   Chapter 2 

    “ANONG nangyayari sa’yo?” nag-aalalang tanong ng kanyang Mommy. Tatanungin na sana ni Azenith kung ano ang ibig nitong sabihin nang marinig niya ang sariling paghikbi. Umiiyak ba siya? Nakuha niyang itanong sa sarili ang sariling katanungan ay nasagot nang haplusin nito ang sariling pisngi. Napagtanto niyang umiiyak siyang talaga. Hindi niya kasi napigilan ang masaktan. Para ngang dinurog ng pinung-pino ang kanyang puso habang siya’y siya’y nakatingin sa monitor ng kanilang TV. Pinanonood kunggaano ka-sweet si Zedric Nolasco sa kanyang leading lady sa pelikulang Ikaw na lang ang kulang. Ayon sa kanyang ina, Beauty daw ang pangalan pero Bruha sa kanyang paningin dahil obvious na

  • Take #2: Para sa Forever   Chapter 1

    KISAMENG puti ang unang namulatan ni Azenith na labis niyang ipinagtaka. Hindi naman kasi ganu’n ang hitsura ng kisame sa silid nila ni Zedric. Walang kisame ang kanilang bahay, bubong lang ang mayroon. Maaari ngang pangit sa paningin niya ‘yung hitsura ng tinitirhan nila dahil maliit at simple lang tapos kulang-kulang pa sa kasangkapan pero pag-aari naman iyon ni Zedric. Pamana ng mga magulang nito na kawa pumanaw na. “Mabuti naman at gising ka na.” Oh, my God! Gilalas niyang bulalas nang marinig niya ang boses ng ama -- si Manuel Esguerra. Matagal na kasi niyang pinananabikang muling marinig ang makapangyarihang boses nito ngunit gustuhin man niya’y hindi maaari. Four years ago, pumanaw na ito sanhi ng heart attack. Sa katotohanang iyon, hindi niya napigilang umiyak. Pakiramdam niya kasi’y ang sama-

  • Take #2: Para sa Forever   Prologue

    KUNG magkakaroon ka ba ng pagkakataon na baguhin ang buhay mo susunggaban mo ba? Ako kasi ‘oo’ dahil miserable ang buhay ko ngayon. Marami akong nagawang bagay na pinagsisihan ko dahil sa katigasan ng aking ulo.Sabi ng Daddy ko , tapusin ko ang pagmamasteral ko dahil mas magkakaroon daw ako ng magandang buhay. Kung ang credentials ko lang daw kasi ng mag-college ako ang aasahan ko, malamang, walang kumpanya ang tumanggap sa akin. Sino ba naman kasi ang employer ang magtitiwala sa empleyadong puro tres ang marka?It’s not the grade, it’s the script! Ikakatwiran naman niya sa amang nagsisilbing ‘kontrabida’ na abutin niya ang kanyang pangarap. Mula pa nu’ng mag-highschool siya ay pinangarap na niya ang maging manunulat kaya ng magkaroon ng scriptwriting workshop ay su

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status