“Hindi pa rin makontak ang asawa mo.” saad ng isang babae.
Kanina pa tinatawagan si Zack ngunit hindi ito makontak. Ilang ulit na itong kinokontak ngunit wala pa rin. Nakapatay ang telepono nito na para bang ayaw nitong isturbohin siya.
Para sa kanya ay ito ang lalaking mahal niya kaya hindi siya makapaniwala na wala itong puso.
Nandito si Selina sa ospital at nakahiga siya ngayon sa birthing bed. Mahigpit na nakakapit sa bakal na nasa kanyang tabi. Namumutla na siya at namimilipit sa sakit habang narinig niya ang tao na nasa labas ng delivery room at nagsasabi sa doktor na nagsasabi na kailangan mabuhay ng bata. Na kailangan iligtas ang bata na nasa kanyang sinapupunan dahil ito ang tagapagmana ng mga Miranda.
Habang nahihirapan siya ay bigla niyang naalala na ngayon pala, ngayon pala ang kasal ng ama ng kanyang anak. Ang kasal nito sa ibang babae. Sa babaeng sinasabi nito na mahal nito. Doble na ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Ang paghilab ng kanyang tiyan at pagdurugo ng kanyang puso. Na sa tingin niya ay mas masakit pa ang sakit pa ito kaysa sa panganganak niya.
Katunayan ay ang tanging nais lamang niya ang ang kanyang anak. Ang kanyang anak na nasa kanyang sinapupunan. Ang totoo ay may napili na rin siyang pangalan para sa bata at may napili na rin siyang mag-aalaga sa kanyang anak kung sakali man na may mangyari sa kanyang masama.
Kalokohan pero talagang naisip niya iyon. Natatakot siya na baka hindi niya kayanin ang nangyayari ngayon sa kanya.
Pilit niyang pinipigilan ang luha niya at ang sakit na nararamdaman niya. Dahil nararamdaman na niya na malapit na. Malapit ng lumabas ang bata. Hanggang sa tuluyan na niyang naramdaman na tuluyan na itong lumabas. Napahiyaw siya ng malakas dahil sa sobrang sakit. Inilapag sa kanyang tiyan ang bata at niyakap niya ito ng mahigpit at tuluyan ng bumuhos ang kanyang mga luha.
Nagulat siya dahil biglang bumukas ang pinto at may mga pumasok na tao. Nanginginig na si Selina at maputla na rin ang kanyang labi. Ngunit kailangan niya na protektahan ang sanggol. Poprotektahan niya ang kanyang anak kahit pa nahihirapan na siya. Kahit pa ano ang mangyari.
“Selina, ibigay mo sa akin ang sanggol na iyan! Kapag hindi mo siya ibinigay sa amin at kapag may nangyari na masama sa sanggol na ‘yan ay sigurado ako na papatayin ka ni Zack. Siya ang kapalit sa mga kasalanan mo sa ate ko. Siya ang kabayaran!” utos ni Rena.
“Kabayaran? Wala akong kasalanan sa kanya! Hindi ko siya sinaktan! Wala akong ginawa na masama sa kanya!” sigaw ni Selena kahit pa nanghihina na ito.
“Hindi naman mahalaga kung ikaw ba talaga o hindi dahil para kay Zack ikaw ang may kasalanan. Ikaw ang may gawa kaya naging lantang gulay ang kapatid ko. At ang batang ‘yan ang magiging dahilan para maging makapangyarihan ang ate ko at ikaw mabubulok ka sa kulungan. Kaya ibigay mo na sa akin ang bata! Akin na ang batang ‘yan!”
“Ilang beses ko ba dapat sabihin na hindi ako! Na hindi ako ang nanakit sa kanya! At hinding-hindi ko ibibigay ang anak ko sa ‘yo!” sigaw niya nang buong lakas.
Hindi niya ito ginawa. Kaya bakit ganito ang ginagawa sa kanya ni Zack? At mali siya dahil hindi niya pala kaya na kilalanin nang kanyang anak ang ibang babae bilang ina. Hindi niya dinala sa kanyang sinapupunan ng siyam na buwan ang bata para lamang sa iba. Dahil para sa kanya ang anak niya ang kayamanan niya.
Pilit niyang tinatawagan si Zack ngunit hindi niya pa rin ito makontak. Nagbabakasakali siya na baka mali siya. Na baka may awa pa ito sa kanya at baka matulungan siya nito. Hanggang sa may humablot sa kanyang kamay ng telepono at ito mismo ang pumutol sa tawag. Hinagis rin nito ang kanyang telepono dahilan para masira ito.
“Bakit mo sinira ang telepono ko?” galit na tanong ni Selina kay Rena.
“Sa tingin mo ba talaga ay may pakialam sa ‘yo si Mr. Zack? Isa ka lang laruan na kapag tapos na ay itatapon na. Sa tingin mo ba ay mahal ka niya? Sa tingin mo ba pipiliin ka niya? Kasi kung ako ang tatanungin mo ay mas pipiliin pa niya na i-divorce ka at magpakasal sa babaeng lantang gulay na nasa hospital. Ang babaeng karapat-dapat sa kanya. At ikaw isa ka lang pagkakamali ni Mr. Zack. Mas magiging malakas ang ugnayan ni ate kay Zack lalo na ngayon na ipinanganak mo na ang batang iyan.” natatawa na saad ni Rena.
Ang mga salitang kanyang narinig ay tuluyang nagbigay sa kanya ng kakaibang kurot. Sinampal siya ng masakit na katotohanan na sa loob ng tatlong taon nilang kasal ay wala pa lang silbi. Hindi niya inaasahan na ganito pala ka walang puso si Zack. At sobra siyang nasasaktan sa mga salitang sinampal sa kanya ni Rena. Dahil sa tingin niya ay tama ito.
Tumindi ang sakit na kanyang nararamdaman hanggang sa namimilipit na siya. Nararamdaman niya ang matinding paghilab ng kanyang tiyan at unti-unti niyang hinahabol ang kanyang paghinga. Hanggang sa sumigaw ang isang nurse na nasa loob ng silid. “Dinudugo siya!”
“Bilisan niyo! Kunin niyo na ang bata. Kapag naantala ang trabaho ni Mr. Zack ay malalagot kayo! Kailangan na nating bilisan!” malakas na sigaw ni Rena sa mga kasama nito.
At mabilis naman na inagaw ang bata kay Selina. Walang may pakialam sa kanya kahit pa tuluyan na siyang bumulagta at nawalan ng malay sa sahig. Walang may pakialam sa kanyang kamatayan. Para sa kanila ay hindi mahalaga ang buhay nito.
Walang may gusto pumirma sa inilabas na waiver ng hospital para kay Selina. Dahil ang tanging alam nila ay si Sarah ang nasa puso ni Zack. At ang anak ni Selina ay siyang susi para sa pag-angat ni Sarah.
Walang may pakialam sa safety ni Selina dahil kahit ang kanyang asawa na si Zack ay wala rin naman pakialam. Kaya bakit nila aalalahanin ang kaligtasan o kamatayan nito. Sa mga mata nila ay isa lang itong basura na itinapon na ni Zack Miranda.
The hospital declared her time of death. At tuluyan namang nilisan ni Rena ang ospital kasama ang bagong silang na sanggol. Nagkalat ang dugo ni Selena sa sahig na wala man lang taong natira sa buong silid. Ngunit bigla na lang bumukas ang pinto ng emergency room at pumasok ang isang nurse.
*****
Mabilis na lumipas ang mga taon at limang taon na ang lumipas.
Nasa isang tahimik na silid ang napaka-gwapong bata. Tahimik lang itong nakaupo sa kanyang kama. Sa gwapo niyang mukha ay may bakas ng pulang marka na mahahalata dahil na rin sa kanyang taglay na kaputian. Malungkot ang mga mata nito na nakatingin sa kanyang laruan na nasa kanyang tabi.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na nakasuot ng isang formal dress. She looks respected and classy. Halatang pinaghandaan nito ang araw na ito. Hindi ito ang karaniwang itsura niya sa regular na araw.
“Bakit nakaupo ka pa rin d’yan? Bakit hindi ka pa nagpapalit ng damit?” Tanong Rena sa batang si Zayn.
Tahimik lang at hindi tumugon ang bata sa kanya. Nakaupo pa rin ito sa kama at walang balak na gumalaw.
“Ang lahat ng bisita ay dumating na. Magbihis ka na ng iyong damit at sumunod ka sa akin sa ibaba.” mahinahon na pakiusap niya sa bata.
“Hindi ako bababa.” malamig na sambit ni Zayn na walang balak sundin ang nais ni Rena.
Lumapit si Rena sa bata. At pinipilit niya ito na magbihis na ng damit.
“Sabi ng isuot mo ito!”
“Ayaw ko!”
“Sige na, isuot mo na ito.” Malumanay na sambit ni Rena sa bata.
“Ayaw ko po.”
Dahil sa naging sagot ni Zayn ay napalitan ng inis ang ekspresyon ng mukha ni Rena. Mabilis niyang sinira ang building blocks na laruan ni Zayn at nagkalat ito sa sahig. Mabilis na tumulo ang mga luha ng bata dahil sa nangyari.
“Bakit mo po sinira, tita?! Nahirapan po akong buuhin ‘yan!” sigaw ni Zayn.
Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Rena sa kanyang narinig. Lalo na ang salitang “tita” na dahilan para mas lalo niya itong hindi magustuhan. Pero dahil rin na batang ito kaya nasa ganitong katayuan siya. Kaya pilit niyang pinipigilan ang galit na nararamdaman niya.
“Bibibigyan kita ng pagkakataon na magbihis kaya bumaba kana. Huwag mo ng hintayin na maubos ang pasensya ko.”
“I hate you!” sigaw ni Zayn at hinablot ang damit sabay tapon sa sahig.
Mabilis naman hinuli ni Rena ang kamay ng bata at sapilitan na pinaupo sa kama. “Makinig ka ng mabuti sa akin. Ako lang ang tanging nagmamahal sa ‘yo. Ang tanging kakampi mo at sa akin ka lang dapat sumunod. Wala akong pakialam sa kaartehan mo dahil maraming tao ang naghihintay sa labas. Kung ayaw mong sumunod sa akin ay itatapon kita sa kung saan. Maliwanag ba?!” may diin na saad ni Rena.
Ito ang kauna-unahang beses na nagdaos ng party para sa birthday ni Zayn. At para naman kay Rena ay ito na ang magandang pagkakataon para mapalapit siya kay Zack. Kaya hindi siya makakapayag na sirain ng batang ito ang kanyang kinabukasan. Na sirain na lang ni Zayn ang lahat ng kanyang plano at pagtitiis.
“Ayaw mong lumabas! Sige dito ka na lang! Hindi ka lalabas dito hangga’t hindi ka sumusunod sa akin!” sigaw ni Rena at mabilis na sinara ang pinto ng silid.
He locked up the young heir inside the dark room. Na nagdulot ng kakaibang takot sa bata. Dahil noong huling kinulong niya ito ay may mga ipis na naglabasan sa silid. Mabilis na tumakbo si Zayn sa may pintuan at kinalampag niya ito.
“Tita, natatakot po ako! Ayaw ko po dito!” umiiyak ito habang patuloy na hinahampas nang kanyang maliit na kamay ang pinto.
“Palabasin niyo po ako! Huhuhu! Natatakot po ako. Please po, tita! Magpapakabait po ako..”
Ang ganda ng lakad ni Rena habang pababa sa may hagdan. Natatanaw niya ang mga tao sa baba. Ang mga bisita na naghihintay sa pagbaba ng nag-iisang anak ni Zack. Ngunit mula sa baba ay maririnig ang matinis na pag-iyak ni Zayn na pumukaw sa atensyon ng mga bisita na naroon.“Wala bang balak na tumigil sa pag-iyak ang batang ito? Sa totoo lang ay naiirita na tainga ko sa kanya. Wala siyang pagkakaiba sa tunay niyang ina. Nakakaubos siya ng pasensya. Isa rin siyang basura.” saad ni Wanda.“Mom, hindi mo dapat sinasabi ang mga kalokohan na iyan. Wala siyang kinalaman sa basurang ‘yon dahil anak siya ng kapatid ko. Si Zayn ay anak ng ate ko,” saad ni Rena sa kanyang ina.Kaagad namang natigilan si Wanda nang marealize niya na dapat hindi niya sinasabi ang mga ganoong salita. Kaagad siyang tumingin sa paligid at mabuti na lang ay walang nakarinig sa kanya. Ayaw rin naman niya na malaman ng ibang tao ang tunay na pagkatao ni Zayn. Dahil magiging katapusan ito ng pamilya nila. “Wala pa ba si
Napasinghap ang mga tao sa paligid. Hindi sila makapaniwala sa mga tinuran ni Selina. Hindi inaakala ng direktor na ganitong mga salita ang lalabas sa bibig ng isa sa mga mahusay nilang doktor. The highest paid doctor of this hospital is careless about her words.Kahit si Rena ay hindi makapaniwala sa kanyang narinig mula sa mapangahas na babae. Hindi niya inakala na may naglalakas ng loob na kumalaban kay Zack.“Sino ka sa tingin mo para kausapin ng ganito si Mr. Zack? Hindi mo ba siya kilala? At bakit mo ba inaantala ang operasyon sa senyorito? Kapag may mangyari sa kanya ay hindi sapat ang buhay mo para maging kabayaran sa buhay niya.” matapang na saad ni Rena sa doktor.“Kung gusto mo ay ikaw na ang gumawa. Kung kaya mo lang naman.” kaagad naman na sagot ni Selina na may kasamang pang-uuyam.Hindi naman makapaniwala si Rena sa kanyang narinig kaya mabilis niyang hinawakan ang braso ni Zack.“Mr. Zack, narinig mo ba ang sinabi ng babaeng ito? Kapag may mangyari na masama kay Zayn ay
Ang bawat tao na nakaka-salubong ni Zack ay ramdam ang nakakatakot na aura nito. Para itong haring naglalakad sa kanyang kaharian. Nais niyang kausapin ang matapang na doktor na may lakas ng loob para kalabanin siya. Ang sinasabi nilang bagong doktor.Siya ay isang bagong batang doktor na kakarating lang sa bansa. Pero kahit pa gaano siya kagaling ay walang magtatanggol sa kanya. Lalo na tinanggihan niya noong una ang operasyon ng tagapagmana ng mga Miranda. Naging successful man ang operasyon ay hindi siya ipagtatanggol ng kahit na sino at kailangan niyang harapin ang ipapataw na parusa ni Zack. Ang taong walang pinapalampas.Walang pasabi na tinulak ni Zack ang pinto ng opisina ni Selena.“Sino po ang hinahanap niyo, Sir?” magalang na tanong ng nurse na naka-duty.“Where is Dra. Enna?” malamig pa rin ang paraan ng pagkakatanong nito.“Lumabas lang po siya sandali. Ano po pala ang kailangan niyo sa kanya?”Tahimik lang si Zack at hindi sinagot ang tanong sa kanya ng nurse. Nahagip ng
Lihim na napalunok si Selina pero hindi ito halata dahil sa balabal na gamit niya. Nasa harapan niya ngayon ang lalaking nakaupo sa kanyang upuan. Malamig na nakatingin sa kanya. Ang tingin na anumang oras ay bubulagta na siya. Nag-uumapaw ang kapangyarihan sa mga mata nito. Na walang kahit na sino ang may gusto na makipag titigan.Makikita na kahit naiinip na ito ay matiyaga pa rin itong naghihintay sa doktor. Nakasuot pa rin si Selina ng balabal at tanging mata lamang niya ang nakikita. “Bakit ka narito, may kailangan ka ba Mr. Miranda?” kalmado na tanong niya sa lalaki.“Nagpapanggap pa rin?” chill na tanong nito sa kanya.Napatingin si Selina sa calling card niyang nasa ibabaw ng mesa. Enna Perez ang ginamit niyang pangalan.“Ano ba ang ibig mong sabihin?”“Sa tingin mo ba ay maloloko mo ako sa pagpapanggap mo? Kahit pa itago mo ang mukha mo sa akin!” mabilis na hinila ni Zack ang palabal niya at lumitaw ang buong mukha niya.“Sinasabi ko na nga ba. Tama ako!” tiim bagang na saad
Nararamdaman ni Selina ang pananakit ng kanyang siko at kamay. Hindi niya tuloy maasikaso ang iba niyang pasyente. “Dok Jerrick, pasensya ka na talaga kung naabala pa kita.” nahihiya na sabi niya sa doktor.“Okay lang, ‘wag mong isipin ‘yon. Okay lang naman din kay direktor eh.” nakangiti na sambit ng doktor.“Oo naman, walang problema. Alam ko naman na kaya mong gawin ng maayos ang mga surgeries na dapat ay kay Dok Enna.”“Salamat po. Pero alam naman natin na pagod si Dok Enna sa mga surgeries na ginawa niya kahapon. At mukhang sumusobra na ang mga Miranda sa ginawa nila kay Dok. Wala man lang ba tayong gagawin sa ginawa niyang pananakit kay Dok Enna?” biglang sambit ni Jerrick.Napabuntong hininga na lang ang Direktor dahil kahit siya masakit na ang ulo dahil sa nangyari. Pero ano nga ba ang magagawa niya laban sa mga Miranda. Makapangyarihan ang pamilyang ito.“Guys, palagi niyo sanang isipin na ang majority shareholder ng hospital natin ay ang pamilya Miranda. Kaya sa tingin niy
Nakatingin lang si Selina kay Rena. Ayon sa mga nalaman niya ay kilala ito bilang isang mabuting babae. Bilang isang maalaga at mapagmahal na tiyahin ni Zayn. Na anak ang turing niya sa bata. Ito ang pilit na paniniwala ng mga tao sa labas. Na ang babaeng nasa kanyang harapan ay ang babaeng pinaka-mabuti sa lahat.Ngunit iba ang nakikita ni Selina sa mga mata ni Zayn. Nakikita niya na natatakot ang bata kay Rena. Alam niya na ginagawa ng babae ang lahat para walang may makaalam sa totoong pagtrato niya sa bata.Ngunit may mga tanong siya na nais niyang malaman ang kasagutan at isa na doon ang tanong na. Bakit natatakot si Zayn sa kanyang tiyahin? Anong ginagawa niya sa bata? “Zayn, makinig ka ng mabuti and always remember na ako lang ang kakampi mo. May mga tao na magpapanggap na mabait sa ‘yo dahil nais ni lang mapalapit sa daddy mo. Pero ang totoo itatapon ka lang nila kapag may pagkakataon. No one understands you, only me. Ako lang ang tanging tao na nagmamahal sa ‘yo kaya makini
Natigilan si Selina sa kanyang narinig. Hindi niya akalain na ilalayo nito ang anak niya at pinag-babantaan pa siya si Zack.“Anak ko siya. Alam natin pareho kung sino ang tunay niyang ina. Kaya bakit mo ako pinag-babantaan?” may diin na sambit ni Selina na sapat lamang na marinig ni Zack.Balewala lang kay Zack ang sinabi ni Selina. Malamig na tingin lang ang ibinigay nito sa kanya. Harap-harapan nitong ipinapakita kung sino siya at kung ano ba ang kaya niyang gawin. Nakaramdam man ng takot ay hindi nagdalawang isip si Selina na damputin ang tumbler na may lamang tubig at hinagis niya ito kay Zack.Kaagad namang sinalag ng lalaki ang tumbler at bumagsak ito sa sahig. Dahilan para makalikha ng ingay na kumuha ng atensyon ng mga tao sa labas.“Sana ikaw na lang ang nasa kalagayan niya ngayon. Hindi dapat ikaw ang naging ama niya.” nanggigigil na sambit ni Selina.“Iyan ba ang gusto mo?” tiim bagang na tanong niya.“Oo, dahil hinahayaan mo lang siyang palakihin ng mga masasamang tao.” ma
Hindi umalis sa ospital si Zack at binantayan niya ang anak niya. He wants to spend his time with his son kahit ilang oras lang. Aminado siya na nawalan siya ng oras sa kanyang anak dahil na rin sa trabaho at dahil na rin sa naging kampante siya na inaalagaan ang kanyang anak sa bahay ng mga Ramirez. Simula kasi noong sanggol ito ay ang mga Ramirez na ang nag-aalaga kay Zack. Wala naman siyang naging problema dahil na nakikita naman niya na maayos ang pagpapalaki ng mga ito kay Zayn. Mabait at masunurin itong bata. Wala siyang natatanggap na sumbong mula kay Rena na nahihirapan ito sa pag-aalalaga sa bata. Kaya ngayon ay hindi siya makapaniwala na tumalon ito sa bintana. pagkatapos nitong msgkulong sa silid nito. Nakatulog na si Zayn kaya naman lumabas na muna si Zack sa VIP room. Naglakad-lakad ito at sa ‘di kalayuan ay natatanaw niya ang babaeng matagal niyang hindi nakita. Ang babaeng inakala niyang patay na. Perobngayin ay bigla na lang niya itong nakita dito sa ospital at
“Ako miserable?” tanong ni Zack sa kanyang sarili dahil sa narinig niya mula sa bata na nasa kanyang harap.“Oo, miserable ka! Hindi ka masaya sa buhay mo kaya gusto mo rin na ganun ang mommy ko. Na ganun kami, pinapaniwala mo si Zayn sa isang kasinungalingan kahit pa ang totoo ay ang mommy ko ang mommy niya. Makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo at mahalaga sa ‘yo. I hate you! I hate you so much!” sigaw nito sa kanya.“Tristan,” may diin na sambit ni Zack sa pangalan nito.“Kung iniisip mo na sasabihin ko sa ‘yo kung nasaan si Zayn ay hindi ko ‘yun gagawin. Mas gugustuhin ko pa na mabulok dito para naman makasama ng mommy ko ang kapatid ko. Ang anak na ipinagkait mo sa kanya. Isa kang masamang tao, makasarili at madamot ka.”“Tristan, I’m still your father.” saad niya.“You’re not my dad. Wala akong daddy na kasing sama mo. Kinamumuhian kita, mas gugustuhin ko pa na lumaki na walang daddy kaysa ikaw ang maging daddy ko. Si Zayn lang ang anak mo at hindi mo ako anak,” sambit ni
“Go na, mom.” sabi ni Tristan kay Selina.“I can’t, hindi kita iiwan dito.” sambit ni Selina.“Umalis ka na, mom. Trust me, hahanapin kita. Mahal na mahal kita, mommy. Sabihin mo rin kay Trina na mahal ko siya.” nakangiti na sabi ni Tristan ngunit may luha ang kanyang mga mata.“Tristan, don’t do this.” sabi ni Selina.“I have to do this mom. Tama na po, tama na po na nahihirapan ka. Simula noon hanggang ngayon ay nahihirapan ka pa rin ng dahil sa amin. Kaya tama na po,” umiiyak na sabi ni Tristan.“Baby, don’t say that. Mas mahalaga pa rin sa akin na safe kayo. Dibale ng ako ang mahirapan. Huwag lang kayo, i’m sorry Tristan. I’m sorry, anak.”“Mom, alis ka na po please.” “What are you waiting for? Leave now,” sabi ni Zack na kakapasok lang ulit sa silid.Ilang minuto na kasi ang lumipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Selina kaya muli na naman siyang umakyat sa silid nito.“Hindi ako aalis, hayaan mong umalis ang anak ko. Ako na lang ang pahirapan mo pero hindi ko hahayaan na maiwa
“What are you talking about? Anong hindi ikaw si Zayn? Itigil mo na ito—”“You heard me. Hindi ako si Zayn at kahit kailan ay hindi ako si Zayn. Dahil ako si—”“Ano bang sinasabi mo? Tanong ni Zack sa kanyang anak dahil naguguluhan siya.“Hindi ako si Zayn.”“Tigilan mo na ito,” sabi ni Zack.“I’m telling the truth, hindi ako si Zayn.”“Tristan, stop it.” umiiyak na sambit ni Selina sa kanyang anak.“No, mom. I think it’s time for him to know the truth. I’m sorry, mom pero ginagawa ko ito para sa ‘yo.” umiiyak na sambit ni Tristan.“Please, don’t do this.” sambit ni Selina pero wala ng balak na umatras si Tristan.“What are you talking about? Stop this nonsense now.” sabi niya.“Hindi ako si Zayn dahil isa lang naman ako sa mga anak mo na inabandona mo.”“What the–”“Hindi ka naniniwala? Sa tingin mo magaling na talaga ang tunay na Zayn. Ang anak mong iyakin na inaapi ng tiyahin niya. Sa tingin mo ako talaga siya? Hindi ako si Zayn dahil ako si Tristan. Tristan ang tunay kong pangalan.
“Tristan?” sambit ni Selina dahil nakita niya ang kanyang anak.Hindi siya nagkakamali dahil si Tristan ang nakikita niya ngayon. Mabilis siyang lumapit sa may mini balcony. Nais niyang kumpirmahin kung si Tristan ba talaga ang nakikita niya at hindi si Zayn. pinagmasdan niya ito ng mabuti at hindi talaga siya makapaniwala na narito ang anak niya.“Tristan, ikaw ba ‘yan?” tanong niya sa kanyang anak na ngayon ay umiiyak. Nag-unahan rin na pumatak ang kanyang mga luha. Nais niya itong yakapin ng mahigpit pero hindi niya magawa dahil nakakulong siya dito.“Mommy,” umiiyak na sambit nito.“Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka niy–”“Shh… ‘wag ka pong maingay, mommy.” sabi nito sa kanya.“Umalis ka na dito. Baka makita ka niya, hindi ka niya puwedeng makita. Please, umalis ka na anak.” pagtataboy niya sa kanyang anak dahil natatakot siya na baka makita ito ni Zack at tuluyan ng mawala sa kanya ang dalawa niyang anak. Hindi na niya kakayanin pa kapag lahat ng anak niya ay nawala sa kanya
Lumipas ang mga araw. Walang nagbago sa pakikitungo ni Tristan kay Zack. Sasagot lang siya kapag tatanungin siya nito pero hindi na niya ito pinapansin o kinakausap kapag nakasagot na siya. Katunayan ay pinipilit lang niya ang sarili niya na kausapin ito kahit na ang totoo ay galit talaga siya sa lalaki. Ngayon niya kasi napatunayan na ubod ito ng sinungaling at walang puso. Hindi niya tuloy maiwasan na makaramdam ng awa sa tunay na Zayn kung ganito ang ama na kasama nito. Naisip ni Tristan na maswerte pa rin siya na ang mommy niya. Na maswerte at masaya sila ni Trina sa piling ng kanilang ina. Ang kanyang mommy na miss na miss na niya. Kaya biglang naging malungkot ang kanyang mga mata habang nakatingin sa tv na narito sa may living room.Napapansin rin ito ni Zack at nag-aalala na siya. Alam niya na may kakaiba sa anak niya. Hindi ito ang anak niya noong mga nakaraang araw. Ang lamig nito sa kanya na kulang na lang ay hindi siya nito kausapin na para bang wala itong pakialam kung
“Tell me, bakit po may picture na kasama mo si Dok Enna?” tanong ni Tristan kay Zack.“This is nothing,” tiim bagang na tanong ni Zack.“Really? Hanggang kailan mo ba siya itatanggi?”“What are you talking about?” “Akala mo ba talaga ay tanga ako, daddy? Dahil ba bata lang ako kaya ganyan ka sa akin. Mabuting tao siya pero nasaan na siya? Saan mo na naman siya tinapon? Iyan na lang ba ang alam mong gawin? Ang itapon na lang siya palagi. Kapag hindi mo pa rin siya pinalabas sa kung saan mo siya tinago ay ako na ang hahanap sa kanya at iiwanan kita. Sasama ako sa kanya,” sabi niya bago siya lumabas sa opisina ng lalaki.Galit si Tristan sa kanyang ama. Ang demonyong lalaki sa paningin niya. Hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanyang mommy lalo na sa kanila ng mga kapatid niya. Ang nais niyang matulog sa tabi nito ay hindi na niya ginawa. Mas pinili na lang niyang sa silid ni Zayn matulog.“Zayn,” narinig niya na tawag nito pero mas pinili niya na magpanggap na tulog. Wala siy
Ilang sandali pa ay may narinig siya na tunog ng sasakyan kaya napahinga siya ng malalim. Hinahanda niya ang kanyang sarili sa paghaharap nila ni Zack. Hanggang sa bumukas na ang main door at pumasok na ito. Walang emosyon siyang nakatingin sa lalaki.Napansin ito ni Zack kaya siya nagtataka ngunit bigla na lang ngumiti si Tristan at mabilis na tumakbo papunta sa lalaki.“Daddy!” masigla nitong bigkas at mabilis na nagpa-karga sa kanyang ama.Napangiti naman si Zack dahil ang lambing ng kanyang anak. Ito kasi ang unang beses na sinalubong siya ni Zayn ng ganito. Ang buong akala niya ay namamalikmata lang siya kanina na masama ang tingin nito sa kanya ngunit hindi naman pala dahil nakangiti ito ngayon at hinalikan pa siya nito sa pisngi.“It’s late na kaya bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya sa kanyang anak.“Hindi pa po ako inaantok, daddy. Hinintay po kita kasi gusto ko po sabay tayong kumain. Ikaw po ba ay kumain na?” tanong ni Tristan kay Zack.“Hindi pa nga eh, eat na tayo.”
“Sorry po, uncle.”“Ilang beses ko ba dapat sabihin na bawal kang lumabas.”“Sorry po, hindi na mauulit.” sambit ni Zayn.“Aasahan ko ‘yan, Tristan.” saad ni Josh at pumasok na sa kusina ngunit kaagad rin na bumalik.“Kumain ka na ba?” tanong niya sa kanyang pamangkin.“Hindi pa po,” sagot ni Zayn dahil gusto niyang kumain ng pagkain na luto ng tito ni Tristan. Nasarapan kasi talaga siya sa luto nito. Kaya naman ay excited ulit itong matikman ang luto ni Josh.“Tara na sa loob, kumain ka na. Sigurado ako na gutom ka sa katigasan ng ulo mo,” sambit pa nito.Tahimik naman na sumunod si Zayn sa lalaki. Nang makarating sila sa dining room ay pinaupo siya nito sa upuan at naghain ito ng pagkain para sa kanya. Habang nakatingin si Zayn sa pagkain na nasa harapan niya ay hindi niya pinahalata na hindi niya ito kilala.“Ayaw mo ba sa pagkain?” tanong ni Josh.“Gusto ko po,” sagot niya at kumain na siya at nagsimula na siyang kumain. Habang nakatingin si Josh sa kanyang pamangkin ay napangit
“Posible ba ‘yun?” tanong ni Zayn.“Magkamukha tayong dalawa at hindi nila malalaman. Kung sakaling papayag ka ay kailangan mong umuwi sa bahay namin. Pero maiiwan ako dito,” sabi ni Tristan sa kanya.Matalinong bata si Tristan. Ginagamit niya ang kanyang utak para makita at mahanap niya ang kanyang ina. Wala siyang balak na sumuko lalo na narito na siya sa loob.“Ano, papayag ka na ba?” tanong niya kay Zayn.“Hindi ba tayo mahuhuli?” “Kung sasabihin mo sa kanila na ikaw si Zayn ay sigurado ako na malalaman nila. Pero kung mananahimik ka at magpapanggap na ako ay hindi nila malalaman.” sagot ni Tristan sa kanyang kapatid.“Sige, payag na ako. Basta ipangako mo sa akin na mahahanap mo si Dok Enna. Make sure na safe siya para pagbalik ko ay makasama ko siya. Sorry, alam ko na kasalanan ito ng daddy ko. Patawarin mo rin ako kung wala akong nagawa para iligtas siya. Pangako, gagawin ko ang lahat para magampanan ko ng maayos ang katauhan mo.”“Aasahan kita. Magtulungan tayo para makita na