Hinawakan ni Scott kamay ni Kendall at tiningnan niya ito sa mata ng seryoso. "Hindi ka ba pinahahalagahan ng tatay mo? Ginagawa ka lang ba niyang gatasan para yumaman? Kahit malalaki na tayo, tutuparin ko pa rin ang ipinangako ko sayong poprotektahan kita!"
Pilit na ikinubli ni Kendall ang katotohanan kay Scott, "promise, okay lang ako. My life is not perfect pero blessed pa rin naman ako. Walang ginagawang masama ang papa ko, wala kang dapat ikabahala!"
Kitang kita pa rin ni Scott sa mga mata ni Kendall na para bang may gusto itong sabihin pero pinaniwalaan na lamang niya ang sinabi nito at nagpatuloy lamang sa pag usisa sa buhay ng kanyang kaibigang artista.
"Kamusta naman ang pagiging artista?"
"Eto, normal nang may umiistorbo sayo kapag nasa public places ka. Mabuti na lang talaga at marunong akong mag disguise kasi kung hindi may nakabuking na sa atin!"
"Pero marami ka namang pera at saka alam mo sa sarili mong marami kang kaibigan!"
"Malaki naman talaga ang kinikita ng mga artista pero hindi naman totoo na marami kang kaibigan sa showbiz. Kagaya ko, marami man akong nakakatrabaho, pero ni minsan hindi ako sumasama kapag may nag-aya sa akin sa birthday party man or kahit na anong occasion."
"Ayaw mo or ayaw ng tatay mo?"
"Ayaw ko lang, nakatutok lang talaga ako sa work ngayon!"
Nag suggest naman si Scott na iwasan ni Kendall ang matinding pagtatrabaho, "Try kaya natin lumabas ng mas madalas? Nakaka stress naman kasi na puro ka lang trabaho, marami na ang nabubuang sa ganyan!"
Wala namang nakitang problema rito si Kendall at gusto rin naman niyang bumawi sa kanyang matalik na kaibigan. "Sure, wala naman sigurong masama. Basta hahanap ako ng schedule para magkita tayo!"
Abot langit naman ang ngiti ni Scott ng pumayag si Kendall sa gusto niya. Simula nito ay gumawa ng paraan si Kendall at nakikipagkita ito ng gabi sa binata bago umuwi sa kanyang mansyon. Naging mas malapit sila sa isa't at hindi maiwasan ni Scott na mahulog ang puso nito sa kanyang matalik na kaibigan kaya naman bago sila magkita, bumili ito ng bulaklak at chocolate na labis na ikinagulat ni Kendall.
"Wow, bakit may flowers at chocolate?" Tanong ni Kendall na nagtataka pero alam naman niya sa sarili kung ano ang ibig sabihin neto
Nagpaligoy ligoy muna si Scott sapagkat hindi nito alam ang magiging reaction ni Kendall sakaling aminin niya na may gusto siya rito. "A-ah, kasi alam mo, matagal na rin tayong nagkikita at siyempre, hindi maiiwasang... Alam mo na, kasi iba ang dating kapag may lalaki at babaeng mag bestfriends so, gusto ko lang sabihin na nahulog na ang puso ko sayo!"
Bumilis ang tibok ng puso ni Kendall sa kanyang narinig, nag blush ang mga pisngi nito at wala siyang ibang nakita kung hindi ang maaliwalas na ngiti ni Scott. Inabot ng sampung segundo bago ito nagsalita ulit.
"S-sigurado ka ba? B-baka naman nami-misinterpret mo ang feelings mo sa akin?" Nauutal na sabi ni Kendall.
Lumapit si Scott kay Kendall at hinawakan ang kamay nito. Kapansin pansin sa kanyang mga mata ang nag-aalab na pagmamahal nito para sa dalaga. "Alam ko na imposibleng magustuhan mo ang isang katulad ko na kailangang kumayod at magbanat ng buto para lang makapag aral ako. Samantalang ikaw, hindi ka man nakapagtapos ng pag-aaral, pero naging maganda naman ang buhay mo at naiahon mo ang pamilya mo sa hirap. Kaya lang, ayaw ko maging torpe kasi baka pagsisihan ko kung maunahan ako ng ibang lalaki!" Mahabang paliwanag ni Scott.
"Salamat naman at ipinagtapat mo sa akin ang totoo mong nararamdaman, pero alam mo naman si-"
Pinutol ni Scott ang pagsasalita ni Kendall dahil alam na nito kung ano ang susunod na sasabihin ni Kendall. "Dahil sa papa mo? Bakit, kasi ayaw ka niyang pakawalan? Natatakot siyang mawalan ng kita? Ayaw ka niyang maging masaya?"
"Hindi naman sa ganoon, Scott! Kilala ko kasi si Tatay, gusto lang niyang mapabuti ang lagay ko!"
Pumalag na si Scott sa kasinungalingan ni Kendall. "Pasensya ka na Kendall, hindi kasi 'yan ang nakikita ko sa mga mata mo! Bakit hindi ka kumawala sa demonyong mong tatay?"
Tumulo ang luha sa mga mata ni Kendall at napansin lamang niya ito ng bigyan siya ng panyo ni Scott na humingi ng tawad sa kanyang nasabi.
"Sorry kung nasabi ko 'yun, nakikita ko kasi na tikom lang ang bibig mo sa mga nangyayari. I guess, matindi talaga ang takot mo sa tatay mo!"
Pinunasan ni Kendall ang luha sa kanyang mga mata, subalit pilit niya pa ring ipinaglalaban ang kanyang kasinungalingan. "Pramis, mabait si papa pero sadyang strict lang niyang tao. Alam ko namang ginagawa niya lang ang best para sa akin!"
"Sige, paniwalaan mo lang ang sarili mo hanggang sa isang araw, ikaw ang makakapag realize na hindi 'yan totoo!"
Iniba na lang ni Kendall ang usapan dahil nararamdaman niyang nag-iinit na ang ulo ni Scott.
"Siya nga pala, maraming salamat sa flowers and chocolate!"
"Wala 'yun, pero bago ko pala makalimutan, magiging busy na ako sa school. Sobrang stress na nga ako sa dami ng gagawin namin!"
"Okay, wala naman kaso sa akin basta pagbutihan mo ang pag-aaral mo and good luck, alam ko na magiging abogado ka someday!"
"Yes, and sana single ka pa rin kapag nangyari 'yan!"
"Oo naman, nandito lang ako palagi sa tabi mo!"
Naging masaya ang kanilang pag-uusap. Pag uwi ni Kendall sa kanilang mansion, nadatnan niyang nasa pinto ang kanyang ama at tila ay naghihintay ito, napansin ng kanyang ama na si Ahron na ang saya saya ng kanyang anak ng mag bless ito sa kanya. "Ano ang meron? Bakit parang in love ka yata?"
Unting unti nawala ang sigla ng mukha ni Kendall sa tanong ng kanyang ama. "A-ah wala po, masaya lang po talaga ngayon sa set namin!" Pagsisinungalin niya.
"Pumasok ka na sa loob, kakain na tayo ng dinner!" Pag-uutos ng kanyang ama.
"No thanks, kumain na po ako kanina, excuse me po!" Sabi ni Kendall sabay pasok sa loob ng mansyon.
Nahalata ni Ahron na nagsisinungaling lamang ang kanyang anak. Kaya naman, tinawagan nito ang manager ni Kendall na si Madison upang kumpirmahin kung pumunta ba talaga ito ng kanyang taping at agad naman itong sumagot sa kanyang tawag.
"Hello, good evening Ma'am Madison!"
"Hi, Mr. Ahron! Malalim na ang gabi, bakit ka napatawag?"
Hindi na nagpaligoy ligoy pa si Ahron and tinanong kaagad nito si Madison kung umattend ba ng taping ang kanyang anak. "Napatawag po ako kasi gusto ko lang malaman kung pumasok ba sa trabaho si Kendall?"
Sumagot naman kaagad si Madison sa kanya. "Oo naman, kaya lang 6 pm siya nag out sa work which is very unusual. At saka para siyang nagmamadali kanina at mayroon siyang ka chat! Bakit, hindi pa ba siya nakakauwi?"
"Nakauwi naman po, sa katunayan nga, kakauwi lang niya! Mukhang binusog niyo po kasi!"
"What? Hindi naman kami kumain ng dinner after ng taping, baka naman lumabas at nakipag date?"
Kumulo ang dugo ni Ahron ng narinig niya ito at pinatay niya kaagad ang telepono ng walang paalam kay Madison. Inobserbahan niya ang bawat galaw ni Kendall upang matiyak kung mayroon itong tinatago. Nahalata ni Kendall ang ginagawang pag stalk ng kanyang ama kaya mas nag ingat ito para hindi siya mahuling nakikipagkita kay Scott.
Dumating ang pandemic sa Medieval at nagkaroon ng matinding crisis kaya lock in taping ang naging solusyon para matuloy nila ang kanilang teleseryeng ginagawa. Pansamantala munang nagpaalam ni Kendall sa kanyang ama na magi-stay ito sa isang hotel. Nagkataon namang malapit ito sa tinitirahan ni Scott kaya personal siyang binisita ni Kendall.
Nahihiya si Scott kay Kendall dahil sa gulo at liit ng kanyang bahay. "Pasensya ka na Kendall, alam kong hindi ka na sanay sa buhay mahirap!"
"What? Hindi naman ako ganoong tao, Scott. Actually, wala naman talagang nagbago sa akin kahit malayo na ang narating ko sa buhay!"
"Meron kaya!"
"At ano naman 'yun?"
"Lalo kang gumanda!"
Namutla si Kendall sa sinabi ni Scott. "Binobola mo ako eh!"
Lumapit si Scott kay Kendall at bigla nitong hinalikan ang kanyang kamay sabay tingin sa mukha niyang parang anghel at nag init ang katawan nito. "Hindi ako nagbibiro, totoo ang mga sinasabi ko sayo!"
Lumakas ang kabog ng dibdib ni Kendall ng lumapit si Scott lalo sa kanya. Nag maang maangan ito na hindi alam ang mga susunod na mangyayari. "A-anong g-ginagawa mo, Scott?"
"Relax ka lang, ako ang bahala sayo!" Mahinang sabi ni Scott kay Kendall.
"Teka, hindi-"
"Psssst, wag kang maingay. Ipaubaya mo lang sa akin ang sarili mo! Gusto ko lang na tanggalin ang stress natin sa katawan!" Pagpuputol ni Scott.
Hinawakan ni Scott ang kamay ni Kendall at inaya ito sa kanyang kwarto. "Tara sa kwarto, ako lang mag-isa ang nandito ngayon!"
Kusang gumalaw ang katawan ni Kendall at sumama ito sa kwarto ni Scott. Pagpasok nila sa loob, agad nilock ni Scott ang kwarto at itinulak si Kendall papunta sa kanyang higaan at pumatong. Agad niyang sinunggaban ng halik ang mapulang labi ni Kendall na hindi magawang pumalag sa ginagawa sa kanya. Hayok na hayok si Scott at ramdam na ramdam ni Kendall ang sandata nitong handa nang sumabak sa kanilang bakbakan. Dahan dahang bumaba ang halik ni Scott sa leeg ni Kendall at binasa niya ito ng kanyang laway. Tanging ungol lamang ang nagawa ni Kendall habang pinapaligaya siya ni Scott.
Matapos magsawa sa leeg ng dalaga, tinanggal ni Scott buttons nito at tumambad sa kanya ang dalawang bundok ni Kendall. At ng hawakan niya ito, napalakas ang ungol ng dalaga.
"Ahhhhhhh!"
Tinakpan ni Scott ng kamay ang bibig ni Kendall. "Wag kang maingay, baka may makarinig sa atin. Marami ang chismosa rito sa barangay!" Bulong niya.
Matapos ng matinding bakbakan, natulong silang magkayakap. 3 am, naalimpungatan si Kendall kayabumangon si Kendall at nagbihis, bagay na ikinagulat naman ni Scott."Saan ka pupunta Kendall?" Sambit ni Scott na napabangon ng walang saplot, matigas parin ang kanyang alaga."Uuwi na ako Scott, baka magalit ang papa ko!" Maluha luhang sabi ni Kendall.Niyakap ni Scott si Kendall at ramdam nito ang matigas pa rin na alaga ng binata."Kitang kita ko ang takot sa mga mata mo Kendall, hanggang kailan ka magpapaalila sa tatay mo?"Humarap si Kendall kay Scott. "Hindi mo naiintidihan ang sitwasyon ko Scott, mahirap ang kalagayan ko at hindi na ako makakawala sa tatay ko!"Hinawakan ni Scott ang malambot na pisngi ni Kendall. "Alam mo ba kung ano ang madalas na ituro sa akin ng yumao kong lola?"Hinawakan ni Kendall ang kamay ni Scott, pumikit ito at dinama ang malambot na kamay ng binata bago ito nagsalita ng pabulong. "Ano?"Pumatak ang luha sa mga mata ni Scott dahil dama niya ang hinagpis n
Wala nang nagawa pa si Kendall kung hindi sundin ang gusto ng kanyang ama. Kinabukasan, 12 pm, nagtungo sila sa starbucks sa isang mall sa makati umorder sila ng apat na chickenpot pie. Bihis na bihis si Kendall at suot nito ang mamahaling hikaw, kwintas at bracelet. Suot din niya ang kanyang hermes na damit at pantalon, namumula rin ang kanyang labi sa kanyang lipstick at talaga namang mas lalo siyang gumanda sa kanyang make-up. Kung tutuusin, milyon milyon ang halaga ng kanyang kabuuang suot. Hindi rin nagpatalo ang kanyang katabing ama na milyon din ang suot.Hinawakan ni Ahron ang kamay ni Kendall ng mahigpit, napatingin si Kendall sa kanyang ama na nanlilisik ang mga mata. "Ako lang ang magsasalita Kendall, wala kang ibang gagawin kung hindi ang ngumit at makinig sa usapan namin ni Ma'am Madelyn! Sa oras na makita kong malungkot ang mukha mo, mayroon kang kalalagyan sa akin, naiintindihan mo ba?""Opo, dad!""Ine-expect ko na pipirma ka ng kontrata ngayon at kailangan na maka adv
Umalis na lamang si Kendall ng walang atubili at paalam, bagay na ikinagulat ng kanyang ama at nila Madelyn."Teka napapansin ko na parang ang tamlay ni Kendall ngayon? Okay lang ba siya?" tanong ni Madelyn.Mainit man ang ulo si Ahron subalit hindi niya ito masyadong ipinahalata kay Madelyn. "Sa totoo lang, hindi ko rin mawari ang ganoong ugali ni Kendall, may times talaga na bigla bigla siyang nagwa-walk out!"Nabahala naman dito si Madelyn. "Naiintindihan ko naman kung stress siya, pero munting paalala lang ha... Bawal kasi ang ganitong attitude lalo na sa shooting namin, kailangan maipakita niya ang professionalism lalo na't medyo may kasungitan ang director na kukuhain ko!""Wag kayong mag-alala, Ma'am Madelyn! Kakausapin ko ang anak ko at nakasisiguro po ako na hinding hindi niya 'yan gagawin sa taping, and baka mag hired din po ako ng security guards para masigurado na hindi siya tatakas sa set!" sambit ni Ahron na halatang nanggigigil sa ginawa ni Kendall."Nakakasakal naman y
Sa kalagitnaan ng masayang pag-uusap nila Scott at Kendall, bigla namang tumawag ang kanyang sakim na ama. Halos pagpawisan na naman siya ng husto dahil dito."Natawag ang sakim mong ama?" tanong ni Scott na kitang kita kung paano kabahan si Kendall."Scott, sa susunod nalang tayo ulit mag-usap... pasensya ka na at kailangan ko talagang sagutin ang tawag ni daddy!""Sige, gusto mo bang ihatid na kita sa shooting?""No, magta-taxi na lang ako! Pasensya ka na!"Dala ang kanyang bag, umalis si Kendall at naiwang mag-isa si Scott. Nang makalayo na si Kendall ay sinagot na niya ang tawag ni Ahron."Dad, I am sorry medyo trapik lang po talaga ngayon kaya bigla akong nagmadali!" pagsisinungaling ni Kendall.Hindi na nakapagtimpi pa si Ahron na agad sumakay sa kanang sasakyan. "Ang sabihin mo, bastos ka talagang bata ka! Palagi mo na lang akong binibigyan ng kahihiyan, mabuti na lang talaga at maunawain si Ma'am Madelyn sa pambabastos na ginawa mo!"Napatungo si Kendall sa pangsesermon ng kan
Dalawang oras ang nakalipas, sa wakas ay nakarating na si Kendall sa shooting. Sinalubong siya ng kanyang personal assistant na si Magie at kanyang manager na si Madison."What took you so long?" sambit ni Madison."Pasensya na po kayo, Ma'am! Medyo trapik lang po kasi talaga ng-""My ghad! Gasgas na 'yan palusot mo iha... galit na galit sayo si Direk Mat, tapos sinabayan pa ng tatay mo... marami tayong kailangang ishoot for today, a!"Dumeretso sila sa dressing room kung saan inayusan ni Magie si Kendall. Inihanda naman ni Madison ang script ni Kendall at patuloy pa rin nitong sinesermonan ang kanyang alaga."Pati ako nadadamay sa pinag-gagawa mo Kendall, dati hindi ka naman ganyan! Lumalaki na yata ang ulo mo porket ikaw na ang pinakahighest paid actress!"Hindi man makalingon si Kendall dahil nagreretouch siya, sumagot naman ito at itinanggi na nagiging mayabang na siya. "Pasenya na po kayo, Ma'am! Sadyang nakaka pressure lang po kasi talaga and hindi naman po nangangahulugan na na
CHAPTER 9"Ganun talaga, as a Direk salo ko lahat ng pressure sa work kaya one problem after another ang nireresolba ko... anyway, let us go to the other scene, dadating ang boyfriend mong si Miguel dala ang kotse niya ang magtatanan kayong dalawa, marami ang mga maritess sa paligid ang magchichismisan pero hindi mo sila papansinin!""No problem po direk, memorize ko na naman ang gagawin ko eh!""Okay, pero this time wala munang iyakan! Kung ano ang nakasaad sa script, yun ang susundin natin!""Maliwanag po direk!"Inayos na nila ang mga camera sa labas, naka ready na rin ang mga extra at si Joshua na kasalukuyang gumaganap bilang boyfriend ni Kendall. Naging matiwasay naman ang kanilang shooting at walang naging problema, naging hit ang teleserye ni Kendall at nag trend ito nang ipalabas nila ang eksena. Subalit hindi talaga maiiwasang may pumunta lalo na't ramdam na ramdam nila ang hugot ni Kendall sa kanyang ama. Nagtrending sa social media ang hashtag true to life hugot ni Kendall
CHAPTER 10Kahit pilitin ay hindi makatulog sila Bethy at Lea dahil rinig na rinig nila na sagutan sa pagitan ni Kendall at Ahron. Malapit lamang kasi sila sa kusina kaya hindi maiiwasan na marinig nila ito."Kendall, alam mo ba na nakakatanggap ako ng mga messages sa social media account ko ng dahil sa ginawa mo? Paano ang gagawin ko? Gugustuhin mo bang ipahamak ang sarili mong ama?""Dad, sorry na po! Hindi ko naman po intensyon na gawin 'yun, ang sabi lang naman po kasi sa akin, paghusayan ko lang naman po ang bawat eksena, wala naman po akong kinalaman sa bagay na 'yan!"Hindi na tumalab ang sorry at ang nakakaawang mukha ni Kendall sa kanyang ama. "Alam mo gasgas na ang sorry mo na 'yan Kendall! Akala mo ba na hindi ko alam na walang iyakan nang magsagutan kayo sa swimming pool? Pero bakit ka pa rin umiyak?"Pilit na nagpakumbaba si Kendall sa kanyang ama. "Dad, hindi po ba't kakasabi ko lang po, hindi ko po talaga intention na gawin 'yun pramis!""So paano ang gagawin natin ngay
Kinabukasan, umattend si Kendall sa presscon para sa teleserye nilang "Ikaw lang ang mamahalin," at kasama niya ang buong cast nila at ang kanyang ama na nakaupo sa kanyang tabi sa makati kung saan maraming fans ang nanonood habang kasalukuyan silang ini interview ng kanilang tv network."Okay Kendall, how does it feel na kinabog mo ang mga katapat mong mga teleserye?" tanong ng DCE reporter.Hindi nagyabang si Kendall, bagkus ay nanatili lang itong humble, kabisado na kasi niya ang media at madalas, sa kanila talaga nanggagaling ang mga issue. "Ahh, wala naman po kasi kami talagang competition, kaming mga artista kasi magkakaibigan naman po talaga kami sa totoong buhay and marangal lamang po kaming nagtatrabaho!" nakangiting sabi niya."Pero siyempre nalulungkot ang mga fans dahil matatapos na ang iyong teleserye, may mga upcoming movies ka ba na dapat naming abangan? Mga bagong endorsements?"Bigla namang sumabat si Madison at siya ang sumagot ng tanog ng DCE reporter, "actually may
"Your honor, nandito ako na tumatayo bilang lawyer ni Kendall Ezekiel. Isa siyang artista at kaya kong mapatunayan na walang ground ang accusations sa kanya bilang tawagin siyang mentally unstable. Mayroon po siyang kakayahan para makapag isip. She can think, act, and live like any other human beings! May I ask to remove her father Ahron Ezekiel be removed as her conservator. Sinabi niya na nararamdaman niya na ang conservatorship ay naging isang mapang-api at pagkontrol na tool laban sa kanya.Ipinaalam sa akin ni Kendall na gusto niyang wakasan ang conservatorship sa lalong madaling panahon. Siya ay may sinabi niya na siya ang nagtatrabaho at kumikita ng kanyang pera ngunit lahat ng tao sa kanyang paligid ay nasa kanyang payroll."Sumagot naman si Mr. Chavez sa mga parating ni Scott. Dala niya ang ilang mga larawan na nagpapatunay na si Kendall ay nasisiraan ng bait. Bigla bigla raw itong nagagalit at ipinakita pa niya ang video kung saan hindi na kayang gawin ni Kendall ang mga bas
Sa kabilang banda naman, nakarating na kaagad sila Scott at Kendall sa lugar kung saan ang warehouse na magsisilbing torture place para kay Ahron. Maayos ang paligid at marami ang mga matatalas kagaya ng kutsilyo at mayroon ding mga baril na nakalagay sa mahabang lamesa na katabi lamang ng bakal na upuan. "Grabe pala ang grupo ni Ryan, masyado silang mga mararahas at matindi siguro ang gagawin nilang torture sa tatay mo Kendall!" sambiti ni Scott na para bang nakokonsensya ito sa mga mangyayari sa tatay ni Kendall.Nanatiling manhid si Kendall at walang bakas ng konsensya at awa sa mukha nito. Huminga ng malalim si Kendall at hindi ito kumibo sa sinabi ni Scott. "Mukhang malalim yata ang iniisip mo Kendall, maaari ko bang malaman kung ano ang nasa iyong isipan?" tanong ni Scott na napayakap sa likuran ng kanyang syota. "Scott, gusto kong sabihin sayo na sumunod sa atin si Manang Bethy at Lea. Gusto ko na salubungin mo sila at balaan mo na wag nang tumuloy dahil dadanak ang dugo sa
Sinisi naman ni Stephen si Enzo. "Alam mo, ikaw ang may kasalanan nito eh. Tingnan mo, lahat ng ninakaw natin maaagaw na nila!""Mukhang papatayin na rin naman nila tayo, mabuti pang lumaban na lang tayong dalawa!"Ikinisa naman ni Enzo ang kanyang baril. "Sabagay may punto ka... pero aminin mo na mayroon ka ring kasalan sa nangyari. Kung kanina pa sana tayo umalis, hindi sana ito mangyayari ang bagay na ito!"Narinig naman ni Ryan ang ingay sa van at nang tingnan niya ito ay mayroong mga tao sa loob. Lumingon siya kay Analyn. "Nasaan ang baril?""Hindi ba't ang usapan natin ay kikidnapin lamang natin si Ahron? Bakit parang gusto mo pa yata ng gulo?""Ang sabi ko nasaan ang baril? Gusto ko lang naman makasiguro na magiging maayos ang lakad natin ngayon eh!"Binigay ni Analyn ang baril ni Ryan. Dahan dahan niyang iniyayapak ang kanyang mga paa papunta sa Van habang nakatutok ang baril niya rito. "Lumabas kayo sa lungga ninyo, mga kutonglupa... alam ko na mga tauhan kayo ni Ahron. Sorry
"Pasensya ka na Arnaldo, alam naming gusto mong pag aralin ang nag iisa mong anak. Magsimula ka na lang ulit, tutal mukhang iniwan ka na naman ng asawa mo eh!"Muli na mang nagmakaawa si Arnaldo sa dalawa niyang mga kaibigan. "Nakikiusap ako sa inyo, wag niyo namang gawin ang bagay na ito. Simula noong ipanganak ang anak kong si Ahron, nagsimula na akong mag ipon para sa kinabukasan niya. Halos magkanda kuba kuba na nga ako sa pagtatrabaho may maitabi lang ako para sa kanya!""Arnulfo, mukhang matigas itong si Arnaldo, kuhain mo ang anak niya at dalhin mo dito. Tingnan natin kung magmatigas pa ito!""Bakit ninyo inaaway ang tatay ko?" sambit ni Ahron na lakas loob na lumabas sa kanyang kwarto. Kahit na maliit, sinubukan niyang saktan ang dalawang lalaking nambubully sa kanyang ama. "Mga bad kayo, bakit ninyo inaaway ang tatay kong nagpapakumbaba sa inyo? Bakit na lang pera ang laging pinag aawayan ninyong mga matatanda?"Yumuko si Robert at pinitik ang kamay ni Ahron. "Alam mo Ahron,
Walang atubling sumunod si Bethy kay Scott at Kendall. Hindi naman nakatiis si Lea at alam niyang maliligaw lamang si Bethy kung mag isa itong pupunta kaya sumama na rin siya. Mag isa si Ahron sa kanyang kwarto, naging malalim kasi ang kanyang tulog at sa kanang panaginip, nakita niyang muli ang kanyang yumaong ina na si Glenda at kasalukuyan itong nakikipag talo sa kanyang amang si Arnaldo sa kanilang bahay na gawa sa kawayan. Aminado si Ahron na sobrang hirap ng pinagdaan niya noon at hindi niya lubos akalain na ibabalik ito ng tadhana sa kanya. "Alam mo, sobrang hirap na hirap na tayo sa buhay," sambit ni Arnaldo. "Grabe ka Glenda, halos hindi mo na ako pinagpapahinga eh. Seven days mo akong pinagtatrabaho, hindi naman ako umaangal pero nagrereklamo ka pa rin sa binibigay ko sayo. Aminin na natin, walang yumayaman sa pagtatrabo ng walong oras Glenda. Mas mababa pa sa minimum ang kinikita ko eh!"Nagpamewang naman si Glenda sa sinabi ng kanyang asawa. "Aba, para mo na ring sinabi
Nagtawanan silang mga magtotropa at para bang hindi sila natatakot na baka maging baliktad ang mga pangyayari. Dala ang kanilang mga baril, lumusob silang lahat sa bahay ni Ahron. Samantalang si Scott naman ay nag aalala sa kalagayan ni Kendall.Kasalukuyan silang nasa bahay ni Scott. Wala ang tatay niya sa lugar. Samantalang sila Lea at Bethy ay parehas na natutulog sa sofa. Minamasdan ni Scott si Kendall habang ito ay natutulog."Grabe Kendall, ang ganda ganda mo talaga. Kung buhay lang sana ang baby natin at naging kamukha mo siya, sigurado akong magiging isang sikat na artista rin siya kagaya mo. Pero wala na, sinira na ng tuso mong ama ang mga pangarap nating dalawa!"Hinawi ni Scott ang buhok ni Kendall na nakaharang sa mukha nito. "Alam mo, gustong gusto talaga kita kahit noong mga bata pa lang tayo. Ikaw lang ang tanging nakakapagpasaya sa akin ng ganito. Palagi pa nga tayong naglalaro dati at hindi mo alam na lihim kitang pinagmamasdan. Ewan ko ba pero kahit bata pa tayo noon
"Wow, ikaw ba talaga yan Ryan? Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig. Nagiging matapang ka talaga!""Oh siya, ngayong gabi ay magkita tayo sa lumang warehouse. Alam mo na naman siguro ang address noon Vincent, hindi ba?""Ako pa ba? Kabisadong kabisado ko ang ruta papunta sa lugar na yan. Wag kang mag-alala, ako na ang bahalang tumawag ng back up!" sambit ni Vincent. Nakahinga naman ng maluwag si Ryan sa narinig niya mula sa itinuturing niyang matalik na kaibigan. "Maraming salamat sayo pre, alam ko na marami tayong mga hindi pagkakaunawaan nitong mga nagdaang araw, pero nananatili pa rin tayong magkaibigan!""Wala yun... ganyan naman talaga ang totoong magkakaibigan eh, nagdadamayan sa lahat ng mga problema. Naalala mo pa ba noong mga bata pa tayo? Iyakin pa tayong parehas noon sa school at hindi tayo magkaklase!""Oo kasi section 8 ka at section 1 ako!""Oo kasi nilipat ka section that time pero dapat ay sectio 7 ka? Akala mo siguro ay hindi ko yun natatandaan no?""Hehehe, doon tayo
Sa kabilang banda naman, halos pagtinginan ng lahat si Analyn dahil para itong naging babaeng gusgusin. Subalit hindi niya iniinda ang mga masasamang tingin sa kanya ng mga tao. Tatlong oras ang nakalipas, nakauwi na si Analyn sa bahay ni Ryan. Pagod na pagod ito at hihimatayin na sana pero mabuti na lamang ay sinalo siya ni Ryan na sobrang nag aalala sa kanyang kalagayan. Ngunit hindi ito nagtangkang tumawag ng pulis dahil sa natatakot rin siya sa kanyang sariling multo. Isang oras ang nakalipas, muling nagising si Analyn na nakaratay sa kwarto ni Ryan. Tumingin siya sa kanyang syota ay hindi niya mapigilang maiyak sa tindi ng kanyang dinanas sa mga kamay ni Ahron. "Walang hiya si Ahron, magbabayad siya sa lahat ng kahayupang ginawa niya sa akin!" galit na sabi ni Analyn. Ramdam na ramdam ni Ryan ang pagkamuhi ni Analyn sa itinuturing niyang karibal. Kahit papaano kasi ay napamahal na siya kay Analyn at mahalaga ito para sa kanya. Tumabi si Ryan at inilapag muna nito ang mga iniha
"Sir, hindi po namin mahagilap sila Kendall at si Scott!" sambit ng isa sa mga tauhan ni Ahron.Hindi na nakapagtimpi pa si Ahron, lumapit siya sa kanyang tauhan at tsaka niya ito sinapak sa mukha. Natumba ito at dumugo ang kanyang ilong sa lakas ng pagkakasuntok ni Ahron. Kaagad namang umalis ang lawyer niyang si Mr. Chavez dahil sa natatakot ito na madamay sa mga nangyayari."Ga*o ka Stephen? Kung hindi mo sana sila pinakawalan kanina, sana ay wala tayong magiging problema!" sambit ni Ahron. Pumalag naman si Enzo, ang kasamahan ni Stephen na bodyguard. "Sir, wag po kayong mag alala, maaaring nagtatago sila ngayon pero makikita rin natin sila!"Nakatikim rin ng sapak si Enzo kay Ahron at kagaya ni Stephen, natumba rin ito at dumugo ang kanyang ilong. Kinuha ni Ahron ang baril nang dalawa niyang mga bodyguards at tinutukan niya ang mga ito. "Alam ninyo, ang pinakaayaw ko sa lahat yung tinatraydor ako!"Muling bumangon si Enzo at pinunasan niya ang kanyang nagdudugong ilong. "Sir, ma