Sinisi naman ni Stephen si Enzo. "Alam mo, ikaw ang may kasalanan nito eh. Tingnan mo, lahat ng ninakaw natin maaagaw na nila!""Mukhang papatayin na rin naman nila tayo, mabuti pang lumaban na lang tayong dalawa!"Ikinisa naman ni Enzo ang kanyang baril. "Sabagay may punto ka... pero aminin mo na mayroon ka ring kasalan sa nangyari. Kung kanina pa sana tayo umalis, hindi sana ito mangyayari ang bagay na ito!"Narinig naman ni Ryan ang ingay sa van at nang tingnan niya ito ay mayroong mga tao sa loob. Lumingon siya kay Analyn. "Nasaan ang baril?""Hindi ba't ang usapan natin ay kikidnapin lamang natin si Ahron? Bakit parang gusto mo pa yata ng gulo?""Ang sabi ko nasaan ang baril? Gusto ko lang naman makasiguro na magiging maayos ang lakad natin ngayon eh!"Binigay ni Analyn ang baril ni Ryan. Dahan dahan niyang iniyayapak ang kanyang mga paa papunta sa Van habang nakatutok ang baril niya rito. "Lumabas kayo sa lungga ninyo, mga kutonglupa... alam ko na mga tauhan kayo ni Ahron. Sorry
Sa kabilang banda naman, nakarating na kaagad sila Scott at Kendall sa lugar kung saan ang warehouse na magsisilbing torture place para kay Ahron. Maayos ang paligid at marami ang mga matatalas kagaya ng kutsilyo at mayroon ding mga baril na nakalagay sa mahabang lamesa na katabi lamang ng bakal na upuan. "Grabe pala ang grupo ni Ryan, masyado silang mga mararahas at matindi siguro ang gagawin nilang torture sa tatay mo Kendall!" sambiti ni Scott na para bang nakokonsensya ito sa mga mangyayari sa tatay ni Kendall.Nanatiling manhid si Kendall at walang bakas ng konsensya at awa sa mukha nito. Huminga ng malalim si Kendall at hindi ito kumibo sa sinabi ni Scott. "Mukhang malalim yata ang iniisip mo Kendall, maaari ko bang malaman kung ano ang nasa iyong isipan?" tanong ni Scott na napayakap sa likuran ng kanyang syota. "Scott, gusto kong sabihin sayo na sumunod sa atin si Manang Bethy at Lea. Gusto ko na salubungin mo sila at balaan mo na wag nang tumuloy dahil dadanak ang dugo sa
"Your honor, nandito ako na tumatayo bilang lawyer ni Kendall Ezekiel. Isa siyang artista at kaya kong mapatunayan na walang ground ang accusations sa kanya bilang tawagin siyang mentally unstable. Mayroon po siyang kakayahan para makapag isip. She can think, act, and live like any other human beings! May I ask to remove her father Ahron Ezekiel be removed as her conservator. Sinabi niya na nararamdaman niya na ang conservatorship ay naging isang mapang-api at pagkontrol na tool laban sa kanya.Ipinaalam sa akin ni Kendall na gusto niyang wakasan ang conservatorship sa lalong madaling panahon. Siya ay may sinabi niya na siya ang nagtatrabaho at kumikita ng kanyang pera ngunit lahat ng tao sa kanyang paligid ay nasa kanyang payroll."Sumagot naman si Mr. Chavez sa mga parating ni Scott. Dala niya ang ilang mga larawan na nagpapatunay na si Kendall ay nasisiraan ng bait. Bigla bigla raw itong nagagalit at ipinakita pa niya ang video kung saan hindi na kayang gawin ni Kendall ang mga bas
Naging mas mahirap pa sa daga ang pamilya ni Kendall simula nang mamatay ang ina nito dahil sa sakit sa puso. Kaya namulat silang ama nila ang naging ilaw at haligi ng kanilang tahanan. Naging matatag si Ahron para sa kanyang mga anak at lalo itong nagdoble kayod para lamang maitawid lang sa gutom ang kanyang dalawang musmos na mga anak.Hindi uso sa kanya ang pahinga kaya hanggat may raket na puwedeng pasukan, hindi siya nagdadalawang na sumubok kahit na hindi niya ito gamay. Sinusubok man ng panahon pero alam niya sa kanyang sarili na wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang lumaban sa buhay lalo na't siya lang ang bukod tanging bumubuhay sa kanyang mga anak. Lumipat sila sa Poblacion kung saan gawa sa mga kahoy at pinagtapi tagping yero ang mga dikit dikit na bahay. Sa lugar na ito ay nakilala ni Kendall si Scott na limang taon ang agwat sa kanya. Masaya silang naglaro ng patintero sa labas at naging matalik na magkaibigan matapos nilang maglaro."Maraming salamat, Scott! Ang
Pagpasok ni Madison, kitang kita niya kung gaano karumi ang loob ng bahay ni Ahron. Hinila ni Ahron ang upuan mula sa lamesa at pinaupo si Madison. Napansin niyang parang nandidiri ito sa hitsura ng paligid."Pasenya na po kayo, Ma'am Madison. Mahirap lang po talaga kaming pamilya, ako lang ang inaasahan ng dalawa kong mga anak!" Sambit ni Ahron sabay upo sa katapat na upuan ni Madison.Inusisa naman ni Madison ang mga naunang attempts ni Kendall sa pagsali sa audition. "Okay lang naman. Ah... sabi nga pala ni Kendall, sumali na raw kayo sa maraming auditions pero bigo kayong makapasok!""Oo, kaya sumuko na ako at pinag aral ko na lang si Kendall tutal mas maganda pa rin ang tapos ng pag-aaral!" Sambit ni Ahron na nalungkot sa sinapit ng kanyang anak."That is just okay, kaya nga kayo na reject sa ibant talent agency kasi para talaga kayo sa kumpanya namin!" Pagbibiro ni Madison."Teka, paano niyo po pala nakilala ang anak ko?" Pagtataka ni Ahron."Nagkataon lang na papalabas sila sa
Hinawakan ni Scott kamay ni Kendall at tiningnan niya ito sa mata ng seryoso. "Hindi ka ba pinahahalagahan ng tatay mo? Ginagawa ka lang ba niyang gatasan para yumaman? Kahit malalaki na tayo, tutuparin ko pa rin ang ipinangako ko sayong poprotektahan kita!"Pilit na ikinubli ni Kendall ang katotohanan kay Scott, "promise, okay lang ako. My life is not perfect pero blessed pa rin naman ako. Walang ginagawang masama ang papa ko, wala kang dapat ikabahala!"Kitang kita pa rin ni Scott sa mga mata ni Kendall na para bang may gusto itong sabihin pero pinaniwalaan na lamang niya ang sinabi nito at nagpatuloy lamang sa pag usisa sa buhay ng kanyang kaibigang artista."Kamusta naman ang pagiging artista?""Eto, normal nang may umiistorbo sayo kapag nasa public places ka. Mabuti na lang talaga at marunong akong mag disguise kasi kung hindi may nakabuking na sa atin!""Pero marami ka namang pera at saka alam mo sa sarili mong marami kang kaibigan!""Malaki naman talaga ang kinikita ng mga arti
Matapos ng matinding bakbakan, natulong silang magkayakap. 3 am, naalimpungatan si Kendall kayabumangon si Kendall at nagbihis, bagay na ikinagulat naman ni Scott."Saan ka pupunta Kendall?" Sambit ni Scott na napabangon ng walang saplot, matigas parin ang kanyang alaga."Uuwi na ako Scott, baka magalit ang papa ko!" Maluha luhang sabi ni Kendall.Niyakap ni Scott si Kendall at ramdam nito ang matigas pa rin na alaga ng binata."Kitang kita ko ang takot sa mga mata mo Kendall, hanggang kailan ka magpapaalila sa tatay mo?"Humarap si Kendall kay Scott. "Hindi mo naiintidihan ang sitwasyon ko Scott, mahirap ang kalagayan ko at hindi na ako makakawala sa tatay ko!"Hinawakan ni Scott ang malambot na pisngi ni Kendall. "Alam mo ba kung ano ang madalas na ituro sa akin ng yumao kong lola?"Hinawakan ni Kendall ang kamay ni Scott, pumikit ito at dinama ang malambot na kamay ng binata bago ito nagsalita ng pabulong. "Ano?"Pumatak ang luha sa mga mata ni Scott dahil dama niya ang hinagpis n
Wala nang nagawa pa si Kendall kung hindi sundin ang gusto ng kanyang ama. Kinabukasan, 12 pm, nagtungo sila sa starbucks sa isang mall sa makati umorder sila ng apat na chickenpot pie. Bihis na bihis si Kendall at suot nito ang mamahaling hikaw, kwintas at bracelet. Suot din niya ang kanyang hermes na damit at pantalon, namumula rin ang kanyang labi sa kanyang lipstick at talaga namang mas lalo siyang gumanda sa kanyang make-up. Kung tutuusin, milyon milyon ang halaga ng kanyang kabuuang suot. Hindi rin nagpatalo ang kanyang katabing ama na milyon din ang suot.Hinawakan ni Ahron ang kamay ni Kendall ng mahigpit, napatingin si Kendall sa kanyang ama na nanlilisik ang mga mata. "Ako lang ang magsasalita Kendall, wala kang ibang gagawin kung hindi ang ngumit at makinig sa usapan namin ni Ma'am Madelyn! Sa oras na makita kong malungkot ang mukha mo, mayroon kang kalalagyan sa akin, naiintindihan mo ba?""Opo, dad!""Ine-expect ko na pipirma ka ng kontrata ngayon at kailangan na maka adv
"Your honor, nandito ako na tumatayo bilang lawyer ni Kendall Ezekiel. Isa siyang artista at kaya kong mapatunayan na walang ground ang accusations sa kanya bilang tawagin siyang mentally unstable. Mayroon po siyang kakayahan para makapag isip. She can think, act, and live like any other human beings! May I ask to remove her father Ahron Ezekiel be removed as her conservator. Sinabi niya na nararamdaman niya na ang conservatorship ay naging isang mapang-api at pagkontrol na tool laban sa kanya.Ipinaalam sa akin ni Kendall na gusto niyang wakasan ang conservatorship sa lalong madaling panahon. Siya ay may sinabi niya na siya ang nagtatrabaho at kumikita ng kanyang pera ngunit lahat ng tao sa kanyang paligid ay nasa kanyang payroll."Sumagot naman si Mr. Chavez sa mga parating ni Scott. Dala niya ang ilang mga larawan na nagpapatunay na si Kendall ay nasisiraan ng bait. Bigla bigla raw itong nagagalit at ipinakita pa niya ang video kung saan hindi na kayang gawin ni Kendall ang mga bas
Sa kabilang banda naman, nakarating na kaagad sila Scott at Kendall sa lugar kung saan ang warehouse na magsisilbing torture place para kay Ahron. Maayos ang paligid at marami ang mga matatalas kagaya ng kutsilyo at mayroon ding mga baril na nakalagay sa mahabang lamesa na katabi lamang ng bakal na upuan. "Grabe pala ang grupo ni Ryan, masyado silang mga mararahas at matindi siguro ang gagawin nilang torture sa tatay mo Kendall!" sambiti ni Scott na para bang nakokonsensya ito sa mga mangyayari sa tatay ni Kendall.Nanatiling manhid si Kendall at walang bakas ng konsensya at awa sa mukha nito. Huminga ng malalim si Kendall at hindi ito kumibo sa sinabi ni Scott. "Mukhang malalim yata ang iniisip mo Kendall, maaari ko bang malaman kung ano ang nasa iyong isipan?" tanong ni Scott na napayakap sa likuran ng kanyang syota. "Scott, gusto kong sabihin sayo na sumunod sa atin si Manang Bethy at Lea. Gusto ko na salubungin mo sila at balaan mo na wag nang tumuloy dahil dadanak ang dugo sa
Sinisi naman ni Stephen si Enzo. "Alam mo, ikaw ang may kasalanan nito eh. Tingnan mo, lahat ng ninakaw natin maaagaw na nila!""Mukhang papatayin na rin naman nila tayo, mabuti pang lumaban na lang tayong dalawa!"Ikinisa naman ni Enzo ang kanyang baril. "Sabagay may punto ka... pero aminin mo na mayroon ka ring kasalan sa nangyari. Kung kanina pa sana tayo umalis, hindi sana ito mangyayari ang bagay na ito!"Narinig naman ni Ryan ang ingay sa van at nang tingnan niya ito ay mayroong mga tao sa loob. Lumingon siya kay Analyn. "Nasaan ang baril?""Hindi ba't ang usapan natin ay kikidnapin lamang natin si Ahron? Bakit parang gusto mo pa yata ng gulo?""Ang sabi ko nasaan ang baril? Gusto ko lang naman makasiguro na magiging maayos ang lakad natin ngayon eh!"Binigay ni Analyn ang baril ni Ryan. Dahan dahan niyang iniyayapak ang kanyang mga paa papunta sa Van habang nakatutok ang baril niya rito. "Lumabas kayo sa lungga ninyo, mga kutonglupa... alam ko na mga tauhan kayo ni Ahron. Sorry
"Pasensya ka na Arnaldo, alam naming gusto mong pag aralin ang nag iisa mong anak. Magsimula ka na lang ulit, tutal mukhang iniwan ka na naman ng asawa mo eh!"Muli na mang nagmakaawa si Arnaldo sa dalawa niyang mga kaibigan. "Nakikiusap ako sa inyo, wag niyo namang gawin ang bagay na ito. Simula noong ipanganak ang anak kong si Ahron, nagsimula na akong mag ipon para sa kinabukasan niya. Halos magkanda kuba kuba na nga ako sa pagtatrabaho may maitabi lang ako para sa kanya!""Arnulfo, mukhang matigas itong si Arnaldo, kuhain mo ang anak niya at dalhin mo dito. Tingnan natin kung magmatigas pa ito!""Bakit ninyo inaaway ang tatay ko?" sambit ni Ahron na lakas loob na lumabas sa kanyang kwarto. Kahit na maliit, sinubukan niyang saktan ang dalawang lalaking nambubully sa kanyang ama. "Mga bad kayo, bakit ninyo inaaway ang tatay kong nagpapakumbaba sa inyo? Bakit na lang pera ang laging pinag aawayan ninyong mga matatanda?"Yumuko si Robert at pinitik ang kamay ni Ahron. "Alam mo Ahron,
Walang atubling sumunod si Bethy kay Scott at Kendall. Hindi naman nakatiis si Lea at alam niyang maliligaw lamang si Bethy kung mag isa itong pupunta kaya sumama na rin siya. Mag isa si Ahron sa kanyang kwarto, naging malalim kasi ang kanyang tulog at sa kanang panaginip, nakita niyang muli ang kanyang yumaong ina na si Glenda at kasalukuyan itong nakikipag talo sa kanyang amang si Arnaldo sa kanilang bahay na gawa sa kawayan. Aminado si Ahron na sobrang hirap ng pinagdaan niya noon at hindi niya lubos akalain na ibabalik ito ng tadhana sa kanya. "Alam mo, sobrang hirap na hirap na tayo sa buhay," sambit ni Arnaldo. "Grabe ka Glenda, halos hindi mo na ako pinagpapahinga eh. Seven days mo akong pinagtatrabaho, hindi naman ako umaangal pero nagrereklamo ka pa rin sa binibigay ko sayo. Aminin na natin, walang yumayaman sa pagtatrabo ng walong oras Glenda. Mas mababa pa sa minimum ang kinikita ko eh!"Nagpamewang naman si Glenda sa sinabi ng kanyang asawa. "Aba, para mo na ring sinabi
Nagtawanan silang mga magtotropa at para bang hindi sila natatakot na baka maging baliktad ang mga pangyayari. Dala ang kanilang mga baril, lumusob silang lahat sa bahay ni Ahron. Samantalang si Scott naman ay nag aalala sa kalagayan ni Kendall.Kasalukuyan silang nasa bahay ni Scott. Wala ang tatay niya sa lugar. Samantalang sila Lea at Bethy ay parehas na natutulog sa sofa. Minamasdan ni Scott si Kendall habang ito ay natutulog."Grabe Kendall, ang ganda ganda mo talaga. Kung buhay lang sana ang baby natin at naging kamukha mo siya, sigurado akong magiging isang sikat na artista rin siya kagaya mo. Pero wala na, sinira na ng tuso mong ama ang mga pangarap nating dalawa!"Hinawi ni Scott ang buhok ni Kendall na nakaharang sa mukha nito. "Alam mo, gustong gusto talaga kita kahit noong mga bata pa lang tayo. Ikaw lang ang tanging nakakapagpasaya sa akin ng ganito. Palagi pa nga tayong naglalaro dati at hindi mo alam na lihim kitang pinagmamasdan. Ewan ko ba pero kahit bata pa tayo noon
"Wow, ikaw ba talaga yan Ryan? Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig. Nagiging matapang ka talaga!""Oh siya, ngayong gabi ay magkita tayo sa lumang warehouse. Alam mo na naman siguro ang address noon Vincent, hindi ba?""Ako pa ba? Kabisadong kabisado ko ang ruta papunta sa lugar na yan. Wag kang mag-alala, ako na ang bahalang tumawag ng back up!" sambit ni Vincent. Nakahinga naman ng maluwag si Ryan sa narinig niya mula sa itinuturing niyang matalik na kaibigan. "Maraming salamat sayo pre, alam ko na marami tayong mga hindi pagkakaunawaan nitong mga nagdaang araw, pero nananatili pa rin tayong magkaibigan!""Wala yun... ganyan naman talaga ang totoong magkakaibigan eh, nagdadamayan sa lahat ng mga problema. Naalala mo pa ba noong mga bata pa tayo? Iyakin pa tayong parehas noon sa school at hindi tayo magkaklase!""Oo kasi section 8 ka at section 1 ako!""Oo kasi nilipat ka section that time pero dapat ay sectio 7 ka? Akala mo siguro ay hindi ko yun natatandaan no?""Hehehe, doon tayo
Sa kabilang banda naman, halos pagtinginan ng lahat si Analyn dahil para itong naging babaeng gusgusin. Subalit hindi niya iniinda ang mga masasamang tingin sa kanya ng mga tao. Tatlong oras ang nakalipas, nakauwi na si Analyn sa bahay ni Ryan. Pagod na pagod ito at hihimatayin na sana pero mabuti na lamang ay sinalo siya ni Ryan na sobrang nag aalala sa kanyang kalagayan. Ngunit hindi ito nagtangkang tumawag ng pulis dahil sa natatakot rin siya sa kanyang sariling multo. Isang oras ang nakalipas, muling nagising si Analyn na nakaratay sa kwarto ni Ryan. Tumingin siya sa kanyang syota ay hindi niya mapigilang maiyak sa tindi ng kanyang dinanas sa mga kamay ni Ahron. "Walang hiya si Ahron, magbabayad siya sa lahat ng kahayupang ginawa niya sa akin!" galit na sabi ni Analyn. Ramdam na ramdam ni Ryan ang pagkamuhi ni Analyn sa itinuturing niyang karibal. Kahit papaano kasi ay napamahal na siya kay Analyn at mahalaga ito para sa kanya. Tumabi si Ryan at inilapag muna nito ang mga iniha
"Sir, hindi po namin mahagilap sila Kendall at si Scott!" sambit ng isa sa mga tauhan ni Ahron.Hindi na nakapagtimpi pa si Ahron, lumapit siya sa kanyang tauhan at tsaka niya ito sinapak sa mukha. Natumba ito at dumugo ang kanyang ilong sa lakas ng pagkakasuntok ni Ahron. Kaagad namang umalis ang lawyer niyang si Mr. Chavez dahil sa natatakot ito na madamay sa mga nangyayari."Ga*o ka Stephen? Kung hindi mo sana sila pinakawalan kanina, sana ay wala tayong magiging problema!" sambit ni Ahron. Pumalag naman si Enzo, ang kasamahan ni Stephen na bodyguard. "Sir, wag po kayong mag alala, maaaring nagtatago sila ngayon pero makikita rin natin sila!"Nakatikim rin ng sapak si Enzo kay Ahron at kagaya ni Stephen, natumba rin ito at dumugo ang kanyang ilong. Kinuha ni Ahron ang baril nang dalawa niyang mga bodyguards at tinutukan niya ang mga ito. "Alam ninyo, ang pinakaayaw ko sa lahat yung tinatraydor ako!"Muling bumangon si Enzo at pinunasan niya ang kanyang nagdudugong ilong. "Sir, ma