Pagpasok ni Madison, kitang kita niya kung gaano karumi ang loob ng bahay ni Ahron. Hinila ni Ahron ang upuan mula sa lamesa at pinaupo si Madison. Napansin niyang parang nandidiri ito sa hitsura ng paligid.
"Pasenya na po kayo, Ma'am Madison. Mahirap lang po talaga kaming pamilya, ako lang ang inaasahan ng dalawa kong mga anak!" Sambit ni Ahron sabay upo sa katapat na upuan ni Madison.
Inusisa naman ni Madison ang mga naunang attempts ni Kendall sa pagsali sa audition. "Okay lang naman. Ah... sabi nga pala ni Kendall, sumali na raw kayo sa maraming auditions pero bigo kayong makapasok!"
"Oo, kaya sumuko na ako at pinag aral ko na lang si Kendall tutal mas maganda pa rin ang tapos ng pag-aaral!" Sambit ni Ahron na nalungkot sa sinapit ng kanyang anak.
"That is just okay, kaya nga kayo na reject sa ibant talent agency kasi para talaga kayo sa kumpanya namin!" Pagbibiro ni Madison.
"Teka, paano niyo po pala nakilala ang anak ko?" Pagtataka ni Ahron.
"Nagkataon lang na papalabas sila sa school at nakita ko na maganda ang anak mo and nakitaan ko siya ng potential sa showbiz and kung papayag ka sana, gusto kong kuhain ang anak mo bilang artista! Sagot ng agency lahat ng gastos para mahasa ang talento niya and willing akong magbigay ng allowance para sa kanyang school!"
Walang atubiling pumayag kaagad si Ahron sa sinabi ni Madison, "pwedeng pwede, wala namang problema sa akin basta't para sa ikaka angat ng pamilya ko!"
"That is good to hear!" Kinuha ni Madison ang kanyang calling card at ibinigay kay Ahron, "nandiyan ang address ko at contact number ng agency, I need you to come at exact 2pm tomorrow para mai-endorse ko siya sa mga tauhan ko!"
Tinanggap ni Ahron ang calling card ni Madison. "Makakaasa po kayo, uwian na po ni Kendall oras na 'yon!"
Tumayo na si Madison. "Kita kits bukas, and before anything else. Puwede bang makapag paalam muna ako kay Kendall? Napa cute niya kasi!"
Lumabas si Kendall na nakapang bahay at niyakap ang binti ni Madison. "Ingat po kayo, Ma'am!"
Natuwa naman si Madison at muli nitong kinausap si Kendall na nakayakap pa rin sa kanyang binti. "Kita tayo bukas Kendall. Pag husayan mo ang training para makuha ka kaagad sa T.V!"
"Salamat po sa inyo, Ma'am!" Nakangiting sabi ni Kendall.
"Oh siya, mauuna na ako... Babye Kendall!" Pagpapaalam ni Madison.
Inihatid na ni Ahron si Madison sa labas at pinagbuksan ito ng pinto ng driver na nakatayo sa kanyang kotse.
Tuwang tuwa si Ahron sapagkat alam niyang magbabago na ang kanilang buhay dahil sa kay Kendall.
"Anak, lumapit ka kay tatay!" Pag uutos ni Ahron.
Lumapit si Kendall at niyakap siya ng kanyang ama. "Anak, pag igihan mo ang gagawin mo bukas! Kapag naging artista ka na, maiaahon mo na ang pamilya natin sa hirap!"
"Talaga po? Mag aartista na ba ako!"
"Yes, anak... Kaya ihanda mo na ang sarili mo at 'wag ka munang pumasok bukas para makapag practice tayo!"
"May exam po kasi kami bukas, baka magalit po si Teacher Carlo sa akin!" Pangangamba ni Kendall.
"Ako na ang bahalang magpaliwanag sa teacher mo, anak! Ang importante rito ay maka attend tayo ng mas maaga para hindi naman nakakahiya kay Ma'am Madison!"
"Pero-"
Pinutol ni Ahron ang pagsasalita ng kanyang anak. "Wala nang pero pero, basta kailangan natin pumunta bukas ng maaga sa agency. Hindi ka naman siguro ibabagsak ng teacher mo kung liliban ka sa klase ng isang araw!"
"Kayo po ang bahala!" Sambit ni Kendall na nag-aalala pa rin.
Pansin na pansin pa rin ni Ahron ang lungkot sa mga mata ni Kendall kaya naman tinanong niya ito kung anong pagkain ang gusto ng kanyang panganay na anak.
"Ano ba ang gusto mong pagkain anak? Ipagluluto kita bago ako pumasok sa work!" Nakangiting sabi niya.
"Puwede po pa tayong kumain ng lechon?" Munting hiling ni Kendall. "Sabi niyo naman po, kahit anong gusto ko eh!"
Napahawak bigla si Ahron sa kanyang bulsa sapagkat alam niyang wala siyang sapat na kakayahan para bilhin ang gusto nito. Inalok na lamang niya ito ng ibang pagkain. "Anak, ayaw mo ba ng ibang ulam? Cup noodles or yung favorite mong fried chicken?"
"Okay lang naman po!"
"Pero wag kang maingay sa kapatid mo ha? Wala pa kasi talaga akong sahod tapos mamamasahe pa tayo bukas!"
Kahit bata ay maintindihin na si Kendall dahil mulat ito sa kalagayan ng kanyang pamilya.
"Okay lang naman po!"
"Sige, sama ka sa akin, bibili tayo ng cup noodles!"
Lumabas si Kendall at Ahron upang kumain sa isang tindahan, kitang kita ang saya sa mukha ng mag-ama lalo na't mayroong paparating na blessing sa kanilang buhay. Kinabukasan, maagang silang nagpunta sa All-star agency at nakilala nila ang mga magiging trainers ni Kendall. Subalit nagkaroon ng conflict ang schedule ni Kendall sa pag-aaral kaya nagdesisyon si Ahron na itigil ang pag-aaral ng kanyang anak. Hindi pumabor dito ang agency ngunit malaki na rin ang nagastos nila sa bata kaya napilitan silang pumayag.
Sa murang edad, sumabak na si Kendall sa T.V at nakilala rin sa kanyang pangalan. Naging matunog ang kanyang pangalan ng pagbidahan niya ang 'My spoiled dad' na teleserye. Naging sunod sunod ang projects niya simula nito at paunti unti niyang naiahon ang kanyang pamilya sa hirap at umalis na sila sa poblacion para manirahan sa isang condo unit. Hindi na niya nagawang magpaalam pa sa kanyang matalik na kaibigang si Scott, bagay na sobra niyang ikinalungkot.
Labis ang pagsusumikap ni Kendall dahil sa kanyang ama. Ngunit, sa kasagsagan ng kanyang kasikatan, nais niyang magpahinga pero hindi ito pinapayagan ng kanyang ama at patuloy lamang siya sa pagtatrabaho sa loob ng walong taon, nakapundar na sila ng isang magarang mansyon na may isang libong ektarya. Bumawi ang panahon sa kanya at sumuko ang kanyang katawan sa pagtatrabaho at sobra itong na depress kaya naisipan niyang mag file ng one month vacation pero palabas pa lamang siya ay hinarang na ito ng kanyang ama na binabantayan ang bawat kilos niya.
"Saan ka pupunta, Kendall? Bihis na bihis ka yata!" Tanong ni Ahron.
Tagaktak ang pawis ni Kendall ng makita nito ang kanyang amang nakatayo sa harapan ng kanyang pinto.
"Pa? K-kanina pa po ba kayo nandiyan?" Nauutal na tanong nito sa kanyang ama.
"Oo, nag-aalala kasi ako dahil hindi ka lumalabas ng kwarto mo eh!" Paliwanag ni Ahron.
"Nais ko lang po sanang magtungo sa agency para personal na mag-paalam kay Ma'am Madison!"
Lumapit si Ahron at unti unting naging seryoso ang mukha nito.
"Ano naman ang kailangan mo sa kanya?" Mahinang tanong nito.
Nabalot ng takot si Kendall at inamin kaagad nito na magpapaalam siyang mag leave. "Just want to take a break lang po pa, one month vacation leave po sana!"
"Pumasok ka sa loob!" Utos ni Ahron na agad sinunod ni Kendall.
Sa loob ng kwarto, nakatikim ng matinding sermon si Kendall sa kanyang ama.
"Hindi ka puwedeng mag file ng leave! Malaki pa rin ang kinakaltas sayo ng agency mo at malaki ang biyabayad natin sa bahay na 'to, ang kapatid mo, nag-aaral pa sa university!"
Tumulo ang luha sa mga mata ni Kendall at nakiusap ito sa kanyang ama na payagan itong magpahinga mula sa showbiz sapagkat tuloy tuloy ang pagbabanat ng buto nito sa mahigit walong taon.
"Pa, baka lang po nakakalimutan ninyo na halos walong taon na po akong nagtatrabaho. Hindi ho ba't isinakripisyo ko na ang pag-aaral ko para lang matustusan ang pangangailangan natin? Tao lang naman po ako at kailangan ko rin magpahinga!"
"Anak naman, paulit ulit ba tayo? Hindi naman porket 18 years old ka na, puwede mo na gawin kung ano ang gusto mo!"
"Per-"
Hindi pa tapos magsalita si Kendall ay nagsalita kaagad ang kanyang ama.
"Basta hindi puwede, kailangan mong maghanap buhay para hindi tayo umuwi ulit sa iskwater area!" Pagtutol nito sa biglaang desisyon ng kanyang anak.
Matalim ang mga tingin ni Ahron kay Kendall kaya nabahag ang buntot nito at hindi na nakipagtalo pa sa kanyang mabagsik na ama.
"Kung wala ka nang ibang sasabin, aalis na ako! Tandaan mo, Kendall, tatay mo ako at mas alam ko kung ano ang tamang gawin. Musmos ka pa at pag arte lang ang kaya mong gawi!" Masakit na salitang nanggaling kay Ahron na tagos sa puso ni Kendall. Umalis siya matapos nito.
Samantalang nagkaroon ng meet and greet si Kendall sa kanyang mga fans sa Town mall at marami ang mga fans na dumalo sa event. Hindi ito pinalagpas ni Scott na todo ang pag effort para muling makausap ang kanyang kaibigang nawalay ng mahabang panahon. Nag tiyaga itong pumila hanggang sa finally, nakausap niya ng personal si Kendall.
"Kamusta ka na, Kendall?" Bungad na tanong nito sa dalaga.
Hindi agad nabosesan ni Kendall ang lalaki, subalit sinagot pa rin nito ang kanyang tanong. "Okay naman ako!" Nakangiting sagot ni Kendall.
Nakikita ni Scott ang lungkot sa mga mata ni Kendall na pilit na ikinukubli ng kanyang maaliwalas na ngiti kaya hindi niya ito pinaniwalaan. "I don't think so!"
Seryosong tiningnan ni Kendall ang mga mata ng kausap niya. "Pramis, totoo ang sinasabi ko!"
Nakaramdam ng tampo si Scott dahil hindi man lang siya nakilala ng kanyang kababata, ngunit naintindihan niya pa rin na matagal silang nawalay sa isa't isa kaya limot na siya nito.
"Actually, ako si Scott! Yung kababata mo noon, Kendall!"
Napatayo si Kendall ng bigkasin ng binata ang kanyang pangalan. "Really? Scott?"
"Wala ng iba!"
Nagyakapan silang at todo naman ang kilig ng mga tao sa paligid.
"Kamusta ka na? Pasensya ka na, matagal akong nawala at hindi man lang ako nakapagpaalam sa iyo!" Sambit ni Kendall matapos nilang magyakapan.
"Actually hindi ako naging okay nang mawala ka, sino ba namang matutuwa kapag iniwan ka ng bestfriend mo ng walang paalam?"
"Sorry na, gusto mo bang i-treat kita para bati na tayo?"
"Aba, dapat lang na ilibre mo ako ng 8 years!"
"At bakit naman 8 years?"
"Kasi 8 years ka rin nawala eh!"
"Sure, ano ang number and social media account mo, Scott, sorry pero busy kasi ako today. Tatawag na lang ako or magcha-chat kung kailan ang sunod nating bonding!"
Binigay ni Scott ang kanyang phone number at social media account kay Kendall. Nagkita sila kaagad kinabukasan sa Town mall at nagpunta sa Starbuck kung saan ipinagpatuloy nila ang kanilang naudlot na pag-uusap.
Sinariwa ni Scott ang saya ng kahapon at hindi nito maiwasang ipagkumpara ang sarili niya sa kanyang kaibigan. "Naalala mo pa ba noong bagong lipat pa lang kayo tapos naglaro tayo ng patintero. Nangako pa nga ako na poprotektahan kita pagkatapos nating manalo, tapos ngayon, hindi ako makapaniwala na ang layo na ng narating mo Kendall. Samantalang ako, problemado sa pang tuition ko sa school!"
"Oo naman, naaalala ko pa rin naman yung dating masasayang pinagsamahan nating dalawa. Lalo na ang promise mo sa akin, nag pinky swear pa nga tayong dalawa nun eh! Pero sa totoo lang, malaki na ang naisakripisyo ko para sa trabaho ko!"
"Talaga? Baka naman over work ka na?" Nag aalalang sabi ni Scott.
Napabuntong hininga si Kendall bago ito sumagot. "Actually, the very moment na kinuha ako bilang artista, naging hectic ang schedule ko and hindi kaya ng 10 years old kong katawan na pagsabayin ang trabaho at pag-aaral and ang sabi ng tatay ko, mag trabaho na lang daw ako kesa mag aral dahil marami kaming gastusin and alama mo naman siguro na hirap na hirap siyang buhayin kaming magkapatid!"
"What? Ipinagpalit niya ang edukasyon mo sa trabaho?"
"Oo, eh alam mo namang mahirap ang buhay so naging practical lang din siya!" Pagtatanggol ni Kendall sa kanyang ama.
"Ilang taon ka na ba?"
"18 palang naman ako!"
"Oh, puwedeng puwede ka pa mag-aral!"
Tinawanan lamang ito ni Kendall. "Nagpapatawa ka ba? Grade four lang ang natapos ko, nakakahiya naman kung babalik pa ako ng elementary!"
"Baka kaya pang magawan ng paraan? Sayang naman kasi alam mo namang mababa ang tingin ng ibang tao sa mga hindi tapos ng pag-aaral."
"Hindi na sa akin importante ang opinyong ng ibang tao, siyempre maliban sa tatay ko. Siya kasi ang humahawak ng kinikita ko!"
"Bakit ka pumapayag? 18 years old kana, may sarili ka nang pag iisip, hindi mo dapat siya hinahayaang kontrolin ang buhay mo! Yan ang problema sa mga magulang, porket sila ang mas nakatatanda, pakiramdam nila sila na ang palaging tama!"
Dahil sa takot, naging tikom ang bibig ni Kendall sa totoo nitong kalagayan. Sa halip ay ininum na lang nito ang kanyang kape.
Hinawakan ni Scott kamay ni Kendall at tiningnan niya ito sa mata ng seryoso. "Hindi ka ba pinahahalagahan ng tatay mo? Ginagawa ka lang ba niyang gatasan para yumaman? Kahit malalaki na tayo, tutuparin ko pa rin ang ipinangako ko sayong poprotektahan kita!"Pilit na ikinubli ni Kendall ang katotohanan kay Scott, "promise, okay lang ako. My life is not perfect pero blessed pa rin naman ako. Walang ginagawang masama ang papa ko, wala kang dapat ikabahala!"Kitang kita pa rin ni Scott sa mga mata ni Kendall na para bang may gusto itong sabihin pero pinaniwalaan na lamang niya ang sinabi nito at nagpatuloy lamang sa pag usisa sa buhay ng kanyang kaibigang artista."Kamusta naman ang pagiging artista?""Eto, normal nang may umiistorbo sayo kapag nasa public places ka. Mabuti na lang talaga at marunong akong mag disguise kasi kung hindi may nakabuking na sa atin!""Pero marami ka namang pera at saka alam mo sa sarili mong marami kang kaibigan!""Malaki naman talaga ang kinikita ng mga arti
Matapos ng matinding bakbakan, natulong silang magkayakap. 3 am, naalimpungatan si Kendall kayabumangon si Kendall at nagbihis, bagay na ikinagulat naman ni Scott."Saan ka pupunta Kendall?" Sambit ni Scott na napabangon ng walang saplot, matigas parin ang kanyang alaga."Uuwi na ako Scott, baka magalit ang papa ko!" Maluha luhang sabi ni Kendall.Niyakap ni Scott si Kendall at ramdam nito ang matigas pa rin na alaga ng binata."Kitang kita ko ang takot sa mga mata mo Kendall, hanggang kailan ka magpapaalila sa tatay mo?"Humarap si Kendall kay Scott. "Hindi mo naiintidihan ang sitwasyon ko Scott, mahirap ang kalagayan ko at hindi na ako makakawala sa tatay ko!"Hinawakan ni Scott ang malambot na pisngi ni Kendall. "Alam mo ba kung ano ang madalas na ituro sa akin ng yumao kong lola?"Hinawakan ni Kendall ang kamay ni Scott, pumikit ito at dinama ang malambot na kamay ng binata bago ito nagsalita ng pabulong. "Ano?"Pumatak ang luha sa mga mata ni Scott dahil dama niya ang hinagpis n
Wala nang nagawa pa si Kendall kung hindi sundin ang gusto ng kanyang ama. Kinabukasan, 12 pm, nagtungo sila sa starbucks sa isang mall sa makati umorder sila ng apat na chickenpot pie. Bihis na bihis si Kendall at suot nito ang mamahaling hikaw, kwintas at bracelet. Suot din niya ang kanyang hermes na damit at pantalon, namumula rin ang kanyang labi sa kanyang lipstick at talaga namang mas lalo siyang gumanda sa kanyang make-up. Kung tutuusin, milyon milyon ang halaga ng kanyang kabuuang suot. Hindi rin nagpatalo ang kanyang katabing ama na milyon din ang suot.Hinawakan ni Ahron ang kamay ni Kendall ng mahigpit, napatingin si Kendall sa kanyang ama na nanlilisik ang mga mata. "Ako lang ang magsasalita Kendall, wala kang ibang gagawin kung hindi ang ngumit at makinig sa usapan namin ni Ma'am Madelyn! Sa oras na makita kong malungkot ang mukha mo, mayroon kang kalalagyan sa akin, naiintindihan mo ba?""Opo, dad!""Ine-expect ko na pipirma ka ng kontrata ngayon at kailangan na maka adv
Umalis na lamang si Kendall ng walang atubili at paalam, bagay na ikinagulat ng kanyang ama at nila Madelyn."Teka napapansin ko na parang ang tamlay ni Kendall ngayon? Okay lang ba siya?" tanong ni Madelyn.Mainit man ang ulo si Ahron subalit hindi niya ito masyadong ipinahalata kay Madelyn. "Sa totoo lang, hindi ko rin mawari ang ganoong ugali ni Kendall, may times talaga na bigla bigla siyang nagwa-walk out!"Nabahala naman dito si Madelyn. "Naiintindihan ko naman kung stress siya, pero munting paalala lang ha... Bawal kasi ang ganitong attitude lalo na sa shooting namin, kailangan maipakita niya ang professionalism lalo na't medyo may kasungitan ang director na kukuhain ko!""Wag kayong mag-alala, Ma'am Madelyn! Kakausapin ko ang anak ko at nakasisiguro po ako na hinding hindi niya 'yan gagawin sa taping, and baka mag hired din po ako ng security guards para masigurado na hindi siya tatakas sa set!" sambit ni Ahron na halatang nanggigigil sa ginawa ni Kendall."Nakakasakal naman y
Sa kalagitnaan ng masayang pag-uusap nila Scott at Kendall, bigla namang tumawag ang kanyang sakim na ama. Halos pagpawisan na naman siya ng husto dahil dito."Natawag ang sakim mong ama?" tanong ni Scott na kitang kita kung paano kabahan si Kendall."Scott, sa susunod nalang tayo ulit mag-usap... pasensya ka na at kailangan ko talagang sagutin ang tawag ni daddy!""Sige, gusto mo bang ihatid na kita sa shooting?""No, magta-taxi na lang ako! Pasensya ka na!"Dala ang kanyang bag, umalis si Kendall at naiwang mag-isa si Scott. Nang makalayo na si Kendall ay sinagot na niya ang tawag ni Ahron."Dad, I am sorry medyo trapik lang po talaga ngayon kaya bigla akong nagmadali!" pagsisinungaling ni Kendall.Hindi na nakapagtimpi pa si Ahron na agad sumakay sa kanang sasakyan. "Ang sabihin mo, bastos ka talagang bata ka! Palagi mo na lang akong binibigyan ng kahihiyan, mabuti na lang talaga at maunawain si Ma'am Madelyn sa pambabastos na ginawa mo!"Napatungo si Kendall sa pangsesermon ng kan
Dalawang oras ang nakalipas, sa wakas ay nakarating na si Kendall sa shooting. Sinalubong siya ng kanyang personal assistant na si Magie at kanyang manager na si Madison."What took you so long?" sambit ni Madison."Pasensya na po kayo, Ma'am! Medyo trapik lang po kasi talaga ng-""My ghad! Gasgas na 'yan palusot mo iha... galit na galit sayo si Direk Mat, tapos sinabayan pa ng tatay mo... marami tayong kailangang ishoot for today, a!"Dumeretso sila sa dressing room kung saan inayusan ni Magie si Kendall. Inihanda naman ni Madison ang script ni Kendall at patuloy pa rin nitong sinesermonan ang kanyang alaga."Pati ako nadadamay sa pinag-gagawa mo Kendall, dati hindi ka naman ganyan! Lumalaki na yata ang ulo mo porket ikaw na ang pinakahighest paid actress!"Hindi man makalingon si Kendall dahil nagreretouch siya, sumagot naman ito at itinanggi na nagiging mayabang na siya. "Pasenya na po kayo, Ma'am! Sadyang nakaka pressure lang po kasi talaga and hindi naman po nangangahulugan na na
CHAPTER 9"Ganun talaga, as a Direk salo ko lahat ng pressure sa work kaya one problem after another ang nireresolba ko... anyway, let us go to the other scene, dadating ang boyfriend mong si Miguel dala ang kotse niya ang magtatanan kayong dalawa, marami ang mga maritess sa paligid ang magchichismisan pero hindi mo sila papansinin!""No problem po direk, memorize ko na naman ang gagawin ko eh!""Okay, pero this time wala munang iyakan! Kung ano ang nakasaad sa script, yun ang susundin natin!""Maliwanag po direk!"Inayos na nila ang mga camera sa labas, naka ready na rin ang mga extra at si Joshua na kasalukuyang gumaganap bilang boyfriend ni Kendall. Naging matiwasay naman ang kanilang shooting at walang naging problema, naging hit ang teleserye ni Kendall at nag trend ito nang ipalabas nila ang eksena. Subalit hindi talaga maiiwasang may pumunta lalo na't ramdam na ramdam nila ang hugot ni Kendall sa kanyang ama. Nagtrending sa social media ang hashtag true to life hugot ni Kendall
CHAPTER 10Kahit pilitin ay hindi makatulog sila Bethy at Lea dahil rinig na rinig nila na sagutan sa pagitan ni Kendall at Ahron. Malapit lamang kasi sila sa kusina kaya hindi maiiwasan na marinig nila ito."Kendall, alam mo ba na nakakatanggap ako ng mga messages sa social media account ko ng dahil sa ginawa mo? Paano ang gagawin ko? Gugustuhin mo bang ipahamak ang sarili mong ama?""Dad, sorry na po! Hindi ko naman po intensyon na gawin 'yun, ang sabi lang naman po kasi sa akin, paghusayan ko lang naman po ang bawat eksena, wala naman po akong kinalaman sa bagay na 'yan!"Hindi na tumalab ang sorry at ang nakakaawang mukha ni Kendall sa kanyang ama. "Alam mo gasgas na ang sorry mo na 'yan Kendall! Akala mo ba na hindi ko alam na walang iyakan nang magsagutan kayo sa swimming pool? Pero bakit ka pa rin umiyak?"Pilit na nagpakumbaba si Kendall sa kanyang ama. "Dad, hindi po ba't kakasabi ko lang po, hindi ko po talaga intention na gawin 'yun pramis!""So paano ang gagawin natin ngay
"Your honor, nandito ako na tumatayo bilang lawyer ni Kendall Ezekiel. Isa siyang artista at kaya kong mapatunayan na walang ground ang accusations sa kanya bilang tawagin siyang mentally unstable. Mayroon po siyang kakayahan para makapag isip. She can think, act, and live like any other human beings! May I ask to remove her father Ahron Ezekiel be removed as her conservator. Sinabi niya na nararamdaman niya na ang conservatorship ay naging isang mapang-api at pagkontrol na tool laban sa kanya.Ipinaalam sa akin ni Kendall na gusto niyang wakasan ang conservatorship sa lalong madaling panahon. Siya ay may sinabi niya na siya ang nagtatrabaho at kumikita ng kanyang pera ngunit lahat ng tao sa kanyang paligid ay nasa kanyang payroll."Sumagot naman si Mr. Chavez sa mga parating ni Scott. Dala niya ang ilang mga larawan na nagpapatunay na si Kendall ay nasisiraan ng bait. Bigla bigla raw itong nagagalit at ipinakita pa niya ang video kung saan hindi na kayang gawin ni Kendall ang mga bas
Sa kabilang banda naman, nakarating na kaagad sila Scott at Kendall sa lugar kung saan ang warehouse na magsisilbing torture place para kay Ahron. Maayos ang paligid at marami ang mga matatalas kagaya ng kutsilyo at mayroon ding mga baril na nakalagay sa mahabang lamesa na katabi lamang ng bakal na upuan. "Grabe pala ang grupo ni Ryan, masyado silang mga mararahas at matindi siguro ang gagawin nilang torture sa tatay mo Kendall!" sambiti ni Scott na para bang nakokonsensya ito sa mga mangyayari sa tatay ni Kendall.Nanatiling manhid si Kendall at walang bakas ng konsensya at awa sa mukha nito. Huminga ng malalim si Kendall at hindi ito kumibo sa sinabi ni Scott. "Mukhang malalim yata ang iniisip mo Kendall, maaari ko bang malaman kung ano ang nasa iyong isipan?" tanong ni Scott na napayakap sa likuran ng kanyang syota. "Scott, gusto kong sabihin sayo na sumunod sa atin si Manang Bethy at Lea. Gusto ko na salubungin mo sila at balaan mo na wag nang tumuloy dahil dadanak ang dugo sa
Sinisi naman ni Stephen si Enzo. "Alam mo, ikaw ang may kasalanan nito eh. Tingnan mo, lahat ng ninakaw natin maaagaw na nila!""Mukhang papatayin na rin naman nila tayo, mabuti pang lumaban na lang tayong dalawa!"Ikinisa naman ni Enzo ang kanyang baril. "Sabagay may punto ka... pero aminin mo na mayroon ka ring kasalan sa nangyari. Kung kanina pa sana tayo umalis, hindi sana ito mangyayari ang bagay na ito!"Narinig naman ni Ryan ang ingay sa van at nang tingnan niya ito ay mayroong mga tao sa loob. Lumingon siya kay Analyn. "Nasaan ang baril?""Hindi ba't ang usapan natin ay kikidnapin lamang natin si Ahron? Bakit parang gusto mo pa yata ng gulo?""Ang sabi ko nasaan ang baril? Gusto ko lang naman makasiguro na magiging maayos ang lakad natin ngayon eh!"Binigay ni Analyn ang baril ni Ryan. Dahan dahan niyang iniyayapak ang kanyang mga paa papunta sa Van habang nakatutok ang baril niya rito. "Lumabas kayo sa lungga ninyo, mga kutonglupa... alam ko na mga tauhan kayo ni Ahron. Sorry
"Pasensya ka na Arnaldo, alam naming gusto mong pag aralin ang nag iisa mong anak. Magsimula ka na lang ulit, tutal mukhang iniwan ka na naman ng asawa mo eh!"Muli na mang nagmakaawa si Arnaldo sa dalawa niyang mga kaibigan. "Nakikiusap ako sa inyo, wag niyo namang gawin ang bagay na ito. Simula noong ipanganak ang anak kong si Ahron, nagsimula na akong mag ipon para sa kinabukasan niya. Halos magkanda kuba kuba na nga ako sa pagtatrabaho may maitabi lang ako para sa kanya!""Arnulfo, mukhang matigas itong si Arnaldo, kuhain mo ang anak niya at dalhin mo dito. Tingnan natin kung magmatigas pa ito!""Bakit ninyo inaaway ang tatay ko?" sambit ni Ahron na lakas loob na lumabas sa kanyang kwarto. Kahit na maliit, sinubukan niyang saktan ang dalawang lalaking nambubully sa kanyang ama. "Mga bad kayo, bakit ninyo inaaway ang tatay kong nagpapakumbaba sa inyo? Bakit na lang pera ang laging pinag aawayan ninyong mga matatanda?"Yumuko si Robert at pinitik ang kamay ni Ahron. "Alam mo Ahron,
Walang atubling sumunod si Bethy kay Scott at Kendall. Hindi naman nakatiis si Lea at alam niyang maliligaw lamang si Bethy kung mag isa itong pupunta kaya sumama na rin siya. Mag isa si Ahron sa kanyang kwarto, naging malalim kasi ang kanyang tulog at sa kanang panaginip, nakita niyang muli ang kanyang yumaong ina na si Glenda at kasalukuyan itong nakikipag talo sa kanyang amang si Arnaldo sa kanilang bahay na gawa sa kawayan. Aminado si Ahron na sobrang hirap ng pinagdaan niya noon at hindi niya lubos akalain na ibabalik ito ng tadhana sa kanya. "Alam mo, sobrang hirap na hirap na tayo sa buhay," sambit ni Arnaldo. "Grabe ka Glenda, halos hindi mo na ako pinagpapahinga eh. Seven days mo akong pinagtatrabaho, hindi naman ako umaangal pero nagrereklamo ka pa rin sa binibigay ko sayo. Aminin na natin, walang yumayaman sa pagtatrabo ng walong oras Glenda. Mas mababa pa sa minimum ang kinikita ko eh!"Nagpamewang naman si Glenda sa sinabi ng kanyang asawa. "Aba, para mo na ring sinabi
Nagtawanan silang mga magtotropa at para bang hindi sila natatakot na baka maging baliktad ang mga pangyayari. Dala ang kanilang mga baril, lumusob silang lahat sa bahay ni Ahron. Samantalang si Scott naman ay nag aalala sa kalagayan ni Kendall.Kasalukuyan silang nasa bahay ni Scott. Wala ang tatay niya sa lugar. Samantalang sila Lea at Bethy ay parehas na natutulog sa sofa. Minamasdan ni Scott si Kendall habang ito ay natutulog."Grabe Kendall, ang ganda ganda mo talaga. Kung buhay lang sana ang baby natin at naging kamukha mo siya, sigurado akong magiging isang sikat na artista rin siya kagaya mo. Pero wala na, sinira na ng tuso mong ama ang mga pangarap nating dalawa!"Hinawi ni Scott ang buhok ni Kendall na nakaharang sa mukha nito. "Alam mo, gustong gusto talaga kita kahit noong mga bata pa lang tayo. Ikaw lang ang tanging nakakapagpasaya sa akin ng ganito. Palagi pa nga tayong naglalaro dati at hindi mo alam na lihim kitang pinagmamasdan. Ewan ko ba pero kahit bata pa tayo noon
"Wow, ikaw ba talaga yan Ryan? Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig. Nagiging matapang ka talaga!""Oh siya, ngayong gabi ay magkita tayo sa lumang warehouse. Alam mo na naman siguro ang address noon Vincent, hindi ba?""Ako pa ba? Kabisadong kabisado ko ang ruta papunta sa lugar na yan. Wag kang mag-alala, ako na ang bahalang tumawag ng back up!" sambit ni Vincent. Nakahinga naman ng maluwag si Ryan sa narinig niya mula sa itinuturing niyang matalik na kaibigan. "Maraming salamat sayo pre, alam ko na marami tayong mga hindi pagkakaunawaan nitong mga nagdaang araw, pero nananatili pa rin tayong magkaibigan!""Wala yun... ganyan naman talaga ang totoong magkakaibigan eh, nagdadamayan sa lahat ng mga problema. Naalala mo pa ba noong mga bata pa tayo? Iyakin pa tayong parehas noon sa school at hindi tayo magkaklase!""Oo kasi section 8 ka at section 1 ako!""Oo kasi nilipat ka section that time pero dapat ay sectio 7 ka? Akala mo siguro ay hindi ko yun natatandaan no?""Hehehe, doon tayo
Sa kabilang banda naman, halos pagtinginan ng lahat si Analyn dahil para itong naging babaeng gusgusin. Subalit hindi niya iniinda ang mga masasamang tingin sa kanya ng mga tao. Tatlong oras ang nakalipas, nakauwi na si Analyn sa bahay ni Ryan. Pagod na pagod ito at hihimatayin na sana pero mabuti na lamang ay sinalo siya ni Ryan na sobrang nag aalala sa kanyang kalagayan. Ngunit hindi ito nagtangkang tumawag ng pulis dahil sa natatakot rin siya sa kanyang sariling multo. Isang oras ang nakalipas, muling nagising si Analyn na nakaratay sa kwarto ni Ryan. Tumingin siya sa kanyang syota ay hindi niya mapigilang maiyak sa tindi ng kanyang dinanas sa mga kamay ni Ahron. "Walang hiya si Ahron, magbabayad siya sa lahat ng kahayupang ginawa niya sa akin!" galit na sabi ni Analyn. Ramdam na ramdam ni Ryan ang pagkamuhi ni Analyn sa itinuturing niyang karibal. Kahit papaano kasi ay napamahal na siya kay Analyn at mahalaga ito para sa kanya. Tumabi si Ryan at inilapag muna nito ang mga iniha
"Sir, hindi po namin mahagilap sila Kendall at si Scott!" sambit ng isa sa mga tauhan ni Ahron.Hindi na nakapagtimpi pa si Ahron, lumapit siya sa kanyang tauhan at tsaka niya ito sinapak sa mukha. Natumba ito at dumugo ang kanyang ilong sa lakas ng pagkakasuntok ni Ahron. Kaagad namang umalis ang lawyer niyang si Mr. Chavez dahil sa natatakot ito na madamay sa mga nangyayari."Ga*o ka Stephen? Kung hindi mo sana sila pinakawalan kanina, sana ay wala tayong magiging problema!" sambit ni Ahron. Pumalag naman si Enzo, ang kasamahan ni Stephen na bodyguard. "Sir, wag po kayong mag alala, maaaring nagtatago sila ngayon pero makikita rin natin sila!"Nakatikim rin ng sapak si Enzo kay Ahron at kagaya ni Stephen, natumba rin ito at dumugo ang kanyang ilong. Kinuha ni Ahron ang baril nang dalawa niyang mga bodyguards at tinutukan niya ang mga ito. "Alam ninyo, ang pinakaayaw ko sa lahat yung tinatraydor ako!"Muling bumangon si Enzo at pinunasan niya ang kanyang nagdudugong ilong. "Sir, ma