Mga hugot lines,nakaka-in love, nakakasakit at nakakakilig na mga senaryo sa kwento:
''Wala na yatang pag-asa na magbabago ang hitsura ko.Sabi nga nila wala daw forever. Pero ako, naniniwala talaga ako na may forever.Na forever na akong ganito. __Forever ugly.'' ----- Ang pag ibig ay parang mangga yan. Kapag pinitas mo na di pa nahihinog, maasim..parang love, kung pinilit lamang, masasaktan ka lang. Pero pag pinitas mo sa tamang panahon...sa tamang oras...at nasa tamang hinog nito masarap ang lasa, masarap itamasa. Parang pag ibig din, masayang umibig kapag kasama mo ang taong tunay na iniibig mo na walang kumukuntra kahit si tadhana...dahil siya mismo ang naghatid ng tamang panahon para sa inyong dalawa.'' ----- Nagtaka siya nang biglang may nagbago. Tila biglang huminto ang mundo. Bakit ganun? Anong nangyayari?Yong feeling mo na tanging pintig lang ng puso mo ang naririnig mo. Umalingawngaw ito, na tila nabibingi ka sa pintig ng puso mo. Aniya sa sarili. Hindi parin siya makapaniwala, nasabi niya sa sarili na baka epekto lang yon ng nainom niya. Pero hindi eh, hindi pa ako lasing! ----- Habang nakangiti ang binata sa kanya ngayon niya lang napansin ang dalawang maliliit na dimples nito sa magkabilang labi. Palihim niya itong tinitigan habang kumakain. Ang makakapal nitong mga kilay, magagandang mga mata, matangos na ilong at magandang mga labi. Bumagay ito sa mukha nito. ----- Kung halos lahat ng mga babae ay gustong makakilala ng tall, dark, handsome and gentleman. Siya naman ang tipong lalaki na tall, dark at handsome nga sana pero ang bantot naman ng ugali. ----- "Sawang-sawa na ako sa mga pagsisinungaling at pangloloko mo! Kalimutan mo na ang kasal natin dahil hindi mangyayari yon! Hindi ko hahayaan na saktan mo siya! Dahil ako mismo ang makakalaban mo!" ----- Pero sino ba siya para kontrahin ang kanyang puso? Mahal niya rin ito. Mapipigilan ba niya ang nararamdaman niya kung gusto niya rin ito makasama habang buhay? ----- Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Ang totoo nasaktan siya sa sinabi ng isang babae nang marinig niya na kulang na lang buntot para maging kamukha niya ang unggoy. Oo, inaamin niya maitim nga siya pero ang maging kamukha ng unggoy...Sobra naman! ----- Sana naging maganda nalang ako para bagay ako sayo at hindi ako lalaitin ng ibang tao. ----- Nakita niyang nakatingin sa kanya ang mga staff doon. Wala siyang pakialam kung anuman ang sasabihin nila...kung sabihin man ng mga ito na pangit siya! ----- ''Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita, ''OA ka naman limang beses mo talagang inulit ang salitang mahal'' ''Hindi kasi ako magsasawa na mahalin ka forever,'' ----- 'sa pag-aakala ko na akyat-bahay ka baka nabuhusan pa kita ng mainit na tubig,'' ''Sobra ka naman, kung nagkataon na ganun, eh, masisira ang mukha ng gwapo mong asawa,'' nakangiting wika nito. ''Haha!'' Kunwang tawa niya. ''Yabang mo!'' sabi niya na medyo inirapan pa ito. Tumikhim ito at inakbayan siya. ''Pero alam mo, Babe, na-miss ko ang moment na to. Na-miss ko ang dating tayo, ang makasama ka, makausap, makayakap at....'' malambing na sabi nito na hindi ipinagpatuloy ang huling sasabihin. ''At ano?'' tanong niya na gustong marinig ang sasabihin pa nito habang masuyong nakatingin sa lalaki. ''At mahalikan ka.''Naghahanap ka ba ng kwentong nakalikha ng ngiti sayong mga labi o adik ka ba sa kwentong nakakakilig at istoryang nakakapintig ng puso??
Basahin ang kwentong ito na hindi lamang makakaukit ng kilig sa puso mo, kundi makaukit rin ng yaman na kailanman ay hindi maaagaw at mananakaw sayo...Ang yaman na gintong aral na mapupulot at matutunan mo sa kwentong ito na posibleng magamit sa totoong buhay.
Ang kwentong ito ay kumbinasyon ng nakakakilig, nakakaantig puso at moral lessons kang makukuha at matutunan...
Enjoy reading, sana po ay magustuhan mo ang kwento...
''Wala na yatang pag-asa na magbabago ang hitsura ko.Sabi nga nila wala daw forever. Pero ako, naniniwala talaga ako na may forever.Na forever na akong ganito. __. Forever ugly.'' ----- Huh! Ako? Yes! Ako nga! Sino pa nga ba? Nagtataka ka seguro kung bakit? Kung bakit palagi akong mukhang baliw na kinakausap ang sarili ko sa harap ng salamin. Sinusuri ang sarili araw-araw kung meron ba nagbago? Kung meron ba may nag-improve? Araw-araw naman ako naliligo. Nagsasabon, nagsashampoo at naglo-lotion. lahat tungkol sa pampaganda, sinubukan ko na. Pero... Wala na yatang pag-asa na magbabago ang hitsura ko. Sabi nga nila wala daw forever. Pero ako, naniniwala talaga ako na may forever. Na forever na akong ganito. __. Forever ugly. Ooops! Pasensya, nakalimutan ko pala magpakilala. By the way, ako nga pala si Dianne Annilou Hernandez. Ooh hah! Ganda ng pangalan ko no? Artistahin! Palagi nga napagkamalan na maganda ako, sa pangalan lang pero kung makita ako in person ay masas
ALAALA NG KAHAPON Pasko iyon, may dumating na mga pasalubong galing sa mga Titos at Titas niya mula sa Maynila, excited silang magkakapatid ng mga sandaling iyon, baka-sakali meron din silang regalo. ‘’Anong ginagawa niyo rito?’’ Tanong ng tiyahin nila na panganay sa magkakapatid ng kanilang ina. ‘’Wag na kayong umasa na meron kayo,’’anang kanyang tiyahin. Nakakalungkot man isipin, pero yon ang narinig mula sa tiyahin... ‘’Wala po, nanonood lang po,’’ sagot niya. Siya na ang sumagot sa tanong ng tyahin dahil siya rin naman ang panganay. Ang sabi ng tyahin nila na wala silang pasalubong. Maya-maya lumapit ang isa pa nilang tyahin na bunsong kapatid ng kanyang ina. ‘’Heto,oh, kunin nyo sa inyo ang pasalubong na yan!’’ Sabi ng bunsong tyahin nila na tila labag sa kalooban ang pagbigay at mukhang nang-iinsulto ang boses nito. Masayang kinuha iyon ni Dianne. Masaya siya dahil kahit papaano ay meron silang pasalubong at bagong regalo mula sa mga kamag-anak nila sa Maynila, kahit papa
@YLda's Mountpeak View "Wow! it so amazing!" Napahanga na sabi ni Amy habang nakatayo sila sa tuktok ng bukirin na yon. Sobrang ganda nga ng tanawin doon. Matatanaw ang buong kalaparan ng dagat. Kaharap ng kinaroroonan nila, makikita ang dalawang magkabilaan na bundok na akala mo'y babae at lalaking higante na mahimbing na natutulog. Amoy na amoy pa ang preskong simoy ng hangin na parang animo'y dala dala ng hanging amihan. There's a presence of fog around the mount's peak. Aside from them, marami din mga nagdadarayo sa lugar na yon. Meron mga foreigners at bakasyonista na pumupunta don galling sa iba’t ibang lugar. Meron kasi ito mga cottages sa paligid at private rooms naman sa mini hotel kung sino gustong magstay doon ng ilang araw. Kumpleto din ito sa pagkain, both liquors, wine and soft drinks. DIANNE’s POV 'Habang abala ako sa kakatamasa ng magandang tanawin sa tinatayuan ko. Napadako ang paningin ko sa bandang kaliwa at sa di kalayuan napatitig ako sa isang lalaki na nak
Nasabi ni Athena nasa kanya ang Diary ni Dianne at nasabi rin nito na magkita sila kinabukasan para maibigay nito ang Diary ni Dianne. ATHENA's POV Hindi siya mapalagay dahil naglalaro sa isip niya ang Diary ni Dianne. "Ano kaya ang mga nakasulat doon?" Tanong ng kanyang isip. Kanina pa siya balisa sa pagkahiga sa kanyang kama na parang tinutulak siya ng kanyang kuryusidad. Maya-maya pa ay hindi niya natigilan ang kanyang sarili. Tumayo siya mula sa kanyang pagkahiga at lumapit sa kanyang bag. Nang mabuksan ang kanyang bag kinuha niya ang pink personalized notebook at binuksan iyon. Hindi naman siya nahirapan sa pagbukas dahil hindi naka-locked iyon. Feeling niya ay excited siyang basahin ang mga nakasulat dito. Dahil sa sugo ng kuryusidad niya ay nabuksan niya na ito at nabasa. Napatigil siya nang malaman mula sa Diary na iyon ang tunay na feeling ni Dianne kay Kier, nililihim lang pala ito ni Dianne. Pa’no na? Pero hindi siya papayag na malayo kay Kier, talagang nahulog na ang
Nagngingitngit ang damdamin niya habang papunta sa isang mini store sa harap lang ng building na tinatrabahuan niya. Hindi parin makuha sa isipan niya ang nangyari. Naiinis siya sa nangyari! Bakit ba sa dinami-dami ng nandoon sa conference room siya ang nakita nito? Sinadya ba nito na ipahiya siya?! Huminga siya ng malalim. "Ikain ko na lang ito baka sakaling makalimutan ko ang nangyari" aniya sa kanyang sarili. Lunch time at isa pa nagugutom na rin siya. Ilang saglit lang nang makapwesto siya sa mesa na gilid lang ng glass wall at nakaumpisa na rin na kumain. Nakita niya si Kier na bumaba ng kotse. Kasunod nito na bumaba ang isang magandang babae. Maingat pa ni Kier na inalalayan ang babae. Ang babae na bukod sa maganda ito ay sexy ito sa suot na black bodycon dress at mala-model ang postura nito. "Girlfriend niya kaya iyon?" Natanong niya sa kanyang sarili. Maya-maya pa ay nakita niya si DJ na nakangiting sinalubong ang dalawa at pumasok na sila sa loob ng building. "Hello, Dia
Nang biglang nag iba ang himig ng musika. The Way You Look At Me na orihinal na ikinanta ni Christian Bautista. Saglit siyang napatigil, talaga bang sinadya iyon ng banda? Nawika lamang niya sa sarili niya."DJ, ikaw na ang bahala kay Dianne ha?" Narinig niyang sabi ni Amy. Malakas na pagkasabi nito dahil din sa ingay na likha mula sa banda. Tumango lamang ito."Will you dance with me?" Tanong ni DJ na ngayon ay kaharap na niya na nag-aanyaya sa kanyang sumayaw habang nakabukas ang isang palad nito.Hindi siya kaagad nakasagot rito pero sinadya siyang tinulak ni Amy palapit sa binata kadahilanan para makahawak siya sa palad nito. Hinawakan din ni DJ ang palad niya at mariing isinayaw siya.Wala siyang nagawa kundi sumayaw na lamang kapares si DJ. Tumingin siya kay Amy na ngayon ay kasayaw ang kasintahan nito. Nakita niyang nakangiti at kumindat pa ito sa kanya habang kasayaw ang kapares nito.Nakita niya rin ang ibang kaibigan na may kapares din ang mga itong sumasayaw. Napadako ang ka
Habang umiinom si Dianne ng Margarita wine ay pabalik-balik sa alaala niya ang mga sinabi ni Gerlie. Hindi niya ini-expect na gawin iyon ng girlfriend ni DJ sa kanya, first time niyang maranasan na sumbatan ng ibang babae dahil nakikipag-agawan daw siya ng boyfriend dito. Hindi niya napansin na naparami na pala siya nang inom. Napansin iyon ng mga kaibigan niya. ‘’ Dianne, kaya mo pa ba?’’ Nag-aalalang tanong ni Dansel. ‘’Don’t worry, hindi naman yan maano si Dianne dahil napaka-light wine lang ng Margarita. Parang uminom ka lang ng lemon juice,’’ ani Gerlie na siyang umorder ng Margarita. ‘’Hindi lang kasi sanay si Dianne uminom ng ganito,’’ani Dansel na tinatago ang inis kay Gerlie. ‘’ Hindi pala sanay eh bakit sumama pa rito?’’ Sabat nitong may sarkastikong boses. Napatingin dito si Amy na nakaramdam na rin ng lihim na pagkapikon kay Gerlie, ngunit tinitimpi lamang ang sarili. Gerlie, tama na…’’ mahinahong saway ni Kier dito. Tumigil nga si Gerlie. Subalit unti-unting nakara
Sinasabi niya ba ito dahil sa sinabi ni Amy? "Wala itong kinalaman sa sinabi ni Amy nung Sunday." Sabi pa nito na tila nabasa ang katanungan ng isip niya. Kinuha nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Dianne...will you be my girlfriend?" Nabigla siya sa sinabi nito kaya bigla niya ring kinuha ang kamay sa pagkahawak nito. "You have a gilfriend." Nasabi niya "Wala na kami ni Gerlie." Sagot nito at ipinaliwanag ang nangyari. Nang matapos silang kumain hinatid na siya ni DJ. Hindi niya muna sinagot ang tanong nito. Sinabi niya sa binata na bigyan muna siya ng pagkakataon na mag isip dahil ayaw niyang madaliin ang pangyayari ----- Magkasama sina Dianne, Amy at Dansel nang hapong iyon. Hindi na muna naitinuloy ang kanilang friendship date dahil hindi makasama si Athena. Abala ito lalo na't palagi silang lumalabas ni Kier. Ang totoo niyan naging sina Athena at Kier, pero wala na siyang may naramdamdamang sakit sa kanyang puso at damdamin, masaya pa nga siya para sa kanyang kaibi
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Pumunta ng Bacolod sina Dianne at DJ , napag usapan ng mag asawa at Mang Melchor na si DJ ang magbabantay at magtitinda sa palengke ng mga daing na paninda ni Mang Melchor kaya maaga pang pumunta si DJ sa palengke. Pumunta rin si Dianne sa palengke para dalhan ang asawa ng pagkain for breakfast, ngunit nakaramdam siya ng selos nang makitang pinag uumpukan ng mga babaeng mamimili si DJ nang makarating siya sa palengke at di kalayuan sa pwesto ng asawa. Nagulat at nagtaka siya nang nagtext si Gemma.Sa Pagpapatuloy...Nagulat si Dianne nang maramdaman ang paag vibrate ng kang cellphone sa kanyang bulsa, pinasilent mode at pinavibrate niya lang kasi iyon. Nagtaka rin siyang makita na nagtext si Gemma, ang text nito na nakita siya nang dumaan at papasok sa main entrance ng palengke. Nasa batchoy na resto raw ito, nasa gilid lang iyon ng main entrance ng palengke. Gusto raw nitong magkita sila. Nagtataka siya kung naroon ito sa lugar nila? Tumin
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Pumunta sina Dianne at DJ sa Bacolod, buong akala ni DJ bibili lamang sila ng tinda ni Mang Melchor ng bangus na dinaing ngunit lihim siyang nagulat nang sinabi ni Dianne na siya ang magtitinda ng mga paninda nitong driedfish.Nang makasakay na silang mag asawa ng traysikel pauwi, sinabi rin ni Dianne na gusto niya na maranasan ni DJ na mangisda sa laot.Sa Pagpapatuloy..."Ayaw mo ba, babe? Hindi mo ba kaya?" Tanong ni Dianne sa asawa nang makita ang reaksyon ng mukha nito."Kahit na mahirap ay gagawin ko, babe kung gusto mong gawin ko yon. Sabi mo nga noon, walang imposible basta naniniwala ka lang sa Maykapal at ma tiwala sa iyong saril. Hindi ako sanay sa ganyang gawain, babe, pero mahal kita, eh. Lahat kakayanin ko para sayo." Pahayag ni DJ.Hindi umimik si Dianne, sa totoo lang, naawa sana siya sa asawa na bigyan ito ng pagsubok pagkatapos ay iiwan ito. Yon ang balak niya, kung tutuusin kulang pa ang pagsubok na gagawin ng asawa niya
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Binayaran ni DJ ang utang ng dalawang lalaki gayundin ang pagdating ng mamang nagtitinda ng sorbetes.Nakita nila DJ at Kier na unti unting natutunaw ang binili ni DJ na ice cream para sa asawa kaya sinabihan ni Kier si DJ na kainin o dilaan ang ibabaw na parte ng ice cream na natutunaw.Sa Pagpapatuloy...Natagalan sina DJ at Kier sa kalagitnaan ng traffic pabalik sa bah nina DJ at Dianne, napansin ni DJ na unti unting natutunaw ag ibabaw ng ice cream nahawak. Kaya sinabi ni Kierna kainin ang ibabaw na parte ng ice cream para hindi mahulog sa sahig ng kotse nito."Ano? Alam mo naman na ibibigay ko ito kay Dianne." Sabi ni DJ."Hindi mo naman kakainin lahat, eh. Hindi mo naman uubusin, kakainin mo lang5 naman ang parte na natutunaw" wika ni Kier.Ginawa nga iyon ni DJ. Nang makarating sila sa bahay, nakita nila si Dianne sa sala kaya agad silang tumungo sa kinaroroonan ni Dianne.
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata....Gustong kumain ng ice cream ni Dianne na tinitinda sa kalsada kaya umalis sina DJ at Kier para maghanap sa paniniwalang naglilihi si Dianne.Pinagtawanan sila ng dalawang lalaki.Sa Pagpapatuloy...Muli na nagtawanan ang dalawang lalaki."Hoy, ano ba kayo? Maayos na nagtatanong ang tao sa inyo" saway ng babaeng may ari ng tindahan. Nasa mid fifty na ang edad nito."Akala ko kasi mga pulitiko na mamimigay ng pera, yon pala magtatanong lang ng ice cream, hik..."anang isang lalaki na lasing na natatawa habang nagsasalita."Hindi po kami pulitiko, nakita kasi namin na pumasok dito ang nagtitinda ng sorbetes kaya sinundan namin. Buntis kasi ang asawa ko at naglilihi, gustong kumain ng ice cream. Hindi kami pumunta rito para mamimigay ng pera pero kung gusto nyo kami nalang ang magbabayad ng mga nainom nyo" medyo nainis na sabi ni DJ ngunit tinitimpi nya lamang ang kanyang sarili sa mga narinig s
Ang ma naganap sa nakalipas na kabanata...Kinausap ni Gemma si Dianne tungkol kay DJ, nagkwento ito ng mga negative tungkol sa lalaki.Nagtaka sina DJ at Kier kay Dianne kung bakit hindi pa nakaayos at nakabihis?Sa ipagpatuloy..Nagtaka sina Kier at DJ kung bakit hindi pa nakaligo, nakabihis at naka ayos si Dianne, papunta ang babae sa kanilang kinaroroonan."Babe, hindi ka ba papasok sa trabaho?" Tanong ni DJ sa asawa nang makalapit."Masama ang pakiramdam ko, babe, mabigat an katawan ko. Parang gusto ko yatang kumain ng ice cream...hinahanap ng lalamunan ko,eh. Gusto ko ng ice cream na tinitinda sa kalsada,ayokong tinitinda sa mall, resto at fastfood." malambing na sabi ni Dianne sa asawa na namumungay pa ang mga mata.Nagkatinginan sina DJ at Kier sa sinabi ni Dianne."Feeling ko, naglilihi si Dianne" sabi ni DJ kay Kier, papasok na sila sa kotse ni Kier."Parang masyadong late na para maglihi si Dianne,tol, m
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Hindi inaasahan ni DJ na magkita sila ni GemmaNakipagkita si Gemma kay DianneSa ipagpatuloy...."Mukhang nauuhaw ka, Dianne? Naubos mo kasi kaagad ang buko shake mo, gusto mo bang iorder kita ulit?" Tanong ni Gemma na alintana ang nararamdaman ni Dianne."Wag na, salamat na lang. Pwede bang sabihin mo na kung ano ang tungkol kay DJ?" Ani Dianne.Huminga ng malalim si Gemma. Umiba ang reaksyon ng mukha nito na tila naaawa sa kanya."Sorry sa sasabihin ko, Dianne" Anito. "DJ is like a leech, na kakapitan ka nya at hindi titigilan hanggang sa masira. Tulad ng linta na sipsipin ang dugo mo hanggang sa maubos saka ka iiwanan..." ani Gemma saka hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa..."Sinasabi ko to sayo dahil para sakin isa kang tunay na kapatid ko' 'ani Gemma, "Isa ako sa biktima ni DJ, Dianne...sinira niya ang buhay ko. As in sirang-sira saka ako iniwan..." nanlulumo ang mga mat
Ang mga kaganapan sa nakalipas na kabanata...Gumaan ang pakiramdam ni DJ mula sa problemang gumugulo sa isipan dahil kwento ni DianneNagkita sina DJ at GemmaSa Pagpapatuloy..."Gusto mo bang malaman ang dahilan kung bakit ginagawa kong iwasan ka?" Inis na sabi ni DJ, hindi umimik si Gemma."Dahil ayokong maalala na natutunan kong magkaroon ng poot at galit sa isang tao na katulad mo dahil sa ginawa mong pagpapalaglag ng bata. Kinitil mo ang buhay ng isang batang walang kamuwang-muwang at walang kasalanan, kinitil mo ang buhay ng isang inosenteng bata na nararapat mabuhay at isilang. Ngayon, sinasabi mo na mahal mo ako? Sarili mo lang ang mahal mo Gemma, dahil kung talagang mahal mo ako dapat ay pahalagahan mo rin ang bata sa sinapupunan mo dahil ako ang ama ng bata" pahayag ni DJ na galit ang boses kahit na kalmado siyang nagsasalita."DJ, Ssorry...hindi ko alam-"wika ni Gemma na hawakan sana si DJ ngunit mabilis na nakaiwas ang lalaki at nap
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata....Hindi mawari ni DJ kung ano ang ibig sabihin ng kanyang panaginip ngunit hindi na sya nag abala pa upang isipin iyonNagkwento si Dianne kay DJ ng isang parable upang maibsan ang iniisip nitong problema tungkol sa company nito.Sa Pagpapatuloy..."Mas lalo pa siyang naging maligaya ng lalong umunlad ang kanyang pamumuhay, nagkaroon siya ng maraming negosyo, naging sucessful siya sa lahat ng aspeto ng buhay, pamilya, career at lahat. Ngunit sa sobrang abala at pagod nakakalimutan niyang magdasal kung gabi...hanggang isang araw, biglang bumagsak ang kanyang buhay. Nagkasakit ang kanyang mga anak at nalugi ang kanyang negosyo. Hanggang sa bumalik siya sa dating buhay, na mahirap. Isang gabi, nanaginip siyang...naglalakad sa tabi ng dagat. Lumingon siya at nakitang dalawang pares na lamang ng bakas ng paa ang nakitaniya sa buhangin, kaya nalungkot siya...nasabi niya sa kanyang isipan na kung saan ay k
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Nagkwento si Dianne tungkol sa karanasan niyaNanaginip si DJSA Pagpapatuloy...Napabalikwas si DJ sa kanyang inuupuan, nakatulog kasi siya sa kapapanood sa asawa habang nagluluto ito ng hapunan nila. Maaga pa siyang nakauwi sa bahay mula sa trabaho, pagdating sa kanilang bahay ay saglit siyang nagbihis ng damit pangbahay at pinuntahan ang asawa sa kusina. Gusto pa sana niyang tulungan ang asawa sa paghahanda ng kanilang hapunan pero sinabi ni Dianne na hayaan na lamamg ito na ipagluto siya.Naglutokasi ito ng paborito niyang ulam, sisig iyon at bicol express, nasabi niya sa asawa na na-missed na niyang kumain ng ng mga ganoong pagkain. Kaya hindi na siya nagpumilit sa asawa, napagdesisyunan niyang umupo na a lamang sa upuan ng lamesa sa kusina at panoorin ang asawa habang hinihintay ito na makatapos. Nakatulog na pala siya sa kapapanood sa asawa, nanaginip siya! Isang panaginip na nagpabulabog sa kanya at nagpa