@YLda's Mountpeak View
"Wow! it so amazing!"
Napahanga na sabi ni Amy habang nakatayo sila sa tuktok ng bukirin na yon.
Sobrang ganda nga ng tanawin doon. Matatanaw ang buong kalaparan ng dagat.
Kaharap ng kinaroroonan nila, makikita ang dalawang magkabilaan na bundok na akala mo'y babae at lalaking higante na mahimbing na natutulog. Amoy na amoy pa ang preskong simoy ng hangin na parang animo'y dala dala ng hanging amihan.
There's a presence of fog around the mount's peak.
Aside from them, marami din mga nagdadarayo sa lugar na yon. Meron mga foreigners at bakasyonista na pumupunta don galling sa iba’t ibang lugar. Meron kasi ito mga cottages sa paligid at private rooms naman sa mini hotel kung sino gustong magstay doon ng ilang araw. Kumpleto din ito sa pagkain, both liquors, wine and soft drinks.
DIANNE’s POV
'Habang abala ako sa kakatamasa ng magandang tanawin sa tinatayuan ko. Napadako ang paningin ko sa bandang kaliwa at sa di kalayuan napatitig ako sa isang lalaki na nakaupo sa isang malaking bato, nakayuko na tila may iniisip na malalim. Animo'y mala-model syang nkapostura doon in dramatic pose.'
'Hindi ko alam, pero bigla ako naging curious sa kanya. He's wearing light blue denim, fitted pants and high cut shoes, nakabukas ang dalawang butones nito sa dibdib.'
'I know he is handsome.'Aniya
'Kahit sa tindig pa lang halatang gwapo na. Hindi ko kasi makita ang buong mukha nito dahil naka sunglasses ito. Bagay na bagay sa mukha nito ang bigote na nakadagdag ng appeal nito'
Titig na titig ako sa lalaki na yon nang biglang napatingin ito sa kinaroroonan ko.
Nabigla ako at natauhan. Mabilis ko na nilipat ang tingin sa hawak na cell phone at kunwaring nag selfie. nang ilipat ulit ang tingin ko sa kinaroroonan ng lalaki na yon. Hindi ko na sya ulit nakita doon.
Luminga-linga pa ako para hanapin siya sa paligid pero di ko na nakita.
'Hmmm...naramdaman seguro na nakatitig ako sa kanya. In fairness..."
bulong ko sa sarili at napangiti ng makahulugan.
'baka sya na ang itinadhana sa akin.'
At lalong ngumiti.
Saka biglang sumimangot ang mukha ko nang..
'Don't be ambitious Dianne! Walang forever sa tulad mong pangit!' Nanghihimutok na sabi ng kabilang parte ng isip ko.
Ganun ako.
Meron dalawang parte ng isip ko.
Ang isa negative, ang isa naman positive.
Minsan nga eh parang gusto ko ng hampasin ang negative part ng isip ko. Kasi kung saan na gustong kong i-claim sa sarili na 'I'm beautiful. Bigla na lang susulpot ang negative mind ko at iginigiit talaga na pangit ako!
Nakakabaliw kaya.
"I really love this place!"
Ani Dansel."Yeah, it so relaxing." Segunda ni Amy.
"Mga sisters, tonight we will go to disco. Meron mini-bar dito at banda" singit ni Athena na kakalabas lang ng banyo.
Bagong ligo.
Malaanghel ito tingnan.
Athena's face is very tame.
Hindi naman nakapagtataka kung bakit maganda ito.
She is half Canadian and half Filipino.
@ the Disco Bar
Hinahanap ni Dianne ang mga kaibigan. Nauna kasi siyang dumating."Oops..sorry"
Nagulat si Dianne nang biglang napabangga sa kanya ang matangkad na lalaki.
Bahagya siyang natulala nang makita ang mukha nito.
"Gosh!" Muli syang napabulalas. Familiar sa kanya ang mukha ng lalaki.
Ito ang nakita niyang gwapong lalaki.
"Miss, sorry, okay ka lang ba?"Tanong nito.
"Dianne, nandito ka lang pala!"
Napalingon siya nang marinig ang boses ni Dansel.
Nakita niya ang mga kaibigan na papalapit sa kanya.
"Kier, nandito ka pala?" ani Dansel nang makalapit sa kanila at napabaling sa lalaki.
"Magkakilala na pala kayo?"patuloy nito.
"Actually--" hindi siya nakapagpatuloy nang biglang nagsalita si Athena.
"I'm Athena, kanina kasi nakita na kita", nakangiting singit ni Athena.
"Matalik na kaibigan ng pinsan kong si Engrid si Kier, katunayan nagkita na kami sa kasal ni Engrid last Monday". Paliwanag ni Dansel.
Tumango lamang ang lalaki.
" Pansamantala syang narito para magbakasyon from Germany" patuloy pa ni Dansel.
"Anyway, I've decided to stay na sa 'Pinas" wika ng lalaki.
"Tol, nandito ka lang pala, " napabaling ang mga tingin nila sa nagsalitang lalaki, lumapit ito sa kanila.
"Syanga pala si DJ, second cousin ko" pakilala ni Kier rito.
"Tol, si Dansel pinsan ni Engrid, ang dinaluhan natin ng kasal last Monday remember?’’ani Kier. Tumango lamang si DJ.‘’At mga kaibigan ni Dansel, " patuloy ni Kier.
Ngumiti si DJ.
"I’m Dino John Asuncion, you can call me DJ."
"Ako nga pala si Athena, " wika ni Athena.
"Ako si Amy, " wika rin ni Amy.
Pareho silang nakipagkamay matapos magpakilala.
Napabaling ang tingin ni DJ kay Dianne.
"Assistant ka ba nila? Hindi ko akalain na may kasamang katulong ang mga magagandang dilag na ito, " wika ni DJ at napangiti.
Pakiramdam niya parang may umugong sa mga taenga ni Dianne nang marinig ang sinabi nito
Pakiramdam niya nag-init din ang mga pisngi niya."Pasensya na mapagbiro lang talaga si DJ, " ani Kier para ipagpaumahin ang sinabi ni DJ.
"Ako nga pala si Dianne magkaibigan kami" pakilala nya.
"Kung hindi mo Kier napakilala sa amin ang kasama mo na second cousin mo baka napagkamalan ko siyang driver mo. Mukha kasi siyang BOY, "inis na sabi niya, sinadyang nilakasan ang huling sinabi.Nakita niyang umiba ang ekspresyon ng mukha ni DJ.
"Maganda seguro kung maghanap tayo ng mauupuan" agaw-pansin ni Dansel. Alam kasi nitong may asarang nangyayari.
"Sorry girls, but I have to go" Ani DJ para sadyang umiwas.
"Sasamahan ko si DJ, pasenya na," wika ni Kier at paumanhing tumalima ang dalawa.
Nang makaupo ang magkaibigan, mahinang napasigaw si Athena.
"OMG! He..is..so..handsome!" Medyo may kaartehan na sabi nito.
"What you mean, Athena?" Tanong ni Amy.
"Si Kier...di ba, gwapo at halatang napakagentleman?"anito.
"Pero kung ano ka gentleman ni Kier, ganun din kapresko ni DJ," sabat ni Dianne na hanggang ngayon naiinis parin sya sa inasal nito.
Napangiti si Dansel.
"Alam mo girl, bagay kayo." Anito.
Napatawa ang tatlo.
"Ew! Never na mangyayari yan kahit siya nalang ang naiwan na tao sa mundo!" Salungat niya.
"Uy, girl, wag kang magsalita ng patapos." Panunukso ni Athena.
Kahit sa maliit na bahagi ng isipan niya. Hindi nya magagawang magkagusto sa lalaking iyon.
Sobrang presko!
Kung halos lahat ng mga babae ay gustong makakilala ng tall, dark, handsome and gentleman. Siya ang tipong lalaki na tall, dark at handsome nga sana pero ang bantot ng ugali.Badtrip!-----
ang pag ibig ay parang mangga yan. Kapag pinitas mo na di pa nahihinog, maasim..parang love na kung pinilit lamang, masasaktan ka lang.
Pero pag pinitas mo sa tamang panahon...sa tamang oras...at nasa tamang hinog nito masarap ang lasa, masarap itamasa. Parang pag ibig din, masayang umibig kapag kasama mo ang taong tunay na iniibig mo na walang kumukuntra kahit si tadhana...dahil siya mismo ang naghatid ng tamang panahon para sa inyong dalawa.
Sunday afternoon.
Pagkatapos ng magfrienship date ng magkaibigan. Nagdesisyon si Dianne na makipagkita sa tyahin niya, in her father side. Galing ito ng probinsya.
Niyakap niya ang tiyahin nang makita ito at matapos na magmano.
Niyaya niya ang tiyahin sa restaurant. Alam niyang pagod ito sa byahe at gutom narin ito.
''Kamusta ka na? Kailan ka mag-aasawa?" Tanong nito nang nag uumpisa na silang kumain.
Bigla siyang nainis sa tanong nito. Sa dinami-dami ba naman ng itatanong ito pa talaga ang tinanong sa kanya? Inaamin niya naman sa sitwasyon ng mukha niya walang may magkamali na maging forever niya. Maging matandang dalaga na seguro siya. Di naman malayong mangyari yon!
Pilit siyang ngumiti sa tiyahin.
"Naging abala lang seguro ako tita sa trabaho, " aniya.
"Kung sabagay ang pag-ibig di naman yan hinahanap. Kusa yan na darating" sagot nito. "Wag kang mag-alala darating din yan." Patuloy pa nito.
"Hindi naman po ako nagmamadali, tita." Tugon niya pero ang totoo gusto niyang sabihin. Sino ba naman ang di mag-iisip na magkaroon na ng sariling pamilya sa edad na 32? Nabalitaan niya na halos lahat ng kabatchmate niya may pamilya na.
"Alam mo Dianne, nang maging mag-asawa kami ni Tito Ronnie mo akala ko siya na ang makakasama ko habang buhay lalo na nang nagkaroon kami ng dalawang anak. Kaya nang namatay siya hindi ako kaagad nag-asawa ulit. Pero hindi ko inaasahan na magkita kami ulit ni Tito Albert mo. 15 years din kami na hindi nagkita simula nang high school kami. Dati kaming magkasintahan pero nagkahiwalay kami nang nagdesisyon ang mga magulang niya na doon siya mag aral sa Europe. Simula nun nawalan kami ng komunikasyon at matagal na di kami nagkita. Nang bumalilk siya ng bansa hinanap niya raw ako." Mahabang kwento ng tyahin niya.
Nakita niyang nangilid sa mga mata nito ang mga luha. Marahan nitong pinahiran at nagpatuloy.
"Mahal na mahal ko ang Tito Albert mo nang magkasintahan kami dati. Nang umalis siya papunta sa Europe sobrang nalungkot ako nun. Kaya nga hindi ako makapaniwala na magkatuluyan kaming dalawa."
"Alam mo ba bago naging kami nang una ko siyang makita parang huminto ang mundo ko...huminto ang paligid ko na tanging tibok ng puso ko lang ang naririnig ko." Sabi pa nito na biglang kumislap ang mga mata.
"Seguro nga kung kayo talaga sa isa't isa may paraan talaga ang tadhana. Hindi ko makalimutan ang sabi ng lola mo dati sa akin " Ang pag ibig ay parang mangga...kapag pinitas mo na di pa nahihinog, maasim..na pilit lamang na umibig, masasaktan ka lamang.
Pero pag pinitas mo sa tamang panahon...sa tamang oras...at nasa tamang hinog nito masarap ang lasa, masarap itamasa. Parang pag ibig din, masayang umibig kapag kasama mo ang taong tunay na iniibig mo na walang kumukuntra kahit si tadhana...dahil siya mismo ang naghatid ng tamang panahon sa inyong dalawa." Dagdag pa nito.
Natouched sya sa sinabi ng tiyahin niya. Tumatak sa puso't isipan niya ang mga sinabi nito.
Nang gabing nang magkahiwalay sila ng tiyahin niya at nang makauwi ay agad siyang sumampa sa kanyang kaman, kinuha niya kaagad ang pinakaiingatan niya na Diary. Marami siyang dapat ikwento dito. Kinuha ni Dianne ang Pink na personalized notebook sa kanyang bag. Dala-da niya ito kahit saan siya magpunta.
Dito niya isinusulat ang mga pangyayari na di niya kayang ikwento sa iba kahit sa mga kaibigan pa niya. Nagsimula siyang sumulat at naikwento rin sa kanyang pinakamamahal na Diary ang tungkol kay DJ, ang natutunan nya sa kanyang tiyahin at ang lalo na kay Kier.Kung ang tunay na nararamdaman niya para sa lalaki at tinatago niya sa kanyang mga kaibigan. Di kasi alam ng mga kaibigan niya na may lihim siyang pagtingin kay Kier.
Bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Naisip niya si Athena.Paano kaya kung malalaman ni Athena na lihim may lihim din siyang pagtingin kay Kier? Baka magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila.
‘’Hay…’’ napahinga siya ng malalim.
-----
Birthday ni Amy kinabukasan.
Excited silang tatlo sa regalong ibibigay sa kaibigan. Napagplanuhan nina Dianne, Athena at Dansel na magbigay ng regalo sa kaibigan one day ahead sa kaarawan nito. Nagbunut- bunot pa sila bago bilhin ang regalo na ibibigay sa kaibigan. Hikaw ang nabunot ni Athena, bracelet ang kay Dansel at necklace naman ang sa kanya. Napag-usapan nila na magkita sa Delishop na pagmamay-ari nina Dansel at Amy. Susorpresahin nila ang kaibigan.
Nang kumpleto na silang makaupo sa Amy & Dansel Delishop walang kaalam-alam si Amy tungkol sa plano nilang tatlo.
"Friend may sasabibin sana kami sayo na mahalagang bagay" panimula ni Athena na nagdrama pang malungkot ang mukha.
Umiba ang reaksyon ng mukha ni Amy at nag-alala sa naging reaksyon ni Athena.
"Bakit? Meron ba nakabuntis sayo? Nako!" Sabi ni Amy.
Tumawa sina Dansel at Dianne.
"Baliw, hindi ah..." Sagot ni Athena. "Meron sana kaming ibibigay sayong regalo dahil kaarawan mo na bukas." Patuloy pa nito.
Biglang na-touched si Amy sa sinabi nito. At kinuha ni Athena ang regalo niya para sa kaibigan. Hikaw na white pearl. Totoong pearl ito, paborito kasi ni Amy ang pearl earrings.
Niyakap ni Amy si Athena nang maisuot nito ang hikaw na bumagay sa babae.
"Ako rin Amy," wika ni Dansel habang isinusuot kay Amy ang bracelet. Lalong tumingkad ang kaputian ng kamay ni Amy dito at bumagay sa kamay nito.
"Thank you Dansel!" Wika ni Amy at niyakap ito.
Tumingin sina Dansel at Athena kay Dianne. Alam niya ang ibig sabihin nito. Nang tingnan niya ang kanyang bag hindi niya kaagad nakita iyon. Kinakailangan pa niyang halughugin ang bag niya at nilabas ang lahat ng kanyang gamit.
"Dianne, alam mo okay lang naman sa akin. Di mo naman kailangan--" Naputol na sabi ni Amy nang makita nito ang maliit na pulang kahon na hawak ni Dianne.
"I will give you a necklace, Ams. Tanda ng pagkakaibigan natin. Na kahit saan ka man magpunta hindi mo kami makakalimutan." Ani Dianne at binuksan ang heart pendant nito na merong picture nilang apat sa loob nito. Group picture na kung saan na masaya silang nakangiti.
Tuluyan ng napaluha si Amy na kanina pa niyang pinipigilan.
"Girls, sobrang saya ko at naappreciate ko talaga ang mga regalo nyo sa akin" sabi nitong umiiyak na.
"Advance happy birthday, Amy." Wika ni Athena at nag group hug silang apat.
"Pano ba yan 30 kana bukas, kailangan mo ng mag asawa." Biro ni Dansel at napatawa sila.
Masayang nakangiti si Dianne habang pinapanood ang kanyang mga kaibigan na tumatawa. Sa totoo lang may kamahalan din ang kwentas na naibigay niya kay Amy pero hindi siya nanghihinayang dito dahil mas matimbang pa ang halaga ng mga kaibigan niya para sa kanya.
Kahit na mas matanda siya ng dalawang taon sa mga ito naging matalik niyang kaibigan ang mga ito dahil buong puso siyang tinanggap na kaibigan, magkaiba man ang antas ng buhay nila.
Nang umalis ang magkaibigan naiwan si Athena dahil huli itong umalis. Bago siya umalis may napansin siyang bagay sa isang upuan kung saang inupuan nila. Nang lapitan niya ito isang pink personalized notebook na may pangalan ni Dianne. May lock ito pero nakalimutang ilock iyon. Kinuha iyon ni Athena at balak na ibalik kay Dianne. Nilagay nito sa bag at tuluyang umalis.
Hinalughog na ni Dianne ang lahat ng mga gamit sa loob ng kanyang bag pero hindi nya parin nakita ang kanyang diary. Naalala niya na nilabas niya lahat ng kanyang gamit nang hinanap niya ang pangregalo kay Amy. Naisip nya na baka naiwan doon sa Delishop.
Ilang saglit lang narinig niya nang tumunog ang kanyang cellphone.
Si Athena iyon.
Nasabi ni Athena nasa kanya ang Diary ni Dianne at nasabi rin nito na magkita sila kinabukasan para maibigay nito ang Diary ni Dianne.
-----Paano kung ang pinaka-iingatan mong bagay ay makita ng taong hindi dapat?
kaka edit ko lang pasenxa may missing scene kay dj...pakibasa nalang ulit chap na to pag ok na chap na to, tnx for understanding
Nasabi ni Athena nasa kanya ang Diary ni Dianne at nasabi rin nito na magkita sila kinabukasan para maibigay nito ang Diary ni Dianne. ATHENA's POV Hindi siya mapalagay dahil naglalaro sa isip niya ang Diary ni Dianne. "Ano kaya ang mga nakasulat doon?" Tanong ng kanyang isip. Kanina pa siya balisa sa pagkahiga sa kanyang kama na parang tinutulak siya ng kanyang kuryusidad. Maya-maya pa ay hindi niya natigilan ang kanyang sarili. Tumayo siya mula sa kanyang pagkahiga at lumapit sa kanyang bag. Nang mabuksan ang kanyang bag kinuha niya ang pink personalized notebook at binuksan iyon. Hindi naman siya nahirapan sa pagbukas dahil hindi naka-locked iyon. Feeling niya ay excited siyang basahin ang mga nakasulat dito. Dahil sa sugo ng kuryusidad niya ay nabuksan niya na ito at nabasa. Napatigil siya nang malaman mula sa Diary na iyon ang tunay na feeling ni Dianne kay Kier, nililihim lang pala ito ni Dianne. Pa’no na? Pero hindi siya papayag na malayo kay Kier, talagang nahulog na ang
Nagngingitngit ang damdamin niya habang papunta sa isang mini store sa harap lang ng building na tinatrabahuan niya. Hindi parin makuha sa isipan niya ang nangyari. Naiinis siya sa nangyari! Bakit ba sa dinami-dami ng nandoon sa conference room siya ang nakita nito? Sinadya ba nito na ipahiya siya?! Huminga siya ng malalim. "Ikain ko na lang ito baka sakaling makalimutan ko ang nangyari" aniya sa kanyang sarili. Lunch time at isa pa nagugutom na rin siya. Ilang saglit lang nang makapwesto siya sa mesa na gilid lang ng glass wall at nakaumpisa na rin na kumain. Nakita niya si Kier na bumaba ng kotse. Kasunod nito na bumaba ang isang magandang babae. Maingat pa ni Kier na inalalayan ang babae. Ang babae na bukod sa maganda ito ay sexy ito sa suot na black bodycon dress at mala-model ang postura nito. "Girlfriend niya kaya iyon?" Natanong niya sa kanyang sarili. Maya-maya pa ay nakita niya si DJ na nakangiting sinalubong ang dalawa at pumasok na sila sa loob ng building. "Hello, Dia
Nang biglang nag iba ang himig ng musika. The Way You Look At Me na orihinal na ikinanta ni Christian Bautista. Saglit siyang napatigil, talaga bang sinadya iyon ng banda? Nawika lamang niya sa sarili niya."DJ, ikaw na ang bahala kay Dianne ha?" Narinig niyang sabi ni Amy. Malakas na pagkasabi nito dahil din sa ingay na likha mula sa banda. Tumango lamang ito."Will you dance with me?" Tanong ni DJ na ngayon ay kaharap na niya na nag-aanyaya sa kanyang sumayaw habang nakabukas ang isang palad nito.Hindi siya kaagad nakasagot rito pero sinadya siyang tinulak ni Amy palapit sa binata kadahilanan para makahawak siya sa palad nito. Hinawakan din ni DJ ang palad niya at mariing isinayaw siya.Wala siyang nagawa kundi sumayaw na lamang kapares si DJ. Tumingin siya kay Amy na ngayon ay kasayaw ang kasintahan nito. Nakita niyang nakangiti at kumindat pa ito sa kanya habang kasayaw ang kapares nito.Nakita niya rin ang ibang kaibigan na may kapares din ang mga itong sumasayaw. Napadako ang ka
Habang umiinom si Dianne ng Margarita wine ay pabalik-balik sa alaala niya ang mga sinabi ni Gerlie. Hindi niya ini-expect na gawin iyon ng girlfriend ni DJ sa kanya, first time niyang maranasan na sumbatan ng ibang babae dahil nakikipag-agawan daw siya ng boyfriend dito. Hindi niya napansin na naparami na pala siya nang inom. Napansin iyon ng mga kaibigan niya. ‘’ Dianne, kaya mo pa ba?’’ Nag-aalalang tanong ni Dansel. ‘’Don’t worry, hindi naman yan maano si Dianne dahil napaka-light wine lang ng Margarita. Parang uminom ka lang ng lemon juice,’’ ani Gerlie na siyang umorder ng Margarita. ‘’Hindi lang kasi sanay si Dianne uminom ng ganito,’’ani Dansel na tinatago ang inis kay Gerlie. ‘’ Hindi pala sanay eh bakit sumama pa rito?’’ Sabat nitong may sarkastikong boses. Napatingin dito si Amy na nakaramdam na rin ng lihim na pagkapikon kay Gerlie, ngunit tinitimpi lamang ang sarili. Gerlie, tama na…’’ mahinahong saway ni Kier dito. Tumigil nga si Gerlie. Subalit unti-unting nakara
Sinasabi niya ba ito dahil sa sinabi ni Amy? "Wala itong kinalaman sa sinabi ni Amy nung Sunday." Sabi pa nito na tila nabasa ang katanungan ng isip niya. Kinuha nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Dianne...will you be my girlfriend?" Nabigla siya sa sinabi nito kaya bigla niya ring kinuha ang kamay sa pagkahawak nito. "You have a gilfriend." Nasabi niya "Wala na kami ni Gerlie." Sagot nito at ipinaliwanag ang nangyari. Nang matapos silang kumain hinatid na siya ni DJ. Hindi niya muna sinagot ang tanong nito. Sinabi niya sa binata na bigyan muna siya ng pagkakataon na mag isip dahil ayaw niyang madaliin ang pangyayari ----- Magkasama sina Dianne, Amy at Dansel nang hapong iyon. Hindi na muna naitinuloy ang kanilang friendship date dahil hindi makasama si Athena. Abala ito lalo na't palagi silang lumalabas ni Kier. Ang totoo niyan naging sina Athena at Kier, pero wala na siyang may naramdamdamang sakit sa kanyang puso at damdamin, masaya pa nga siya para sa kanyang kaibi
Habang naglalakad sina Dianne at DJ patungo sa sakayan ng traysikel ay napatigil si Dianne nang marinig na may tumatawag ng kanyang pangalan. Pagbaling niya ng tingin sa pinanggalingan ng boses na tumatawag sa pangalan niya ay nakita niya ang babaeng kasing edad niya na may kasamang batang babae, na sa tingin niya ay nasa wsalong taong gulang. Naglalakad ang mga ito palapit sa kanila kaya hinintay niya itong makalapit sa kanila ni DJ na huminto rin sa paglalakad. ‘’Dianne, naaalala mo pa ba ako?’’ Nang makalapit ay tanong nito. ‘’Oo, naman,’’sagot niya, hindi niya makalimutan ang best friend niya nang elementary siya. Si Ana Mae Cordillo. ‘’Ana Mae Cordillo, ikaw kaya ang best friend ko nang elementary tayo.’’ Saad pa niya na nakangiti. Ngumiti rin ito at napabaling ng tingin kay DJ. ‘’kamusta ka na pala? Asawa mo?’’ Tanong nito na lalong napangiti. ‘’Boyfriend ko si DJ, si Ana Mae pala DJ, best friend ko nang elementary,’’wika niya at ipinakilala ang dalawa. Ngumiti rin si DJ ri
Pagpasok niya sa principal’s office ay sinabihan siya ng principal na umupo sa bakanteng upuan sa tabi ng table nito. Umupo siya na patuloy na nagdadarasal sa kanyang isip. Ngunit laking gulat niya nang kausapin siya ng principal at ibinigay sa kanya ang papel na certificate of scholarship. ‘’Po? Ibig sabihin nakapasa po ako sa entrance exam?’’ Natutuwang tanong niya sa principal, pinipigilan niya nga ang sarili na lumundag sa sobrang saya. ‘’Oo, naman jiha, kailangan talagang makapasa sa entrance exam bago makapag-enroll dito sa eskwelahan na to dahil kung hindi…hindi ka rin makapag-enroll dito. Fortunatelly, you passed the entrance exam and got an excellent score, ibig sabihin na above average ang naging score mo kaya this school will grant you a scholarship. Free tuition fees at miscellaneous na lang ang babayaran..congatulation, jiha,’’ sabi ng principal at nakipag-kamay pa sa kanya. Pagkatapos ng klase sa last subject niya ay excited na umuwi si Dianne, gusto na niyang umuwi a
Marami na rin ang nangyari sa nakalipas na pitong buwan. Nang naging mag-girlfriend at boyfriend sina Athena at Kier, nagpropsed ng kasal si Kier kay Athena 6 months after. Abala siya sa pagpili ng kanyang susuutin para sa party. Engagement party nina Athena at Kier. Milky white ang napili niyang damit na may nakakabit na mga perlas sa leeg. Na bumagay sa kanya ng gabing iyon. Hindi niya kasama si DJ dahil pumunta ito sa Germany, bibisitahin daw ang amang maysakit. Sa susunod na araw pa ito darating. Naroon rin ang mga kaibigan niya na sina Dansel at Amy. Nag-uumpukan silang tatlo habang si Athena naman ay masayang kasama si Kier. "Im. happy for you girl!" Masayang bati ni Dansel kay Athena nang makalapit kay Athena at Kier. Kasunod sina Dianne at Dansel. Saglit na umalis si Kier. Pumunta lang ito ng comfort room, kaya naiwan doon si Athena kasama ang tatlong mga kaibigan. "Sinasabi ko na nga ba may forever talaga kayo ni Kier" sabi rin ni Amy na malapad ang pagkangiti. Kinikil
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Pumunta ng Bacolod sina Dianne at DJ , napag usapan ng mag asawa at Mang Melchor na si DJ ang magbabantay at magtitinda sa palengke ng mga daing na paninda ni Mang Melchor kaya maaga pang pumunta si DJ sa palengke. Pumunta rin si Dianne sa palengke para dalhan ang asawa ng pagkain for breakfast, ngunit nakaramdam siya ng selos nang makitang pinag uumpukan ng mga babaeng mamimili si DJ nang makarating siya sa palengke at di kalayuan sa pwesto ng asawa. Nagulat at nagtaka siya nang nagtext si Gemma.Sa Pagpapatuloy...Nagulat si Dianne nang maramdaman ang paag vibrate ng kang cellphone sa kanyang bulsa, pinasilent mode at pinavibrate niya lang kasi iyon. Nagtaka rin siyang makita na nagtext si Gemma, ang text nito na nakita siya nang dumaan at papasok sa main entrance ng palengke. Nasa batchoy na resto raw ito, nasa gilid lang iyon ng main entrance ng palengke. Gusto raw nitong magkita sila. Nagtataka siya kung naroon ito sa lugar nila? Tumin
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Pumunta sina Dianne at DJ sa Bacolod, buong akala ni DJ bibili lamang sila ng tinda ni Mang Melchor ng bangus na dinaing ngunit lihim siyang nagulat nang sinabi ni Dianne na siya ang magtitinda ng mga paninda nitong driedfish.Nang makasakay na silang mag asawa ng traysikel pauwi, sinabi rin ni Dianne na gusto niya na maranasan ni DJ na mangisda sa laot.Sa Pagpapatuloy..."Ayaw mo ba, babe? Hindi mo ba kaya?" Tanong ni Dianne sa asawa nang makita ang reaksyon ng mukha nito."Kahit na mahirap ay gagawin ko, babe kung gusto mong gawin ko yon. Sabi mo nga noon, walang imposible basta naniniwala ka lang sa Maykapal at ma tiwala sa iyong saril. Hindi ako sanay sa ganyang gawain, babe, pero mahal kita, eh. Lahat kakayanin ko para sayo." Pahayag ni DJ.Hindi umimik si Dianne, sa totoo lang, naawa sana siya sa asawa na bigyan ito ng pagsubok pagkatapos ay iiwan ito. Yon ang balak niya, kung tutuusin kulang pa ang pagsubok na gagawin ng asawa niya
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Binayaran ni DJ ang utang ng dalawang lalaki gayundin ang pagdating ng mamang nagtitinda ng sorbetes.Nakita nila DJ at Kier na unti unting natutunaw ang binili ni DJ na ice cream para sa asawa kaya sinabihan ni Kier si DJ na kainin o dilaan ang ibabaw na parte ng ice cream na natutunaw.Sa Pagpapatuloy...Natagalan sina DJ at Kier sa kalagitnaan ng traffic pabalik sa bah nina DJ at Dianne, napansin ni DJ na unti unting natutunaw ag ibabaw ng ice cream nahawak. Kaya sinabi ni Kierna kainin ang ibabaw na parte ng ice cream para hindi mahulog sa sahig ng kotse nito."Ano? Alam mo naman na ibibigay ko ito kay Dianne." Sabi ni DJ."Hindi mo naman kakainin lahat, eh. Hindi mo naman uubusin, kakainin mo lang5 naman ang parte na natutunaw" wika ni Kier.Ginawa nga iyon ni DJ. Nang makarating sila sa bahay, nakita nila si Dianne sa sala kaya agad silang tumungo sa kinaroroonan ni Dianne.
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata....Gustong kumain ng ice cream ni Dianne na tinitinda sa kalsada kaya umalis sina DJ at Kier para maghanap sa paniniwalang naglilihi si Dianne.Pinagtawanan sila ng dalawang lalaki.Sa Pagpapatuloy...Muli na nagtawanan ang dalawang lalaki."Hoy, ano ba kayo? Maayos na nagtatanong ang tao sa inyo" saway ng babaeng may ari ng tindahan. Nasa mid fifty na ang edad nito."Akala ko kasi mga pulitiko na mamimigay ng pera, yon pala magtatanong lang ng ice cream, hik..."anang isang lalaki na lasing na natatawa habang nagsasalita."Hindi po kami pulitiko, nakita kasi namin na pumasok dito ang nagtitinda ng sorbetes kaya sinundan namin. Buntis kasi ang asawa ko at naglilihi, gustong kumain ng ice cream. Hindi kami pumunta rito para mamimigay ng pera pero kung gusto nyo kami nalang ang magbabayad ng mga nainom nyo" medyo nainis na sabi ni DJ ngunit tinitimpi nya lamang ang kanyang sarili sa mga narinig s
Ang ma naganap sa nakalipas na kabanata...Kinausap ni Gemma si Dianne tungkol kay DJ, nagkwento ito ng mga negative tungkol sa lalaki.Nagtaka sina DJ at Kier kay Dianne kung bakit hindi pa nakaayos at nakabihis?Sa ipagpatuloy..Nagtaka sina Kier at DJ kung bakit hindi pa nakaligo, nakabihis at naka ayos si Dianne, papunta ang babae sa kanilang kinaroroonan."Babe, hindi ka ba papasok sa trabaho?" Tanong ni DJ sa asawa nang makalapit."Masama ang pakiramdam ko, babe, mabigat an katawan ko. Parang gusto ko yatang kumain ng ice cream...hinahanap ng lalamunan ko,eh. Gusto ko ng ice cream na tinitinda sa kalsada,ayokong tinitinda sa mall, resto at fastfood." malambing na sabi ni Dianne sa asawa na namumungay pa ang mga mata.Nagkatinginan sina DJ at Kier sa sinabi ni Dianne."Feeling ko, naglilihi si Dianne" sabi ni DJ kay Kier, papasok na sila sa kotse ni Kier."Parang masyadong late na para maglihi si Dianne,tol, m
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Hindi inaasahan ni DJ na magkita sila ni GemmaNakipagkita si Gemma kay DianneSa ipagpatuloy...."Mukhang nauuhaw ka, Dianne? Naubos mo kasi kaagad ang buko shake mo, gusto mo bang iorder kita ulit?" Tanong ni Gemma na alintana ang nararamdaman ni Dianne."Wag na, salamat na lang. Pwede bang sabihin mo na kung ano ang tungkol kay DJ?" Ani Dianne.Huminga ng malalim si Gemma. Umiba ang reaksyon ng mukha nito na tila naaawa sa kanya."Sorry sa sasabihin ko, Dianne" Anito. "DJ is like a leech, na kakapitan ka nya at hindi titigilan hanggang sa masira. Tulad ng linta na sipsipin ang dugo mo hanggang sa maubos saka ka iiwanan..." ani Gemma saka hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa..."Sinasabi ko to sayo dahil para sakin isa kang tunay na kapatid ko' 'ani Gemma, "Isa ako sa biktima ni DJ, Dianne...sinira niya ang buhay ko. As in sirang-sira saka ako iniwan..." nanlulumo ang mga mat
Ang mga kaganapan sa nakalipas na kabanata...Gumaan ang pakiramdam ni DJ mula sa problemang gumugulo sa isipan dahil kwento ni DianneNagkita sina DJ at GemmaSa Pagpapatuloy..."Gusto mo bang malaman ang dahilan kung bakit ginagawa kong iwasan ka?" Inis na sabi ni DJ, hindi umimik si Gemma."Dahil ayokong maalala na natutunan kong magkaroon ng poot at galit sa isang tao na katulad mo dahil sa ginawa mong pagpapalaglag ng bata. Kinitil mo ang buhay ng isang batang walang kamuwang-muwang at walang kasalanan, kinitil mo ang buhay ng isang inosenteng bata na nararapat mabuhay at isilang. Ngayon, sinasabi mo na mahal mo ako? Sarili mo lang ang mahal mo Gemma, dahil kung talagang mahal mo ako dapat ay pahalagahan mo rin ang bata sa sinapupunan mo dahil ako ang ama ng bata" pahayag ni DJ na galit ang boses kahit na kalmado siyang nagsasalita."DJ, Ssorry...hindi ko alam-"wika ni Gemma na hawakan sana si DJ ngunit mabilis na nakaiwas ang lalaki at nap
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata....Hindi mawari ni DJ kung ano ang ibig sabihin ng kanyang panaginip ngunit hindi na sya nag abala pa upang isipin iyonNagkwento si Dianne kay DJ ng isang parable upang maibsan ang iniisip nitong problema tungkol sa company nito.Sa Pagpapatuloy..."Mas lalo pa siyang naging maligaya ng lalong umunlad ang kanyang pamumuhay, nagkaroon siya ng maraming negosyo, naging sucessful siya sa lahat ng aspeto ng buhay, pamilya, career at lahat. Ngunit sa sobrang abala at pagod nakakalimutan niyang magdasal kung gabi...hanggang isang araw, biglang bumagsak ang kanyang buhay. Nagkasakit ang kanyang mga anak at nalugi ang kanyang negosyo. Hanggang sa bumalik siya sa dating buhay, na mahirap. Isang gabi, nanaginip siyang...naglalakad sa tabi ng dagat. Lumingon siya at nakitang dalawang pares na lamang ng bakas ng paa ang nakitaniya sa buhangin, kaya nalungkot siya...nasabi niya sa kanyang isipan na kung saan ay k
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Nagkwento si Dianne tungkol sa karanasan niyaNanaginip si DJSA Pagpapatuloy...Napabalikwas si DJ sa kanyang inuupuan, nakatulog kasi siya sa kapapanood sa asawa habang nagluluto ito ng hapunan nila. Maaga pa siyang nakauwi sa bahay mula sa trabaho, pagdating sa kanilang bahay ay saglit siyang nagbihis ng damit pangbahay at pinuntahan ang asawa sa kusina. Gusto pa sana niyang tulungan ang asawa sa paghahanda ng kanilang hapunan pero sinabi ni Dianne na hayaan na lamamg ito na ipagluto siya.Naglutokasi ito ng paborito niyang ulam, sisig iyon at bicol express, nasabi niya sa asawa na na-missed na niyang kumain ng ng mga ganoong pagkain. Kaya hindi na siya nagpumilit sa asawa, napagdesisyunan niyang umupo na a lamang sa upuan ng lamesa sa kusina at panoorin ang asawa habang hinihintay ito na makatapos. Nakatulog na pala siya sa kapapanood sa asawa, nanaginip siya! Isang panaginip na nagpabulabog sa kanya at nagpa