Habang naglalakad sina Dianne at DJ patungo sa sakayan ng traysikel ay napatigil si Dianne nang marinig na may tumatawag ng kanyang pangalan. Pagbaling niya ng tingin sa pinanggalingan ng boses na tumatawag sa pangalan niya ay nakita niya ang babaeng kasing edad niya na may kasamang batang babae, na sa tingin niya ay nasa wsalong taong gulang. Naglalakad ang mga ito palapit sa kanila kaya hinintay niya itong makalapit sa kanila ni DJ na huminto rin sa paglalakad. ‘’Dianne, naaalala mo pa ba ako?’’ Nang makalapit ay tanong nito. ‘’Oo, naman,’’sagot niya, hindi niya makalimutan ang best friend niya nang elementary siya. Si Ana Mae Cordillo. ‘’Ana Mae Cordillo, ikaw kaya ang best friend ko nang elementary tayo.’’ Saad pa niya na nakangiti. Ngumiti rin ito at napabaling ng tingin kay DJ. ‘’kamusta ka na pala? Asawa mo?’’ Tanong nito na lalong napangiti. ‘’Boyfriend ko si DJ, si Ana Mae pala DJ, best friend ko nang elementary,’’wika niya at ipinakilala ang dalawa. Ngumiti rin si DJ ri
Pagpasok niya sa principal’s office ay sinabihan siya ng principal na umupo sa bakanteng upuan sa tabi ng table nito. Umupo siya na patuloy na nagdadarasal sa kanyang isip. Ngunit laking gulat niya nang kausapin siya ng principal at ibinigay sa kanya ang papel na certificate of scholarship. ‘’Po? Ibig sabihin nakapasa po ako sa entrance exam?’’ Natutuwang tanong niya sa principal, pinipigilan niya nga ang sarili na lumundag sa sobrang saya. ‘’Oo, naman jiha, kailangan talagang makapasa sa entrance exam bago makapag-enroll dito sa eskwelahan na to dahil kung hindi…hindi ka rin makapag-enroll dito. Fortunatelly, you passed the entrance exam and got an excellent score, ibig sabihin na above average ang naging score mo kaya this school will grant you a scholarship. Free tuition fees at miscellaneous na lang ang babayaran..congatulation, jiha,’’ sabi ng principal at nakipag-kamay pa sa kanya. Pagkatapos ng klase sa last subject niya ay excited na umuwi si Dianne, gusto na niyang umuwi a
Marami na rin ang nangyari sa nakalipas na pitong buwan. Nang naging mag-girlfriend at boyfriend sina Athena at Kier, nagpropsed ng kasal si Kier kay Athena 6 months after. Abala siya sa pagpili ng kanyang susuutin para sa party. Engagement party nina Athena at Kier. Milky white ang napili niyang damit na may nakakabit na mga perlas sa leeg. Na bumagay sa kanya ng gabing iyon. Hindi niya kasama si DJ dahil pumunta ito sa Germany, bibisitahin daw ang amang maysakit. Sa susunod na araw pa ito darating. Naroon rin ang mga kaibigan niya na sina Dansel at Amy. Nag-uumpukan silang tatlo habang si Athena naman ay masayang kasama si Kier. "Im. happy for you girl!" Masayang bati ni Dansel kay Athena nang makalapit kay Athena at Kier. Kasunod sina Dianne at Dansel. Saglit na umalis si Kier. Pumunta lang ito ng comfort room, kaya naiwan doon si Athena kasama ang tatlong mga kaibigan. "Sinasabi ko na nga ba may forever talaga kayo ni Kier" sabi rin ni Amy na malapad ang pagkangiti. Kinikil
DJ'S POV"Leave me alone...I don't want to see your face ever again."Naaalala pa niya ang pagkasabi ni Dianne.Ilang araw na siyang nagkukulong sa kwarto niya at alak lang ang kanyang kasama. Wala siyang gana...ganang kumain, kumilos kahit na mabuhay. Ganoon kalalim ang tama niya sa puso niya at sa pagmamahal na nararamdaman para kay Dianne. Noong una gusto niya lamang na mahulog ang loob nito sa kanya at mapaibig si Dianne pero nung lumaon siya ang unti-unting nahuhulog sa sariling bitag, natutunan niyang mahalin si Dianne. Si Dianne, iba ito sa lahat ng nakilala niya. Oo, inaamin niya ilang beses na siyang nagkaroon ng girlfriend si Gerlie ang tumagal pero ngayon lang siya natamaan ng husto.Kung mawawala si Dianne sa kanya mas mabuti pang mawala na rin siya!Nalaman niyang di na pumasok sa trabaho si Dianne dahil nagresigned na raw ito.Pero hindi...hindi nya kayang mawala ito.Kailangan niyang kumilos!Nasa YLda's Mount Peak View si Dianne. Napagdesisyunan niyang pansamantalang ma
I love you so much babe. I will love you forever'' ----- Pagkatapos ng kasal nina Dianne at DJ ay naghoneymoon sila sa Paris kaya sobrang tuwa ni Dianne. Namasyal sila sa mga kilala at mga sikat na lugar doon tulad ng mga lugar na The Louvre, Temple of Love, Wall of I Love You, Luxembourg Garden; Notre- Dame Cathedral mga romantic places ang mga iyon sa Paris. Ayon kasi kay DJ maganda ang mga yon puntahan dahil mga romantic places iyon at tamang tama sa kanila dahil newly wed sila at gusto niyang dalhin doon si Dianne. Syempre pinuntahan din nila at ang pinapangarap niya na puntahan sa Paris ang Eiffel Tower nag stay rin sila sa hotel malapit doon dahil pangarap ni Dianne na makita ang Eiffel Tower para tuwing umaga pagkagising niya ay makikita niya ang magandang view nito kaya pinaunlakan siya ni DJ. Nag stay sila roon ng 3 days and 2 nights kahit na may kamahalan pero hindi ininda iyon ni DJ.December 23 iyon at kinabukasan ay pasko na, doon na lang din sila magpapasko ni DJ. "I lo
"Gerlie?! Anong ginagawa mo rito" gulat na tanong ni DJ habang kumikilos na para mag-ayos pauwi. 5pm na nang hapon. Naisip niya na ayaw niyang maghintay si Dianne sa kanya dahil segurado siyamg traffic sa daan pauwi. Tumawag pa naman ang asawa na ipagluto siya ng paborito niyang pagkain. Ayaw niyang baliwalain ang effort nito. "Kaninang tanghali lang ako dumating from Germany. Pumunta ako rito dahil na miss kita." Sagot nito at nilapitan siya. Tangka sana siyang halikan nito sa labi pero mabilis siyang umiwas. "It seems you are very loyal to her..." nakangiti ito na tila demonya. "Kung narito ka para manggulo wag muna ipagpatuloy. Mahal namin ni Dianne ang isa't isa kaya please lang wag mo na kami sirain dahil kasal na kami at mag-asawa na." Pahayag niya at kinuha ang jacket sa upuan. "Oh, come on...hindi ako umuwi rito para manggulo sa inyo ni Dianne. Im here to run a business." Sagot nito. "Umuwi ka na dahil kailangan ko ng umuwi" wika ni DJ at umalis. Naiwan doon si Gerlie na
Opening ng cupcake store ni Gerlie at inanyayahan niya si DJ na pumunta. "Sige na babe sumama kana para sabay tayong pumunta roon." Anyaya ni DJ sa kanya nang nasa almusal sila. "Gusto ko sanang sumama, babe, pero magpapamassage ako ngayon. Nakaschedule na kasi ako sa araw na to." Tanggi niya sa asawa. Naisip niyang naroon ang ina nito at segurado siyang maraming bisita si Gerlie baka mapahiya lang siya. "Sasamahan na lang kita. Tamang-tama masakit na rln kasi ang likod ko at ilang araw ko na rin ito dinadaramdam." Sagot nito. "Ha? Segurado kang hindi ka pupunta sa opening ng cupcake store ni Gerlie? Baka magtampo sa iyo yon?" Nagtaka niyang sabi. "Wala akong pakialam kung anuman ang sasabihin niya. Ang mahalaga kung saan ka masaya ay sasamahan kita." Wika nito at hindi na siya umimik. ----- Dalawang buwan na rin ang matuling lumipas simula nang kasal nina Dianne at Dj. Yon ang isa sa pinakamahalagang araw sa buhay niya pero muntik niyang makalimutan nang nagulat siya nang bigla
"Did I know you? Sorry hindi kasi kita namukhaan" sabi niya nang makahakbang palapit rito. "Oo, naman. I am Bricks still remember?" Wika nito at kinuha ang suot na sunglass." Sorry ha? Ngayon lang kita tinawag bago ako nagpamassage kanina pa kita nakita kaso mukhang busy ka". "Bricks? Ikaw na ba yan?" Tanong niya rito nang mamukhaan na ang dating kaklase nang high school. Actually, isa ito sa mga crush niya noon at close friend sa mga naging classmates niya. "Akala ko talagang nakalimutan mo na ako?" Pahayag nito. "Syempre, hindi no? Isa ka kaya sa mga close friend ko nang high school tayo." Idagdag pa sana niya na crush nya rin ito dati nahihiya lang siya na sabihin iyon. Niyaya siya nitong mag snacks agad naman siyang pumayag dahil matagal niya rin itong hindi nakausap. Napatigil si DJ nang makita ang asawa na may kausap na lalaki. Lihim siyang napahinto sa unahan ng spa & massage services nila. Balak niya sanang sunduin si Dianne para sorpresahin ito. Bumili siya nang bagong s
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Nagkita sina Dianne at Gemma sa batchoy resto, na nasa gilid lang ng main entrance ng palengke. Lihim na natutuwa si Gemma sa sinabing binabalak sa kanya ni Dianne(Ano kaya ang binabalak ni Dianne?). Pinuntahan ni Dianne sa pwesto nito sa palengke , na abala sa pagtitinda ng daing. Nang makita ni Dianne na may kausap ang asawa na maganda, maputi at sexy na babae ay nakaramdam siya ng selos.Sa ipagpatuloy..."Ang galing ko, babe, no? Maaga palang pero halos maubos na ang tinitinda ko. Seguradong matutuwa si Mang Melchor" natutuwa na sabi ni DJ kay Dianne nang sila na lang dalawa. Umalis na rin si Bridgette ilang saglit pagdating niya."Kaya nga, matutuwa talaga si Mang Melchor" nakangiting wika ni Dianne."Pa'no ba naman kasi gwapo ang nagtitinda kaya maraming bumibili" pagyayabang na sabi ni DJ at sinadya pa nitong magpacute sa kanya."Yabang mo! Ikaw mismo ang bumubuhat ng sarili mong upuan!"Sabi ni Dianne at inirapan ang asawa kahit na tot
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Pumunta ng Bacolod sina Dianne at DJ , napag usapan ng mag asawa at Mang Melchor na si DJ ang magbabantay at magtitinda sa palengke ng mga daing na paninda ni Mang Melchor kaya maaga pang pumunta si DJ sa palengke. Pumunta rin si Dianne sa palengke para dalhan ang asawa ng pagkain for breakfast, ngunit nakaramdam siya ng selos nang makitang pinag uumpukan ng mga babaeng mamimili si DJ nang makarating siya sa palengke at di kalayuan sa pwesto ng asawa. Nagulat at nagtaka siya nang nagtext si Gemma.Sa Pagpapatuloy...Nagulat si Dianne nang maramdaman ang paag vibrate ng kang cellphone sa kanyang bulsa, pinasilent mode at pinavibrate niya lang kasi iyon. Nagtaka rin siyang makita na nagtext si Gemma, ang text nito na nakita siya nang dumaan at papasok sa main entrance ng palengke. Nasa batchoy na resto raw ito, nasa gilid lang iyon ng main entrance ng palengke. Gusto raw nitong magkita sila. Nagtataka siya kung naroon ito sa lugar nila? Tumin
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Pumunta sina Dianne at DJ sa Bacolod, buong akala ni DJ bibili lamang sila ng tinda ni Mang Melchor ng bangus na dinaing ngunit lihim siyang nagulat nang sinabi ni Dianne na siya ang magtitinda ng mga paninda nitong driedfish.Nang makasakay na silang mag asawa ng traysikel pauwi, sinabi rin ni Dianne na gusto niya na maranasan ni DJ na mangisda sa laot.Sa Pagpapatuloy..."Ayaw mo ba, babe? Hindi mo ba kaya?" Tanong ni Dianne sa asawa nang makita ang reaksyon ng mukha nito."Kahit na mahirap ay gagawin ko, babe kung gusto mong gawin ko yon. Sabi mo nga noon, walang imposible basta naniniwala ka lang sa Maykapal at ma tiwala sa iyong saril. Hindi ako sanay sa ganyang gawain, babe, pero mahal kita, eh. Lahat kakayanin ko para sayo." Pahayag ni DJ.Hindi umimik si Dianne, sa totoo lang, naawa sana siya sa asawa na bigyan ito ng pagsubok pagkatapos ay iiwan ito. Yon ang balak niya, kung tutuusin kulang pa ang pagsubok na gagawin ng asawa niya
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Binayaran ni DJ ang utang ng dalawang lalaki gayundin ang pagdating ng mamang nagtitinda ng sorbetes.Nakita nila DJ at Kier na unti unting natutunaw ang binili ni DJ na ice cream para sa asawa kaya sinabihan ni Kier si DJ na kainin o dilaan ang ibabaw na parte ng ice cream na natutunaw.Sa Pagpapatuloy...Natagalan sina DJ at Kier sa kalagitnaan ng traffic pabalik sa bah nina DJ at Dianne, napansin ni DJ na unti unting natutunaw ag ibabaw ng ice cream nahawak. Kaya sinabi ni Kierna kainin ang ibabaw na parte ng ice cream para hindi mahulog sa sahig ng kotse nito."Ano? Alam mo naman na ibibigay ko ito kay Dianne." Sabi ni DJ."Hindi mo naman kakainin lahat, eh. Hindi mo naman uubusin, kakainin mo lang5 naman ang parte na natutunaw" wika ni Kier.Ginawa nga iyon ni DJ. Nang makarating sila sa bahay, nakita nila si Dianne sa sala kaya agad silang tumungo sa kinaroroonan ni Dianne.
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata....Gustong kumain ng ice cream ni Dianne na tinitinda sa kalsada kaya umalis sina DJ at Kier para maghanap sa paniniwalang naglilihi si Dianne.Pinagtawanan sila ng dalawang lalaki.Sa Pagpapatuloy...Muli na nagtawanan ang dalawang lalaki."Hoy, ano ba kayo? Maayos na nagtatanong ang tao sa inyo" saway ng babaeng may ari ng tindahan. Nasa mid fifty na ang edad nito."Akala ko kasi mga pulitiko na mamimigay ng pera, yon pala magtatanong lang ng ice cream, hik..."anang isang lalaki na lasing na natatawa habang nagsasalita."Hindi po kami pulitiko, nakita kasi namin na pumasok dito ang nagtitinda ng sorbetes kaya sinundan namin. Buntis kasi ang asawa ko at naglilihi, gustong kumain ng ice cream. Hindi kami pumunta rito para mamimigay ng pera pero kung gusto nyo kami nalang ang magbabayad ng mga nainom nyo" medyo nainis na sabi ni DJ ngunit tinitimpi nya lamang ang kanyang sarili sa mga narinig s
Ang ma naganap sa nakalipas na kabanata...Kinausap ni Gemma si Dianne tungkol kay DJ, nagkwento ito ng mga negative tungkol sa lalaki.Nagtaka sina DJ at Kier kay Dianne kung bakit hindi pa nakaayos at nakabihis?Sa ipagpatuloy..Nagtaka sina Kier at DJ kung bakit hindi pa nakaligo, nakabihis at naka ayos si Dianne, papunta ang babae sa kanilang kinaroroonan."Babe, hindi ka ba papasok sa trabaho?" Tanong ni DJ sa asawa nang makalapit."Masama ang pakiramdam ko, babe, mabigat an katawan ko. Parang gusto ko yatang kumain ng ice cream...hinahanap ng lalamunan ko,eh. Gusto ko ng ice cream na tinitinda sa kalsada,ayokong tinitinda sa mall, resto at fastfood." malambing na sabi ni Dianne sa asawa na namumungay pa ang mga mata.Nagkatinginan sina DJ at Kier sa sinabi ni Dianne."Feeling ko, naglilihi si Dianne" sabi ni DJ kay Kier, papasok na sila sa kotse ni Kier."Parang masyadong late na para maglihi si Dianne,tol, m
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Hindi inaasahan ni DJ na magkita sila ni GemmaNakipagkita si Gemma kay DianneSa ipagpatuloy...."Mukhang nauuhaw ka, Dianne? Naubos mo kasi kaagad ang buko shake mo, gusto mo bang iorder kita ulit?" Tanong ni Gemma na alintana ang nararamdaman ni Dianne."Wag na, salamat na lang. Pwede bang sabihin mo na kung ano ang tungkol kay DJ?" Ani Dianne.Huminga ng malalim si Gemma. Umiba ang reaksyon ng mukha nito na tila naaawa sa kanya."Sorry sa sasabihin ko, Dianne" Anito. "DJ is like a leech, na kakapitan ka nya at hindi titigilan hanggang sa masira. Tulad ng linta na sipsipin ang dugo mo hanggang sa maubos saka ka iiwanan..." ani Gemma saka hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa..."Sinasabi ko to sayo dahil para sakin isa kang tunay na kapatid ko' 'ani Gemma, "Isa ako sa biktima ni DJ, Dianne...sinira niya ang buhay ko. As in sirang-sira saka ako iniwan..." nanlulumo ang mga mat
Ang mga kaganapan sa nakalipas na kabanata...Gumaan ang pakiramdam ni DJ mula sa problemang gumugulo sa isipan dahil kwento ni DianneNagkita sina DJ at GemmaSa Pagpapatuloy..."Gusto mo bang malaman ang dahilan kung bakit ginagawa kong iwasan ka?" Inis na sabi ni DJ, hindi umimik si Gemma."Dahil ayokong maalala na natutunan kong magkaroon ng poot at galit sa isang tao na katulad mo dahil sa ginawa mong pagpapalaglag ng bata. Kinitil mo ang buhay ng isang batang walang kamuwang-muwang at walang kasalanan, kinitil mo ang buhay ng isang inosenteng bata na nararapat mabuhay at isilang. Ngayon, sinasabi mo na mahal mo ako? Sarili mo lang ang mahal mo Gemma, dahil kung talagang mahal mo ako dapat ay pahalagahan mo rin ang bata sa sinapupunan mo dahil ako ang ama ng bata" pahayag ni DJ na galit ang boses kahit na kalmado siyang nagsasalita."DJ, Ssorry...hindi ko alam-"wika ni Gemma na hawakan sana si DJ ngunit mabilis na nakaiwas ang lalaki at nap
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata....Hindi mawari ni DJ kung ano ang ibig sabihin ng kanyang panaginip ngunit hindi na sya nag abala pa upang isipin iyonNagkwento si Dianne kay DJ ng isang parable upang maibsan ang iniisip nitong problema tungkol sa company nito.Sa Pagpapatuloy..."Mas lalo pa siyang naging maligaya ng lalong umunlad ang kanyang pamumuhay, nagkaroon siya ng maraming negosyo, naging sucessful siya sa lahat ng aspeto ng buhay, pamilya, career at lahat. Ngunit sa sobrang abala at pagod nakakalimutan niyang magdasal kung gabi...hanggang isang araw, biglang bumagsak ang kanyang buhay. Nagkasakit ang kanyang mga anak at nalugi ang kanyang negosyo. Hanggang sa bumalik siya sa dating buhay, na mahirap. Isang gabi, nanaginip siyang...naglalakad sa tabi ng dagat. Lumingon siya at nakitang dalawang pares na lamang ng bakas ng paa ang nakitaniya sa buhangin, kaya nalungkot siya...nasabi niya sa kanyang isipan na kung saan ay k