Dumiretso na si Dianne sa opisina ni DJ nang hapong iyon. Byernes, kaya alam niyang maraming gagawin si DJ at sigurado na magagabihan ito. Ngunit nagulat siya pagbukas niya ng pintuan ng opisina nito naabutan niya si Gerlie at DJ na naghahalikan. "Ano ang ibig sabihin nito?" Tanong niya na parang may kung ano na tumusok sa kanyang puso. "Babe?!" Ani DJ na nagulat at biglang itinulak si Gerlie."Magpapaliwanag ako." Patuloy pa ni Dj at tinawag pa siya para magpaliwanag sana ngunit mabils na kumilos si Gerlie, niyakap ito ng mahigpit at muling hinalikan ito. Lumingon si Dianne para pakinggan sana ang paliwanag ni DJ pero paglingon nya muling nakita si DJ at Gerlie na naghahalikan. Muli siyang tumalikod at lumabas ng opisina ng asawa. Tumatakbo siya palabas. Nakita niyang nakatingin sa kanya ang mga staff doon. Wala siyang pakialam kung anuman ang sasabihin nila...kung sabihin man ng mga ito na pangit siya! Narinig niyang natanong ng babae sa kasama nito."Bakit siya umiiyak?" Samantala
Umuwi nga si Dianne sa Bacolod kahit na masakit man sa kalooban niya na mapalayo kay DJ. Nang umuwi siya masaya siya dahil nakasama niya ang mga magulang at mga kapatid niya. Ilang taon din na himdi niya ang mga ito nakasama.At isa pa ilang araw na lang pasko na,balak niyang doon magpasko sa kanila. Para sa kanya ay nakakatuwang isipin na kasalo niya sa hapagkainan ang kanyang pamilya. Dalagang-dalaga na pala ang bunso nila parang kailan lang pag alis niya sa babay nila patungong Maynila ay elementary pa lamang ito ngayon ay college na hindi ito nakadalo sa kasal nila ni DJ dahil nagkataon na ang exams nito. Si DJ naman ay nabahala nang nalaman mula kay Athena na umuwi si Dianne sa Bacolod. Nag aalala siya na baka tuluyan na ngang mawala ang asawa sa kanya. Nais niya sanang sundan ang asawa ngunit pinigilan siya ng kanyang ina. Isang hapon habang naghuhugas ng mga pinggan si Dianne ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo kaya natumba siya mula sa tinatayuan. Siya lamang ang tao sa b
Nang makita ang asawa nasabi niya sarili na hindi na siya magpaliguy-ligoy pa. Mahal niya si Dianne at gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. -----'Bakit ipipilit ko pa ang sarili ko sa taong ayaw na sa akin?' "Hi!" Nagulat si Dianne sa lalaki. Nagtaka din siya kung bakit naroon ito doon. "Anong ginagawa mo dito?'' Tanong niyang nagtataka. ''Pumunta ako sa bahay nyo, sabi ng nanay mo nandito ka raw kaya pinuntahan kita dito. Di naman ako nahirapan na hanapin ka dahil alam kong nandito ka. I still remember na palagi tayong pumupunta dito tuwing weekends , tayo ni Paula.'' Sagot nito at lumapit sa kanya saka tumabi sa kanyang umupo. Si Bricks iyon. ''Kahapon lang ako dumating, naisipan ko kasi na magbakasyon dito matagal din kasi akong di nakabisita rito sa bayan natin. Alam mo na naging busy din ako don sa Maynila,'' patuloy pa nito. ''Ganun ba?'' Aniyang ibinaling ang tingin sa kalaparan ng dalampasigan. Naramdaman niyang mas lalo pang nalungkot ang puso niya nang
Dali-dali niyang kinuha ang kanyang bag, kahit na nakasuot siya ng pantulog hindi na niya ininda iyon. Yon na kasi ang kinuha niyang damit bago naligo, plano niya na kasing magpahinga at matulog after siya malig o. Hindi na rin siya nag-abala pa na magpalit ng damit paglabas sa banyo dahil sa takot na baka bumalik ang akyat-bahay at kung anupang masama ang gawin sa kanya.Baka balikan siya ng masamang tao at anupa ang gawin sa kanya. Pinatay niya ang main switch ng bahay at nagmamadali ng umalis nang maseguro na mailocked ng mabuti ang mga pintuan. Paglabas ng bahay ay dali-dali siyang sumakay ng taxi. Habang nasa sasakyan ay tinawagan niya si Athena. Ang bahay kasi ni Athena ang mas malapit sa bahay niya. Ikinuwento ang nangyari sa kanya rito at nakiusap siya na doon muna matulog sa kaibigan. Agad naman itong pumayag dahil din sa pag-alala sa kanya. Naabutan pa niya ang dalawang kaibigan doon sina Amy at Dansel. Natuwa naman ang mga kaibigan niya nang makita siya ngunit nabahala ang
Sunud-sunod na naglalakad sa gitna ng pasilyo ng simbahan sina Amy, dansel na kapartner ang mga boyfriend ng bawat isa at si Dianne kapartner si DJ. Habang si Athena naman ay nasa dulo ng prosisyon bilang bride at si Kier naman ay masaya't excited na hinihintay ang bride nito sa harap ng altar. Parehong tahimik at walang kibo sa isa't isa habang naglalakad sina Dianne at DJ patungo sa harap ng altar bilang mga abay.Narinig niya ang paghinga ng malalim ni DJ na siyang pumutol sa katahimikan nilang dalawa.''Kamusta ka na?''Narinig niyang tanong nito. Nagkunwang tila manhid siya at parang walang nangyari.''Okay lang naman, bakit?'' Aniyang di pinahalata sa boses ang labis na kalungkutan.''Namiss kita,''mahinang sagot ni DJ ngunit sa malambing na boses.Sandali siyang natahimik at nagmuni-muni. Namiss 'kamo?Hmp! namiss niya ako pero hindi man lang siya gumawa ng paraan para sundan niya ako sa probinsya namin? Ni hindi ko ko man lang nakita ang mukha niya doon. Oo, inaamin ko inaasahan
Pagkatapos ng kasal nina Athena at Kier, doon muna nanatili si Dianne sa bahay ni Dansel dahil sabi ng mga kaibigan niya kailangan munang makahanap sila ng katulong si Dianne para may makasama siya sa bahay. Nag-aalala kasi ang mga ito na baka pasukin siya ng masasamang loob at kung ano pa ang gagawin sa kanya. Si Dansel na ang nagkusang loob na doon muna siya manatili sa bahay nito habang naghahanap pa sila ng maging katulong at makasama ni Dianne sa bahay. At isa pa, sabi ni Dansel wala daw kasi itong kasama sa bahay dahil nasa ibang bansa ang mga magulang nito, ito ay unica jiha ng pamilyaSamantalang sina Athena at Kier naman ay kasalukuyang nasa Japan for honeymoon, one week sila doon.Alas diyes ng umaga nang pumunta si Bricks sa bahay ni Dansel, alam kasi nitong doon pansamantalang nanatili si Dianne. Pumunta ito doon para anyayahan si Dianne for lunch at para na rin na makapagpapaalam dahil pupunta daw ito sa France at mamayang gabi na ang flight nito. Pinaunlakan naman ni Dia
Nakita niyang nasa malapit na sila sa dagat at mukhang nasa private resort sila dahil parang walang tao ang malapad na paligid na malapit sa tabing dagat. May nakita din siyang bungalow house sa unahan. Narinig niyang tumunog ang cellphone nito, tatlong beses iyon at pinatay ni Bricks ang cellphone. Nagtaka na siya nang hindi na napigilan ang sarili ay tinanong niya ito.'' Mukhang nasa malayo na tayo, Bricks. Akala ko ba magla-lunch lang tayo?'' Tanong niya.''Naisipan ko kasi na ipasyal ka dito sa private resort namin. Binili ito ng kapatid ko na nakapangasawa sa France at para din bakasyunan namin,''sagot ni Bricks.''Narinig kong tumunog ang cellphone mo mukhang importante yata yon dahil ilang beses na tumawag sayo. Hindi ka na macontact ni'yan dahil naka-off na ang cp mo,'' wika ni Dianne na nagtaka kung bakit pinatay nito ang cp nito. Lingid sa kaalaman ni Dianne, si Amy ang tumawag kay Bricks.''Pinatay ko ang cp ko para di na makatawag ulit, kulit kasi ng kaibigan ko na manghi
Lingid sa kaalaman ni Dianne ay nilagyan ni Bricks ng sleeping pills ang kanyang inumin nang kumakain sila. Kahit anong pigil ni Dianne na hindi makatulog sa nararamdaman niyang antok ay hindi niya napigilan ang sariling mapapikit ng mga mata at maya-maya lang ay mahimbing na siyang nakatulog.Niyugyog pa ni Bricks para malaman kung nakatulog na nga si Dianne, nakita nitong nakatulog na ng mahimbing ang babae kaya kinuha nito ang nakaposas na kamay ni Dianne at pinahiga sa kama. Tamang-tama nang maihiga nito si Dianne nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok mula doon si DJ. Patakbong lumapit si DJ kay Bricks at sinuntok nito ng malakas si Bricks.''Walang hiya ka! Anong ginawa mo sa asawa ko?!'' Ani DJ at muling sinuntok ito.Gaganti pa sana si Bricks ng suntok dito ngunit mabilis na kinuha ni DJ ang flower vase na nakapatong sa ibabaw ng side table at hinampas sa ulo ni Bricks. Sobrang lakas ang pagkahampas ni DJ kaya natumba si Bricks sa sahig at nawalan ng malay. Nang makita ni
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Nagkita sina Dianne at Gemma sa batchoy resto, na nasa gilid lang ng main entrance ng palengke. Lihim na natutuwa si Gemma sa sinabing binabalak sa kanya ni Dianne(Ano kaya ang binabalak ni Dianne?). Pinuntahan ni Dianne sa pwesto nito sa palengke , na abala sa pagtitinda ng daing. Nang makita ni Dianne na may kausap ang asawa na maganda, maputi at sexy na babae ay nakaramdam siya ng selos.Sa ipagpatuloy..."Ang galing ko, babe, no? Maaga palang pero halos maubos na ang tinitinda ko. Seguradong matutuwa si Mang Melchor" natutuwa na sabi ni DJ kay Dianne nang sila na lang dalawa. Umalis na rin si Bridgette ilang saglit pagdating niya."Kaya nga, matutuwa talaga si Mang Melchor" nakangiting wika ni Dianne."Pa'no ba naman kasi gwapo ang nagtitinda kaya maraming bumibili" pagyayabang na sabi ni DJ at sinadya pa nitong magpacute sa kanya."Yabang mo! Ikaw mismo ang bumubuhat ng sarili mong upuan!"Sabi ni Dianne at inirapan ang asawa kahit na tot
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Pumunta ng Bacolod sina Dianne at DJ , napag usapan ng mag asawa at Mang Melchor na si DJ ang magbabantay at magtitinda sa palengke ng mga daing na paninda ni Mang Melchor kaya maaga pang pumunta si DJ sa palengke. Pumunta rin si Dianne sa palengke para dalhan ang asawa ng pagkain for breakfast, ngunit nakaramdam siya ng selos nang makitang pinag uumpukan ng mga babaeng mamimili si DJ nang makarating siya sa palengke at di kalayuan sa pwesto ng asawa. Nagulat at nagtaka siya nang nagtext si Gemma.Sa Pagpapatuloy...Nagulat si Dianne nang maramdaman ang paag vibrate ng kang cellphone sa kanyang bulsa, pinasilent mode at pinavibrate niya lang kasi iyon. Nagtaka rin siyang makita na nagtext si Gemma, ang text nito na nakita siya nang dumaan at papasok sa main entrance ng palengke. Nasa batchoy na resto raw ito, nasa gilid lang iyon ng main entrance ng palengke. Gusto raw nitong magkita sila. Nagtataka siya kung naroon ito sa lugar nila? Tumin
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Pumunta sina Dianne at DJ sa Bacolod, buong akala ni DJ bibili lamang sila ng tinda ni Mang Melchor ng bangus na dinaing ngunit lihim siyang nagulat nang sinabi ni Dianne na siya ang magtitinda ng mga paninda nitong driedfish.Nang makasakay na silang mag asawa ng traysikel pauwi, sinabi rin ni Dianne na gusto niya na maranasan ni DJ na mangisda sa laot.Sa Pagpapatuloy..."Ayaw mo ba, babe? Hindi mo ba kaya?" Tanong ni Dianne sa asawa nang makita ang reaksyon ng mukha nito."Kahit na mahirap ay gagawin ko, babe kung gusto mong gawin ko yon. Sabi mo nga noon, walang imposible basta naniniwala ka lang sa Maykapal at ma tiwala sa iyong saril. Hindi ako sanay sa ganyang gawain, babe, pero mahal kita, eh. Lahat kakayanin ko para sayo." Pahayag ni DJ.Hindi umimik si Dianne, sa totoo lang, naawa sana siya sa asawa na bigyan ito ng pagsubok pagkatapos ay iiwan ito. Yon ang balak niya, kung tutuusin kulang pa ang pagsubok na gagawin ng asawa niya
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Binayaran ni DJ ang utang ng dalawang lalaki gayundin ang pagdating ng mamang nagtitinda ng sorbetes.Nakita nila DJ at Kier na unti unting natutunaw ang binili ni DJ na ice cream para sa asawa kaya sinabihan ni Kier si DJ na kainin o dilaan ang ibabaw na parte ng ice cream na natutunaw.Sa Pagpapatuloy...Natagalan sina DJ at Kier sa kalagitnaan ng traffic pabalik sa bah nina DJ at Dianne, napansin ni DJ na unti unting natutunaw ag ibabaw ng ice cream nahawak. Kaya sinabi ni Kierna kainin ang ibabaw na parte ng ice cream para hindi mahulog sa sahig ng kotse nito."Ano? Alam mo naman na ibibigay ko ito kay Dianne." Sabi ni DJ."Hindi mo naman kakainin lahat, eh. Hindi mo naman uubusin, kakainin mo lang5 naman ang parte na natutunaw" wika ni Kier.Ginawa nga iyon ni DJ. Nang makarating sila sa bahay, nakita nila si Dianne sa sala kaya agad silang tumungo sa kinaroroonan ni Dianne.
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata....Gustong kumain ng ice cream ni Dianne na tinitinda sa kalsada kaya umalis sina DJ at Kier para maghanap sa paniniwalang naglilihi si Dianne.Pinagtawanan sila ng dalawang lalaki.Sa Pagpapatuloy...Muli na nagtawanan ang dalawang lalaki."Hoy, ano ba kayo? Maayos na nagtatanong ang tao sa inyo" saway ng babaeng may ari ng tindahan. Nasa mid fifty na ang edad nito."Akala ko kasi mga pulitiko na mamimigay ng pera, yon pala magtatanong lang ng ice cream, hik..."anang isang lalaki na lasing na natatawa habang nagsasalita."Hindi po kami pulitiko, nakita kasi namin na pumasok dito ang nagtitinda ng sorbetes kaya sinundan namin. Buntis kasi ang asawa ko at naglilihi, gustong kumain ng ice cream. Hindi kami pumunta rito para mamimigay ng pera pero kung gusto nyo kami nalang ang magbabayad ng mga nainom nyo" medyo nainis na sabi ni DJ ngunit tinitimpi nya lamang ang kanyang sarili sa mga narinig s
Ang ma naganap sa nakalipas na kabanata...Kinausap ni Gemma si Dianne tungkol kay DJ, nagkwento ito ng mga negative tungkol sa lalaki.Nagtaka sina DJ at Kier kay Dianne kung bakit hindi pa nakaayos at nakabihis?Sa ipagpatuloy..Nagtaka sina Kier at DJ kung bakit hindi pa nakaligo, nakabihis at naka ayos si Dianne, papunta ang babae sa kanilang kinaroroonan."Babe, hindi ka ba papasok sa trabaho?" Tanong ni DJ sa asawa nang makalapit."Masama ang pakiramdam ko, babe, mabigat an katawan ko. Parang gusto ko yatang kumain ng ice cream...hinahanap ng lalamunan ko,eh. Gusto ko ng ice cream na tinitinda sa kalsada,ayokong tinitinda sa mall, resto at fastfood." malambing na sabi ni Dianne sa asawa na namumungay pa ang mga mata.Nagkatinginan sina DJ at Kier sa sinabi ni Dianne."Feeling ko, naglilihi si Dianne" sabi ni DJ kay Kier, papasok na sila sa kotse ni Kier."Parang masyadong late na para maglihi si Dianne,tol, m
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Hindi inaasahan ni DJ na magkita sila ni GemmaNakipagkita si Gemma kay DianneSa ipagpatuloy...."Mukhang nauuhaw ka, Dianne? Naubos mo kasi kaagad ang buko shake mo, gusto mo bang iorder kita ulit?" Tanong ni Gemma na alintana ang nararamdaman ni Dianne."Wag na, salamat na lang. Pwede bang sabihin mo na kung ano ang tungkol kay DJ?" Ani Dianne.Huminga ng malalim si Gemma. Umiba ang reaksyon ng mukha nito na tila naaawa sa kanya."Sorry sa sasabihin ko, Dianne" Anito. "DJ is like a leech, na kakapitan ka nya at hindi titigilan hanggang sa masira. Tulad ng linta na sipsipin ang dugo mo hanggang sa maubos saka ka iiwanan..." ani Gemma saka hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa..."Sinasabi ko to sayo dahil para sakin isa kang tunay na kapatid ko' 'ani Gemma, "Isa ako sa biktima ni DJ, Dianne...sinira niya ang buhay ko. As in sirang-sira saka ako iniwan..." nanlulumo ang mga mat
Ang mga kaganapan sa nakalipas na kabanata...Gumaan ang pakiramdam ni DJ mula sa problemang gumugulo sa isipan dahil kwento ni DianneNagkita sina DJ at GemmaSa Pagpapatuloy..."Gusto mo bang malaman ang dahilan kung bakit ginagawa kong iwasan ka?" Inis na sabi ni DJ, hindi umimik si Gemma."Dahil ayokong maalala na natutunan kong magkaroon ng poot at galit sa isang tao na katulad mo dahil sa ginawa mong pagpapalaglag ng bata. Kinitil mo ang buhay ng isang batang walang kamuwang-muwang at walang kasalanan, kinitil mo ang buhay ng isang inosenteng bata na nararapat mabuhay at isilang. Ngayon, sinasabi mo na mahal mo ako? Sarili mo lang ang mahal mo Gemma, dahil kung talagang mahal mo ako dapat ay pahalagahan mo rin ang bata sa sinapupunan mo dahil ako ang ama ng bata" pahayag ni DJ na galit ang boses kahit na kalmado siyang nagsasalita."DJ, Ssorry...hindi ko alam-"wika ni Gemma na hawakan sana si DJ ngunit mabilis na nakaiwas ang lalaki at nap
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata....Hindi mawari ni DJ kung ano ang ibig sabihin ng kanyang panaginip ngunit hindi na sya nag abala pa upang isipin iyonNagkwento si Dianne kay DJ ng isang parable upang maibsan ang iniisip nitong problema tungkol sa company nito.Sa Pagpapatuloy..."Mas lalo pa siyang naging maligaya ng lalong umunlad ang kanyang pamumuhay, nagkaroon siya ng maraming negosyo, naging sucessful siya sa lahat ng aspeto ng buhay, pamilya, career at lahat. Ngunit sa sobrang abala at pagod nakakalimutan niyang magdasal kung gabi...hanggang isang araw, biglang bumagsak ang kanyang buhay. Nagkasakit ang kanyang mga anak at nalugi ang kanyang negosyo. Hanggang sa bumalik siya sa dating buhay, na mahirap. Isang gabi, nanaginip siyang...naglalakad sa tabi ng dagat. Lumingon siya at nakitang dalawang pares na lamang ng bakas ng paa ang nakitaniya sa buhangin, kaya nalungkot siya...nasabi niya sa kanyang isipan na kung saan ay k