Lingid sa kaalaman ni Dianne ay nilagyan ni Bricks ng sleeping pills ang kanyang inumin nang kumakain sila. Kahit anong pigil ni Dianne na hindi makatulog sa nararamdaman niyang antok ay hindi niya napigilan ang sariling mapapikit ng mga mata at maya-maya lang ay mahimbing na siyang nakatulog.Niyugyog pa ni Bricks para malaman kung nakatulog na nga si Dianne, nakita nitong nakatulog na ng mahimbing ang babae kaya kinuha nito ang nakaposas na kamay ni Dianne at pinahiga sa kama. Tamang-tama nang maihiga nito si Dianne nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok mula doon si DJ. Patakbong lumapit si DJ kay Bricks at sinuntok nito ng malakas si Bricks.''Walang hiya ka! Anong ginawa mo sa asawa ko?!'' Ani DJ at muling sinuntok ito.Gaganti pa sana si Bricks ng suntok dito ngunit mabilis na kinuha ni DJ ang flower vase na nakapatong sa ibabaw ng side table at hinampas sa ulo ni Bricks. Sobrang lakas ang pagkahampas ni DJ kaya natumba si Bricks sa sahig at nawalan ng malay. Nang makita ni
GERLIE's POVNang makalabas na siya at makapasok sa kanyang kotse ay dali-dali niyang pinaandar ang sasakyan. Nang makandar ang kanyang kotse ay mabilis niya itong pinatakbo, bakas parin ang mga patak ng mga luha sa kanyang pisngi. Mga luha iyon sa sakit na naramdaman nang sampalin siya ng mga magulang ni DJ. Hindi niya inaasahan na mangyayari yon, poot at galit ang namayani sa kanyang puso dahil sa nangyari. Humahagibis sa bilis ang takbo ng kanyang sasakyan, wala akong pakialam!Anang kanyang isip. Ang tanging gusto niya lang ng mga sandaling iyon ay lumayo sa lugar na yon. Biglang pumasok sa isip niya si Dianne at biglang nandilim ang kanyang mukha nang maalala sa kanyang isipan ang pangalan nito. ''Hindi ako papayag na makukuha mo DJ ng ganun lang!'' Galit na wika niya sa kanyang sarili. Malayo na ang narating ng kanyang kotse dahil lampas-oras na siyang nagmamaneho na hindi namamalayan ang takbo ng oras. Halos nabalot na ng galit ang kanyang puso't isipan, galit na binubuntong lah
Bigla siyang napaupo mula sa pagkahiga nang makita si DJ na nakaupo sa gilid ng hospital bed niya.''Nasa ospital ka at safe ka na,'' sagot ni DJ kaya napakunot-noo siya at nagtataka sa sinabi nito.''Anong nangyari sa akin? Bakit nandito ako? At bakit nandito ka?'' Sunud-sunod na tanong niya.''Iniligtas kita kay Bricks at dumiretso ako dito sa ospital upang maseguro ang kaligtasan mo at ng baby natin.'' Paliwanag ni DJ.''Alam mo na buntis ako?'' Tanong niya.Tumango si DJ. ''Sinabi sa akin ni Amy.''Wika nito. ''Bakit ka ba pumayag na sumama sa resort kasama ang baliw na yon?'' Dugtong pa ni DJ.Tumahimik lamang siya at nagtatakang tumingin kay DJ. Nagtataka siya kung bakit tinawag nitong baliw si Bricks. Hindi niya alam kung magtatanong siya kung alam na nitong tumakas si Bricks mula sa Mental Hospital o magpapaliwanag siya kung bakit sumama siya kay Bricks sa private resort na yon. Napansin ni DJ ang katahimikan niya.''Sinabi sa akin ni Amy ang lahat,'' sabi nito at ikinuwento an
''Weeh...wag mo na nga akong bulahin, binibilog mo lang ang ulo ko eh, sa mga hugot lines mo na yan'' aniya pero deep inside ay sobrang kilig na kilig na siya sa mga sinasabi nito.''Hindi kita binobola nuh? Totoo namang in-love na in-love ako sayo simula pa ng dating naging tayo. Everyday nga akong in-love sayo, eh...iwan ko ba.'' Wika nito.''Kung makapag-hugot ka wagas, eh ang bilis mo naman sumuko.'' pahayag ni Dianne na nakataas pa an---g isang kilay. Pakiramdam niya ay parang ang sarap nitong tuksuhin ng mga sandaling iyon. Kaya nilubus-lubos na niya.Biglang sumeryoso si DJ. '' Kailanman ay di ko nagawang sumuko, ikaw lang naman ang kusang lumalayo. Pero kahit ganunpaman, gagawin at gagawin ko ang lahat na mahanap ka para muli tayong magkasama,'' seryoso ang mukha nito pero malambing at masuyong sinabi iyon kay Dianne. Alam ni DJ sa sarili niya na kailanman ay hindi siya sumusuko sa pag-ibig para sa asawa at gagawin niya ang lahat para lang ipaglaban ito at makasama. Hindi naka
Mag-isang nakaupo si Dianne sa tabi ng dagat nang hapong iyon. Hinihintay si DJ. Sandaling umalis si DJ dahil may kukunin lang daw ito sa kotse at nakalimutan daw itong dalhin nang pumunta sila roon sa tabing-dagat. Kasalukuyan silang nasa isang resort, napagkasunduan nilang mag-picnic dahil matagal din na hindi sila nakapag-date simula nang umalis si Dianne sa bahay nilang mag-asawa. Ilang sandali lang nakita niya si DJ na paparating may bitbit na gitara. Hmmm...marunong pala siyang maggitara, kungsabagay usually naman ng magaling kumanta ay magaling din maggitara, nawika niya iyon sa sarili. Laking gulat niya nang tumugtog ito ng gitara habang naglalakad palapit sa kanya. At ang isang dahilan ng ikinagulat at pinagtataka niya nang marinig ang kinakanta ni DJ na 'Ordinary Song' . Isa sa mga paborito niyang kanta iyon. Sobrang nagustuhan niya ang pagkanta nito at pagtugtog ng gitara, magaling nga ito maggitara pero nagtataka siya kung bakit ang kantang iyon ang kinanta nito. Kung alam
Umuwi sina Dianne at DJ sa Bacolod, tamang-tama naroroon at kumpleto ang mga kapatid niya. Nagsipag-uwian ang mga ito dahil malapit na ang Valentines Day. Meron siyang pinaplano na sorpresahin ang kanyang ama’t ina lalo na at mtagal na rin na hindi naka pag=date ang kanyang mga magulang. Simula nang bata pa sila, mahirap lamang sila noon kaya’t salat sa mga bagay na makakapagpaligaya katulad ng mga mayayaman. Ang tanging ligaya ng mga magulang niya ay mapagtapos sila ng pag-aaral. Tandang-tanda pa niya, noong nagraduate siya sa college ang isinama ng kanyang ina sa pag-attend ng graduation niya ang kanyang lola at hindi ang kanyang ama. Gulat na gulat nga siya noon at nagtataka kung bakit ang lola niya ang kasama ng kanyang ina. Nung nagtanong siya sa kanyang ina ang sagot nito ay masama dfaw ang pakiramdam ng kanyang ama, hindi nito kayang tumayo dahil mabigat daw ang katawan nito at kung pipilitin niyang tumayo baka matumba at mapaano pa. Kaya naisipan ng nanay niya na ang lola niya
Ang abogado niyang kapatid, isa sa mga naging inspirasyon ni Dianne kung bakit nagpursige siyang makatulong sa kanyang pamilya. Walang wala talaga sila noon kahit pambili ng bigas, hapon na iyon hindi pa sila nakakain ng umagahan at tanghalian. Pumunta na sila sa lola nila para umutang ng bigas dahil nagtitinda ng bigas ang lola nila pero tinanggihan sila. Gutom na gutom na sila noon, nung maliit pa ang kapatid nioyang abogado na si Arriane, seguro dahil sa gutom binuksan nito ang kaldero. Nang makita na walang laman lumapit ito sa nanay niya sa sabi: ‘’Nay, kahit pambili na lang ng tinapay. Gutom na gutom na kasi ako.’’Sabi nitong nakakaawa tingnan, Pero lumingu-lingo lang ang nanay nila dahil wala talaga itong pera. Kinagabihan, lumabas ng bahay ang nanay niya kasama si Dianne pumunta sila malayong kamag anak doon sa bukid. Sabi ng nanay niya doon daw manghiram baka sakaling meron itong kabutihan ng loob. Pagdating doon, sinabi ng nanay niya na hindi pa sila nakakain ng araw na iyon
Araw ngayon ng mga puso, may plano si Dianne na sorpresahin ang mga magulang kaya naman kinausap niya ang kanyang mga kapatid tungkol sa kanyang plano nang araw na iyon. Dahil close si Franie at Joyce sa kanilang ama kinausap nila itong mag-ayos ang ama nila dahil may dadaluhan na party. Ililihim lang daw sa kanilang ina baka hindi ito payagan ang kanilang ama na mag-attend ng party. Kaya don nag-ayos ang kanilang ama sa bahay ng kapit-bahay na malapit sa kanila ang loob at ka-close nila. Syempre, kinausap na nila ang kanilang kapit-bahay ahead of time para makakasundo nila sa planong sorpresa sa mga magulang. Samantala, siya at ang iba niya naman na kapatid na si Arriane at Fred, ang ika walo nilang kapatid na Surgical Doctor at medyo may pagka-bading ay ang nanay naman nila ang kanilang ni-make over at inayusan. Si Thirdy, Anton at Pete ang pang pito nilang kapatid na civil engineer, sila ang nagluto ng pagkain na ihahanda para sa table ng nanay at tatay nila. Si Biboy naman ang ik
Huling naganap sa nakalipas na kabanata...Pumayag na sumali si DJ sa singing contest.Sa Pagpapatuloy...Habang kumakanta si DJ sa gitna ng entablado at hawak ang gitara na hiniram kay Mark, hindi mapipigilan ni Dianne ang sarili na mapangiti. Lalo na nang marinig niya ang kinakanta ng asawa ay 'Everything I Do, I Do It For You' ni Bryan Adams. Naalala niya palagi niyang pinapakanta si Mark ng kantang iyon at habang pinapakinggan ang kantang iyon noon. She's drowned in imagination nay lalaking magmamahal sa kanya, whoever she is..at kaya siyang tanggapin anupaman ang hitsura niya...tapos ay gagawin nito ang lahat para sa kanya. Napabuntong hininga siya, ewan ba niya kung...itutuloy pa kaya niya ang kanyang binabalak na gawin at ipapagawa sa asawa? Napapikit siya' Hayan ka naman! Isipin mo ang kabutihan at kapakanan ng mga anak mo! Wag kang magpalinlang at magpadala sa iyong emosyon!' Galit na sigaw ng kanyang kumukontra na isipan niya. Nag aalala rin siya sa maaring mangyayari kay D
Naganap sa nakalipas na kabanata...Malapad ang pagkangiti ni Gemma habang umiinom ng red wine kasama at kausap si Ulga.Sa Pagpapatuloy...Nabalot ng saya ang puso at damdamin ni Gemma habang pinapakinggan ang kwento sa kanya ni Ulga tungkol sa naging reaksiyon at usapan nito ni Dianne hingkil sa mga hindi maganda na kwentong ginawa gawa ni Ulga para maging masamang tao si DJ sa paningin ni Dianne.Napangiti si Ulga nang muling nagsalita,"Buti na lang, Madam, hindi ako nahirapan na hanapin siya sa karnehan ng baboy sa palengke, gaya ng sabi mo kung saan siya naroroon. Dahil siya mismo ang lumapit sa akin kakapasok ko palang sa entrance" wika ni Ulga , sinabihan siya ni Gemma kung saan makikita si Dianne dahil nagkaroon ng ideya sapagkat bago natapos ang usapan nila ni Dianne sa cellphone ay tinanong na niya si Dianne kung saan ito banda sa palengke at maseguro na makita ito ni Ulga at makausap. Plano niya sanang makipagkita kay Dianne kaya tinawagan niya ito upang maseguro na hindi
Naganap sa nakalipas na kabanata....Nagulat sina Dianne at ang nanay niya sa harana ni DJ isang hapon.Sa pagpapatuloy...Nang hapon na iyon, narinig ng nanay ni Dianne ang magandang boses mula sa labas ng bintana ng kanilang bahay habang gumagawa ng burda ang kanyang ina at si Dianne naman ay naaaliw na pinapanood ang kanyang ina. Napatigil ang kanyang ina sa ginagawa nito nang marinig ang magandang tinig na iyon."Naririnig mo ba? May naghaharana yata sa labas" Sabi kanyang ina sa kanya."Baka si Mark lang yan" sagot ni Dianne. Ang tinutukoy nya na Mark ay ang kapatid na si Mark Francis, ang piloto niyang kapatid na dumating habang nasa palengke pa siya. Dumating ang kapatid para magbakasyon, mahilig kumanta at maggitara ang kanyang kapatid at bukod pa roon ay maganda ang boses nito sa pagkanta."Hindi naman mahilig kumanta ang kapatid mo ng lumang tugtogin, malimit ay modernong kanta ang kinakanta niya" wika pa ng kanyang ina."Nay, parang anga naman kung sakaling may naghaharana
Ang mga naganap sanakalipas na kabanataNang mag isang pumunta si Dianne sa palengke ay nakiita niya ang babaeng nakasama ni DJ sa picture na katabi ni DJ sa kama at pareho ang mga ito na walang damit. Kasalukuyan silang nasa batchoy resto para mag usap at galit na galit ang babae habang nagsasalita tungkol kay DJ.Sa Pagpapatuloy...Nakikinig si Dianne sa babae habang galit na galit itong nagsasalita, pareho nilang hindi pinansin ang order nilang batchoy na ngayon ay nakalagay na sa mesa. Sa totoo lang pwede niya sanang pagalitan ang babae na kaharap niya ngayon dahil nagkaroon ito ng affair sa asawa niya. Pero mas pinili niyang pakinggan ito."Ano ba ang nangyari?" sa wakas ay tanong na bumitaw mula sa kanyang pananahimik.Saglit na napatigil ang babae, "Pasensya ka na hindi na ako nakapakilala sayo. Nadala kasi ako sa aking emosyon at galit sa asawa mo. " Sabi nito at huminga ng malalim. "Ako nga pala si Ulga dela Vega" pakilala nito, umiwas ito ng tingin sa kanya at yumuko. "Alam
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Agad na nakatulog si DJ Pagdating ng lalaki galing sa pangingisda sa laot.Sa Pagpapatuloy...Nang maramdaman ni Dianne na mahimbing na nakatulog ang asawa, iminulat niya ang kanyang mga mata.Tinitigan niya ang mukha ni DJ, naalala niya nang unang beses niya itong tinitigan. Hindi niya akalain na sa pagtitig niyang iyon, ay yon noon ang simula na mahuhulog ang loob sa lalaki. Tinitigan niya ito mula sa mga kilay nito hanggang bibig, ang gwapo talaga ng asawa niya.Sino ba naman ang mag aakala na ang gwapong tulad ni DJ ay magkakagusto sa isang hamak na pangit katulad niya? Na mahuhulog ang loob sa kanya, iibigin siya at pakakasalan. Parang imposible! Unless, lang kung meron ngang binabalak na gawin si DJ upang sirain siya! Tama nga seguro si Gemma. Ngunit hinding hindi siya papayag na mangyari iyon. Lalo na kung kinabukasan ng mga anak nila na dinadala niya ang nakasalalay dito, ibang usapan na yon! Masira lang siya, wag lang ang mga anak niy
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata....Hinayaan na lamang ni DJ na purihin ni Mang Melchor SI Dianne na maswerte kaya naubos ang mga paninda nito na binabantayan ni DJ, kaysa igiit ni Dianne na nagpapacute siya sa mga babae. Batid niya Kasi na nagseselos ang asawa.Kinabukasan nang araw na iyon ay sumama si DJ na mangisda sa laot kasama ang tiyuhin ni Dianne na pinsan ng ina, doon napagtanto ng lalaki na hindi ganun kadali maging isang mangingisda.Habang umiinom ng alak si Gemma sa bar, malapit sa hotel na tinutuluyan nito ay naalala ang mga nangyari nang magkita sila ni DJ lalong lalo na ang mga sinabi ng lalaki sa kanya kaya hindi napigilang mapaluha na may poot at galit sa damdamin. Tinawagan niya si Dianne, samantalang si Dianne naman habang nagmumuni muni tungkol kay DJ ay napatigil at nagtaka nang tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa bedside table at makita ang pangalan ni Gemma sa phone screen.Sa Pagpapatuloy..."Hello, Gemma, bakit napatawag ka? Alas nuwebe na
Ang mga naganap sa nakakalipas na kabanata...Sinundan ni Gemma si Dianne sa palengke nang puntahan ni Dianne si DJ sa pwesto ng lalaki at hindi alam ni Dianne na sinundan siya ni Gemma. Sa di kalayuan sa kinaroroonan ng mag asawa pumwesto si Gemma na hindi ito makikita ng dalawa , subalit aksidenteng napatingin sa kinaroroonan ni Gemma, nagtaka si DJ kung bakit naroroon ito kaya sinundan si Gemma at kinausap, nagsinungaling pa ito na sinabi kay DJ ni Gemma nang magkaharap sila na naroroon si Gemma dahil nagbakasyon ito kasama ang mga kaibigan pero ang totoo ay talagang sinadya nito na pumunta ng Bacolod para sundan sina DJ at Dianne. Sinabihan ni DJ si Gemma na nakalikha ng sakit sa puso at damdamin ng babae.Sa ipagpatuloy...Nang tumalikod si DJ kay Gemma ay pinigilan nito ang sarili na wag umiyak dahil sa mga salita ni DJ na nagdulot ng panibagong sugat sa puso ni Gemma."Aray! Ang sakit naman..." yon lamang ang tanging iyak ng puso ni Gemma, ni hindi nga niya nakuhang magsalita ba
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Nakaramdam ng selos si Dianne nang makita si DJ na may kausap na magandang babae habang nagbabantay si DJ ng daing na paninda ni Mang Melchor sa palengke.Nagtaka siya nang nagtext si Gemma na naroon daw ito sa batchoy resto malapit sa palengke at gustong makausap si Dianne, sinabi ni Gemma na nagbakasyon siya sa Bacolod kasama ang mga kaibigan kaya naroroon ito.Nang nagpaalam si Dianne kay Gemma na puntahan si DJ sa loob ng palengke ay lihim siyang sinundan ni Gemma at hindi alam ni Dianne iyon. Subalit di sinasadyang mahagilap ng paningin ni DJ si Gemma.Sa Pagpapatuloy...Sentro lang ng main entrance at exit ng palengke ang pwestong paninda ni DJ, bali magkatabi ang entrance at exit. Kaya posibleng nahagip ng kanyang paningin ang babae, nasa walo o sampung dipa ang layo ng babae mula sa kinaroroonan niya."Babe, pwedeng pakibantay muna? Punta lang ako ng cr, kanina pa kasi akong ihing ihi, eh" ani DJ kay Dianne. Sumang ayon naman si Dian
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Nagkita sina Dianne at Gemma sa batchoy resto, na nasa gilid lang ng main entrance ng palengke. Lihim na natutuwa si Gemma sa sinabing binabalak sa kanya ni Dianne(Ano kaya ang binabalak ni Dianne?). Pinuntahan ni Dianne sa pwesto nito sa palengke , na abala sa pagtitinda ng daing. Nang makita ni Dianne na may kausap ang asawa na maganda, maputi at sexy na babae ay nakaramdam siya ng selos.Sa ipagpatuloy..."Ang galing ko, babe, no? Maaga palang pero halos maubos na ang tinitinda ko. Seguradong matutuwa si Mang Melchor" natutuwa na sabi ni DJ kay Dianne nang sila na lang dalawa. Umalis na rin si Bridgette ilang saglit pagdating niya."Kaya nga, matutuwa talaga si Mang Melchor" nakangiting wika ni Dianne."Pa'no ba naman kasi gwapo ang nagtitinda kaya maraming bumibili" pagyayabang na sabi ni DJ at sinadya pa nitong magpacute sa kanya."Yabang mo! Ikaw mismo ang bumubuhat ng sarili mong upuan!"Sabi ni Dianne at inirapan ang asawa kahit na tot