
THE UGLY ME & MY ROMANCE
Katulad ng ibang babae pangarap ni Dianne na makilala ang kanyang prince charming, makasama kanyang forever, ang lalaking itinadhana sa kanya na makapiling niya habang buhay. Na mahal niya at mamahalin din siya ng buong buo. Magkatotoo kaya ang pinapangarap niya iyon kung siya a tipong babae na madalas ay husgahan na pangit, baduy at napagkamalan na katulong ng mga naggagandahang mga kaibigan niya sa tuwing magkasamasila? Ang totoo madali siyang mafall inlove sa lalaking magaling sumayaw, kumanta at maggitara.
Si DJmayaman at gwapo sana pero ito ang lalaki na kinaiinisan ni Dianne, yong feeling na stress sya sa tuwing magkuros ang landas nila dahil sa panghuhusga at pang iinis sa kanya at minsan ay nasabi sa kanyang mga kaibigan na kahit ito na lang ang lalaking natira sa mundo, hindi mangyayari na magkagusto siya. Ngunit paano kung sa hindi niya inaasahan ay mabihag nito ang kanyang puso? Saka niya lamang nalaman na bukod sa gwapo at mayaman ito na nagmamay-ari ng iba't ibang kompanya ay taglay nito ang gusto niya sa isang lalaki na magaling sumayaw, kumanta at maggitara...at higit pa doon, may taglay itong mabuting kalooban.
Basahin ang kwentong magpapaantig sayong puso, magpapakilig at maaaring makakapagbigay ng ngiti sayong natutulog at naiidlip na damdamin...
อ่าน
Chapter: Chapter 89Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata...Pinagtanggol si Dianne ni Aya sa mga nangbubully sa kanya.Sa Pagpapatuloy..."Eh, ano naman ngayon ang pakialam mo, bakla ka?" Inis na sabi ni Liselle."Syempre lang may pakialam ako dahil hindi na tama ang ginagawa nyo! At nakakabwesit pa kaya kayo dahil ang ingay nyo, kung makatawa kayo wagas. Hindi nyo manlang iniisip ang ibang tao dito sa loob ng classroom" ani Aya na inis ang pagkasabi."Alam mo, bakla, mas mabuti pang wag ka nalang sumali dahil hindi mo kilala ang mga kinakalaban mo...at hindi mo alam kung ano ang maaring mangyayari sayo!" si Amella naman ang nagsalita."Bakit, ano ang gagawin nyo? Hindi ako natatakot sa inyo. Baka hindi nyo alam na black belter ako at nag aaral din ng karate...baka hindi nyo pa naranasan masipa at masapak." Matapang na sabi ni Aya, biglang natahimik ang grupo ni Liselle at medyo napaatras si Amella."Baka sakaling gusto niyo na maranasan kung hindi nyo pa titigilan si Dianne" patuloy pa ni Aya.Si
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-04-24
Chapter: Chapter 88Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata...Nakita ni DJ ang mga pictures ni Dianne na may kasamang lalaki na ibinigay ng katulong sa kanya mula sa mailman.Sa Pagpapatuloy...Kasalukuyan na nasa palengke si Aling Marilyn nang tumawag si DJ sa kanya kaya kasalukuyan niya itong hinihintay doon dahil pupunta doon si DJ para makausap siya, nasa Bacolod raw ito at kararating lamang. 4pm na ang oras nun.Ilang saglit lang ay nakita niya ito sa di kalayuan na paparating kaya tumayo siya mula sa kanyang inuupuan at sinalubong ito. Nang makalapit siya kay DJ ay nagmano ito sa kanya. Agad silang tumungo sa batchoy resto dahil Ilang hakbang lang naman ang layo at para makapag usap sila ng maayos."Kamusta na nga pala si Dianne, nay?" Tanong ni DJ nang makaupo na sila at matapos na makapag order."Sa ngayon, anak medyo hindi pa okay" sagot ni Aling Marilyn na malungkot ang mukha. Ikiniwento din kasi sa kanya ni Dianne ang nangyari pati kay Gemma at Ulga, saka ang tinatago na katauhan ni DJ per
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-04-18
Chapter: Chapter 87Huling naganap...Bitbit ni Dianne ang kanyang maleta habang palabas ng bahay, buo na ang kanyang desisyon na umalis at iwan si DJ.Sa Pagpapatuloy...Kahit na mahirap man gawin at isiping iiwan niya ang asawa ay kailangan niyang gawin iyon...hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kapakanan ng kanyang mga anak na binubuntis. Ganun pala kapag ina ka, kailangan mong magsakripisyo, at hindi mo na iniisip ang sarili mong nararamdaman...ang nasasaktan mong puso dahil lahat ay gagawin mo para lamang sa kabutihan ng mga anak mo. Iyon ang nawika niya sa kanyang isipan. Nang dumaan siya sa sala nakita niya ang dalawang katulong na nagtataka. Hindi siya kumibo dumiretso lamang siya sa paglalakad.Pagdating niya sa labas ng mayor na pintuan nakasalubong niya si Mang Victor, ang kanyang personal driver."Saan po kayo pupunta, Maam Dianne? Gabi na po ito" nagtataka na tanong ni Mang Victor."Aalis na po ako dito sa bahay, Mang Victor" sagot niya."Po?"Kumunot ang noo nito at biglang lumungkot
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-04-11
Chapter: Chapter 86Huling naganap sa nakalipas na kabanata...Nang makita ni Gemma na nagpaalam si DJ na magcr ay nagcr din sya para sundan si DJLaking tuwa niya nang naroroon na sa lobby ng cr, walang ibang tao roon. Hindi niya alam kung may mga tao sa loob ng cr ng mga lalaki, basta ang alam niya nang pumunta siya sa cr ng mga babae, walang tao doon. Muli siyang tumungo sa lobby at hinintay doon si DJ. Sa isip niya na gagawin ang lahat para masira si DJ at Dianne. Laking gulat ni DJ nang makita si Gemma, at lalo pa siyang nagulat nang lumakad ito palapit sa kanya ng diretso at hinalikan siya sa labi. Sa pagpapatuloy...Hindi inaasahan iyon ni DJ kaya sa pagkabigla ay huli ng maawat ang babae.Ilang minuto ang nakalipas...Hindi mapakali si Dianne, nasa isip na baka magkurus ang landas ni Gemma at DJ, baka kung anupa ang maaring gawin ng asawa niya kay Gemma kaya tumayo siya mula sa inuupuan at nagpaalam na pupunta ng cr. Nakisabay si Dansel sa kanya dahil ihing ihi na raw ito, kaya magkasabay sil
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-03-27
Chapter: Chapter 85Huling naganap sa nakalipas na kabanata... Napabulalas sa gulat ang ina ni Dianne na si Aling Marilyn nang makita ang mukha ni DJ,napasign of the coss pa ito halos nagkapantal pantal ati ang leeg ng lalaki, nakauwi na sila sa bahay ng ga magulang ni Dianne at kakarating lamang. Sa Pagpapatuloy.... Ipinaliwanag ni Dianne sa kanyang ina kung ano ang nangyari, nang kausapin sya nitong mag isa sa kusina, wala doon ang kanyang ama dahil naroon ito sa bakery shop na binigay niyang negosyo noon para sa kanyang mga magulang. "Hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo sa asawa mo, parang pinaparurusahan mo kasi siya, nang dumating kayo dito una niyang ginawa na pinagawa mo ay nagtinda xa sa palengke ng dinaing na babgus na tinitinda ni Melchor, kinabukasan nun pinasama mo naman sa pangingisda sa laot tapos nang pumunta kato kay tyong Alberto mo pinaakyat mo naman si DJ sa puno ng mangga na maraming malalakinh pulang langgam"wika ng kanyang ina. "Hindi naman po, dala lang seguro ng b
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-03-22
Chapter: Chapter 84Huling naganap sa nakalipas na kabanata... Kinakanta ni DJ ang 'Everything I Do, I Do It For You' habang iniisip na gusto lamang ipadama sa kanyang asawa ang tunay niyang nararamdaman at nais nya rin ipabatid sa maraming tao kung gaano niya ito kamahal. Sa Pagpapatuloy... Pagkatapos na kumanta ang lahat ng mga contestants ay tumayo silang lahat sa stage na magkahawak ng kay, tatawagin a at hihirangin ang nanalo g third, second, first prize at grand champion ng singing contest. Ang third prize ay makakatanggap ng five thousand, second ten thousand, first twenty thousand at ang hihirangin na grand champion ay makakatanggap ng thirty thousand at trophy. Habang nakatayo si DJ sa stage kasama ang ibang mga contestants, nasa isip nya na hindi na sya umaasa na manalo sa singing contest na iyon. Ang mahalaga lamang sa kanya ay mapahiwatig sa kanyang asawa ang kanyang nararamdaman at nais ipabatid at ipahayag sa harap ng maraming tao na ipinagmamalaki niyang makilala ito at sabihin na mahal
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-03-13