Share

CHAPTER 15

Author: CRISHMERL
last update Last Updated: 2024-03-09 18:33:44
Opening ng cupcake store ni Gerlie at inanyayahan niya si DJ na pumunta.

"Sige na babe sumama kana para sabay tayong pumunta roon." Anyaya ni DJ sa kanya nang nasa almusal sila.

"Gusto ko sanang sumama, babe, pero magpapamassage ako ngayon. Nakaschedule na kasi ako sa araw na to." Tanggi niya sa asawa. Naisip niyang naroon ang ina nito at segurado siyang maraming bisita si Gerlie baka mapahiya lang siya.

"Sasamahan na lang kita. Tamang-tama masakit na rln kasi ang likod ko at ilang araw ko na rin ito dinadaramdam." Sagot nito.

"Ha? Segurado kang hindi ka pupunta sa opening ng cupcake store ni Gerlie? Baka magtampo sa iyo yon?" Nagtaka niyang sabi.

"Wala akong pakialam kung anuman ang sasabihin niya. Ang mahalaga kung saan ka masaya ay sasamahan kita." Wika nito at hindi na siya umimik.

-----

Dalawang buwan na rin ang matuling lumipas simula nang kasal nina Dianne at Dj. Yon ang isa sa pinakamahalagang araw sa buhay niya pero muntik niyang makalimutan nang nagulat siya nang bigla
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 16

    "Did I know you? Sorry hindi kasi kita namukhaan" sabi niya nang makahakbang palapit rito. "Oo, naman. I am Bricks still remember?" Wika nito at kinuha ang suot na sunglass." Sorry ha? Ngayon lang kita tinawag bago ako nagpamassage kanina pa kita nakita kaso mukhang busy ka". "Bricks? Ikaw na ba yan?" Tanong niya rito nang mamukhaan na ang dating kaklase nang high school. Actually, isa ito sa mga crush niya noon at close friend sa mga naging classmates niya. "Akala ko talagang nakalimutan mo na ako?" Pahayag nito. "Syempre, hindi no? Isa ka kaya sa mga close friend ko nang high school tayo." Idagdag pa sana niya na crush nya rin ito dati nahihiya lang siya na sabihin iyon. Niyaya siya nitong mag snacks agad naman siyang pumayag dahil matagal niya rin itong hindi nakausap. Napatigil si DJ nang makita ang asawa na may kausap na lalaki. Lihim siyang napahinto sa unahan ng spa & massage services nila. Balak niya sanang sunduin si Dianne para sorpresahin ito. Bumili siya nang bagong s

    Last Updated : 2024-03-09
  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 17

    Dumiretso na si Dianne sa opisina ni DJ nang hapong iyon. Byernes, kaya alam niyang maraming gagawin si DJ at sigurado na magagabihan ito. Ngunit nagulat siya pagbukas niya ng pintuan ng opisina nito naabutan niya si Gerlie at DJ na naghahalikan. "Ano ang ibig sabihin nito?" Tanong niya na parang may kung ano na tumusok sa kanyang puso. "Babe?!" Ani DJ na nagulat at biglang itinulak si Gerlie."Magpapaliwanag ako." Patuloy pa ni Dj at tinawag pa siya para magpaliwanag sana ngunit mabils na kumilos si Gerlie, niyakap ito ng mahigpit at muling hinalikan ito. Lumingon si Dianne para pakinggan sana ang paliwanag ni DJ pero paglingon nya muling nakita si DJ at Gerlie na naghahalikan. Muli siyang tumalikod at lumabas ng opisina ng asawa. Tumatakbo siya palabas. Nakita niyang nakatingin sa kanya ang mga staff doon. Wala siyang pakialam kung anuman ang sasabihin nila...kung sabihin man ng mga ito na pangit siya! Narinig niyang natanong ng babae sa kasama nito."Bakit siya umiiyak?" Samantala

    Last Updated : 2024-03-09
  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 18

    Umuwi nga si Dianne sa Bacolod kahit na masakit man sa kalooban niya na mapalayo kay DJ. Nang umuwi siya masaya siya dahil nakasama niya ang mga magulang at mga kapatid niya. Ilang taon din na himdi niya ang mga ito nakasama.At isa pa ilang araw na lang pasko na,balak niyang doon magpasko sa kanila. Para sa kanya ay nakakatuwang isipin na kasalo niya sa hapagkainan ang kanyang pamilya. Dalagang-dalaga na pala ang bunso nila parang kailan lang pag alis niya sa babay nila patungong Maynila ay elementary pa lamang ito ngayon ay college na hindi ito nakadalo sa kasal nila ni DJ dahil nagkataon na ang exams nito. Si DJ naman ay nabahala nang nalaman mula kay Athena na umuwi si Dianne sa Bacolod. Nag aalala siya na baka tuluyan na ngang mawala ang asawa sa kanya. Nais niya sanang sundan ang asawa ngunit pinigilan siya ng kanyang ina. Isang hapon habang naghuhugas ng mga pinggan si Dianne ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo kaya natumba siya mula sa tinatayuan. Siya lamang ang tao sa b

    Last Updated : 2024-03-09
  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 19

    Nang makita ang asawa nasabi niya sarili na hindi na siya magpaliguy-ligoy pa. Mahal niya si Dianne at gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. -----'Bakit ipipilit ko pa ang sarili ko sa taong ayaw na sa akin?' "Hi!" Nagulat si Dianne sa lalaki. Nagtaka din siya kung bakit naroon ito doon. "Anong ginagawa mo dito?'' Tanong niyang nagtataka. ''Pumunta ako sa bahay nyo, sabi ng nanay mo nandito ka raw kaya pinuntahan kita dito. Di naman ako nahirapan na hanapin ka dahil alam kong nandito ka. I still remember na palagi tayong pumupunta dito tuwing weekends , tayo ni Paula.'' Sagot nito at lumapit sa kanya saka tumabi sa kanyang umupo. Si Bricks iyon. ''Kahapon lang ako dumating, naisipan ko kasi na magbakasyon dito matagal din kasi akong di nakabisita rito sa bayan natin. Alam mo na naging busy din ako don sa Maynila,'' patuloy pa nito. ''Ganun ba?'' Aniyang ibinaling ang tingin sa kalaparan ng dalampasigan. Naramdaman niyang mas lalo pang nalungkot ang puso niya nang

    Last Updated : 2024-03-15
  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 20

    Dali-dali niyang kinuha ang kanyang bag, kahit na nakasuot siya ng pantulog hindi na niya ininda iyon. Yon na kasi ang kinuha niyang damit bago naligo, plano niya na kasing magpahinga at matulog after siya malig o. Hindi na rin siya nag-abala pa na magpalit ng damit paglabas sa banyo dahil sa takot na baka bumalik ang akyat-bahay at kung anupang masama ang gawin sa kanya.Baka balikan siya ng masamang tao at anupa ang gawin sa kanya. Pinatay niya ang main switch ng bahay at nagmamadali ng umalis nang maseguro na mailocked ng mabuti ang mga pintuan. Paglabas ng bahay ay dali-dali siyang sumakay ng taxi. Habang nasa sasakyan ay tinawagan niya si Athena. Ang bahay kasi ni Athena ang mas malapit sa bahay niya. Ikinuwento ang nangyari sa kanya rito at nakiusap siya na doon muna matulog sa kaibigan. Agad naman itong pumayag dahil din sa pag-alala sa kanya. Naabutan pa niya ang dalawang kaibigan doon sina Amy at Dansel. Natuwa naman ang mga kaibigan niya nang makita siya ngunit nabahala ang

    Last Updated : 2024-03-20
  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 21

    Sunud-sunod na naglalakad sa gitna ng pasilyo ng simbahan sina Amy, dansel na kapartner ang mga boyfriend ng bawat isa at si Dianne kapartner si DJ. Habang si Athena naman ay nasa dulo ng prosisyon bilang bride at si Kier naman ay masaya't excited na hinihintay ang bride nito sa harap ng altar. Parehong tahimik at walang kibo sa isa't isa habang naglalakad sina Dianne at DJ patungo sa harap ng altar bilang mga abay.Narinig niya ang paghinga ng malalim ni DJ na siyang pumutol sa katahimikan nilang dalawa.''Kamusta ka na?''Narinig niyang tanong nito. Nagkunwang tila manhid siya at parang walang nangyari.''Okay lang naman, bakit?'' Aniyang di pinahalata sa boses ang labis na kalungkutan.''Namiss kita,''mahinang sagot ni DJ ngunit sa malambing na boses.Sandali siyang natahimik at nagmuni-muni. Namiss 'kamo?Hmp! namiss niya ako pero hindi man lang siya gumawa ng paraan para sundan niya ako sa probinsya namin? Ni hindi ko ko man lang nakita ang mukha niya doon. Oo, inaamin ko inaasahan

    Last Updated : 2024-03-20
  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 22

    Pagkatapos ng kasal nina Athena at Kier, doon muna nanatili si Dianne sa bahay ni Dansel dahil sabi ng mga kaibigan niya kailangan munang makahanap sila ng katulong si Dianne para may makasama siya sa bahay. Nag-aalala kasi ang mga ito na baka pasukin siya ng masasamang loob at kung ano pa ang gagawin sa kanya. Si Dansel na ang nagkusang loob na doon muna siya manatili sa bahay nito habang naghahanap pa sila ng maging katulong at makasama ni Dianne sa bahay. At isa pa, sabi ni Dansel wala daw kasi itong kasama sa bahay dahil nasa ibang bansa ang mga magulang nito, ito ay unica jiha ng pamilyaSamantalang sina Athena at Kier naman ay kasalukuyang nasa Japan for honeymoon, one week sila doon.Alas diyes ng umaga nang pumunta si Bricks sa bahay ni Dansel, alam kasi nitong doon pansamantalang nanatili si Dianne. Pumunta ito doon para anyayahan si Dianne for lunch at para na rin na makapagpapaalam dahil pupunta daw ito sa France at mamayang gabi na ang flight nito. Pinaunlakan naman ni Dia

    Last Updated : 2024-03-20
  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 23

    Nakita niyang nasa malapit na sila sa dagat at mukhang nasa private resort sila dahil parang walang tao ang malapad na paligid na malapit sa tabing dagat. May nakita din siyang bungalow house sa unahan. Narinig niyang tumunog ang cellphone nito, tatlong beses iyon at pinatay ni Bricks ang cellphone. Nagtaka na siya nang hindi na napigilan ang sarili ay tinanong niya ito.'' Mukhang nasa malayo na tayo, Bricks. Akala ko ba magla-lunch lang tayo?'' Tanong niya.''Naisipan ko kasi na ipasyal ka dito sa private resort namin. Binili ito ng kapatid ko na nakapangasawa sa France at para din bakasyunan namin,''sagot ni Bricks.''Narinig kong tumunog ang cellphone mo mukhang importante yata yon dahil ilang beses na tumawag sayo. Hindi ka na macontact ni'yan dahil naka-off na ang cp mo,'' wika ni Dianne na nagtaka kung bakit pinatay nito ang cp nito. Lingid sa kaalaman ni Dianne, si Amy ang tumawag kay Bricks.''Pinatay ko ang cp ko para di na makatawag ulit, kulit kasi ng kaibigan ko na manghi

    Last Updated : 2024-03-20

Latest chapter

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   Chapter 86

    Huling naganap sa nakalipas na kabanata...Nang makita ni Gemma na nagpaalam si DJ na magcr ay nagcr din sya para sundan si DJLaking tuwa niya nang naroroon na sa lobby ng cr, walang ibang tao roon. Hindi niya alam kung may mga tao sa loob ng cr ng mga lalaki, basta ang alam niya nang pumunta siya sa cr ng mga babae, walang tao doon. Muli siyang tumungo sa lobby at hinintay doon si DJ. Sa isip niya na gagawin ang lahat para masira si DJ at Dianne. Laking gulat ni DJ nang makita si Gemma, at lalo pa siyang nagulat nang lumakad ito palapit sa kanya ng diretso at hinalikan siya sa labi. Sa pagpapatuloy...Hindi inaasahan iyon ni DJ kaya sa pagkabigla ay huli ng maawat ang babae.Ilang minuto ang nakalipas...Hindi mapakali si Dianne, nasa isip na baka magkurus ang landas ni Gemma at DJ, baka kung anupa ang maaring gawin ng asawa niya kay Gemma kaya tumayo siya mula sa inuupuan at nagpaalam na pupunta ng cr. Nakisabay si Dansel sa kanya dahil ihing ihi na raw ito, kaya magkasabay sil

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   Chapter 85

    Huling naganap sa nakalipas na kabanata... Napabulalas sa gulat ang ina ni Dianne na si Aling Marilyn nang makita ang mukha ni DJ,napasign of the coss pa ito halos nagkapantal pantal ati ang leeg ng lalaki, nakauwi na sila sa bahay ng ga magulang ni Dianne at kakarating lamang. Sa Pagpapatuloy.... Ipinaliwanag ni Dianne sa kanyang ina kung ano ang nangyari, nang kausapin sya nitong mag isa sa kusina, wala doon ang kanyang ama dahil naroon ito sa bakery shop na binigay niyang negosyo noon para sa kanyang mga magulang. "Hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo sa asawa mo, parang pinaparurusahan mo kasi siya, nang dumating kayo dito una niyang ginawa na pinagawa mo ay nagtinda xa sa palengke ng dinaing na babgus na tinitinda ni Melchor, kinabukasan nun pinasama mo naman sa pangingisda sa laot tapos nang pumunta kato kay tyong Alberto mo pinaakyat mo naman si DJ sa puno ng mangga na maraming malalakinh pulang langgam"wika ng kanyang ina. "Hindi naman po, dala lang seguro ng b

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   Chapter 84

    Huling naganap sa nakalipas na kabanata... Kinakanta ni DJ ang 'Everything I Do, I Do It For You' habang iniisip na gusto lamang ipadama sa kanyang asawa ang tunay niyang nararamdaman at nais nya rin ipabatid sa maraming tao kung gaano niya ito kamahal. Sa Pagpapatuloy... Pagkatapos na kumanta ang lahat ng mga contestants ay tumayo silang lahat sa stage na magkahawak ng kay, tatawagin a at hihirangin ang nanalo g third, second, first prize at grand champion ng singing contest. Ang third prize ay makakatanggap ng five thousand, second ten thousand, first twenty thousand at ang hihirangin na grand champion ay makakatanggap ng thirty thousand at trophy. Habang nakatayo si DJ sa stage kasama ang ibang mga contestants, nasa isip nya na hindi na sya umaasa na manalo sa singing contest na iyon. Ang mahalaga lamang sa kanya ay mapahiwatig sa kanyang asawa ang kanyang nararamdaman at nais ipabatid at ipahayag sa harap ng maraming tao na ipinagmamalaki niyang makilala ito at sabihin na mahal

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   Chapter 83

    Huling naganap sa nakalipas na kabanata...Pumayag na sumali si DJ sa singing contest.Sa Pagpapatuloy...Habang kumakanta si DJ sa gitna ng entablado at hawak ang gitara na hiniram kay Mark, hindi mapipigilan ni Dianne ang sarili na mapangiti. Lalo na nang marinig niya ang kinakanta ng asawa ay 'Everything I Do, I Do It For You' ni Bryan Adams. Naalala niya palagi niyang pinapakanta si Mark ng kantang iyon at habang pinapakinggan ang kantang iyon noon. She's drowned in imagination nay lalaking magmamahal sa kanya, whoever she is..at kaya siyang tanggapin anupaman ang hitsura niya...tapos ay gagawin nito ang lahat para sa kanya. Napabuntong hininga siya, ewan ba niya kung...itutuloy pa kaya niya ang kanyang binabalak na gawin at ipapagawa sa asawa? Napapikit siya' Hayan ka naman! Isipin mo ang kabutihan at kapakanan ng mga anak mo! Wag kang magpalinlang at magpadala sa iyong emosyon!' Galit na sigaw ng kanyang kumukontra na isipan niya. Nag aalala rin siya sa maaring mangyayari kay D

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   Chapter 82

    Naganap sa nakalipas na kabanata...Malapad ang pagkangiti ni Gemma habang umiinom ng red wine kasama at kausap si Ulga.Sa Pagpapatuloy...Nabalot ng saya ang puso at damdamin ni Gemma habang pinapakinggan ang kwento sa kanya ni Ulga tungkol sa naging reaksiyon at usapan nito ni Dianne hingkil sa mga hindi maganda na kwentong ginawa gawa ni Ulga para maging masamang tao si DJ sa paningin ni Dianne.Napangiti si Ulga nang muling nagsalita,"Buti na lang, Madam, hindi ako nahirapan na hanapin siya sa karnehan ng baboy sa palengke, gaya ng sabi mo kung saan siya naroroon. Dahil siya mismo ang lumapit sa akin kakapasok ko palang sa entrance" wika ni Ulga , sinabihan siya ni Gemma kung saan makikita si Dianne dahil nagkaroon ng ideya sapagkat bago natapos ang usapan nila ni Dianne sa cellphone ay tinanong na niya si Dianne kung saan ito banda sa palengke at maseguro na makita ito ni Ulga at makausap. Plano niya sanang makipagkita kay Dianne kaya tinawagan niya ito upang maseguro na hindi

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   Chapter 81

    Naganap sa nakalipas na kabanata....Nagulat sina Dianne at ang nanay niya sa harana ni DJ isang hapon.Sa pagpapatuloy...Nang hapon na iyon, narinig ng nanay ni Dianne ang magandang boses mula sa labas ng bintana ng kanilang bahay habang gumagawa ng burda ang kanyang ina at si Dianne naman ay naaaliw na pinapanood ang kanyang ina. Napatigil ang kanyang ina sa ginagawa nito nang marinig ang magandang tinig na iyon."Naririnig mo ba? May naghaharana yata sa labas" Sabi kanyang ina sa kanya."Baka si Mark lang yan" sagot ni Dianne. Ang tinutukoy nya na Mark ay ang kapatid na si Mark Francis, ang piloto niyang kapatid na dumating habang nasa palengke pa siya. Dumating ang kapatid para magbakasyon, mahilig kumanta at maggitara ang kanyang kapatid at bukod pa roon ay maganda ang boses nito sa pagkanta."Hindi naman mahilig kumanta ang kapatid mo ng lumang tugtogin, malimit ay modernong kanta ang kinakanta niya" wika pa ng kanyang ina."Nay, parang anga naman kung sakaling may naghaharana

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   Chapter 80

    Ang mga naganap sanakalipas na kabanataNang mag isang pumunta si Dianne sa palengke ay nakiita niya ang babaeng nakasama ni DJ sa picture na katabi ni DJ sa kama at pareho ang mga ito na walang damit. Kasalukuyan silang nasa batchoy resto para mag usap at galit na galit ang babae habang nagsasalita tungkol kay DJ.Sa Pagpapatuloy...Nakikinig si Dianne sa babae habang galit na galit itong nagsasalita, pareho nilang hindi pinansin ang order nilang batchoy na ngayon ay nakalagay na sa mesa. Sa totoo lang pwede niya sanang pagalitan ang babae na kaharap niya ngayon dahil nagkaroon ito ng affair sa asawa niya. Pero mas pinili niyang pakinggan ito."Ano ba ang nangyari?" sa wakas ay tanong na bumitaw mula sa kanyang pananahimik.Saglit na napatigil ang babae, "Pasensya ka na hindi na ako nakapakilala sayo. Nadala kasi ako sa aking emosyon at galit sa asawa mo. " Sabi nito at huminga ng malalim. "Ako nga pala si Ulga dela Vega" pakilala nito, umiwas ito ng tingin sa kanya at yumuko. "Alam

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   Chapter 79

    Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Agad na nakatulog si DJ Pagdating ng lalaki galing sa pangingisda sa laot.Sa Pagpapatuloy...Nang maramdaman ni Dianne na mahimbing na nakatulog ang asawa, iminulat niya ang kanyang mga mata.Tinitigan niya ang mukha ni DJ, naalala niya nang unang beses niya itong tinitigan. Hindi niya akalain na sa pagtitig niyang iyon, ay yon noon ang simula na mahuhulog ang loob sa lalaki. Tinitigan niya ito mula sa mga kilay nito hanggang bibig, ang gwapo talaga ng asawa niya.Sino ba naman ang mag aakala na ang gwapong tulad ni DJ ay magkakagusto sa isang hamak na pangit katulad niya? Na mahuhulog ang loob sa kanya, iibigin siya at pakakasalan. Parang imposible! Unless, lang kung meron ngang binabalak na gawin si DJ upang sirain siya! Tama nga seguro si Gemma. Ngunit hinding hindi siya papayag na mangyari iyon. Lalo na kung kinabukasan ng mga anak nila na dinadala niya ang nakasalalay dito, ibang usapan na yon! Masira lang siya, wag lang ang mga anak niy

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   Chapter 78

    Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata....Hinayaan na lamang ni DJ na purihin ni Mang Melchor SI Dianne na maswerte kaya naubos ang mga paninda nito na binabantayan ni DJ, kaysa igiit ni Dianne na nagpapacute siya sa mga babae. Batid niya Kasi na nagseselos ang asawa.Kinabukasan nang araw na iyon ay sumama si DJ na mangisda sa laot kasama ang tiyuhin ni Dianne na pinsan ng ina, doon napagtanto ng lalaki na hindi ganun kadali maging isang mangingisda.Habang umiinom ng alak si Gemma sa bar, malapit sa hotel na tinutuluyan nito ay naalala ang mga nangyari nang magkita sila ni DJ lalong lalo na ang mga sinabi ng lalaki sa kanya kaya hindi napigilang mapaluha na may poot at galit sa damdamin. Tinawagan niya si Dianne, samantalang si Dianne naman habang nagmumuni muni tungkol kay DJ ay napatigil at nagtaka nang tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa bedside table at makita ang pangalan ni Gemma sa phone screen.Sa Pagpapatuloy..."Hello, Gemma, bakit napatawag ka? Alas nuwebe na

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status