Share

CHAPTER 1

Author: CRISHMERL
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

''Wala na yatang pag-asa na magbabago ang hitsura ko.Sabi nga nila wala daw forever. Pero ako, naniniwala talaga ako na may forever.Na forever na akong ganito. __. Forever ugly.''

-----

Huh! Ako?

Yes! Ako nga! Sino pa nga ba?

Nagtataka ka seguro kung bakit?

Kung bakit palagi akong mukhang baliw na kinakausap ang sarili ko sa harap ng salamin.

Sinusuri ang sarili araw-araw kung meron ba nagbago? Kung meron ba may nag-improve?

Araw-araw naman ako naliligo.

Nagsasabon, nagsashampoo

at naglo-lotion.

lahat tungkol sa pampaganda, sinubukan ko na.

Pero...

Wala na yatang pag-asa na magbabago ang hitsura ko.

Sabi nga nila wala daw forever.

Pero ako, naniniwala talaga ako na may forever.

Na forever na akong ganito.

__. Forever ugly.

Ooops!

Pasensya, nakalimutan ko pala magpakilala.

By the way, ako nga pala si Dianne Annilou Hernandez.

Ooh hah! Ganda ng pangalan ko no? Artistahin!

Palagi nga napagkamalan na maganda ako, sa pangalan lang pero kung makita ako in person ay masasabi kadalasan na pangit ako, baduy, mukhang manang at katulong.

Pero...

na kahit man lang sa pangalan ko...

...eh, makabawi!

Well, in short you can call me Dianne.

Sa ngayon, nagtatrabaho ako sa isang sikat na Finance Company

bilang isang Finance Executive or Manager ng Finance Department.

Oo, alam ko ang iniisip mo.

Common naman yan, eh!

Nasanay na ako.

Kahit na sabihin natin na hindi ako binayayaan ng dyosang kagandahan.

Kahit papaano mabait naman si Lord, binigyan nya ako ng angking talino.

Yon nga lang kinapos sa hitsura!

Hmmmm..

Ang totoo nyan, sa kadalasan, mukha akong yaya sa tuwing kasama ko ang mga friends ko.

Just imagine.

Sila ay mala-porselana ang kutis. Nangingintab pa ang balat sa sobrang kinis. Samantalang ako nangingintab din naman...nangingintab sa itim.

Matatangkad sila. Hanggang balikat nga lang ako eh.

In short. Bansot po ako. Yon ang katotohanan.

Every time na magkasama kami ng mga friends ko.

Andyan lang ako lagi sa tabi.

Hindi ko nga alam kung palamuti ako.

Kasi sa pagkakaalam ko pagtinawag na palamuti.

Maganda.

Eh, di naman ako maganda.

Hayyyy...ewan.

-----

Maganda.

Sexy.

Makinis.

Maputi.

Artistahin.

Mayaman.

Introducing ang mga matalik na kaibigan ko...

Si Athena Morillo

Palaging napagkakamalan na artista o sikat na modelo, siya lang naman ang kaibigan kong super-duper ganda. Marami nga ang humahanga at nai-star struct sa kanya pag namamasyal kami.

May-ari ng isang sikat na flowershop, ang "Fragrance Home".

At ang magpinsan na sina:

Dansel Fabian

at Amythest ''Amy'' Guiler

...na may ari ng Dansel & Amy DeliShop.

Silang tatlo ay mga kaibigan ko sila since college life na hanggang ngayon happy together parin ang friendship kahit na bise-bisehan na ang bawat isa

But we have a habit every saturday, meron kami tinatawag na "Friendship Date".

Sini-set aside namin lahat ng kabisehan sa buhay para lang magtipon-tipon kaming apat sa paborito naming pasyalan.

Sa private resort na pagmamay ari ng grandparents ni Athena.

Friday afternoon.

After lunch.

Sunud-sunod ang ring ng cellphone ko. Habang naka-focused sa mga paper works.

Tiningnan ko ang caller sa screen ng cell phone ko at nakita ko ang name ng magandang happy, go lucky ko na kaibigan na si Dansel.

"Yes, sis, napatawag ka?"

Sagot ko sa tawag niya  habang nagta-type parin sa keyboard ng computer. At idinikit ko lamang ang cellphone ko sa gitna na taenga at balikat ko para maipagpatuloy ko ang pagta-type. Marami kasi ang nakatambak ko na paper works at gusto ko ng matapos nang araw na yon.

"Gaga! Did you forget? Bukas na ang alis natin" ani Dansel.

"Yeah, I know sis. Di ko nakalimutan yon, marami lang kasi akong ginagawa at this moment. Santambak paperworks ko ngayon."

"Lol, kailan lang ba kumunti ang paperworks mo? Lagi-lagi naman yan. Magresign ka na lang kaya dyan."Sagot ni Dansel na biniro pa ako.

"Abnormal ka ba? Eh, ito na nga lang inaasahan ko na trabaho na makapasweldo sa akin ng maganda-ganda. You know, girl. Breadwinner."

"Hmmm. Okay, maiba na nga tayo baka maabutan na nman tayo dito ng mga kadramahan sa buhay. At ma MMK naman tayo" Wika nito at napangiti nalang ako. Madalas kasi ako magkwento sa mga kaibigan ko ng mga napagdaanan ko sa buhay. Yon bang, feeling mo ang gaan gaan sa loob pag naikwento mo ang masalimuot mong buhay, alam kong nagsasawa o nababagot na sila sa mga kwento ko pero patuloy pa rin silang nakikinig.

"Tumawag nga pala si Athena sa akin. She said tomorrow maiba daw tayo ng destination. Remember YLda's Mount Peak View?" Patuloy pa ni Dansel.

"Yes, I heard Athena talked about that last Wednesday nang nagkita kami sa flower shop niya." Tugon kong pinaalam din dito na naikwento rin sa akin ni Athena ang plano nitong pag-iba ng destinasyon sa friendship date namin.

YLda's Mount Peak View is owned by Athena's cousin name, Ylena Darlyn Gomez. Kaya naging YLda yon.

"I'm so excited para bukas. I saw some captions from YLda's view and I love the place" ani Dansel na kahit sa kabilang linya ay halatang malapad ang pagkangiti. She knew her friend, mahilig ito sa adventures at reyna ito ng gala. Kaya nga ito ang maganda niyang kaibigan na binansagang’’ Happy-Go-Lucky Walking Beauty’’ dahil sa attitude nito, bagay sila ng gwapo nitong boyfriend na mahilig din sa adventures and mountain hiking. Na parang kulang na lang akyatin ang Mount Apo para maakyat nitong lahat ng bundok sa buong Pilipinas.

"Tomorrow, I will fetch you earlier before eight o'clock in the morning".

Narinig niyang dugtong pa nito.

Sa kanilang apat na magkakaibigan sya lang ang walang kotse. Anak mayaman na kasi ang mga kaibigan nya since ipinanganak ang mga ito. May sari-sariling pag-aari na company ang mga magulang ng mga ito na sikat din at kilala dito sa bansa. I'm so lucky for having friends like them kasi kahit sobrang yaman nila, they love me and treat me as their real sister kahit na ako lang ang kakaiba sa kanilang tatlo. Kakaiba kasi ang hitsura at pananamit ko. Imagine! Sa tuwing naglalakad kami, kasama ko ang mga naggagandahang dyosa subalit meron din naman silang kasama, kasamang alien!

Hindi naman na mahirap talaga kami. Oo, inaamin ko dati yon nang nag-aaral pa ako, halos gapang sa pagtityaga para lang makaraos at makapagtapos ng pag-aaral ko.

Pero ngayon, God is good talaga dahil hindi ako pinabayaan. I finished my study in Business Management major in Finance at ngayon I have a work to help and support my family. Kaya ngayon naging okay na takbo ng pamumuhay namin. My parents run a little business, yon ay ang bakery shop. Binigyan ko sila ng pangkapital sa negosyo. And my brotherS and sisterS nagtatrabaho na rin sa maganda at estable na company. Anyway, ako lang naman ang nagpaaral at nagpatapos sa kanila.

Ganyan ako kabait.

"So, dapat ready kana when I fetch you, honey. Alam mo naman sobrang maarte ng mga kaibigan natin. They hate waiting." narinig nyang sabi ni Dansel sa kabilang linya.

"Kung makapaghusga ka sa kanila, akala mo ito di maarte. Mas maarte ka pa kaya sa kanila." Wika ko at napatawa, sadyang inasar ito.

"Baliw!" Sagot nitong pasigaw.

Kung totoong magkaharap lang kami nito sinabunutan na ako.

Ganun talaga kaming magkaibigan. Mahilig mang-asar sa isa't isa. Yon ang way namin sa paglalambing. Deep inside naman kasi mahal na mahal namin ang isa't isa.

ALAALA NG KAHAPON

Hanggang ngayon ay sariwa parin sa alala ni Dianne ang mga napagdaanan niya, nang kabataan niya, sa kanyang pag-aaral hanggang sa nakatapos, nakapagtrabaho at nakatulong na maiahon sa kahirapan ang kanyang mga magulang at matulungan din ang mga kapatid na maktapos sa pag-aaral. Siya ang panganay sa kanilang magkakapatid.

Kaya seguro siya ang nakaranas ng kahirapan ng mga magulang. Elementary siya, nasa unang baitang at siya pa lamang ang nag-aaral sa kanilang magkakapatid dahil mga musmos pa ang mga ito, maliliit pa, tatlong magkapatid pa lamang sila noon. Sa bahay kubo sila nakatira, maliit na bahay na gawa sa kahoy at nipa. Ang nakakatawa pa roon, na sa tuwing maalala niya ay napapangiti na lamang siya. Ang bahay nila ay mukhang masisira na kunti lang na ihip ng hangin ay parang matumba na, itinali lamang ito ng kanyang ama sa puno ng niyog na nasa gilid lang ng kanilang bahay para kahit papaano maging matatag ito. Minsan nga naalala niya noong elementary siya, dumating ang malakas na bagyo. Sa kasamaang-palad natangay ng malakas na hangin ang bahay nila. Mabuti na lamang, lahat sila ay nakaalis doon at nakalikas sa evacuation center bago nangyaring nagkasira-sira ang kanilang bahay, kaya lahat sila ay nakaligtas at walang may masamang nangyari. Lalo na sa mga maliliit niyang mga kapatid, dahil kung nangyari yon kawawa naman ang mga kapatid niya. Malaki talaga ang pinapasalamat niya noon sa Maykapal, yon nga lang, wala na silang bahay na matitirahan.

Nagkaroon sila ng bahay, binili iyon ng mga magulang niya mula sa grandparents niya, isang libo ang bili ng mga ito sa bahay. Na dating tirahan ng baboy, oo BAHAY NG BABOY, na binenta ng lola ni Dianne sa mga magulang niya para magkaroon sila ng matitirahan, lola sa mother’s side niya.

Dahil tirahan ng baboy iyon, walang dingding at bintana. Tanging bubong lang at sahig, dahil sa kapos sila sa pera at kagagaling lang sila sa unos na yon, pinagtyigaan na lang nila at nilinis ng mabuti, sako na muna ang ginawang kisame ng mga magulanmg niya para kahit papaano ay may dingding o takip ang gilid ng bahay nila. Just imagine kung ano ang sitwasyon nila noon, kung maiisip nga niya ngayon parang hindi siya makapaniwala.

Actually, marangya ang buhay ng grandparents niya, sa katunayan nga ay nagpapautang pa ng pera sa mga tao. Pero iwan ba niya dati-rati pa ay hindi na maganda ang pakikitungo ng mga ito sa kanila, sa mga magulang niya at pati sa kanilang magkakapatid. Kahit na mga tyahin niya ganun din except lang sa mga kamag-anak nila na nasa Maynila. Hindi niya alam dahil hindi naman sila suwail at hindi naman masasama ang kanilang mga ugali. Pinalaki naman sila ng maayos ng mga magulang nila.

Hindi pa nga niya makalimutan hanggang ngayon ang time na….dapit hapon na iyon, dahil nakasanayan at tinuruan ng kanyang ina na maging magalang sa mga matatanda. Kararating niya lang galing sa eskwelahan, daanan kasi ang bahay nang lolo’t lola niya pauwi sa bahay nila. Nang dumaan siya sa pintuan ng bahay ng grandparents nakita niya ang kanyang lola na nakaupo sa sala. Kaya nilapitan niya ito at magmamano siya sana nang bigla nitong hinampas ang kamay niya at tumayo ito mula sa inuupuan at lumayo sa kanya.

‘’Umuwi ka na sa inyo,’’ narinig niyang sabi nito.

Syempre, pangit kaya sa feeling na ganun ang magiging reaction ng lola niya. Ang sa kanya lang naman sana ay rumespeto dito gaya ng itinuturo ng kanyang ina.

Pero, bakit ganun?

Ganun ang lola niya sa kanya?

Natanong niya sa sarili niya kung may nagawa ba siyang mali? Kibit-balikat na lamg siyang lumabas ng bahay ng grandparents nya at umuwi na merong lumbay sa kanyang mukha. 

Related chapters

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 2

    ALAALA NG KAHAPON Pasko iyon, may dumating na mga pasalubong galing sa mga Titos at Titas niya mula sa Maynila, excited silang magkakapatid ng mga sandaling iyon, baka-sakali meron din silang regalo. ‘’Anong ginagawa niyo rito?’’ Tanong ng tiyahin nila na panganay sa magkakapatid ng kanilang ina. ‘’Wag na kayong umasa na meron kayo,’’anang kanyang tiyahin. Nakakalungkot man isipin, pero yon ang narinig mula sa tiyahin... ‘’Wala po, nanonood lang po,’’ sagot niya. Siya na ang sumagot sa tanong ng tyahin dahil siya rin naman ang panganay. Ang sabi ng tyahin nila na wala silang pasalubong. Maya-maya lumapit ang isa pa nilang tyahin na bunsong kapatid ng kanyang ina. ‘’Heto,oh, kunin nyo sa inyo ang pasalubong na yan!’’ Sabi ng bunsong tyahin nila na tila labag sa kalooban ang pagbigay at mukhang nang-iinsulto ang boses nito. Masayang kinuha iyon ni Dianne. Masaya siya dahil kahit papaano ay meron silang pasalubong at bagong regalo mula sa mga kamag-anak nila sa Maynila, kahit papa

    Last Updated : 2024-10-29
  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 3

    @YLda's Mountpeak View "Wow! it so amazing!" Napahanga na sabi ni Amy habang nakatayo sila sa tuktok ng bukirin na yon. Sobrang ganda nga ng tanawin doon. Matatanaw ang buong kalaparan ng dagat. Kaharap ng kinaroroonan nila, makikita ang dalawang magkabilaan na bundok na akala mo'y babae at lalaking higante na mahimbing na natutulog. Amoy na amoy pa ang preskong simoy ng hangin na parang animo'y dala dala ng hanging amihan. There's a presence of fog around the mount's peak. Aside from them, marami din mga nagdadarayo sa lugar na yon. Meron mga foreigners at bakasyonista na pumupunta don galling sa iba’t ibang lugar. Meron kasi ito mga cottages sa paligid at private rooms naman sa mini hotel kung sino gustong magstay doon ng ilang araw. Kumpleto din ito sa pagkain, both liquors, wine and soft drinks. DIANNE’s POV 'Habang abala ako sa kakatamasa ng magandang tanawin sa tinatayuan ko. Napadako ang paningin ko sa bandang kaliwa at sa di kalayuan napatitig ako sa isang lalaki na nak

    Last Updated : 2024-10-29
  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 4

    Nasabi ni Athena nasa kanya ang Diary ni Dianne at nasabi rin nito na magkita sila kinabukasan para maibigay nito ang Diary ni Dianne. ATHENA's POV Hindi siya mapalagay dahil naglalaro sa isip niya ang Diary ni Dianne. "Ano kaya ang mga nakasulat doon?" Tanong ng kanyang isip. Kanina pa siya balisa sa pagkahiga sa kanyang kama na parang tinutulak siya ng kanyang kuryusidad. Maya-maya pa ay hindi niya natigilan ang kanyang sarili. Tumayo siya mula sa kanyang pagkahiga at lumapit sa kanyang bag. Nang mabuksan ang kanyang bag kinuha niya ang pink personalized notebook at binuksan iyon. Hindi naman siya nahirapan sa pagbukas dahil hindi naka-locked iyon. Feeling niya ay excited siyang basahin ang mga nakasulat dito. Dahil sa sugo ng kuryusidad niya ay nabuksan niya na ito at nabasa. Napatigil siya nang malaman mula sa Diary na iyon ang tunay na feeling ni Dianne kay Kier, nililihim lang pala ito ni Dianne. Pa’no na? Pero hindi siya papayag na malayo kay Kier, talagang nahulog na ang

    Last Updated : 2024-10-29
  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 5

    Nagngingitngit ang damdamin niya habang papunta sa isang mini store sa harap lang ng building na tinatrabahuan niya. Hindi parin makuha sa isipan niya ang nangyari. Naiinis siya sa nangyari! Bakit ba sa dinami-dami ng nandoon sa conference room siya ang nakita nito? Sinadya ba nito na ipahiya siya?! Huminga siya ng malalim. "Ikain ko na lang ito baka sakaling makalimutan ko ang nangyari" aniya sa kanyang sarili. Lunch time at isa pa nagugutom na rin siya. Ilang saglit lang nang makapwesto siya sa mesa na gilid lang ng glass wall at nakaumpisa na rin na kumain. Nakita niya si Kier na bumaba ng kotse. Kasunod nito na bumaba ang isang magandang babae. Maingat pa ni Kier na inalalayan ang babae. Ang babae na bukod sa maganda ito ay sexy ito sa suot na black bodycon dress at mala-model ang postura nito. "Girlfriend niya kaya iyon?" Natanong niya sa kanyang sarili. Maya-maya pa ay nakita niya si DJ na nakangiting sinalubong ang dalawa at pumasok na sila sa loob ng building. "Hello, Dia

    Last Updated : 2024-10-29
  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 6

    Nang biglang nag iba ang himig ng musika. The Way You Look At Me na orihinal na ikinanta ni Christian Bautista. Saglit siyang napatigil, talaga bang sinadya iyon ng banda? Nawika lamang niya sa sarili niya."DJ, ikaw na ang bahala kay Dianne ha?" Narinig niyang sabi ni Amy. Malakas na pagkasabi nito dahil din sa ingay na likha mula sa banda. Tumango lamang ito."Will you dance with me?" Tanong ni DJ na ngayon ay kaharap na niya na nag-aanyaya sa kanyang sumayaw habang nakabukas ang isang palad nito.Hindi siya kaagad nakasagot rito pero sinadya siyang tinulak ni Amy palapit sa binata kadahilanan para makahawak siya sa palad nito. Hinawakan din ni DJ ang palad niya at mariing isinayaw siya.Wala siyang nagawa kundi sumayaw na lamang kapares si DJ. Tumingin siya kay Amy na ngayon ay kasayaw ang kasintahan nito. Nakita niyang nakangiti at kumindat pa ito sa kanya habang kasayaw ang kapares nito.Nakita niya rin ang ibang kaibigan na may kapares din ang mga itong sumasayaw. Napadako ang ka

    Last Updated : 2024-10-29
  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 7

    Habang umiinom si Dianne ng Margarita wine ay pabalik-balik sa alaala niya ang mga sinabi ni Gerlie. Hindi niya ini-expect na gawin iyon ng girlfriend ni DJ sa kanya, first time niyang maranasan na sumbatan ng ibang babae dahil nakikipag-agawan daw siya ng boyfriend dito. Hindi niya napansin na naparami na pala siya nang inom. Napansin iyon ng mga kaibigan niya. ‘’ Dianne, kaya mo pa ba?’’ Nag-aalalang tanong ni Dansel. ‘’Don’t worry, hindi naman yan maano si Dianne dahil napaka-light wine lang ng Margarita. Parang uminom ka lang ng lemon juice,’’ ani Gerlie na siyang umorder ng Margarita. ‘’Hindi lang kasi sanay si Dianne uminom ng ganito,’’ani Dansel na tinatago ang inis kay Gerlie. ‘’ Hindi pala sanay eh bakit sumama pa rito?’’ Sabat nitong may sarkastikong boses. Napatingin dito si Amy na nakaramdam na rin ng lihim na pagkapikon kay Gerlie, ngunit tinitimpi lamang ang sarili. Gerlie, tama na…’’ mahinahong saway ni Kier dito. Tumigil nga si Gerlie. Subalit unti-unting nakara

    Last Updated : 2024-10-29
  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 8

    Sinasabi niya ba ito dahil sa sinabi ni Amy? "Wala itong kinalaman sa sinabi ni Amy nung Sunday." Sabi pa nito na tila nabasa ang katanungan ng isip niya. Kinuha nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Dianne...will you be my girlfriend?" Nabigla siya sa sinabi nito kaya bigla niya ring kinuha ang kamay sa pagkahawak nito. "You have a gilfriend." Nasabi niya "Wala na kami ni Gerlie." Sagot nito at ipinaliwanag ang nangyari. Nang matapos silang kumain hinatid na siya ni DJ. Hindi niya muna sinagot ang tanong nito. Sinabi niya sa binata na bigyan muna siya ng pagkakataon na mag isip dahil ayaw niyang madaliin ang pangyayari ----- Magkasama sina Dianne, Amy at Dansel nang hapong iyon. Hindi na muna naitinuloy ang kanilang friendship date dahil hindi makasama si Athena. Abala ito lalo na't palagi silang lumalabas ni Kier. Ang totoo niyan naging sina Athena at Kier, pero wala na siyang may naramdamdamang sakit sa kanyang puso at damdamin, masaya pa nga siya para sa kanyang kaibi

    Last Updated : 2024-10-29
  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 9

    Habang naglalakad sina Dianne at DJ patungo sa sakayan ng traysikel ay napatigil si Dianne nang marinig na may tumatawag ng kanyang pangalan. Pagbaling niya ng tingin sa pinanggalingan ng boses na tumatawag sa pangalan niya ay nakita niya ang babaeng kasing edad niya na may kasamang batang babae, na sa tingin niya ay nasa wsalong taong gulang. Naglalakad ang mga ito palapit sa kanila kaya hinintay niya itong makalapit sa kanila ni DJ na huminto rin sa paglalakad. ‘’Dianne, naaalala mo pa ba ako?’’ Nang makalapit ay tanong nito. ‘’Oo, naman,’’sagot niya, hindi niya makalimutan ang best friend niya nang elementary siya. Si Ana Mae Cordillo. ‘’Ana Mae Cordillo, ikaw kaya ang best friend ko nang elementary tayo.’’ Saad pa niya na nakangiti. Ngumiti rin ito at napabaling ng tingin kay DJ. ‘’kamusta ka na pala? Asawa mo?’’ Tanong nito na lalong napangiti. ‘’Boyfriend ko si DJ, si Ana Mae pala DJ, best friend ko nang elementary,’’wika niya at ipinakilala ang dalawa. Ngumiti rin si DJ ri

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   Chapter 73

    Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Pumunta sina Dianne at DJ sa Bacolod, buong akala ni DJ bibili lamang sila ng tinda ni Mang Melchor ng bangus na dinaing ngunit lihim siyang nagulat nang sinabi ni Dianne na siya ang magtitinda ng mga paninda nitong driedfish.Nang makasakay na silang mag asawa ng traysikel pauwi, sinabi rin ni Dianne na gusto niya na maranasan ni DJ na mangisda sa laot.Sa Pagpapatuloy..."Ayaw mo ba, babe? Hindi mo ba kaya?" Tanong ni Dianne sa asawa nang makita ang reaksyon ng mukha nito."Kahit na mahirap ay gagawin ko, babe kung gusto mong gawin ko yon. Sabi mo nga noon, walang imposible basta naniniwala ka lang sa Maykapal at ma tiwala sa iyong saril. Hindi ako sanay sa ganyang gawain, babe, pero mahal kita, eh. Lahat kakayanin ko para sayo." Pahayag ni DJ.Hindi umimik si Dianne, sa totoo lang, naawa sana siya sa asawa na bigyan ito ng pagsubok pagkatapos ay iiwan ito. Yon ang balak niya, kung tutuusin kulang pa ang pagsubok na gagawin ng asawa niya

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   Chapter 72

    Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Binayaran ni DJ ang utang ng dalawang lalaki gayundin ang pagdating ng mamang nagtitinda ng sorbetes.Nakita nila DJ at Kier na unti unting natutunaw ang binili ni DJ na ice cream para sa asawa kaya sinabihan ni Kier si DJ na kainin o dilaan ang ibabaw na parte ng ice cream na natutunaw.Sa Pagpapatuloy...Natagalan sina DJ at Kier sa kalagitnaan ng traffic pabalik sa bah nina DJ at Dianne, napansin ni DJ na unti unting natutunaw ag ibabaw ng ice cream nahawak. Kaya sinabi ni Kierna kainin ang ibabaw na parte ng ice cream para hindi mahulog sa sahig ng kotse nito."Ano? Alam mo naman na ibibigay ko ito kay Dianne." Sabi ni DJ."Hindi mo naman kakainin lahat, eh. Hindi mo naman uubusin, kakainin mo lang5 naman ang parte na natutunaw" wika ni Kier.Ginawa nga iyon ni DJ. Nang makarating sila sa bahay, nakita nila si Dianne sa sala kaya agad silang tumungo sa kinaroroonan ni Dianne.

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   Chapter 71

    Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata....Gustong kumain ng ice cream ni Dianne na tinitinda sa kalsada kaya umalis sina DJ at Kier para maghanap sa paniniwalang naglilihi si Dianne.Pinagtawanan sila ng dalawang lalaki.Sa Pagpapatuloy...Muli na nagtawanan ang dalawang lalaki."Hoy, ano ba kayo? Maayos na nagtatanong ang tao sa inyo" saway ng babaeng may ari ng tindahan. Nasa mid fifty na ang edad nito."Akala ko kasi mga pulitiko na mamimigay ng pera, yon pala magtatanong lang ng ice cream, hik..."anang isang lalaki na lasing na natatawa habang nagsasalita."Hindi po kami pulitiko, nakita kasi namin na pumasok dito ang nagtitinda ng sorbetes kaya sinundan namin. Buntis kasi ang asawa ko at naglilihi, gustong kumain ng ice cream. Hindi kami pumunta rito para mamimigay ng pera pero kung gusto nyo kami nalang ang magbabayad ng mga nainom nyo" medyo nainis na sabi ni DJ ngunit tinitimpi nya lamang ang kanyang sarili sa mga narinig s

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   Chapter 70

    Ang ma naganap sa nakalipas na kabanata...Kinausap ni Gemma si Dianne tungkol kay DJ, nagkwento ito ng mga negative tungkol sa lalaki.Nagtaka sina DJ at Kier kay Dianne kung bakit hindi pa nakaayos at nakabihis?Sa ipagpatuloy..Nagtaka sina Kier at DJ kung bakit hindi pa nakaligo, nakabihis at naka ayos si Dianne, papunta ang babae sa kanilang kinaroroonan."Babe, hindi ka ba papasok sa trabaho?" Tanong ni DJ sa asawa nang makalapit."Masama ang pakiramdam ko, babe, mabigat an katawan ko. Parang gusto ko yatang kumain ng ice cream...hinahanap ng lalamunan ko,eh. Gusto ko ng ice cream na tinitinda sa kalsada,ayokong tinitinda sa mall, resto at fastfood." malambing na sabi ni Dianne sa asawa na namumungay pa ang mga mata.Nagkatinginan sina DJ at Kier sa sinabi ni Dianne."Feeling ko, naglilihi si Dianne" sabi ni DJ kay Kier, papasok na sila sa kotse ni Kier."Parang masyadong late na para maglihi si Dianne,tol, m

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   Chapter 69

    Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Hindi inaasahan ni DJ na magkita sila ni GemmaNakipagkita si Gemma kay DianneSa ipagpatuloy...."Mukhang nauuhaw ka, Dianne? Naubos mo kasi kaagad ang buko shake mo, gusto mo bang iorder kita ulit?" Tanong ni Gemma na alintana ang nararamdaman ni Dianne."Wag na, salamat na lang. Pwede bang sabihin mo na kung ano ang tungkol kay DJ?" Ani Dianne.Huminga ng malalim si Gemma. Umiba ang reaksyon ng mukha nito na tila naaawa sa kanya."Sorry sa sasabihin ko, Dianne" Anito. "DJ is like a leech, na kakapitan ka nya at hindi titigilan hanggang sa masira. Tulad ng linta na sipsipin ang dugo mo hanggang sa maubos saka ka iiwanan..." ani Gemma saka hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa..."Sinasabi ko to sayo dahil para sakin isa kang tunay na kapatid ko' 'ani Gemma, "Isa ako sa biktima ni DJ, Dianne...sinira niya ang buhay ko. As in sirang-sira saka ako iniwan..." nanlulumo ang mga mat

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 68

    Ang mga kaganapan sa nakalipas na kabanata...Gumaan ang pakiramdam ni DJ mula sa problemang gumugulo sa isipan dahil kwento ni DianneNagkita sina DJ at GemmaSa Pagpapatuloy..."Gusto mo bang malaman ang dahilan kung bakit ginagawa kong iwasan ka?" Inis na sabi ni DJ, hindi umimik si Gemma."Dahil ayokong maalala na natutunan kong magkaroon ng poot at galit sa isang tao na katulad mo dahil sa ginawa mong pagpapalaglag ng bata. Kinitil mo ang buhay ng isang batang walang kamuwang-muwang at walang kasalanan, kinitil mo ang buhay ng isang inosenteng bata na nararapat mabuhay at isilang. Ngayon, sinasabi mo na mahal mo ako? Sarili mo lang ang mahal mo Gemma, dahil kung talagang mahal mo ako dapat ay pahalagahan mo rin ang bata sa sinapupunan mo dahil ako ang ama ng bata" pahayag ni DJ na galit ang boses kahit na kalmado siyang nagsasalita."DJ, Ssorry...hindi ko alam-"wika ni Gemma na hawakan sana si DJ ngunit mabilis na nakaiwas ang lalaki at nap

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 67

    Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata....Hindi mawari ni DJ kung ano ang ibig sabihin ng kanyang panaginip ngunit hindi na sya nag abala pa upang isipin iyonNagkwento si Dianne kay DJ ng isang parable upang maibsan ang iniisip nitong problema tungkol sa company nito.Sa Pagpapatuloy..."Mas lalo pa siyang naging maligaya ng lalong umunlad ang kanyang pamumuhay, nagkaroon siya ng maraming negosyo, naging sucessful siya sa lahat ng aspeto ng buhay, pamilya, career at lahat. Ngunit sa sobrang abala at pagod nakakalimutan niyang magdasal kung gabi...hanggang isang araw, biglang bumagsak ang kanyang buhay. Nagkasakit ang kanyang mga anak at nalugi ang kanyang negosyo. Hanggang sa bumalik siya sa dating buhay, na mahirap. Isang gabi, nanaginip siyang...naglalakad sa tabi ng dagat. Lumingon siya at nakitang dalawang pares na lamang ng bakas ng paa ang nakitaniya sa buhangin, kaya nalungkot siya...nasabi niya sa kanyang isipan na kung saan ay k

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 66

    Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Nagkwento si Dianne tungkol sa karanasan niyaNanaginip si DJSA Pagpapatuloy...Napabalikwas si DJ sa kanyang inuupuan, nakatulog kasi siya sa kapapanood sa asawa habang nagluluto ito ng hapunan nila. Maaga pa siyang nakauwi sa bahay mula sa trabaho, pagdating sa kanilang bahay ay saglit siyang nagbihis ng damit pangbahay at pinuntahan ang asawa sa kusina. Gusto pa sana niyang tulungan ang asawa sa paghahanda ng kanilang hapunan pero sinabi ni Dianne na hayaan na lamamg ito na ipagluto siya.Naglutokasi ito ng paborito niyang ulam, sisig iyon at bicol express, nasabi niya sa asawa na na-missed na niyang kumain ng ng mga ganoong pagkain. Kaya hindi na siya nagpumilit sa asawa, napagdesisyunan niyang umupo na a lamang sa upuan ng lamesa sa kusina at panoorin ang asawa habang hinihintay ito na makatapos. Nakatulog na pala siya sa kapapanood sa asawa, nanaginip siya! Isang panaginip na nagpabulabog sa kanya at nagpa

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   chapter 63

    Ibinaling ni DJ ang tingin sa babae.''Sige, pero kailangan na kasama ko ang asawa ko,''sabi niya sa babae. Tumango lamang ang babae at tumayo rin sila para makausap ito.''Sinadya ko talagang magpaiwan dito para kausapin ka,'' wika ng babae nang makapunta sila sa di kalayuan ng cottage na may videoke.''Nauna na ngang umalis ang kasama ko,''patuloy pa nito.''Ano ba talaga ang gusto mong sasabihin?''Tanong ni DJ na medyo naiinis dahil sa ginawa ng kasama nito. Sinadyang isama si Dianne, naisip kasi niyang baka kung ao pa ang ikilos nito.May iniaabot ito, na kinuha rin ni DJ iyon. Iniabot nito ang calling card sa kaliwang kamay habang hawak sa kaliwang kamay ang mini hand bag nito. Maribel Brilliantes ang pangalan nito, Talent Manager.''Nakita ko kasing may opportunity sayo dahil maganda ang boses mo, Ang ganda ng performance mo kaninang kumanta at sumayaw ka,'' sabi ni Maribel.Napatingin lamang si Dianne, na nagpasalin-salin ng tingin sa dalawang nag-uusap. Binalik ni DJ ang calli

DMCA.com Protection Status