Katatapos pa lamang maglaba ni Danielle sa mga damit ni Dani nang marinig niya ang so rang lakas na busina ng kotse sa tapat gate ng bahay ni Drewner. Napakunot siya ng noo. Sino naman kaya ang taong bumubusina na akala mo'y walang mga kapitbahay na makakarinig sa ginagawang pagbusina ng malakas? Sigurado naman na hindi ito si Drewner dahil hindi nagbubusina ng ganoon kalakas ang lalaki. Speaking of Drewner, she's glad na hindi siya pinalayas nito matapos ang ginawang pagsagot niya rito noong isang gabi. Akala niya ay paaalisin na siya pagsapit ng umaga ngunit paggising niya ay wala na ito. Nang bumalik naman ito sa gabi ay iniwasan siya. Kaya naisip niya na hindi na siya nito paaalisin gaya ng sinabi nito. At siguro rin ay naisip nito na kailangan ni Dani ng yaya na katulad niya.
"Liz, sino ba ang dumating at sobrang lakas kung mag-busina?" tanong niya kay Liz nang mapadaan ito sa tapat niya. Si Liz ay isa sa dalawang katulong ni Drewner sa"Ano ang nangyayari dito?" Lahat sila ay sabay-sabay na napatingin kay Drewner na bagong dating pa lamang at may bitbit na attaché case ang isang kamay. Sa tindi ng tensiyon na namamagitan sa pagitan nila ni Lucy ay hindi nila namalayan ang pagdating ng sasakyan nang lalaki at ang pagpasok nito sa loob ng bahay."It's your maid's fault, Drewner," kaagad na sagot ni Lucy at biglang lumapit sa lalaki na para bang nagpapasaklolo."Excuse me, hindi ako maid kundi yaya," nakataas ang kilay na sagot ni Danielle sa pagtawag sa kanya ng pinsan niya nang maid. Kung hindi lamang nasa alanganin siyang sitwasyon ay baka matawa na siya sa kanyang sinabi. Ginaya niya kasi ang isang linya sa drama series na napanuod siya sa isang sikat na tv station. "At saka bakit ako ang sisisihin mo? Ako ba ang nagsaboy ng gatas kay Dani?" naiinis niyang tanong dito.
"Patawad po sa iginawi ko kanina, Nana Adela. Alam ko na hindi ko dapat sinagot-sagot kanina ang girlfriend ni Mister Ramsel at pati na rin siya. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko," paghingi ng paumanhin ni Danielle nang wala na sina Lucy at Rafael. Inihatid nang huli ang una. Nagtatatalak na kasi si Lucy nang hindi siya tuluyang inalis sa kanyang trabaho ni Drewner dahil sa anak nito. "I'm sorry din, Dani. Pati ikaw nadamay sa kamalditahan ng babaeng iyon," baling nsman niya sa kanyang anak na hindi pa niya nabibihisan."Bakit ka naman humihingi ng paumahin. Danielle? Mabuti nga at pinatulan mo ang babaeng iyon. Ku, mataga na akong nagtitiis sa babaeng iyan na akala mo kung sino," naiinis na sagot ni Nana Adela. Halatado sa mukha nito ang pagkainis samantalang kanina ay itinatago nito ang nararamdaman."Oo nga, Danielle. Ang galing mo. Ang tapang mo kanina. Kung kami iyon ni Liz ay
Pakiramdam ni Danielle ay biglang nanlamig ang buo niyang katawan nang mapagtanto niya kung ano ang nangyari. Pinadukot at pinapatay siya ni Lucy pagkatapos ay pinalabas na namatay silang dalawa ng kanyang anak sa aksidente ngunit ang totoo ay kinuha pala nito ang kanyang anak at dinala kay Drewner. Ginamit nito si Denise para magkaroon ng utang-na-loob dito si Drewner. Hindi niya alam kung paano natuklasan ng kanyang pinsan ang pagkakatoon niya ng anak. At alam kaya nito na hindi lang isa ang naging anak nila ni Drewner kundi dalawa?Paano nagawa ni Lucy sa kanya ang ganito kasamang bagay? Wala siyang ipinakitang hindi magandang ugali rito noon. Maganda ang pakikitungo niya at nang kanyang mga magulang dito pati na rin sa ama nitong sugarol. Talaga bang sukdulan ang galit nito sa kanya para magawa ang hindi makataong ginawa nito sa kanya? O baka sukdulan ang inggit nito sa kanya na umabot sa pagpatay sa kanya?"N
Nakasuot ng kanyang nighties at naghahanda na sa pagtulog si Danielle nang walang ano-ano ay biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kuwarto na nakalimutan pala niyang i-lock. Bumungad sa kanya ang galit na mukha ni Drewner. Sa pagkabigla ay hindi agad siya nakagalaw para pagtakpan sa mga mata nito ang halos hubad niyang katawan. Nang makabawi siya sa pagkabigla ay agad niyang hinagilap ang kanyang kumot at ibinalabal sa katawan niya bago galit na sinita ang lalaki na tila nabigla rin sa nakitang kagandahan ng mga mata nito."Bastos! Ganyan ka ba talaga, Mister Ramsel? Basta na lamang pumapasok sa loob ng kuwarto ng iyong mga kasambahay?" galit niyang sita rito. Tinapunan niya ito ng nakamamatay na tingin. Kahit alam niyang wala itong kasalanan ay hindi pa rin niya itong lubusang napapatawad sa hindi nito pagsipot sa araw ng kasal nila. Masyadong masakit at sobrang kahihiyan ang inabot niya nang araw na iyon para mapataw
"And they lived happily ever after,"nakangiting pagtatapos ni Danielle sa kuwentong binabasa niya sa kay Dani habang nasa sala. Nakaupo siya sa sofa habang nakahiga naman sa mga hita niya ang kanyang anak at nakikinig sa kuwento ng fairy tale story na Snow White. Si Nana Adela naman ay nakangiti habang nakaupo sa mesa at nakikipakinig sa binabasa niyang kuwento. Natutuwa itong makita silang magkasundong-magkasundo ng kanyang anak."Tita Danielle, bakit walang baby sina Snow White at ang prinsipe? Hindi ba sila nagkaroon ng babies?" inosenteng tanong sa kanya ni Dani matapos niyang isara ang aklat.Natatawang ginulo niya ang buhok ng kanyang anak bago niya sinagot ang tanong nito. "Siguro nagkaroon din sila ng anak pero hindi lang binanggit sa kuwento. Masyadong hahaba na raw ang kuwento kung isusulat pa nila ang tungkol sa anak nina Snow White at ng kanyang prinsipe," paliwanag niya kay Dani.
"Danielle!" Nasa labas pa lamang ng bahay si Drewner ay tinatawag na nito ang kanya ng pangalan. Kakauwi pa lamang nito mula sa ospital kung saan nito dinala si Lucy na halos mahimatay sa sobrang panic nang makitang may ipis ang iniinom nitong juice. Pero ang hula niya ay umaarte lamang ito. Hindi naman talaga ito natakot kundi sinamantala lamang nito ang siywasyon para magkaroon ng pagkakataon si Drewner na magalit sa kanya at tuluyan na siyang paalisin sa bahay nito.Hindi na hinintay ni Danielle na puntahan pa siya ni Drewner sa loob ng kuwarto niya kundi siya na mismo ang sumalubong dito. Wala rin naman siya sa kuwarto niya kundi nasa loob ng kuwarto ni Dani."Bakit ba ang lakas ng boses mo? Nasa labas ka pa nga ng bahay mo ay ang lakas-lakas na ng boses mo. Hindi ka nahihiya na marinig at malaman ng mga kapitbahay mo na kaaway mo ang isa sa iyong mga kasambahay?" sita ko sa kanya nang makapasok na si
Mag-isang umiinom si Drewner sa isang sulok nang madaanan ni Danielle. Lumabas kasi siya sa kuwarto niya dahil nakaramdam siya ng uhaw. Akala niya kung sino ang nasa madilim na sulok at umiinom ng alak."Come here, Danielle," tawag nito sa kanya nang makitang papadaaan siya."Bakit? Ano ang kailangan mo?" malamig niyang sagot dito. Amoy na amoy niya hininga nitong amoy-alak. Ngunit sa halip na ma-turn off ay tila nakaramdam pa siya ng pag-iinit na hindi niya maintindihan kung bakit."Have a drink with me," alok nito. Bago pa siya makatanggi ay mabilis na nitong iniabot sa kanya ang hawak nitong kopita na may lamang alak. Kimiha niya iyon at mabilis na nilagok. "Hey! It's not water, Babe," nakangising sabi nito na halatadong tinamaan na ng alak na nainom.Dahil hindi siya umiinom naman talaga ng alak at agad siyang nakaramdam ng pagkahilo. Bakit nga ba hindi niya tinanggihan ang alok nito
Nang mga sumunod na araw ay iniwasan ni Danielle si Drewner na makasalubong man lang. Pilit niyang kinalimutan ang kung ano mang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Para sa kanya ay walang ibig sabihin iyon. Dala lamang ng init ng katawan at kalasingan kaya dapat lamang na kalimutan. Ngunit kung iniisip niya ay maiiwasan niya ng matagal ang lalaki ay nagkakamali siya dahil sinadya nitong pasukin siya sa kanyang kuwarto pagkatapos niyang patulugin si Dani sa kuwarto nito."Ano ang ginagawa mo rito, Mr. Ramsel? Puwede bang lumabas ka na at baka may makakita pang iba sa'yo rito?" inis niyang sita rito. Hindi pa tulog ang ibang mga tao sa bahay na iyon kaya nag-aalala siyang may nakakita sa ginawang pagpasok ni Drewner sa loob ng kanyang kuwarto."Mag-usap tayo, Danielle. Gusto kong pag-usapan ang tungkol sa nangyari sa ating dalawa noong isang gabi," agad na sabi nito aa kanya pagkapasok. Medyo napalakas pa ang boses ni