Nang pagbalikan ng malay si Daniela ay nasa loob na siya ng isang puting silid at nakahiga sa kama. Kahit na hindi siya magtanong kung nasaan siya ay nahuhulaan na niyang nasa loob siya ng isang hospital. Hindi niya alam kung paano siya nakaligtas sa mga kamay ni Lucy at kung sino ang nagdala sa kanya sa hospital ngunit malaki ang pasalamat niya sa taong iyon.Napangiti siya nang makita niya ang kanyang kambal na nakahiga sa isa pang kama na nasa loob ng silid na kinaroroonan niya na tiyak niyang private room. Sa gilid ng kama ay naroon si Iris, nakasandal ang likuran sa gilid ng kama habang nakapikit ang mga mata."Iris," mahina ang boses na tawag niya sa kaibigan niya para hindi magising ang kambal. Mabilis namang nagmulat ng mga mata si Iris nang marinig ang pagtawag niya rito. "Oh my God, Daniela! You're finally awake!" Napatayo itong bigla at napalapit sa kanya. "Alam mo ba na sobrang alalang-alala kami sa'yo? Akala ko ay hindi ka pa magigising ngayon. Hindi ko na tuloy alam kun
"Sige na, Daniela. Pagbigyan mo naman ako kahit ngayon lang. Birthday ko naman, eh, ipapahiya mo ba ako?" ungot kay Daniela ni Aron, ang birthday celebrant at may-ari ng condo unit kung saan nagaganap ang munting birthday party nito.Isinama lamang siya ng pinsan niyang si Lucy kaya siya naroon sa party. Pinilit lamang siya nito na sumama at kaya naman siya napilit na sumama ay para maiwasan niya ang never-ending na panenermon sa kanya ng kanyang daddy.Tanging mga kabarkada ni Lucy ang mga naroroon sa loob ng unit at nagmumukha siyang outcast sa kanila kaya napilitan siyang pagbigyan ang nais ni Aron. "Isang shot lang iinumin ko kasi mabilis akong malasing," aniya rito matapos abutin ang baso na may alak na iniaabot sa kanya ng binata. Naghiyawan ang mga taong naroon sa party nang inisang lagok niya ang laman ng baso.Hindi siya sanay uminom ng alak kaya kandasamid-samid siya nang dumaan sa kanyang lalam
"Dad, hindi nga namin sinasadya ang nangyari. It was just an accident," giit ni Daniela habang nakaupo sila sa sofa ng malawak na sala ng bahay nila. Kaharap niya ngayon ang mga magulang niya, mga magulang ni Drewner at mismong si Drewner na blangko ang expresyon ng mukha.Galit na galit ang daddy niya kanina nang makita ang hitsura nila ni Drewner na nasa ibabaw ng kama at parehong kumot lamang ang nakatakip sa kanilang mga hubad na katawan. Sa galit nito ay agad nitong nilapitan ang binata at inundayan ng malakas na suntok. Kung hindi lamang ito naawat nina Jerson at Lucy ay malamang na bugbog sarado ang inabot ni Drewner. Hindi naman kasi lumaban sa daddy niya ang binata at hinayaan lamang nito ang sarili na mabugbog.Nang humupa na ang nag-aalimpuyon nitong galit ay agad nitong tinawagan ang mga magulang ni Drewner at pinapunta sa bahay nila kasama ang binata para pag-usapan ang nangyari sa kanila. Kaya heto silang anim at ma
Sa loob ng dalawang Linggo ay naitakda ang kasal nila ni Drewner. Naging busy sila sa pag-aasikaso sa lahat ng mga tao na dapat nilang imbitahan. Si Lucy ang gusto niya na gawing maid of honor at i-partner kay Jerson na siya namang best man ni Drewner. Kaso nag-aalala siya na baka tanggihan siya ng pinsan dahil siguradong nasaktan ito nang malaman na ikakasal na sila ng lalaking pareho nilang lihim na minamahal. Sa katunayan ay hindi pa sila nakakapag-usap magmula nang araw na makita nitong magkasama sila ni Drewner sa loob ng kuwarto at parehong walang saplot at tanging kumot lamang ang nakatabing sa kanilang mga katawan.Alam niyang nagtampo o di kaya'y nagalit sa kanya si Lucy at hindi niya alam kung paano siya hihingi ng tawad dito. Hindi niya alam kung paano niya ihihingi rito ng tawad ang isang kasalanan na hindi naman niya sinasadyang magawa.Dalawang araw bago ang nakatakdang kasal nila ni Drewner ay bigla siyang dinalaw ng kanyang pin
Lutang na lutang ang angking kagandahan ni Daniela sa suot niyang off-shoulder wedding dress na sadyang ipinatahi pa ng mommy ni Drewner sa isang sikat na couturier para lamang sa kanya. Hindi kasi ito pumayag na hindi ito ang gumastos para sa kanyang wedding gown kaya pinagbigyan na lamang ng kanyang mga magulang ang nais nito.Simpleng makeup lang naman ang ipinalagay ng kanyang mommy sa mukha niya para hindi raw siya magmukhang matured tingnan. Magaling ang beautician na kinuha nito para mag-makeup sa kanya dahil napalabas nito ang ka-inosentihan ngunit sopistikada niyang hitsura. Ang kanyang buhok ay ipinusod paitaas at ginamit ng panali na may disenyong bulaklak at pagkatapos ay hinayaang maglaglagan sa gilid ng kanyang mga pisngi ang ilang maninipis na hibla ng kanyang buhok.Napangiti si Daniela habang walang sawang
Isang malakas na pag-iri ang ginawa ni Daniela bago narinig sa maliit na silid ang malakas na palahaw ng isang bagong silang na sanggol. "Congratulations, Daniela. It's a healthy baby girl," masayang pagbabalita sa kanya ng babaeng doktor na isang Amerikana. "Wait. The other baby is already coming out." Isa pa uling iri ang ginawa ni Daniela at muling nakarinig ng malakas na pagpalahaw ng sanggol sa silid na iyon. Ngayon ay tila nagpapalakasan ang dalawang bata kung sino sa kanilang dalawa ang may pinakamalakas na boses sa pag-iyak."Congratulations, Ms. Alacosta. You have two healthy and beautiful babies," natutuwang wika naman ng isa pang doktor na kasamang nagpaanak sa kanya. Ms. Alacosta ang tawag nito sa kanya dahil nakita nito siguro sa finil-upan niyang documents na wala siyang asawa."Thank you. Thank you all for helpin
Nagising si Daniela na nasa loob ng isang sasakyan at nakatali ang kanyang mga kamay at paa. May busal na tela ang kanyang bibig kaya hindi siya makasigaw ng malakas.Ang anak ko! Nasaan na si Denise?" Nag-aalalang tanong niya sa kanyang isip nang mapansin na hindi niya kasama ang kanyang isang taong gulang na anak. Ano ba ang kailangan nila sa amina? Bakit nila kami kinidnap?Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang umuusok ang likuran ng kotse. Mayamaya ay hindi lamang usok ang nakita niya kundi apoy. Apoy na mabilis na kumakalat patungo sa kanya. Oh God, they are going to burn me alive!Pinilit niyang makawala sa pagkakatali ang kanyang mga kamay. Ilang saglit pa ay nakawala ang kanyang mga kamay sa pagkakatali. Agad niyang inalis ang busal sa kanyang bibig para makahingi siya ng tulong."Help! Somebody help me!' malakas niyang sigaw. Ngunit kahit gaano pa k
Hindi pa nakakalapag ang eroplanong sinasakyan ni Danielle sa Ninoy Aquino International Airport ay labis na ang kaba sa kanyang dibdib. It's been seven years nang huling tumapak siya sa bansa. Marami na ang nagbago sa kanya. Pangalan, pananamit at mukha. Hindi niya alam kung makikilala pa siya ng mga magulang niya.Seven years ago ay nasira ang mukha niya noong kinidnap siya kasama ang isa sa kanyang kambal na si Denise. Nasira ang mukha niya dahil sa pagsabog ng sasakyan. Nasunog ang kalahati ng mukha niya ngunit masuwerteng nakaligtas siya. Samantalang ang anak naman niya ay hindi nakaligtas sa nangyari. Kaya namang ibalik ng kaibigan niyang doktor ang kanyang dating mukha ngunit dahil isa itong magaling na plastic surgeon ngunit mas pinili niyang huwag maibalik sa dati ang kanyang mukha. Ibang mukha ang ipinalagay niya sa kanyang mukha. Gusto niya kasing isipin ng taong nagpapatay sa kanya na talagang patay na siya in case na pinapahanap siya o