Hindi pa nakakalapag ang eroplanong sinasakyan ni Danielle sa Ninoy Aquino International Airport ay labis na ang kaba sa kanyang dibdib. It's been seven years nang huling tumapak siya sa bansa. Marami na ang nagbago sa kanya. Pangalan, pananamit at mukha. Hindi niya alam kung makikilala pa siya ng mga magulang niya.
Seven years ago ay nasira ang mukha niya noong kinidnap siya kasama ang isa sa kanyang kambal na si Denise. Nasira ang mukha niya dahil sa pagsabog ng sasakyan. Nasunog ang kalahati ng mukha niya ngunit masuwerteng nakaligtas siya. Samantalang ang anak naman niya ay hindi nakaligtas sa nangyari. Kaya namang ibalik ng kaibigan niyang doktor ang kanyang dating mukha ngunit dahil isa itong magaling na plastic surgeon ngunit mas pinili niyang huwag maibalik sa dati ang kanyang mukha. Ibang mukha ang ipinalagay niya sa kanyang mukha. Gusto niya kasing isipin ng taong nagpapatay sa kanya na talagang patay na siya in case na pinapahanap siya o
"What? Your mother was dead?" hindi makapaniwalang tanong ni Iris nang ikuwento niya rito ang kanyang mga natuklasan. Katulad niya ay hindi rin nito inaasahan na ang maririnig."Yes, Iris. At kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung umuwi lang sana ako ng maaga after the accident ay baka hindi namatay ang mommy ko. Baka hindi na-stroke ang daddy ko at hindi mapupunta sa kamay nina Tito Leo at Lucy ang kompanyang pinaghirapan ng daddy ko," umiiyak na pahayag niya. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa nangyari sa kanyang mga magulang."Ninang Iris, why my mother is crying?" inosenteng tanong ng kanyang six years old daughter. Ang maliliit nitong kamay ay humaplos sa kanyang mukha at pinahid ang mga luhang naglalandas sa kanyang mga pisngi."Mommy found out today that your lola was already dead," Siya ang sumagot sa tanong kay Iris ng kanyang anak. Ayaw niyang ilihim sa ba
Hindi makapaniwala si Iris nang ikuwento ni Danielle ang kanyang nakita sa pagdalaw niya sa puntod ng kanyang ina. Alam niya na ganoon ang magiging reaksiyon ng kanyang kaibigan dahil kahit siya mismo ay hindi rin makapaniwala sa kanyang nakita at natuklasan."Napakasama naman ng lalaking iyon para ipadukot ka at ipapatay makuha lamang niya ang anak niya sa'yo. At saka paano niya nalaman na may anak kayong dalawa? Don't tell me that he secretly followed you and then when he knows that you are pregnant with his child he just waited for the right time to do his plan? Pero bakit isa lamang ang kinuha niyang anak mo at hindi silang dalawa?"Hindi niya malaman kung paano sasagutin ang mga tanong ni Iris dahil kahit siya ay hindi alam ang mga kasagutan sa tanong nito. "Hindi ko alam, Iris. Basta ang alam ko ay siguradong may kinalaman siya sa nangyari sa akin at anak ko ang anak niyang si Dani. And he ha
Nanginginig ang mga kamay ni Danielle habang nakatingin sa kanyang ama sobrang hapis ang mukha. Gusto niyang umiyak at yakapin ito ng mahigpit ngunit pinigil niya ang kanyang sarili. Naroon sa loob ng kuwarto nang daddy niya si Lucy para tingnan kung marunong nga siyang mag-alaga ng matandang inutil kagaya ng sinabi nito kahapon sa music room. Awang-awa siya sa kalagayan ng kanyang ama. Kitang-kita ang kalungkutan sa hapis na mukha. Tila ba hinihintay na lamang nito na kusang bawian ito ng buhay. Nakahanda na itong sumunod sa kanyang mommy sa kabilang buhay. Hindi niya nakikita sa anyo ng kanyang ama na gusto pa nitong mabuhay. Siguro dahil iniisip nito na patay naman na ang asawa't anak kaya bakit pa nito gugustuhing mabuhay?"Ayusin mo ang pag-aalaga sa matandang iyan, Glenda. Hindi pa siya maaaring mamatay hangga't hindi pa namin tuluyang naililipat sa aming pangalan ang mga ari-arian niya," malditang wika ni Lucy. Nakasimangot ito habang nakati
Huminga muna ng malalim si Danielle bago naglakad palabas sa sala kung saan naroon sina Lucy at Drewner. Hawak niya sa dalawang kamay ang isang tray na may laman na dalawang baso ng malamig na juice at dalawang hiwa ng egg pie na nasa dalawang platito. Kailangan niyang kontrolin ang kanyang damdamin. Hindi siya puwedeng magpadala sa galit na kanyang nararamdaman para sa kanila."Puwedeng huwag na muna nating pag-usapan ngayon ang business? Iba naman ang pag-usapan natin," narinig ni Danielle na sabi ni Lucy kay Drewner."Ito na po ang meryenda ninyong dalawa," mahina ang boses na sabi niya kaya biglang naputol ang pag-uusap ng dalawa. Nakita niyang tinapunan siya ng masamang tingin ng kanyang pinsan ngunit ignignora lamang niya ito."Ano naman ang pag-uusapan natin?" nakakunot ang noong tanong ni Drewner."Kahit ano. Tu
Magaan ang pakiramdam ni Danielle nang araw na iyon. Kahit paano ay nagagawa nang maigalaw ng kanyang daddy ang mga kamay at paa nito. Gumaganda na rin ang katawan nito dahil hindi niya ito pinapabayaan sa pagkain. Madalas ay minamasahe niya ang mga braso at paa ng kanyang ama para sa paghahanda sa muli nitong paglakad. Naniniwala siya na balang-araw ay muli itong makakapaglakad.Ang magandang pagbabago sa kalusugan ng kanyang daddy ay inilihim niya kay Lucy. Natitiyak niya na hindi nito gugustuhing malaman na unti-unting nagre-response sa iniinom na mga gamot ang kanyang ama. Noong una ay nagtataka siya kung bakit sa dinami-rami ng mga gamot na pinapainom sa kanyang daddy ay tila hindi naman ito gumaling kahit na konti. Kaya palihim niyang dinala ang mga gamot na iniinom nito sa kaibigan niyang doktor. Wala naman si Lucy kaya kay Linda na lamang siya nagpaalam na aalis saglit siya. Nagkunwari siya na bibili lamang ng mga personal niyang gami
Halos hindi humihinga si Danielle habang inilalabas niya ang kanyang daddy sa bahay nila. Abot-abot ang kanyang dasal na sana ay hindi muna bumalik ang mag-ama. Kahit alam niya na hindi naman babalik agad ang mag-ama ay hindi pa rin niya maiwasang kabahan. Paano kung may nakalimutan si Lucy at biglang bumalik? At paano din kung biglang maisipan ng kanyang Tito Leo ang umuwi habang inilalalabas niya ang kanyang ama?Paglabas niya sa may gate ay agad lumapit sa kanila ang naghihintay na kotse ni Iris. Natawagan na niya ito kanina at sinabihan na sunduin sila dahil ngayon niya isasagawa ang binabalak niyang pagtatakas sa kanyang ama sa mismong bahay nila."Bilis, Danielle! Baka may makakita sa atin," kinakabahang wika ni Iris na bumaba sa kotse para tulungan siyang maisakay ang kanyang ama sa loob ng kotse."Let's go, Iris," yaya niya sa kaibigan nang maipasok na nila ang kany
Humahangos si Danielle nang makarating siya sa loob ng bahay ni Iris. Parang tumakbo siya pauwi smantalang sumakay naman siya sa kotse niya."O ano ang nangyari sa'yo, Danielle? Bakit parang nakakita ka ng sampung demonyo at medyo namumutla ka pa?" nagtatakang salubong sa kanya ni Iris pagkapasok niya sa loob ng bahay nito. Sa halip na sagutin ang tanong nito ay nagpunta muna siya sa kusina at kumuha ng malamig na tubig at ininom. Puno ng pagtataka na sinundan naman siya ng kaibigan sa kusina."Tama ka, Iris. Nakakita nga ako ng mga demonyo. Nabangga ako ng babaeng demonyo sa loob ng supermarket tapos siya a ang nagalit sa akin. Gusto pa niya akong sampalin kaso hindi siya umubra sa powers ko. Ang kaso biglang dumating ang lalaking demonyo kaya nataranta ako at nagkukumahog akong makalabas sa supermarket," mahabang paliwanag niya rito."Si Lucy ba ang tinutukoy mong babaeng demonyita at
"Sigurado ka ba sa gagawin mong ito, Danielle? Tiyak na mas mahihirapan ka pag pumasok kang yaya sa bahay ni Drewner kaysa ang maging caregiver ng iyong sa bahay ninyo mismo," nag-aalalang tanong ni Iris habang nagbibihis si Danielle. Ngayon ang araw na isasakatuparan niya ang planong pagpasok sa buhay ng kanyang anak.Sa ilang araw na pagmamanman niya sa bahay ni Drewner ay nalaman niyang naghahanap ang lalaki ng magiging yaya ni Dani. Nagpaskil kasi ng karatula sa labas ng gate ang katulong nito ng "Wanted Yaya" kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na hinihintay niya. Agad siyang nag-apply bago pa man may ibang tao na makapag-apply. Tinanggap naman siya ni Nana Adela. Kilala niya ang matanda dahil ito ang yaya ni Drewner noong bata pa ito. At ngayon ay ito na ng mayordoma sa malaking ng lalaki.Matapos siyang interview-hin ay agad na siyang sinabihan na tanggap na siya. Biglaan lamang ang pag-apply niya kaya wala siyang mga gamit na dala. Na