Huminga muna ng malalim si Danielle bago naglakad palabas sa sala kung saan naroon sina Lucy at Drewner. Hawak niya sa dalawang kamay ang isang tray na may laman na dalawang baso ng malamig na juice at dalawang hiwa ng egg pie na nasa dalawang platito. Kailangan niyang kontrolin ang kanyang damdamin. Hindi siya puwedeng magpadala sa galit na kanyang nararamdaman para sa kanila.
"Puwedeng huwag na muna nating pag-usapan ngayon ang business? Iba naman ang pag-usapan natin," narinig ni Danielle na sabi ni Lucy kay Drewner."Ito na po ang meryenda ninyong dalawa," mahina ang boses na sabi niya kaya biglang naputol ang pag-uusap ng dalawa. Nakita niyang tinapunan siya ng masamang tingin ng kanyang pinsan ngunit ignignora lamang niya ito."Ano naman ang pag-uusapan natin?" nakakunot ang noong tanong ni Drewner.
"Kahit ano. Tu
Magaan ang pakiramdam ni Danielle nang araw na iyon. Kahit paano ay nagagawa nang maigalaw ng kanyang daddy ang mga kamay at paa nito. Gumaganda na rin ang katawan nito dahil hindi niya ito pinapabayaan sa pagkain. Madalas ay minamasahe niya ang mga braso at paa ng kanyang ama para sa paghahanda sa muli nitong paglakad. Naniniwala siya na balang-araw ay muli itong makakapaglakad.Ang magandang pagbabago sa kalusugan ng kanyang daddy ay inilihim niya kay Lucy. Natitiyak niya na hindi nito gugustuhing malaman na unti-unting nagre-response sa iniinom na mga gamot ang kanyang ama. Noong una ay nagtataka siya kung bakit sa dinami-rami ng mga gamot na pinapainom sa kanyang daddy ay tila hindi naman ito gumaling kahit na konti. Kaya palihim niyang dinala ang mga gamot na iniinom nito sa kaibigan niyang doktor. Wala naman si Lucy kaya kay Linda na lamang siya nagpaalam na aalis saglit siya. Nagkunwari siya na bibili lamang ng mga personal niyang gami
Halos hindi humihinga si Danielle habang inilalabas niya ang kanyang daddy sa bahay nila. Abot-abot ang kanyang dasal na sana ay hindi muna bumalik ang mag-ama. Kahit alam niya na hindi naman babalik agad ang mag-ama ay hindi pa rin niya maiwasang kabahan. Paano kung may nakalimutan si Lucy at biglang bumalik? At paano din kung biglang maisipan ng kanyang Tito Leo ang umuwi habang inilalalabas niya ang kanyang ama?Paglabas niya sa may gate ay agad lumapit sa kanila ang naghihintay na kotse ni Iris. Natawagan na niya ito kanina at sinabihan na sunduin sila dahil ngayon niya isasagawa ang binabalak niyang pagtatakas sa kanyang ama sa mismong bahay nila."Bilis, Danielle! Baka may makakita sa atin," kinakabahang wika ni Iris na bumaba sa kotse para tulungan siyang maisakay ang kanyang ama sa loob ng kotse."Let's go, Iris," yaya niya sa kaibigan nang maipasok na nila ang kany
Humahangos si Danielle nang makarating siya sa loob ng bahay ni Iris. Parang tumakbo siya pauwi smantalang sumakay naman siya sa kotse niya."O ano ang nangyari sa'yo, Danielle? Bakit parang nakakita ka ng sampung demonyo at medyo namumutla ka pa?" nagtatakang salubong sa kanya ni Iris pagkapasok niya sa loob ng bahay nito. Sa halip na sagutin ang tanong nito ay nagpunta muna siya sa kusina at kumuha ng malamig na tubig at ininom. Puno ng pagtataka na sinundan naman siya ng kaibigan sa kusina."Tama ka, Iris. Nakakita nga ako ng mga demonyo. Nabangga ako ng babaeng demonyo sa loob ng supermarket tapos siya a ang nagalit sa akin. Gusto pa niya akong sampalin kaso hindi siya umubra sa powers ko. Ang kaso biglang dumating ang lalaking demonyo kaya nataranta ako at nagkukumahog akong makalabas sa supermarket," mahabang paliwanag niya rito."Si Lucy ba ang tinutukoy mong babaeng demonyita at
"Sigurado ka ba sa gagawin mong ito, Danielle? Tiyak na mas mahihirapan ka pag pumasok kang yaya sa bahay ni Drewner kaysa ang maging caregiver ng iyong sa bahay ninyo mismo," nag-aalalang tanong ni Iris habang nagbibihis si Danielle. Ngayon ang araw na isasakatuparan niya ang planong pagpasok sa buhay ng kanyang anak.Sa ilang araw na pagmamanman niya sa bahay ni Drewner ay nalaman niyang naghahanap ang lalaki ng magiging yaya ni Dani. Nagpaskil kasi ng karatula sa labas ng gate ang katulong nito ng "Wanted Yaya" kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na hinihintay niya. Agad siyang nag-apply bago pa man may ibang tao na makapag-apply. Tinanggap naman siya ni Nana Adela. Kilala niya ang matanda dahil ito ang yaya ni Drewner noong bata pa ito. At ngayon ay ito na ng mayordoma sa malaking ng lalaki.Matapos siyang interview-hin ay agad na siyang sinabihan na tanggap na siya. Biglaan lamang ang pag-apply niya kaya wala siyang mga gamit na dala. Na
Nakangiti si Danielle habang marahang hinahaplos ang buhok ng natutulog niyang anak. Pagkatapos kumain ng hapunan kanina ay tinulungan niyang maglinis ng katawan si Dani. Napansin niya na dependent ang kanyang anak. Tila sanay itong mag-isa dahil ayaw nitong magpatulong sa kanya kanina para linisin ang katawan nito. But she insisted, at natuwa naman siya nang hinayaan nitong tulungan niya ito sa paglilinis ng katawan. Pagkatapos maglinis ng katawan ay pinahiga niya ito sa kama at binasahan ng kuwento sa halip na manuod ng tv. At hindi nga nagtagal ay mahimbing na itong natutulog."Hindi magtatagal ay magkakasama-sama rin tayong apat, Denise. Ikaw, si Dhalia, ako at ng lolo ninyo," sabi niya sa natutulog niyang anak. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na buhay pa rin ang anak niya at nahahawakan niya ito. Halos mabaliw-baliw siya nang malaman niyang patay na ang kanyang anak na si Denise. Mabuti na lamang at hindi siya nabaliw dahil kung naba
Katatapos pa lamang maglaba ni Danielle sa mga damit ni Dani nang marinig niya ang so rang lakas na busina ng kotse sa tapat gate ng bahay ni Drewner. Napakunot siya ng noo. Sino naman kaya ang taong bumubusina na akala mo'y walang mga kapitbahay na makakarinig sa ginagawang pagbusina ng malakas? Sigurado naman na hindi ito si Drewner dahil hindi nagbubusina ng ganoon kalakas ang lalaki. Speaking of Drewner, she's glad na hindi siya pinalayas nito matapos ang ginawang pagsagot niya rito noong isang gabi. Akala niya ay paaalisin na siya pagsapit ng umaga ngunit paggising niya ay wala na ito. Nang bumalik naman ito sa gabi ay iniwasan siya. Kaya naisip niya na hindi na siya nito paaalisin gaya ng sinabi nito. At siguro rin ay naisip nito na kailangan ni Dani ng yaya na katulad niya."Liz, sino ba ang dumating at sobrang lakas kung mag-busina?" tanong niya kay Liz nang mapadaan ito sa tapat niya. Si Liz ay isa sa dalawang katulong ni Drewner sa
"Ano ang nangyayari dito?" Lahat sila ay sabay-sabay na napatingin kay Drewner na bagong dating pa lamang at may bitbit na attaché case ang isang kamay. Sa tindi ng tensiyon na namamagitan sa pagitan nila ni Lucy ay hindi nila namalayan ang pagdating ng sasakyan nang lalaki at ang pagpasok nito sa loob ng bahay."It's your maid's fault, Drewner," kaagad na sagot ni Lucy at biglang lumapit sa lalaki na para bang nagpapasaklolo."Excuse me, hindi ako maid kundi yaya," nakataas ang kilay na sagot ni Danielle sa pagtawag sa kanya ng pinsan niya nang maid. Kung hindi lamang nasa alanganin siyang sitwasyon ay baka matawa na siya sa kanyang sinabi. Ginaya niya kasi ang isang linya sa drama series na napanuod siya sa isang sikat na tv station. "At saka bakit ako ang sisisihin mo? Ako ba ang nagsaboy ng gatas kay Dani?" naiinis niyang tanong dito.
"Patawad po sa iginawi ko kanina, Nana Adela. Alam ko na hindi ko dapat sinagot-sagot kanina ang girlfriend ni Mister Ramsel at pati na rin siya. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko," paghingi ng paumanhin ni Danielle nang wala na sina Lucy at Rafael. Inihatid nang huli ang una. Nagtatatalak na kasi si Lucy nang hindi siya tuluyang inalis sa kanyang trabaho ni Drewner dahil sa anak nito. "I'm sorry din, Dani. Pati ikaw nadamay sa kamalditahan ng babaeng iyon," baling nsman niya sa kanyang anak na hindi pa niya nabibihisan."Bakit ka naman humihingi ng paumahin. Danielle? Mabuti nga at pinatulan mo ang babaeng iyon. Ku, mataga na akong nagtitiis sa babaeng iyan na akala mo kung sino," naiinis na sagot ni Nana Adela. Halatado sa mukha nito ang pagkainis samantalang kanina ay itinatago nito ang nararamdaman."Oo nga, Danielle. Ang galing mo. Ang tapang mo kanina. Kung kami iyon ni Liz ay
Nang pagbalikan ng malay si Daniela ay nasa loob na siya ng isang puting silid at nakahiga sa kama. Kahit na hindi siya magtanong kung nasaan siya ay nahuhulaan na niyang nasa loob siya ng isang hospital. Hindi niya alam kung paano siya nakaligtas sa mga kamay ni Lucy at kung sino ang nagdala sa kanya sa hospital ngunit malaki ang pasalamat niya sa taong iyon.Napangiti siya nang makita niya ang kanyang kambal na nakahiga sa isa pang kama na nasa loob ng silid na kinaroroonan niya na tiyak niyang private room. Sa gilid ng kama ay naroon si Iris, nakasandal ang likuran sa gilid ng kama habang nakapikit ang mga mata."Iris," mahina ang boses na tawag niya sa kaibigan niya para hindi magising ang kambal. Mabilis namang nagmulat ng mga mata si Iris nang marinig ang pagtawag niya rito. "Oh my God, Daniela! You're finally awake!" Napatayo itong bigla at napalapit sa kanya. "Alam mo ba na sobrang alalang-alala kami sa'yo? Akala ko ay hindi ka pa magigising ngayon. Hindi ko na tuloy alam kun
Halos magkasabay na pinagbalikan ng malay sina Daniela at Drewner. Nauna lamang siya ng ilang minuto pagkatapos ay nagising naman si Drewner na agad nanlaki ang mga mata nang makita siya."Daniela!" sigaw ni Drewner. Akma itong babangon mula sa pagkakahiga sa maduming sahig nang bigla itong napahinto at bahagyang napayuko. Nakaramdam kasi si Drewner ng pagsakit ng ulo nito dahil sa malakas na pagkakahataw ni Lucy ng kung anong matigas na bagay sa ulo nito "Are you okay, Drewner? Paano ka napunta rito?" nag-aalalang tanong niya. Nakatali ang mga kamay at paa niya kaya lumapit siya rito sa pamamagitan ng paghila ng kanyang puwitan at mga paang nakatali. Niyakap naman siya ni Drewner ng mahigpit. Katulad niya ay nakatali rin ang mga paa at kamay nito. Pumasok na lamang siya sa loob ng mga braso nito para magkayakap silang dalawa."I'm glad you're safe, Daniela. Akala ko ay muli ka nang mawawala sa akin," bulong ni Drewner habang mahigpit ang pagkakayakap sa kanya. "Sinaktan ka ba ni Lu
Hindi na mapakali si Drewner habang naghihintay sa pagdating ni Daniela sa simbahan. Late na ito ng ten minutes kaya naman nagsimula na siyang mag-alala."Sa tingin ko ay hindi na darating si Daniela." Narinig ni Drewner na komento ng isa sa mga bisita nila na nasa loob ng simbahan."Sa tingin ko ay gumaganti si Daniela kay Drewner dahil hindi siya nito sinipot sa kasal nila noon ,di ba? Naalala niyo pa ba ang kahihiyang dinanas ni Daniela dahil sa hindi pagsipot ni Drewner sa kasal nila?" wika naman ng isa pang bisita na naroon.Nagsimulang umugong ang bulungan at haka-haka sa loob ng simbahan. Bagama't nagtataka siya kung bakit wala pa si Daniela ay hindi siya naniniwaka na hindi ito sisipot dahil nais nitong gumanti sa kanya. Kinakabahan siya hindi dahil nag-aalala siya na baka tama ang sinasabi ng ilan sa mga bisita nila kundi nag-aalala siya na baka may masamang nangyari kay Daniela.Mas gusto niyang hindi ito sumipot dahil nais nitong gumanti sa kanya kaysa sa may masamang nangy
Lumarawan ang pagtataka sa mukha ng ama ni Daniela nang makita ang takot na nakalarawan sa mukha ng kanyang anak."Anong ibig mong sabihin, Daniela?""Dad, hindi siya ang tunay na driver ng kotse ni Drewner. Ibang tao siya at hindi ko siya kilala," sagot niya sa kanyang ama bago muling binalingan ang taong nasa harapan ng manibela. "Sino ka? At ano ang kailangan mo sa amin?"Ngumisi muna ang lalaki bago sumagot. "I'm Eric. Wala akong kailangan sa'yo pero ang girlfriend ko meron.""Girlfriend? Sinong girlfriend?" nagtatakang tanong niya. Hindi naman niya kilala ang lalaking kausap niya kaya tiyak na hindi rin niya kilala kung sino ang girlfriend na tinutukoy nito. "Huwag kang mag-alala, Daniela. Maupo ka lang diyan at mag-relax dahil dadalhin kita papunta sa kanya ngayon din," sagot nito muling pinatakbo ng matulin ang kotse."Hayop ka! Ihinto mo ngayon ang kotse at bumaba ka rito!" galit na kausap ng kanyang ama sa lalaki."At bakit naman kita susundin, tanda? Kung ako sa'yo ay maupo
Nang mga sumunod na araw ay naging abala sina Daniela at Drewner sa pag-aayos ng kasal nilang dalawa. Pareho silang hindi makapaghintay na sumapit ang araw ng kanilang kasal. Ang araw kung saan ay legal na silang magiging mag-asawa sa mga mata ng tao at sa mata ng Diyos.Pinabalik ng kanyang ama sa bahay nila si Daniela kasama ang kambal dahil mas mabuti raw na sundin nila ang tradisyon na kasal ng pamilya ni Daniela mula sa kanilang kaninununuan. Ang tradisyon nila ay dapat hindi nagsasama sa iisang bubong ang dalawang taong malapit nang ikasal dahil malas daw iyon. Kaya kahit pakiramdam niya ay huli na ang tradisyon na iyon dahil nagsasama naman na sila ni Drewner ay mas minabuti niyang sundin ang kagustuhan ng kanyang ama.Naiintindihan naman siya ni Drewner kaya walang pagtutol mula sa rito nang magpaalam siya na pansamantalang babalik sila ng mga bata sa bahay ng kanyang ama para doon na muna manirahan hangga't hindi pa sila ikinakasal. Nagkikita pa rin naman sila dahil magkasama
Parang maiiyak si Daniela habang nakatingin sa mga taong nasa loob ng restaurant. Ang iniisip niyang makikita sa loob ng nakasaradong restaurant ay ang babae ni Drewner na siyang may-ari ng restaurant na iyon. Ngunit hindi niya ini-expect ang makikita ng kanyang mga mata. Maraming nakapalibot na lobo at bulaklak sa loob ng restaurant na halatadong pinagkagastusan ng mahal para maipaayos sa isang taong expert sa flower arrangements. Sa itaas ng dingding ay may mga nakadikit na lobo na may nakasulat na "WILL YOU MARRY ME, DANIELA? in bold letters. May buffet rin na puno ng masasarap na pagkain.Sa loob ng restaurant ay naroon at nakangiti sa kanya ng matamis ang kambal niyang anak na halatadong kagigising pa lamang dahil namamaga pa ang mga mata nila. Present din ang kanyang ama, ang best friend niyang si Iris, ang kaibigan niyang si Anton, si Nana Adela, ang best friend ni Drewner na si Jerson at siyempre, si Drewner na guwapong-guwapo sa suot nitong black suit. May hawak itong isnag b
Nang sumunod na araw ay lumipat na si Daniela kasama ang kambal sa bahay ni Drewner dahil iyon ang gusto ng lalaki. Ipinatayo raw kasi nito ang bahay nito para sa kanya at sa magiging mga anak nila. Araw-araw ay palagi siyang masaya. Palagi kasing ipinaparamdam sa kanya ni Drewner kung gaano siya kahalaga at kamahal nito. Ngunit lumipas ang isang buwan matapos nilang lumipat sa bahay ni Drewner ay napansin niya na parang unti-unting nagbabago ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi ito sweet sa kanya at palaging ginagabi na ito ng uwi sa bahay nila. Madalas ay tinatanong siya ng mga bata kung nasaan ang kanilang ama dahil minsan na lang din nila itong nakakasamang kumain sa mesa. Hindi niya alam kung ano ba ang nagawa niya o kung may nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan kung kaya't bigla itong nagbago ng pakikitungo sa kanya. Parang hindi na niya maramdaman ang pagmamahal nito na dati ay palaging ipinararamdam nito sa kanya."Nana Adela? Nana Adela?" malakas ang boses na tawag niya s
Muling napasigaw hindi lamang si Daniela kundi maging ang kambal nilang anak na takot na takot habang sa backseat. Hindi naman niya magawang lumipat sa likuran para yakapin ang mga anak niya dahil hindi deretso ang ginagawang pagmamaneho ni Drewner para kahit paano ay makaiwas sila sa sasakyang nasa likuran nila."Mom! Are we gonna die?" umiiyak na tanong ni Dani sa kanya. Magkayakap ito at Dhalia sa upuan habang parehong umiiyak."No one will die, Sweetheart. I promise you that." Si Dean ang sumagot sa tanong ni Dani. "Hold tight kids!"Bahagyang binagalan ni Drewner ang patakbo ng kotse nito at hinintay na magpantay ang kotse nito at ang kotse bumabalya sa likuran nila pagkatapos ay kinabig nito ang manibela para gumanti ng balya. Hindi siguro inaasahan ng nagmamaneho ng kotseng iyon kaya biglang nawalan ng kontrol sa manibela at nagpagiwang-giwang hanggang sa tuluyang sumadsad sa gutter ang gulong nito. Napilitang ihinto ng driver ang kotse para hindi tuluyang madisgrasya ang mga i
"Talaga, Dad? Mom? Magsasama na kayong dalawa? Magsasama-sama na tayo sa iisang bahay bilang isang pamilya?" natutuwang bulalas ni Dhalia nang matapos marinig ang ibinalita nina Daniela at Drewner sa kanil nang umagang iyon. Nasa harap sila ng hapag-kainan at nag-aalmusal kasama ang ama ni Daniela, si Irish at ang kambal nang ibalita nila ang naging desisyon nila last night."Yes, Dhalia. Magmula ngayon ay makakasama na natin nag Daddy mo sa iisang bahay," nakangiting pagkumpirma niya sa anak. "At doon na rin tayo titira sa bahay niya.""I'm very happy, Mom. Finally, magiging complete na ang family natin " Natutuwang tumayo naman si Dani at yumakap sa kanya bago isinunod ang pagyakap sa ama nito."Me too, sweetheart. I'm also very happy," wika naman ni Drewner na hindi maitago ang saya sa mukha."Hindi ako tutol sa desisyon ninyong iyan, Daniela. Sa halip ay natutuwa ako na makitang may makakatuwang ka na sa pagpapalaki sa mga anak mo," komento ng kanyang ama na katulad nila ay bakas