Nanginginig ang mga kamay ni Danielle habang nakatingin sa kanyang ama sobrang hapis ang mukha. Gusto niyang umiyak at yakapin ito ng mahigpit ngunit pinigil niya ang kanyang sarili. Naroon sa loob ng kuwarto nang daddy niya si Lucy para tingnan kung marunong nga siyang mag-alaga ng matandang inutil kagaya ng sinabi nito kahapon sa music room. Awang-awa siya sa kalagayan ng kanyang ama. Kitang-kita ang kalungkutan sa hapis na mukha. Tila ba hinihintay na lamang nito na kusang bawian ito ng buhay. Nakahanda na itong sumunod sa kanyang mommy sa kabilang buhay. Hindi niya nakikita sa anyo ng kanyang ama na gusto pa nitong mabuhay. Siguro dahil iniisip nito na patay naman na ang asawa't anak kaya bakit pa nito gugustuhing mabuhay?
"Ayusin mo ang pag-aalaga sa matandang iyan, Glenda. Hindi pa siya maaaring mamatay hangga't hindi pa namin tuluyang naililipat sa aming pangalan ang mga ari-arian niya," malditang wika ni Lucy. Nakasimangot ito habang nakati
Huminga muna ng malalim si Danielle bago naglakad palabas sa sala kung saan naroon sina Lucy at Drewner. Hawak niya sa dalawang kamay ang isang tray na may laman na dalawang baso ng malamig na juice at dalawang hiwa ng egg pie na nasa dalawang platito. Kailangan niyang kontrolin ang kanyang damdamin. Hindi siya puwedeng magpadala sa galit na kanyang nararamdaman para sa kanila."Puwedeng huwag na muna nating pag-usapan ngayon ang business? Iba naman ang pag-usapan natin," narinig ni Danielle na sabi ni Lucy kay Drewner."Ito na po ang meryenda ninyong dalawa," mahina ang boses na sabi niya kaya biglang naputol ang pag-uusap ng dalawa. Nakita niyang tinapunan siya ng masamang tingin ng kanyang pinsan ngunit ignignora lamang niya ito."Ano naman ang pag-uusapan natin?" nakakunot ang noong tanong ni Drewner."Kahit ano. Tu
Magaan ang pakiramdam ni Danielle nang araw na iyon. Kahit paano ay nagagawa nang maigalaw ng kanyang daddy ang mga kamay at paa nito. Gumaganda na rin ang katawan nito dahil hindi niya ito pinapabayaan sa pagkain. Madalas ay minamasahe niya ang mga braso at paa ng kanyang ama para sa paghahanda sa muli nitong paglakad. Naniniwala siya na balang-araw ay muli itong makakapaglakad.Ang magandang pagbabago sa kalusugan ng kanyang daddy ay inilihim niya kay Lucy. Natitiyak niya na hindi nito gugustuhing malaman na unti-unting nagre-response sa iniinom na mga gamot ang kanyang ama. Noong una ay nagtataka siya kung bakit sa dinami-rami ng mga gamot na pinapainom sa kanyang daddy ay tila hindi naman ito gumaling kahit na konti. Kaya palihim niyang dinala ang mga gamot na iniinom nito sa kaibigan niyang doktor. Wala naman si Lucy kaya kay Linda na lamang siya nagpaalam na aalis saglit siya. Nagkunwari siya na bibili lamang ng mga personal niyang gami
Halos hindi humihinga si Danielle habang inilalabas niya ang kanyang daddy sa bahay nila. Abot-abot ang kanyang dasal na sana ay hindi muna bumalik ang mag-ama. Kahit alam niya na hindi naman babalik agad ang mag-ama ay hindi pa rin niya maiwasang kabahan. Paano kung may nakalimutan si Lucy at biglang bumalik? At paano din kung biglang maisipan ng kanyang Tito Leo ang umuwi habang inilalalabas niya ang kanyang ama?Paglabas niya sa may gate ay agad lumapit sa kanila ang naghihintay na kotse ni Iris. Natawagan na niya ito kanina at sinabihan na sunduin sila dahil ngayon niya isasagawa ang binabalak niyang pagtatakas sa kanyang ama sa mismong bahay nila."Bilis, Danielle! Baka may makakita sa atin," kinakabahang wika ni Iris na bumaba sa kotse para tulungan siyang maisakay ang kanyang ama sa loob ng kotse."Let's go, Iris," yaya niya sa kaibigan nang maipasok na nila ang kany
Humahangos si Danielle nang makarating siya sa loob ng bahay ni Iris. Parang tumakbo siya pauwi smantalang sumakay naman siya sa kotse niya."O ano ang nangyari sa'yo, Danielle? Bakit parang nakakita ka ng sampung demonyo at medyo namumutla ka pa?" nagtatakang salubong sa kanya ni Iris pagkapasok niya sa loob ng bahay nito. Sa halip na sagutin ang tanong nito ay nagpunta muna siya sa kusina at kumuha ng malamig na tubig at ininom. Puno ng pagtataka na sinundan naman siya ng kaibigan sa kusina."Tama ka, Iris. Nakakita nga ako ng mga demonyo. Nabangga ako ng babaeng demonyo sa loob ng supermarket tapos siya a ang nagalit sa akin. Gusto pa niya akong sampalin kaso hindi siya umubra sa powers ko. Ang kaso biglang dumating ang lalaking demonyo kaya nataranta ako at nagkukumahog akong makalabas sa supermarket," mahabang paliwanag niya rito."Si Lucy ba ang tinutukoy mong babaeng demonyita at
"Sigurado ka ba sa gagawin mong ito, Danielle? Tiyak na mas mahihirapan ka pag pumasok kang yaya sa bahay ni Drewner kaysa ang maging caregiver ng iyong sa bahay ninyo mismo," nag-aalalang tanong ni Iris habang nagbibihis si Danielle. Ngayon ang araw na isasakatuparan niya ang planong pagpasok sa buhay ng kanyang anak.Sa ilang araw na pagmamanman niya sa bahay ni Drewner ay nalaman niyang naghahanap ang lalaki ng magiging yaya ni Dani. Nagpaskil kasi ng karatula sa labas ng gate ang katulong nito ng "Wanted Yaya" kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na hinihintay niya. Agad siyang nag-apply bago pa man may ibang tao na makapag-apply. Tinanggap naman siya ni Nana Adela. Kilala niya ang matanda dahil ito ang yaya ni Drewner noong bata pa ito. At ngayon ay ito na ng mayordoma sa malaking ng lalaki.Matapos siyang interview-hin ay agad na siyang sinabihan na tanggap na siya. Biglaan lamang ang pag-apply niya kaya wala siyang mga gamit na dala. Na
Nakangiti si Danielle habang marahang hinahaplos ang buhok ng natutulog niyang anak. Pagkatapos kumain ng hapunan kanina ay tinulungan niyang maglinis ng katawan si Dani. Napansin niya na dependent ang kanyang anak. Tila sanay itong mag-isa dahil ayaw nitong magpatulong sa kanya kanina para linisin ang katawan nito. But she insisted, at natuwa naman siya nang hinayaan nitong tulungan niya ito sa paglilinis ng katawan. Pagkatapos maglinis ng katawan ay pinahiga niya ito sa kama at binasahan ng kuwento sa halip na manuod ng tv. At hindi nga nagtagal ay mahimbing na itong natutulog."Hindi magtatagal ay magkakasama-sama rin tayong apat, Denise. Ikaw, si Dhalia, ako at ng lolo ninyo," sabi niya sa natutulog niyang anak. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na buhay pa rin ang anak niya at nahahawakan niya ito. Halos mabaliw-baliw siya nang malaman niyang patay na ang kanyang anak na si Denise. Mabuti na lamang at hindi siya nabaliw dahil kung naba
Katatapos pa lamang maglaba ni Danielle sa mga damit ni Dani nang marinig niya ang so rang lakas na busina ng kotse sa tapat gate ng bahay ni Drewner. Napakunot siya ng noo. Sino naman kaya ang taong bumubusina na akala mo'y walang mga kapitbahay na makakarinig sa ginagawang pagbusina ng malakas? Sigurado naman na hindi ito si Drewner dahil hindi nagbubusina ng ganoon kalakas ang lalaki. Speaking of Drewner, she's glad na hindi siya pinalayas nito matapos ang ginawang pagsagot niya rito noong isang gabi. Akala niya ay paaalisin na siya pagsapit ng umaga ngunit paggising niya ay wala na ito. Nang bumalik naman ito sa gabi ay iniwasan siya. Kaya naisip niya na hindi na siya nito paaalisin gaya ng sinabi nito. At siguro rin ay naisip nito na kailangan ni Dani ng yaya na katulad niya."Liz, sino ba ang dumating at sobrang lakas kung mag-busina?" tanong niya kay Liz nang mapadaan ito sa tapat niya. Si Liz ay isa sa dalawang katulong ni Drewner sa
"Ano ang nangyayari dito?" Lahat sila ay sabay-sabay na napatingin kay Drewner na bagong dating pa lamang at may bitbit na attaché case ang isang kamay. Sa tindi ng tensiyon na namamagitan sa pagitan nila ni Lucy ay hindi nila namalayan ang pagdating ng sasakyan nang lalaki at ang pagpasok nito sa loob ng bahay."It's your maid's fault, Drewner," kaagad na sagot ni Lucy at biglang lumapit sa lalaki na para bang nagpapasaklolo."Excuse me, hindi ako maid kundi yaya," nakataas ang kilay na sagot ni Danielle sa pagtawag sa kanya ng pinsan niya nang maid. Kung hindi lamang nasa alanganin siyang sitwasyon ay baka matawa na siya sa kanyang sinabi. Ginaya niya kasi ang isang linya sa drama series na napanuod siya sa isang sikat na tv station. "At saka bakit ako ang sisisihin mo? Ako ba ang nagsaboy ng gatas kay Dani?" naiinis niyang tanong dito.