Humahangos si Danielle nang makarating siya sa loob ng bahay ni Iris. Parang tumakbo siya pauwi smantalang sumakay naman siya sa kotse niya.
"O ano ang nangyari sa'yo, Danielle? Bakit parang nakakita ka ng sampung demonyo at medyo namumutla ka pa?" nagtatakang salubong sa kanya ni Iris pagkapasok niya sa loob ng bahay nito. Sa halip na sagutin ang tanong nito ay nagpunta muna siya sa kusina at kumuha ng malamig na tubig at ininom. Puno ng pagtataka na sinundan naman siya ng kaibigan sa kusina."Tama ka, Iris. Nakakita nga ako ng mga demonyo. Nabangga ako ng babaeng demonyo sa loob ng supermarket tapos siya a ang nagalit sa akin. Gusto pa niya akong sampalin kaso hindi siya umubra sa powers ko. Ang kaso biglang dumating ang lalaking demonyo kaya nataranta ako at nagkukumahog akong makalabas sa supermarket," mahabang paliwanag niya rito.
"Si Lucy ba ang tinutukoy mong babaeng demonyita at
"Sigurado ka ba sa gagawin mong ito, Danielle? Tiyak na mas mahihirapan ka pag pumasok kang yaya sa bahay ni Drewner kaysa ang maging caregiver ng iyong sa bahay ninyo mismo," nag-aalalang tanong ni Iris habang nagbibihis si Danielle. Ngayon ang araw na isasakatuparan niya ang planong pagpasok sa buhay ng kanyang anak.Sa ilang araw na pagmamanman niya sa bahay ni Drewner ay nalaman niyang naghahanap ang lalaki ng magiging yaya ni Dani. Nagpaskil kasi ng karatula sa labas ng gate ang katulong nito ng "Wanted Yaya" kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na hinihintay niya. Agad siyang nag-apply bago pa man may ibang tao na makapag-apply. Tinanggap naman siya ni Nana Adela. Kilala niya ang matanda dahil ito ang yaya ni Drewner noong bata pa ito. At ngayon ay ito na ng mayordoma sa malaking ng lalaki.Matapos siyang interview-hin ay agad na siyang sinabihan na tanggap na siya. Biglaan lamang ang pag-apply niya kaya wala siyang mga gamit na dala. Na
Nakangiti si Danielle habang marahang hinahaplos ang buhok ng natutulog niyang anak. Pagkatapos kumain ng hapunan kanina ay tinulungan niyang maglinis ng katawan si Dani. Napansin niya na dependent ang kanyang anak. Tila sanay itong mag-isa dahil ayaw nitong magpatulong sa kanya kanina para linisin ang katawan nito. But she insisted, at natuwa naman siya nang hinayaan nitong tulungan niya ito sa paglilinis ng katawan. Pagkatapos maglinis ng katawan ay pinahiga niya ito sa kama at binasahan ng kuwento sa halip na manuod ng tv. At hindi nga nagtagal ay mahimbing na itong natutulog."Hindi magtatagal ay magkakasama-sama rin tayong apat, Denise. Ikaw, si Dhalia, ako at ng lolo ninyo," sabi niya sa natutulog niyang anak. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na buhay pa rin ang anak niya at nahahawakan niya ito. Halos mabaliw-baliw siya nang malaman niyang patay na ang kanyang anak na si Denise. Mabuti na lamang at hindi siya nabaliw dahil kung naba
Katatapos pa lamang maglaba ni Danielle sa mga damit ni Dani nang marinig niya ang so rang lakas na busina ng kotse sa tapat gate ng bahay ni Drewner. Napakunot siya ng noo. Sino naman kaya ang taong bumubusina na akala mo'y walang mga kapitbahay na makakarinig sa ginagawang pagbusina ng malakas? Sigurado naman na hindi ito si Drewner dahil hindi nagbubusina ng ganoon kalakas ang lalaki. Speaking of Drewner, she's glad na hindi siya pinalayas nito matapos ang ginawang pagsagot niya rito noong isang gabi. Akala niya ay paaalisin na siya pagsapit ng umaga ngunit paggising niya ay wala na ito. Nang bumalik naman ito sa gabi ay iniwasan siya. Kaya naisip niya na hindi na siya nito paaalisin gaya ng sinabi nito. At siguro rin ay naisip nito na kailangan ni Dani ng yaya na katulad niya."Liz, sino ba ang dumating at sobrang lakas kung mag-busina?" tanong niya kay Liz nang mapadaan ito sa tapat niya. Si Liz ay isa sa dalawang katulong ni Drewner sa
"Ano ang nangyayari dito?" Lahat sila ay sabay-sabay na napatingin kay Drewner na bagong dating pa lamang at may bitbit na attaché case ang isang kamay. Sa tindi ng tensiyon na namamagitan sa pagitan nila ni Lucy ay hindi nila namalayan ang pagdating ng sasakyan nang lalaki at ang pagpasok nito sa loob ng bahay."It's your maid's fault, Drewner," kaagad na sagot ni Lucy at biglang lumapit sa lalaki na para bang nagpapasaklolo."Excuse me, hindi ako maid kundi yaya," nakataas ang kilay na sagot ni Danielle sa pagtawag sa kanya ng pinsan niya nang maid. Kung hindi lamang nasa alanganin siyang sitwasyon ay baka matawa na siya sa kanyang sinabi. Ginaya niya kasi ang isang linya sa drama series na napanuod siya sa isang sikat na tv station. "At saka bakit ako ang sisisihin mo? Ako ba ang nagsaboy ng gatas kay Dani?" naiinis niyang tanong dito.
"Patawad po sa iginawi ko kanina, Nana Adela. Alam ko na hindi ko dapat sinagot-sagot kanina ang girlfriend ni Mister Ramsel at pati na rin siya. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko," paghingi ng paumanhin ni Danielle nang wala na sina Lucy at Rafael. Inihatid nang huli ang una. Nagtatatalak na kasi si Lucy nang hindi siya tuluyang inalis sa kanyang trabaho ni Drewner dahil sa anak nito. "I'm sorry din, Dani. Pati ikaw nadamay sa kamalditahan ng babaeng iyon," baling nsman niya sa kanyang anak na hindi pa niya nabibihisan."Bakit ka naman humihingi ng paumahin. Danielle? Mabuti nga at pinatulan mo ang babaeng iyon. Ku, mataga na akong nagtitiis sa babaeng iyan na akala mo kung sino," naiinis na sagot ni Nana Adela. Halatado sa mukha nito ang pagkainis samantalang kanina ay itinatago nito ang nararamdaman."Oo nga, Danielle. Ang galing mo. Ang tapang mo kanina. Kung kami iyon ni Liz ay
Pakiramdam ni Danielle ay biglang nanlamig ang buo niyang katawan nang mapagtanto niya kung ano ang nangyari. Pinadukot at pinapatay siya ni Lucy pagkatapos ay pinalabas na namatay silang dalawa ng kanyang anak sa aksidente ngunit ang totoo ay kinuha pala nito ang kanyang anak at dinala kay Drewner. Ginamit nito si Denise para magkaroon ng utang-na-loob dito si Drewner. Hindi niya alam kung paano natuklasan ng kanyang pinsan ang pagkakatoon niya ng anak. At alam kaya nito na hindi lang isa ang naging anak nila ni Drewner kundi dalawa?Paano nagawa ni Lucy sa kanya ang ganito kasamang bagay? Wala siyang ipinakitang hindi magandang ugali rito noon. Maganda ang pakikitungo niya at nang kanyang mga magulang dito pati na rin sa ama nitong sugarol. Talaga bang sukdulan ang galit nito sa kanya para magawa ang hindi makataong ginawa nito sa kanya? O baka sukdulan ang inggit nito sa kanya na umabot sa pagpatay sa kanya?"N
Nakasuot ng kanyang nighties at naghahanda na sa pagtulog si Danielle nang walang ano-ano ay biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kuwarto na nakalimutan pala niyang i-lock. Bumungad sa kanya ang galit na mukha ni Drewner. Sa pagkabigla ay hindi agad siya nakagalaw para pagtakpan sa mga mata nito ang halos hubad niyang katawan. Nang makabawi siya sa pagkabigla ay agad niyang hinagilap ang kanyang kumot at ibinalabal sa katawan niya bago galit na sinita ang lalaki na tila nabigla rin sa nakitang kagandahan ng mga mata nito."Bastos! Ganyan ka ba talaga, Mister Ramsel? Basta na lamang pumapasok sa loob ng kuwarto ng iyong mga kasambahay?" galit niyang sita rito. Tinapunan niya ito ng nakamamatay na tingin. Kahit alam niyang wala itong kasalanan ay hindi pa rin niya itong lubusang napapatawad sa hindi nito pagsipot sa araw ng kasal nila. Masyadong masakit at sobrang kahihiyan ang inabot niya nang araw na iyon para mapataw
"And they lived happily ever after,"nakangiting pagtatapos ni Danielle sa kuwentong binabasa niya sa kay Dani habang nasa sala. Nakaupo siya sa sofa habang nakahiga naman sa mga hita niya ang kanyang anak at nakikinig sa kuwento ng fairy tale story na Snow White. Si Nana Adela naman ay nakangiti habang nakaupo sa mesa at nakikipakinig sa binabasa niyang kuwento. Natutuwa itong makita silang magkasundong-magkasundo ng kanyang anak."Tita Danielle, bakit walang baby sina Snow White at ang prinsipe? Hindi ba sila nagkaroon ng babies?" inosenteng tanong sa kanya ni Dani matapos niyang isara ang aklat.Natatawang ginulo niya ang buhok ng kanyang anak bago niya sinagot ang tanong nito. "Siguro nagkaroon din sila ng anak pero hindi lang binanggit sa kuwento. Masyadong hahaba na raw ang kuwento kung isusulat pa nila ang tungkol sa anak nina Snow White at ng kanyang prinsipe," paliwanag niya kay Dani.