Mag-isang umiinom si Drewner sa isang sulok nang madaanan ni Danielle. Lumabas kasi siya sa kuwarto niya dahil nakaramdam siya ng uhaw. Akala niya kung sino ang nasa madilim na sulok at umiinom ng alak.
"Come here, Danielle," tawag nito sa kanya nang makitang papadaaan siya."Bakit? Ano ang kailangan mo?" malamig niyang sagot dito. Amoy na amoy niya hininga nitong amoy-alak. Ngunit sa halip na ma-turn off ay tila nakaramdam pa siya ng pag-iinit na hindi niya maintindihan kung bakit."Have a drink with me," alok nito. Bago pa siya makatanggi ay mabilis na nitong iniabot sa kanya ang hawak nitong kopita na may lamang alak. Kimiha niya iyon at mabilis na nilagok. "Hey! It's not water, Babe," nakangising sabi nito na halatadong tinamaan na ng alak na nainom.Dahil hindi siya umiinom naman talaga ng alak at agad siyang nakaramdam ng pagkahilo. Bakit nga ba hindi niya tinanggihan ang alok nitoNang mga sumunod na araw ay iniwasan ni Danielle si Drewner na makasalubong man lang. Pilit niyang kinalimutan ang kung ano mang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Para sa kanya ay walang ibig sabihin iyon. Dala lamang ng init ng katawan at kalasingan kaya dapat lamang na kalimutan. Ngunit kung iniisip niya ay maiiwasan niya ng matagal ang lalaki ay nagkakamali siya dahil sinadya nitong pasukin siya sa kanyang kuwarto pagkatapos niyang patulugin si Dani sa kuwarto nito."Ano ang ginagawa mo rito, Mr. Ramsel? Puwede bang lumabas ka na at baka may makakita pang iba sa'yo rito?" inis niyang sita rito. Hindi pa tulog ang ibang mga tao sa bahay na iyon kaya nag-aalala siyang may nakakita sa ginawang pagpasok ni Drewner sa loob ng kanyang kuwarto."Mag-usap tayo, Danielle. Gusto kong pag-usapan ang tungkol sa nangyari sa ating dalawa noong isang gabi," agad na sabi nito aa kanya pagkapasok. Medyo napalakas pa ang boses ni
Magmula nang nalaman ng anak ni Danielle na siya ang tunay nitong ina ay mas lalo lamang silang naging malapit ni Dani. Sa kuwarto ng anak siya palaging natutulog at inila-lock na lamang niya ang pintuan para hindi makasilip si Drewner kapag dumarating ito mula sa trabaho. Ilang araw na rin silang hindi nakakapag-usap ni Drewner at aminin man niya o hindi sa kanyang sarili ay hindi maipagkakailang namimis niya ito. Ngunit dapat niyang supilin ang ano mang nararamdaman niya dahil walang patutunguhan iyon. Dapat ay mag-pokus siya sa kanyang dalawang anak at sa pagbawi ng kompanya ng kanyang ama na ninakaw ng mag-ama Lucy at Leo. Pagkalipas ng dalawang Linggo ay nagkaroon din sa wakas ng pagkakataon si Danielle na mailabas si Dani at maisama sa bahay niya para makilala ang kakambal nito. Isinama rin niya si Nana Adela na gusto namang makita at makilala rin ang isa pa niyang anak. Nagbilin na lamang ang matanda sa dalawang katulong ni Drewner na kapag dumating ito at hinanap sila ay sabi
Nalibang sa pagkukuwentuhan ang magkapatid na matagal nawalay sa isa't isa. Ikinuwento naman ni Danielle kay Adela ang lahatng mga nangyari sa kanya magmula nang umalis siya patungong ibang bansa. Naikuwento na niya rito ang ibang mga nangyari sa kanya ngunit inulit niya dahil pahapyaw lamang ang ginawa niyang pagkukuwento sa matanda noon ngunit ngayon ay buo na niyang naikuwento ang lahat ng mga nangyari sa kanya. Ang lahat ng mga paghihirap na pinagdaanan niya para lamang mailigtas niya ang kanyang sarili.Mahaba ng kanilang napagkuwentuhan kaya hindi niya namalayan ang paglipas ng oras. Nagulat na lamang siya nang makitang madilim na pala sa labas ng bahay nila. Ayaw pa sana niyang putulin ang masayang kuwentuhan ng kambal niya ngunit kailangan na nilang bumalik sa bahay ni Drewner dahil natitiyak niyang labis na itong nag-aalala kung nasaan ang anak nito. "I'm sorry guys but I need to bring back Dani to her father's house. Tiyak na nag-aalala na siya ngayon at natitiyak ko rin na
Pagkatapos maihiga ng maayos ni Danielle si Dani sa kama nito ay inayos niya ang kumot sa katawan ng anak niya. Naroon pa rin si Nana Adela sa loob ng kuwarto ng anak niya at talagang hinintay nito na makapasok sila sa loob ng kuwarto."Ayos ka lang, Dan—""Sshh," mahinang saway niya kay Nana Adela at pagkatapos ay itinuro niya ang pintuan. Agad naman nitong naintindihan ang ibig niyang sabihin. Baka kasi nasa likuran lamang ng pintuan si Drewner at nakikinig sa usapan nilang dalawa."Matutulog na ako. Ikaw na ang bahala kay Dani, Danielle," paalam sa kanyang matanda."Sige po,Nana Adela. Maraming nakain na meryenda si Dani at saka hapin na rin naman tayo nagmeryenda kaya okay lang na mag-skio siya ng hapunan."Tumango lamang sa kanya si Nana Adela pagkatapos ay tuluyan nang lumabas ng kuwarto. Sinadya niyang magtagal sa loob ng kuwarto ni Dani dahil baka nasa labas si Drewner at hinihintay ang paglabas niya para kausapin siyang muli. Ayaw niya itong makausap dahil tiyak na magtatalo
Ilang araw nang hindi nakikita ni Danielle si Drewner. Magmula nang sinampal niya ito nang sapilitan siyang halikan sa loob ng kanyang silid ay tila iniiwasan na siya ng lalaki. Naisip niya na mas mabuti siguro ang ganito. Dapat ay iwasan siya nito para hindi tuluyang mahulog ang kanyang loob dito. Hangga't alam niya na may kaugnayan ito kay Lucy ay hindi rin mawawala ang galit na nararamdaman niya para rito. Nakakaramdam man siya ng sakit dahil sa obvious na pag-iwas nito sa kanya ay pilit niya iyong binabalewala. Kapag hinayaan niyang mapalapit ang kanyang puso kay Drewner ay siya pa rin ang masasaktan sa bandang huli. Kaya naisip niya na para hindi tuluyang manumbalik ang nararamdaman niya para sa lalaking naging sanhi ng kanyang matinding pasakit ay mas makabubuting umalis na lamang siya sa bahay nito. Tutal ay naipakilala na niya ang kanyang sarili kay Dani na siyang ina nito kaya kahit paano ay na-achieved na rin niya ang isa pang niyang goal. Ang kilalanin bilang ina ng kanyang
Mabigat ang dibdib ni Danielle habang nakatingin sa kanyang anak na umiiyak at pinipigilan ni Nana Adela na huwag lumapit sa kanya. Nagdesisyon siyang umalis na ngayon habang wala si Drewner dahil inihatid nito si Lucy sa bahay ng babae. Hindi niya nais na maabutan pa siya ni Drewner dahil ayaw niyang magpaliwanag dito kung ano ba ang nangyari. For sure ay hindi naman siya maniniwala sa kanya dahil kahit anong sabihin yata sa kanya ni Lucy ay pinaniniwalaan niya. Para bang may kung anong black magic na ginamit ang kanyang pinsan para maniwala si Drewner sa lahat ng mga sasabihin niya. Kaya makabubuting umalis na lamang siya dahil baka kung ano pa ang masabi niya sa ama ng kanyang mga anak. Ngunit sobrang bigat naman ang kanyang pakiramdam lalo pa at ayaw siyang paalisin ni Dani."Mommy, huwag ka nang umalis. Dito ka lamang sa bahay kasama ko. Ayokong maging mommy ang Lucy na iyon," umiiyal na pakiusap ni Dani sa kanyang ina. Hindi nakatiis si Danielle at nilapitan ang kanyang anak par
Kinabukasan, pagkatapos mag-almusal nina Drewner at Dani ay gumayak na sila para umalis. Excited si Dani na muling makita ang kanyang ina kaya nawala sa kanyang isip na hindi nga pala puwedeng malaman ng kanyang ama kung saan nakatira ang kanyang Mommy Danielle. At gaya ng sinabi ni Drewner kahapon ay hindi nila ipinaalam agad kay Nana Adela kung saan sila pupunta. Basta pinagbihis lang ito ni Drewner dahil may pupupuntahan sila. At nang nasa daan na sila ay hindi na napigilang magtanong ng matanda."Saan ba tayo pupunta, Drewner? Akala ko ay magsisimba lang tayo," nakakunot ang noo na tanong ni Nana Adela nang lumagpas na sila sa simbahan kung saan madalas silang nagsisimba."Pupuntahan natin si Tita Danielle, Nana Adela. Sabi ni Daddy ay kukumbinsihin niyang bumalik si Tita Danielle sa bahay natin," nakangiting sagot ni Dani.Agad namang nanlaki ang mga mata ni Nana Adela nang marinig ang sinabi ni Dani. Lihim itong nataranta. Kapag natuloy silang magtungo sa bahay ni Danielle ay po
Pagkatapos makapagbihis ni Iris ay nagmamadali siyang lumabas ng bahay para harapin ang kumakatok sa labas ng gate."Magandang umaga, Iris. Nandiyan ba si Danielle? Gusto kasi siyang makausap ni Drewner," agax na bati ni Nana Adela nang makita si Iris."Good morning po Tita Iris. Si Dhalia po?" bati rin ni Dani sa dalaga.Kahit gustong ngumiti ni Iris nang makita ang cute na cute na kakambal ni Dhalia ay pinigilan niya ang kanyang sarili na gawin iyon. Sa halip ay seryoso ang anyo na hinarap niya ang mga tao sa labas ng gate."Magandang umaga rin sa inyong tatlo. Pasensiya na pero wala rito si Danielle. Maaga siyang umalis para maghanap ng panibagong mapapasukan. Iyong walang bruha na palaging naghahanap ng gulo at siya palagi ang nakikita," sagot ni Iris sa kanila pagkatapos ay tinapunan niya ng masamang tingin si Drewner na ama ng kambal. Natitiyak niya na nakarating ng malinaw sa lalaki ang kanyang pasaring.Mabilis na pinasadahan ng tingin ni Iris ang lalaking nasa labas ng gate n