Parating pa lamang ang kotse ni Drewner sa bahay nila ay tanaw na niya ang itim na kotse ni Lucy na nakaparada sa tapat mismo ng gate ng bahay. Kaya pagdating nila ay napilitan siyang iparada na lamang sa tabi ng gate ang kotse niya at bumaba na lamang sila para pumasok sa gate. At pagkapasok na pagkapasok nila sa bahay ay agad na sinalubong sila ng galit na mukha ng babae."Saan kayo nanggaling? Bakit ang aga-aga ay umalis na kaagad kayo?" mabilos na tanong ni Lucy habang hindi ma-drawing ang mukha nito sa pagkakasimangot. Ibubuka pa nga lang niya ang kanyang bibig para sumagot ngunit naunahan na siya ng muling pagsasalita ng babae. "Saan kayo galing? Bakit ayaw mong sumagot, Drewner?""Galing kami sa house ni Titq Danielle. Balak pakiusapan ni Daddy si Tita Danielle na bumalik rito sa bahay ngunit hindi namin siya nakausap. Wala kasi siya sa bahay nila," sagot naman ni Dani bago pa man makapagsalita si Drewner. Napabiga na lamang siya ng hangin. Tiyak na magwawala na naman ngayon si
Papasok pa lamang sina Drewner at Lucy sa loob ng Chinese restaurant kung saan naroon din sina Danielle at ang kaibigan niyang si Anton at katatapos pa lamang nilang kumain ng kanilang lunch. Kadarating pa lamang ni Anton galing sa States at si Danielle ang sumundo sa kanya sa airport. Dumating si Anton sa Pilipinas para isakatuparan ang plano niyang pagbawi sa kumpanya ng kanyang ama na inagaw ng mag-amang Lucy at Leo. Pagkagaling sa airport ay dumiretso sila Danielle at Anton sa restaurant na kinaroroonan nila ngayon para mag-lunch. At talagang pinagtitiyap ng pagkakataon dahil muling pinagtagpo ng tadhana ang mga landas nilang tatlo.Kunwari ay hindi napansin ni Danielle ng pagpasok ng dalawa sa loob ng restaurant. Natitiyak niya na makikita sila nina Drewner at Lucy dahil iliibot nila ang kanilang paningin para makahanap ng bakanteng mauupuan at nagkataong may bakante sa kanilang tabi na posibleng piliin ni Lucy. At hindi nga siya nagkamali dahil mula sa gilid ng kanyang mga mat
Tahimik lamang si Danielle habang sakay siya ng kotse ni Anton. Papunta sila sa bahay niya dahil gustong makita ng binata si Dhalia kaya sa halip na dumiretso sila sa hotel kung na pag-aari nito at kung saan ito nakatira kapag nasa Pilipinas ay sa bahay niya sila nagtungo.Hindi maiwasan ni Danielle ang mapahugot ng malalim na buntong-hininga. Hindi niya inaasahan na makikita sina Drewner at Lucy sa lugar na iyon. Kung alam lang niya na magku-krus ang kanilang mga lands ay hindi na sana sila sa restaurant na iyon kumain.Natitiyak ni Danielle na kaya siya nais na makausap ni Drewner ay dahil bigla na lamang siyang umalis sa bahay nito nang hindi nagpapaalam sa kanya. Ngunit bakit pa siya magpapaalam kay Drewner? Alam naman niyang matagal na siyang nais nitong palayasin sa bahay nito. Kung hindi lamang dahil kay Dani ay matagal na siyang napalayas ni Drewner."Ang lalim naman yata ng iniisip mo, Danielle," mahinang pagtikhim ni Anton ang gumambala sa malalim na pag-iisip ni Danielle. "
"What? Totoo ba ang sinasabi mo na nalulugi na ang kompanya na pinaghirapan nating agawin mula sa mga kamay ni Tito Fred?" nanlalaki ang mga mata na tanong ni Lucy sa kanyang ama.Pag-uwi ng kanyang ama galing sa casino ay agad nitong ibinalita sa kanya ang masamang balita na iyon. "I'm sorry, Lucy. Nagamit ko ang funds ng kompanya kaya nagkanda letse-letse ang lahat. Papatayin kasi ako ng taong pinagkakautangan ko ng malaki kung hindi ko siya mababayaran sa napakalaking pagkakautang ko sa kanya," nalulumong napaupo sa couch ang kanyang ama."Sinabi ko na sa'yo na tumigil ka na sa pagsusugal pero hindi ka huminto. Ipinagpatuloy mo pa rin ang bisyo mong iyan, Dad. Saan na tayo pupulutin ngayon? Sa kangkungan? Ayokong bumalik sa pagiging mahirap, Dad! Narinig mo?" umaalon sa galit ang dibdib ni Lucy. Hindi siya makapaniwala na malulugi sa kamay ng kanyang ama ang kompanya ng kanyang Tito Fred na inagaw nilang mag-ama."Huwag kang mag-alala, Lucy. Ibebenta ko ang ibang shares ng kompany
Parang itinulos sa pagkakatayo si Danielle. Hindi niya magawang lingunin si Drewner na nasa kanyang likuran. Hindi niya alam kung ano ang puwede niyang sabihin para makalusot ngayon kay Drewner. Kailangan niyang makaisip ng palusot. Hindi pa siya nakahanda na malaman ni Drewner na si Danielle at Daniela ay iisa. Na hindi pala totoong namatay si Daniela. At higit sa lahat ay hindi pa siya handang sabihin kay Drewner na hindi lang isa kundi dalawa ang anak niya at kambal pa."Daddy!" masayang bulalas naman ni Dani nang paglingon nito ay nakita ang ama na nakatayo sa kanilang likuran. Agad itong tumakbo palapit sa kanyang anak at nagpakarga. "What are you doing here, Daddy?""I just want to check kung labasan niyo na ba dahil susunduin sana kita. Ngunit hindi ko inaasahan na makikita ko rito ang Mommy mo," sagot ni Drewner sa kanyang anak. Ang totoo ay hinuhuli lamang niya si Dani kung kukumpirmahin ba nito ang kanyang sinabi na mommy nito si Danielle o itatama nito ang kanyang sinabi. Hi
"What? Alam na ni Drewner na ikaw at si Daniela ay iisa?" bulalas ni Iris nang sabihin ni Danielle ang tungkol kay Drewner. Pagkaalis niya sa school kanina ni Dani ay agad niyang pinuntahan ang kaibigan dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya."Tama ang narinig mo, Iris. Alam na niyang ako at si Daniela ay iisa. At ngayon ay nagde-demand siya ng paliwanag kung bakit ko nagawang ilihim sa kanya ang aking tunay na pagkatao at pinaniwala ko silang patay na ako." Mukhang hanggang dito na lamang ang pagpapanggap niya bilang Danielle."I think this is the time na harapin mo na silang lahat bilang si Daniel. Natitiyak ko na hindi titigil si Drewner hangga't hindi mo sinasabi sa kanya ang lahat," napapailing na wika ni Iris."Tama si Iris, Daniela. Panahon na para harapin mo sila," sabad ni Anton na biglang pumasok sa clinic ni Iris. "At huwag kang mag-alala tungkol sa bahay at kompanya ninyo na inagaw ng ama at pinsan mo dahil pumasok na sila sa ating bitag," nakangiting sabi ni Anto
Nasa loob ng isang mall si Daniela kasama ang kanyang ama na nakaupo sa wheelchair habang itinutulak niya at naghahanap sila ng mga kagamitang pang-display sa bahay nila. Hindi pa nakakapaglakad ng mabilis ang kanyang ama kaya hinayaan niyang gumamit na muna ito ng wheelchair para hindi ito mapagod sa pag-iikot nila sa mall.Gusto ni Daniela na palitan lahat ng mga gamit nila sa bahay, maging sa sala man o sa mga kuwarto dahil ayaw niyang makita maski isang bakas ng pagtira ni Lucy at Leo sa bahay nila."Tingnan mo ang kurtinang ito, Dad. Hindi ba ito ang kurtina na paboritong ilagay ni Mommy sa sala? Hindi ko akalain na makakakita pa tayo ng design na ganito pagkalipas ng maraming taon," nakangiting wika ni Daniela sa kanyang ama. Nasa loob sila ng department store at namimili ng kurtina na ipapalit nila sa kurtinang ipinalagay ni Lucy sa sala."Tama ka, Daniela. Ito nga ang kurtina na paborito ng Mommy mo," sagot ng kanyang ama sa tonong may bahid ng lungkot.Hinawakan niya ang kama
"Saan niyo dadalhin ang Lolo ko? Lagot kayo sa Mommy ko pagbalik niya," umiiyak na sabi ng batang si Dhalia habang pilit na pinipigilan ang mga pulis na mailabas ang kanyang lolo. Bigla na lamang dumating ang isang babae na may kasamang mga pulis at pilit na isinasama ang kanyang lolo. Hindi man niya naiintindihan sa kanyang murang edad kung ano ba ang nangyayari at may mga pulis na pilit kinukuha ang kanyang lolo ay alam naman niyang malulungkot ang kanyang mommy kapag umuwi ito at malamang wala na sa bahay nila ang daddy nito dahil kinuha ng isang babae at mga pulis."Huh! Talagang lolo ang tawag mo sa matandang ito, Dani? Anong feeling mo? Mommy mo ang anak ni Tito Fred? So pamangkin kita sa pinsan ganoon?" nakangising tanong ni Lucy sa anak ni Drewner. Nagtataka siya kung bakit nasa bahay ni Danielle si Dani. Lalo lamang tuloy siyang nakaramdam ng galit kay Danielle dahil ginagamit nito ang anak ni Drewner para makuha ang loob ng lalaki. Alam naman kasi ng babaeng iyon na gustong-
Nang pagbalikan ng malay si Daniela ay nasa loob na siya ng isang puting silid at nakahiga sa kama. Kahit na hindi siya magtanong kung nasaan siya ay nahuhulaan na niyang nasa loob siya ng isang hospital. Hindi niya alam kung paano siya nakaligtas sa mga kamay ni Lucy at kung sino ang nagdala sa kanya sa hospital ngunit malaki ang pasalamat niya sa taong iyon.Napangiti siya nang makita niya ang kanyang kambal na nakahiga sa isa pang kama na nasa loob ng silid na kinaroroonan niya na tiyak niyang private room. Sa gilid ng kama ay naroon si Iris, nakasandal ang likuran sa gilid ng kama habang nakapikit ang mga mata."Iris," mahina ang boses na tawag niya sa kaibigan niya para hindi magising ang kambal. Mabilis namang nagmulat ng mga mata si Iris nang marinig ang pagtawag niya rito. "Oh my God, Daniela! You're finally awake!" Napatayo itong bigla at napalapit sa kanya. "Alam mo ba na sobrang alalang-alala kami sa'yo? Akala ko ay hindi ka pa magigising ngayon. Hindi ko na tuloy alam kun
Halos magkasabay na pinagbalikan ng malay sina Daniela at Drewner. Nauna lamang siya ng ilang minuto pagkatapos ay nagising naman si Drewner na agad nanlaki ang mga mata nang makita siya."Daniela!" sigaw ni Drewner. Akma itong babangon mula sa pagkakahiga sa maduming sahig nang bigla itong napahinto at bahagyang napayuko. Nakaramdam kasi si Drewner ng pagsakit ng ulo nito dahil sa malakas na pagkakahataw ni Lucy ng kung anong matigas na bagay sa ulo nito "Are you okay, Drewner? Paano ka napunta rito?" nag-aalalang tanong niya. Nakatali ang mga kamay at paa niya kaya lumapit siya rito sa pamamagitan ng paghila ng kanyang puwitan at mga paang nakatali. Niyakap naman siya ni Drewner ng mahigpit. Katulad niya ay nakatali rin ang mga paa at kamay nito. Pumasok na lamang siya sa loob ng mga braso nito para magkayakap silang dalawa."I'm glad you're safe, Daniela. Akala ko ay muli ka nang mawawala sa akin," bulong ni Drewner habang mahigpit ang pagkakayakap sa kanya. "Sinaktan ka ba ni Lu
Hindi na mapakali si Drewner habang naghihintay sa pagdating ni Daniela sa simbahan. Late na ito ng ten minutes kaya naman nagsimula na siyang mag-alala."Sa tingin ko ay hindi na darating si Daniela." Narinig ni Drewner na komento ng isa sa mga bisita nila na nasa loob ng simbahan."Sa tingin ko ay gumaganti si Daniela kay Drewner dahil hindi siya nito sinipot sa kasal nila noon ,di ba? Naalala niyo pa ba ang kahihiyang dinanas ni Daniela dahil sa hindi pagsipot ni Drewner sa kasal nila?" wika naman ng isa pang bisita na naroon.Nagsimulang umugong ang bulungan at haka-haka sa loob ng simbahan. Bagama't nagtataka siya kung bakit wala pa si Daniela ay hindi siya naniniwaka na hindi ito sisipot dahil nais nitong gumanti sa kanya. Kinakabahan siya hindi dahil nag-aalala siya na baka tama ang sinasabi ng ilan sa mga bisita nila kundi nag-aalala siya na baka may masamang nangyari kay Daniela.Mas gusto niyang hindi ito sumipot dahil nais nitong gumanti sa kanya kaysa sa may masamang nangy
Lumarawan ang pagtataka sa mukha ng ama ni Daniela nang makita ang takot na nakalarawan sa mukha ng kanyang anak."Anong ibig mong sabihin, Daniela?""Dad, hindi siya ang tunay na driver ng kotse ni Drewner. Ibang tao siya at hindi ko siya kilala," sagot niya sa kanyang ama bago muling binalingan ang taong nasa harapan ng manibela. "Sino ka? At ano ang kailangan mo sa amin?"Ngumisi muna ang lalaki bago sumagot. "I'm Eric. Wala akong kailangan sa'yo pero ang girlfriend ko meron.""Girlfriend? Sinong girlfriend?" nagtatakang tanong niya. Hindi naman niya kilala ang lalaking kausap niya kaya tiyak na hindi rin niya kilala kung sino ang girlfriend na tinutukoy nito. "Huwag kang mag-alala, Daniela. Maupo ka lang diyan at mag-relax dahil dadalhin kita papunta sa kanya ngayon din," sagot nito muling pinatakbo ng matulin ang kotse."Hayop ka! Ihinto mo ngayon ang kotse at bumaba ka rito!" galit na kausap ng kanyang ama sa lalaki."At bakit naman kita susundin, tanda? Kung ako sa'yo ay maupo
Nang mga sumunod na araw ay naging abala sina Daniela at Drewner sa pag-aayos ng kasal nilang dalawa. Pareho silang hindi makapaghintay na sumapit ang araw ng kanilang kasal. Ang araw kung saan ay legal na silang magiging mag-asawa sa mga mata ng tao at sa mata ng Diyos.Pinabalik ng kanyang ama sa bahay nila si Daniela kasama ang kambal dahil mas mabuti raw na sundin nila ang tradisyon na kasal ng pamilya ni Daniela mula sa kanilang kaninununuan. Ang tradisyon nila ay dapat hindi nagsasama sa iisang bubong ang dalawang taong malapit nang ikasal dahil malas daw iyon. Kaya kahit pakiramdam niya ay huli na ang tradisyon na iyon dahil nagsasama naman na sila ni Drewner ay mas minabuti niyang sundin ang kagustuhan ng kanyang ama.Naiintindihan naman siya ni Drewner kaya walang pagtutol mula sa rito nang magpaalam siya na pansamantalang babalik sila ng mga bata sa bahay ng kanyang ama para doon na muna manirahan hangga't hindi pa sila ikinakasal. Nagkikita pa rin naman sila dahil magkasama
Parang maiiyak si Daniela habang nakatingin sa mga taong nasa loob ng restaurant. Ang iniisip niyang makikita sa loob ng nakasaradong restaurant ay ang babae ni Drewner na siyang may-ari ng restaurant na iyon. Ngunit hindi niya ini-expect ang makikita ng kanyang mga mata. Maraming nakapalibot na lobo at bulaklak sa loob ng restaurant na halatadong pinagkagastusan ng mahal para maipaayos sa isang taong expert sa flower arrangements. Sa itaas ng dingding ay may mga nakadikit na lobo na may nakasulat na "WILL YOU MARRY ME, DANIELA? in bold letters. May buffet rin na puno ng masasarap na pagkain.Sa loob ng restaurant ay naroon at nakangiti sa kanya ng matamis ang kambal niyang anak na halatadong kagigising pa lamang dahil namamaga pa ang mga mata nila. Present din ang kanyang ama, ang best friend niyang si Iris, ang kaibigan niyang si Anton, si Nana Adela, ang best friend ni Drewner na si Jerson at siyempre, si Drewner na guwapong-guwapo sa suot nitong black suit. May hawak itong isnag b
Nang sumunod na araw ay lumipat na si Daniela kasama ang kambal sa bahay ni Drewner dahil iyon ang gusto ng lalaki. Ipinatayo raw kasi nito ang bahay nito para sa kanya at sa magiging mga anak nila. Araw-araw ay palagi siyang masaya. Palagi kasing ipinaparamdam sa kanya ni Drewner kung gaano siya kahalaga at kamahal nito. Ngunit lumipas ang isang buwan matapos nilang lumipat sa bahay ni Drewner ay napansin niya na parang unti-unting nagbabago ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi ito sweet sa kanya at palaging ginagabi na ito ng uwi sa bahay nila. Madalas ay tinatanong siya ng mga bata kung nasaan ang kanilang ama dahil minsan na lang din nila itong nakakasamang kumain sa mesa. Hindi niya alam kung ano ba ang nagawa niya o kung may nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan kung kaya't bigla itong nagbago ng pakikitungo sa kanya. Parang hindi na niya maramdaman ang pagmamahal nito na dati ay palaging ipinararamdam nito sa kanya."Nana Adela? Nana Adela?" malakas ang boses na tawag niya s
Muling napasigaw hindi lamang si Daniela kundi maging ang kambal nilang anak na takot na takot habang sa backseat. Hindi naman niya magawang lumipat sa likuran para yakapin ang mga anak niya dahil hindi deretso ang ginagawang pagmamaneho ni Drewner para kahit paano ay makaiwas sila sa sasakyang nasa likuran nila."Mom! Are we gonna die?" umiiyak na tanong ni Dani sa kanya. Magkayakap ito at Dhalia sa upuan habang parehong umiiyak."No one will die, Sweetheart. I promise you that." Si Dean ang sumagot sa tanong ni Dani. "Hold tight kids!"Bahagyang binagalan ni Drewner ang patakbo ng kotse nito at hinintay na magpantay ang kotse nito at ang kotse bumabalya sa likuran nila pagkatapos ay kinabig nito ang manibela para gumanti ng balya. Hindi siguro inaasahan ng nagmamaneho ng kotseng iyon kaya biglang nawalan ng kontrol sa manibela at nagpagiwang-giwang hanggang sa tuluyang sumadsad sa gutter ang gulong nito. Napilitang ihinto ng driver ang kotse para hindi tuluyang madisgrasya ang mga i
"Talaga, Dad? Mom? Magsasama na kayong dalawa? Magsasama-sama na tayo sa iisang bahay bilang isang pamilya?" natutuwang bulalas ni Dhalia nang matapos marinig ang ibinalita nina Daniela at Drewner sa kanil nang umagang iyon. Nasa harap sila ng hapag-kainan at nag-aalmusal kasama ang ama ni Daniela, si Irish at ang kambal nang ibalita nila ang naging desisyon nila last night."Yes, Dhalia. Magmula ngayon ay makakasama na natin nag Daddy mo sa iisang bahay," nakangiting pagkumpirma niya sa anak. "At doon na rin tayo titira sa bahay niya.""I'm very happy, Mom. Finally, magiging complete na ang family natin " Natutuwang tumayo naman si Dani at yumakap sa kanya bago isinunod ang pagyakap sa ama nito."Me too, sweetheart. I'm also very happy," wika naman ni Drewner na hindi maitago ang saya sa mukha."Hindi ako tutol sa desisyon ninyong iyan, Daniela. Sa halip ay natutuwa ako na makitang may makakatuwang ka na sa pagpapalaki sa mga anak mo," komento ng kanyang ama na katulad nila ay bakas