Pagkatapos maihiga ng maayos ni Danielle si Dani sa kama nito ay inayos niya ang kumot sa katawan ng anak niya. Naroon pa rin si Nana Adela sa loob ng kuwarto ng anak niya at talagang hinintay nito na makapasok sila sa loob ng kuwarto."Ayos ka lang, Dan—""Sshh," mahinang saway niya kay Nana Adela at pagkatapos ay itinuro niya ang pintuan. Agad naman nitong naintindihan ang ibig niyang sabihin. Baka kasi nasa likuran lamang ng pintuan si Drewner at nakikinig sa usapan nilang dalawa."Matutulog na ako. Ikaw na ang bahala kay Dani, Danielle," paalam sa kanyang matanda."Sige po,Nana Adela. Maraming nakain na meryenda si Dani at saka hapin na rin naman tayo nagmeryenda kaya okay lang na mag-skio siya ng hapunan."Tumango lamang sa kanya si Nana Adela pagkatapos ay tuluyan nang lumabas ng kuwarto. Sinadya niyang magtagal sa loob ng kuwarto ni Dani dahil baka nasa labas si Drewner at hinihintay ang paglabas niya para kausapin siyang muli. Ayaw niya itong makausap dahil tiyak na magtatalo
Ilang araw nang hindi nakikita ni Danielle si Drewner. Magmula nang sinampal niya ito nang sapilitan siyang halikan sa loob ng kanyang silid ay tila iniiwasan na siya ng lalaki. Naisip niya na mas mabuti siguro ang ganito. Dapat ay iwasan siya nito para hindi tuluyang mahulog ang kanyang loob dito. Hangga't alam niya na may kaugnayan ito kay Lucy ay hindi rin mawawala ang galit na nararamdaman niya para rito. Nakakaramdam man siya ng sakit dahil sa obvious na pag-iwas nito sa kanya ay pilit niya iyong binabalewala. Kapag hinayaan niyang mapalapit ang kanyang puso kay Drewner ay siya pa rin ang masasaktan sa bandang huli. Kaya naisip niya na para hindi tuluyang manumbalik ang nararamdaman niya para sa lalaking naging sanhi ng kanyang matinding pasakit ay mas makabubuting umalis na lamang siya sa bahay nito. Tutal ay naipakilala na niya ang kanyang sarili kay Dani na siyang ina nito kaya kahit paano ay na-achieved na rin niya ang isa pang niyang goal. Ang kilalanin bilang ina ng kanyang
Mabigat ang dibdib ni Danielle habang nakatingin sa kanyang anak na umiiyak at pinipigilan ni Nana Adela na huwag lumapit sa kanya. Nagdesisyon siyang umalis na ngayon habang wala si Drewner dahil inihatid nito si Lucy sa bahay ng babae. Hindi niya nais na maabutan pa siya ni Drewner dahil ayaw niyang magpaliwanag dito kung ano ba ang nangyari. For sure ay hindi naman siya maniniwala sa kanya dahil kahit anong sabihin yata sa kanya ni Lucy ay pinaniniwalaan niya. Para bang may kung anong black magic na ginamit ang kanyang pinsan para maniwala si Drewner sa lahat ng mga sasabihin niya. Kaya makabubuting umalis na lamang siya dahil baka kung ano pa ang masabi niya sa ama ng kanyang mga anak. Ngunit sobrang bigat naman ang kanyang pakiramdam lalo pa at ayaw siyang paalisin ni Dani."Mommy, huwag ka nang umalis. Dito ka lamang sa bahay kasama ko. Ayokong maging mommy ang Lucy na iyon," umiiyal na pakiusap ni Dani sa kanyang ina. Hindi nakatiis si Danielle at nilapitan ang kanyang anak par
Kinabukasan, pagkatapos mag-almusal nina Drewner at Dani ay gumayak na sila para umalis. Excited si Dani na muling makita ang kanyang ina kaya nawala sa kanyang isip na hindi nga pala puwedeng malaman ng kanyang ama kung saan nakatira ang kanyang Mommy Danielle. At gaya ng sinabi ni Drewner kahapon ay hindi nila ipinaalam agad kay Nana Adela kung saan sila pupunta. Basta pinagbihis lang ito ni Drewner dahil may pupupuntahan sila. At nang nasa daan na sila ay hindi na napigilang magtanong ng matanda."Saan ba tayo pupunta, Drewner? Akala ko ay magsisimba lang tayo," nakakunot ang noo na tanong ni Nana Adela nang lumagpas na sila sa simbahan kung saan madalas silang nagsisimba."Pupuntahan natin si Tita Danielle, Nana Adela. Sabi ni Daddy ay kukumbinsihin niyang bumalik si Tita Danielle sa bahay natin," nakangiting sagot ni Dani.Agad namang nanlaki ang mga mata ni Nana Adela nang marinig ang sinabi ni Dani. Lihim itong nataranta. Kapag natuloy silang magtungo sa bahay ni Danielle ay po
Pagkatapos makapagbihis ni Iris ay nagmamadali siyang lumabas ng bahay para harapin ang kumakatok sa labas ng gate."Magandang umaga, Iris. Nandiyan ba si Danielle? Gusto kasi siyang makausap ni Drewner," agax na bati ni Nana Adela nang makita si Iris."Good morning po Tita Iris. Si Dhalia po?" bati rin ni Dani sa dalaga.Kahit gustong ngumiti ni Iris nang makita ang cute na cute na kakambal ni Dhalia ay pinigilan niya ang kanyang sarili na gawin iyon. Sa halip ay seryoso ang anyo na hinarap niya ang mga tao sa labas ng gate."Magandang umaga rin sa inyong tatlo. Pasensiya na pero wala rito si Danielle. Maaga siyang umalis para maghanap ng panibagong mapapasukan. Iyong walang bruha na palaging naghahanap ng gulo at siya palagi ang nakikita," sagot ni Iris sa kanila pagkatapos ay tinapunan niya ng masamang tingin si Drewner na ama ng kambal. Natitiyak niya na nakarating ng malinaw sa lalaki ang kanyang pasaring.Mabilis na pinasadahan ng tingin ni Iris ang lalaking nasa labas ng gate n
Parating pa lamang ang kotse ni Drewner sa bahay nila ay tanaw na niya ang itim na kotse ni Lucy na nakaparada sa tapat mismo ng gate ng bahay. Kaya pagdating nila ay napilitan siyang iparada na lamang sa tabi ng gate ang kotse niya at bumaba na lamang sila para pumasok sa gate. At pagkapasok na pagkapasok nila sa bahay ay agad na sinalubong sila ng galit na mukha ng babae."Saan kayo nanggaling? Bakit ang aga-aga ay umalis na kaagad kayo?" mabilos na tanong ni Lucy habang hindi ma-drawing ang mukha nito sa pagkakasimangot. Ibubuka pa nga lang niya ang kanyang bibig para sumagot ngunit naunahan na siya ng muling pagsasalita ng babae. "Saan kayo galing? Bakit ayaw mong sumagot, Drewner?""Galing kami sa house ni Titq Danielle. Balak pakiusapan ni Daddy si Tita Danielle na bumalik rito sa bahay ngunit hindi namin siya nakausap. Wala kasi siya sa bahay nila," sagot naman ni Dani bago pa man makapagsalita si Drewner. Napabiga na lamang siya ng hangin. Tiyak na magwawala na naman ngayon si
Papasok pa lamang sina Drewner at Lucy sa loob ng Chinese restaurant kung saan naroon din sina Danielle at ang kaibigan niyang si Anton at katatapos pa lamang nilang kumain ng kanilang lunch. Kadarating pa lamang ni Anton galing sa States at si Danielle ang sumundo sa kanya sa airport. Dumating si Anton sa Pilipinas para isakatuparan ang plano niyang pagbawi sa kumpanya ng kanyang ama na inagaw ng mag-amang Lucy at Leo. Pagkagaling sa airport ay dumiretso sila Danielle at Anton sa restaurant na kinaroroonan nila ngayon para mag-lunch. At talagang pinagtitiyap ng pagkakataon dahil muling pinagtagpo ng tadhana ang mga landas nilang tatlo.Kunwari ay hindi napansin ni Danielle ng pagpasok ng dalawa sa loob ng restaurant. Natitiyak niya na makikita sila nina Drewner at Lucy dahil iliibot nila ang kanilang paningin para makahanap ng bakanteng mauupuan at nagkataong may bakante sa kanilang tabi na posibleng piliin ni Lucy. At hindi nga siya nagkamali dahil mula sa gilid ng kanyang mga mat
Tahimik lamang si Danielle habang sakay siya ng kotse ni Anton. Papunta sila sa bahay niya dahil gustong makita ng binata si Dhalia kaya sa halip na dumiretso sila sa hotel kung na pag-aari nito at kung saan ito nakatira kapag nasa Pilipinas ay sa bahay niya sila nagtungo.Hindi maiwasan ni Danielle ang mapahugot ng malalim na buntong-hininga. Hindi niya inaasahan na makikita sina Drewner at Lucy sa lugar na iyon. Kung alam lang niya na magku-krus ang kanilang mga lands ay hindi na sana sila sa restaurant na iyon kumain.Natitiyak ni Danielle na kaya siya nais na makausap ni Drewner ay dahil bigla na lamang siyang umalis sa bahay nito nang hindi nagpapaalam sa kanya. Ngunit bakit pa siya magpapaalam kay Drewner? Alam naman niyang matagal na siyang nais nitong palayasin sa bahay nito. Kung hindi lamang dahil kay Dani ay matagal na siyang napalayas ni Drewner."Ang lalim naman yata ng iniisip mo, Danielle," mahinang pagtikhim ni Anton ang gumambala sa malalim na pag-iisip ni Danielle. "