Tahimik lamang si Danielle habang sakay siya ng kotse ni Anton. Papunta sila sa bahay niya dahil gustong makita ng binata si Dhalia kaya sa halip na dumiretso sila sa hotel kung na pag-aari nito at kung saan ito nakatira kapag nasa Pilipinas ay sa bahay niya sila nagtungo.Hindi maiwasan ni Danielle ang mapahugot ng malalim na buntong-hininga. Hindi niya inaasahan na makikita sina Drewner at Lucy sa lugar na iyon. Kung alam lang niya na magku-krus ang kanilang mga lands ay hindi na sana sila sa restaurant na iyon kumain.Natitiyak ni Danielle na kaya siya nais na makausap ni Drewner ay dahil bigla na lamang siyang umalis sa bahay nito nang hindi nagpapaalam sa kanya. Ngunit bakit pa siya magpapaalam kay Drewner? Alam naman niyang matagal na siyang nais nitong palayasin sa bahay nito. Kung hindi lamang dahil kay Dani ay matagal na siyang napalayas ni Drewner."Ang lalim naman yata ng iniisip mo, Danielle," mahinang pagtikhim ni Anton ang gumambala sa malalim na pag-iisip ni Danielle. "
"What? Totoo ba ang sinasabi mo na nalulugi na ang kompanya na pinaghirapan nating agawin mula sa mga kamay ni Tito Fred?" nanlalaki ang mga mata na tanong ni Lucy sa kanyang ama.Pag-uwi ng kanyang ama galing sa casino ay agad nitong ibinalita sa kanya ang masamang balita na iyon. "I'm sorry, Lucy. Nagamit ko ang funds ng kompanya kaya nagkanda letse-letse ang lahat. Papatayin kasi ako ng taong pinagkakautangan ko ng malaki kung hindi ko siya mababayaran sa napakalaking pagkakautang ko sa kanya," nalulumong napaupo sa couch ang kanyang ama."Sinabi ko na sa'yo na tumigil ka na sa pagsusugal pero hindi ka huminto. Ipinagpatuloy mo pa rin ang bisyo mong iyan, Dad. Saan na tayo pupulutin ngayon? Sa kangkungan? Ayokong bumalik sa pagiging mahirap, Dad! Narinig mo?" umaalon sa galit ang dibdib ni Lucy. Hindi siya makapaniwala na malulugi sa kamay ng kanyang ama ang kompanya ng kanyang Tito Fred na inagaw nilang mag-ama."Huwag kang mag-alala, Lucy. Ibebenta ko ang ibang shares ng kompany
Parang itinulos sa pagkakatayo si Danielle. Hindi niya magawang lingunin si Drewner na nasa kanyang likuran. Hindi niya alam kung ano ang puwede niyang sabihin para makalusot ngayon kay Drewner. Kailangan niyang makaisip ng palusot. Hindi pa siya nakahanda na malaman ni Drewner na si Danielle at Daniela ay iisa. Na hindi pala totoong namatay si Daniela. At higit sa lahat ay hindi pa siya handang sabihin kay Drewner na hindi lang isa kundi dalawa ang anak niya at kambal pa."Daddy!" masayang bulalas naman ni Dani nang paglingon nito ay nakita ang ama na nakatayo sa kanilang likuran. Agad itong tumakbo palapit sa kanyang anak at nagpakarga. "What are you doing here, Daddy?""I just want to check kung labasan niyo na ba dahil susunduin sana kita. Ngunit hindi ko inaasahan na makikita ko rito ang Mommy mo," sagot ni Drewner sa kanyang anak. Ang totoo ay hinuhuli lamang niya si Dani kung kukumpirmahin ba nito ang kanyang sinabi na mommy nito si Danielle o itatama nito ang kanyang sinabi. Hi
"What? Alam na ni Drewner na ikaw at si Daniela ay iisa?" bulalas ni Iris nang sabihin ni Danielle ang tungkol kay Drewner. Pagkaalis niya sa school kanina ni Dani ay agad niyang pinuntahan ang kaibigan dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya."Tama ang narinig mo, Iris. Alam na niyang ako at si Daniela ay iisa. At ngayon ay nagde-demand siya ng paliwanag kung bakit ko nagawang ilihim sa kanya ang aking tunay na pagkatao at pinaniwala ko silang patay na ako." Mukhang hanggang dito na lamang ang pagpapanggap niya bilang Danielle."I think this is the time na harapin mo na silang lahat bilang si Daniel. Natitiyak ko na hindi titigil si Drewner hangga't hindi mo sinasabi sa kanya ang lahat," napapailing na wika ni Iris."Tama si Iris, Daniela. Panahon na para harapin mo sila," sabad ni Anton na biglang pumasok sa clinic ni Iris. "At huwag kang mag-alala tungkol sa bahay at kompanya ninyo na inagaw ng ama at pinsan mo dahil pumasok na sila sa ating bitag," nakangiting sabi ni Anto
Nasa loob ng isang mall si Daniela kasama ang kanyang ama na nakaupo sa wheelchair habang itinutulak niya at naghahanap sila ng mga kagamitang pang-display sa bahay nila. Hindi pa nakakapaglakad ng mabilis ang kanyang ama kaya hinayaan niyang gumamit na muna ito ng wheelchair para hindi ito mapagod sa pag-iikot nila sa mall.Gusto ni Daniela na palitan lahat ng mga gamit nila sa bahay, maging sa sala man o sa mga kuwarto dahil ayaw niyang makita maski isang bakas ng pagtira ni Lucy at Leo sa bahay nila."Tingnan mo ang kurtinang ito, Dad. Hindi ba ito ang kurtina na paboritong ilagay ni Mommy sa sala? Hindi ko akalain na makakakita pa tayo ng design na ganito pagkalipas ng maraming taon," nakangiting wika ni Daniela sa kanyang ama. Nasa loob sila ng department store at namimili ng kurtina na ipapalit nila sa kurtinang ipinalagay ni Lucy sa sala."Tama ka, Daniela. Ito nga ang kurtina na paborito ng Mommy mo," sagot ng kanyang ama sa tonong may bahid ng lungkot.Hinawakan niya ang kama
"Saan niyo dadalhin ang Lolo ko? Lagot kayo sa Mommy ko pagbalik niya," umiiyak na sabi ng batang si Dhalia habang pilit na pinipigilan ang mga pulis na mailabas ang kanyang lolo. Bigla na lamang dumating ang isang babae na may kasamang mga pulis at pilit na isinasama ang kanyang lolo. Hindi man niya naiintindihan sa kanyang murang edad kung ano ba ang nangyayari at may mga pulis na pilit kinukuha ang kanyang lolo ay alam naman niyang malulungkot ang kanyang mommy kapag umuwi ito at malamang wala na sa bahay nila ang daddy nito dahil kinuha ng isang babae at mga pulis."Huh! Talagang lolo ang tawag mo sa matandang ito, Dani? Anong feeling mo? Mommy mo ang anak ni Tito Fred? So pamangkin kita sa pinsan ganoon?" nakangising tanong ni Lucy sa anak ni Drewner. Nagtataka siya kung bakit nasa bahay ni Danielle si Dani. Lalo lamang tuloy siyang nakaramdam ng galit kay Danielle dahil ginagamit nito ang anak ni Drewner para makuha ang loob ng lalaki. Alam naman kasi ng babaeng iyon na gustong-
"Mommy!" sabay na tawag ng magkambal na sina Dhalia at Dani sa kanilang ina. Tumakbo sila at yumakap kay Daniela."Mommy, gustong kunin ng evil witch si Lolo," umiiyak na sumbong ni Dhalia sa kanyang ina.Ngumiti si Daniela sa kanyang anak at marahang pinahid ang luha sa mga mata nito. "Huwag kang mag-alala, Anak. Mommy is here. Hindi ko hahayaang kunin sa atin ng evil witch ang Lolo ninyo.""Hindi. Hindi ito totoo. Patay ka na, Daniela. Matagal ka nang patay kaya hindi maaaring ikaw ang pinsan ko," napapailing na wika ni Lucy. Hindi pa rin nito mapaniwalaan ang nakikita ng mga mata nito."At paano ka naman nakakasigurado na namatay nga ako, Lucy? Na hindi ako ang pinsan mo? Gusto mo bang magpa-DNA test pa tayo para makasigurado ka na magkadugo tayo?" naghahamon ang tono ng boses na wika ni Daniela.Naumid ang dila ni Lucy at hindi na makapagsalita. Tanging iling na lamang ang kaya nitong gawin. "Paano na ito, Ma'am Lucy? Hindi namin puwedeng sabihin na kinidnap ng kanyang anak ang s
Pagkatapos ng pagkakabunyag ng tunay na pagkatao ni Daniela ay bumalik na silang mag-ama sa dati nilang bahay kasama ang kambal niyang mga anak. Kay Daniela na tumira si Dani at pasalamat siya na hindi nanggugulo si Drewner. Ngunit batid niyang hindi ito habambuhay na mananahimik. Siyempre, gusto rin nitong makasama ang dalawa nitong mga anak kaya ngayon pa lang ay inihahanda na niya ang kanyang sarili sa mga hakbang na posibleng gagawin ni Drewner kapag pinilit nitong kuhanin sa kanya ang mga bata. Inihahanda na rin niya ang kanyang sarili sa posibleng gawin ni Lucy at Leo na paghihiganti sa kanya dahil sa ginawa niyang panloloko sa kanila para lamang mabawi sa kanila ang mga kinamkam nilang yaman. Kilala niya si Lucy. Hindi ito papayag na hindi ito makaganti sa kanya."Daniela, nasa labas si Drewner. Nais ka raw niyang makausap," kausap ni Nana Adela kay Daniela. Pumisan na rin sa kanila si Nana Adela. Ayaw nga sana ng matanda na iwan si Drewner dahil mula pagkabata ay ito na ang na