Pagkatapos ng pagkakabunyag ng tunay na pagkatao ni Daniela ay bumalik na silang mag-ama sa dati nilang bahay kasama ang kambal niyang mga anak. Kay Daniela na tumira si Dani at pasalamat siya na hindi nanggugulo si Drewner. Ngunit batid niyang hindi ito habambuhay na mananahimik. Siyempre, gusto rin nitong makasama ang dalawa nitong mga anak kaya ngayon pa lang ay inihahanda na niya ang kanyang sarili sa mga hakbang na posibleng gagawin ni Drewner kapag pinilit nitong kuhanin sa kanya ang mga bata. Inihahanda na rin niya ang kanyang sarili sa posibleng gawin ni Lucy at Leo na paghihiganti sa kanya dahil sa ginawa niyang panloloko sa kanila para lamang mabawi sa kanila ang mga kinamkam nilang yaman. Kilala niya si Lucy. Hindi ito papayag na hindi ito makaganti sa kanya."Daniela, nasa labas si Drewner. Nais ka raw niyang makausap," kausap ni Nana Adela kay Daniela. Pumisan na rin sa kanila si Nana Adela. Ayaw nga sana ng matanda na iwan si Drewner dahil mula pagkabata ay ito na ang na
Galit na hinampas ni Lucy ang likuran ng kanyang ama na natutulog sa sofa. Lasing na naman ito kaya sa sofa na lamamg nakatulog. Kung hindi nagsusugal ang kanyang ama ay nakikioag-inuman naman ito sa kung sino-sinong mga kaibigan nitong katulad nito ay wala ring kuwentang tao.Kung minsan ay naiinggit siya kay Daniela dahil nagkaroon ito ng mapagmahal na mga magulang lalo na ang ama nito. Hindi katulad niya na parehong walang kuwenta ang naging mga magulang niya lalo na ang kanyang ama. Kaya siguro ganoon na lamang ang galit niya kay Daniela dahil mas masuwerte ito kaysa sa kanya. Bakit pa kasi hindi na lamang sila nagkapalit ng mga magulang? Kung siya sana ang naging anak ng mga magulang ni Daniela ay tiyak na masaya siya ngayon at katulad ngayon."Ano ba, Lucy? Ang sarap ng tulog ko ay iniistorbo mo ako!" galit na bulyaw sa kanya ng ama niya."Mataas na ang araw pero natutulog ka pa rin! Mabubuo na ang pamilya ni Daniela pero heto tayo at walang magawa kundi ang ngumanga dahil wala
Malalim na ang gabi nang makauwi sa bahay nila sina Daniela. Sa sobrang pagod ay nakatulog ang kambal sa sasakyan habang pauwi sila. Mabuti na lamang tapos na silang kumain ng dinner dahil anong oras na rin. Oras na nga ng pagtulog ng mga bata at maging ang kanyang ama at ang matalik na kaibigan ay tulog na rin sa kani-kanilang mga silid Walang kasama ang Dad niya sa bahay nila kaya pinakiusapan niya ang kaibigan niya na samahan ang ama niya. May sariling silid ang best friend niya sa bahay niya kaya puwede itong hindi na umuwi sa bahay nito. Tig isa sa kanila ni Drewner sa kambal para hindi na ito magpabalik-balik pa sa labas. Matapos nilang mailapag ang mga bata sa kuwarto ng mga ito ay sabay silang lumabas ng silid. Pagkalabas na pagkalabas nila sa silid ng kambal ay saka nila naramdaman ang pagiging awkward sa Isa't isa. "So, paano, Drewner? It's time for you to go home," pagtataboy niya sa lalaki matapos niyang tumikhim ng mahina. Para kasing may nakabara sa lalamunan niya. Pa
"Talaga, Dad? Mom? Magsasama na kayong dalawa? Magsasama-sama na tayo sa iisang bahay bilang isang pamilya?" natutuwang bulalas ni Dhalia nang matapos marinig ang ibinalita nina Daniela at Drewner sa kanil nang umagang iyon. Nasa harap sila ng hapag-kainan at nag-aalmusal kasama ang ama ni Daniela, si Irish at ang kambal nang ibalita nila ang naging desisyon nila last night."Yes, Dhalia. Magmula ngayon ay makakasama na natin nag Daddy mo sa iisang bahay," nakangiting pagkumpirma niya sa anak. "At doon na rin tayo titira sa bahay niya.""I'm very happy, Mom. Finally, magiging complete na ang family natin " Natutuwang tumayo naman si Dani at yumakap sa kanya bago isinunod ang pagyakap sa ama nito."Me too, sweetheart. I'm also very happy," wika naman ni Drewner na hindi maitago ang saya sa mukha."Hindi ako tutol sa desisyon ninyong iyan, Daniela. Sa halip ay natutuwa ako na makitang may makakatuwang ka na sa pagpapalaki sa mga anak mo," komento ng kanyang ama na katulad nila ay bakas
Muling napasigaw hindi lamang si Daniela kundi maging ang kambal nilang anak na takot na takot habang sa backseat. Hindi naman niya magawang lumipat sa likuran para yakapin ang mga anak niya dahil hindi deretso ang ginagawang pagmamaneho ni Drewner para kahit paano ay makaiwas sila sa sasakyang nasa likuran nila."Mom! Are we gonna die?" umiiyak na tanong ni Dani sa kanya. Magkayakap ito at Dhalia sa upuan habang parehong umiiyak."No one will die, Sweetheart. I promise you that." Si Dean ang sumagot sa tanong ni Dani. "Hold tight kids!"Bahagyang binagalan ni Drewner ang patakbo ng kotse nito at hinintay na magpantay ang kotse nito at ang kotse bumabalya sa likuran nila pagkatapos ay kinabig nito ang manibela para gumanti ng balya. Hindi siguro inaasahan ng nagmamaneho ng kotseng iyon kaya biglang nawalan ng kontrol sa manibela at nagpagiwang-giwang hanggang sa tuluyang sumadsad sa gutter ang gulong nito. Napilitang ihinto ng driver ang kotse para hindi tuluyang madisgrasya ang mga i
Nang sumunod na araw ay lumipat na si Daniela kasama ang kambal sa bahay ni Drewner dahil iyon ang gusto ng lalaki. Ipinatayo raw kasi nito ang bahay nito para sa kanya at sa magiging mga anak nila. Araw-araw ay palagi siyang masaya. Palagi kasing ipinaparamdam sa kanya ni Drewner kung gaano siya kahalaga at kamahal nito. Ngunit lumipas ang isang buwan matapos nilang lumipat sa bahay ni Drewner ay napansin niya na parang unti-unting nagbabago ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi ito sweet sa kanya at palaging ginagabi na ito ng uwi sa bahay nila. Madalas ay tinatanong siya ng mga bata kung nasaan ang kanilang ama dahil minsan na lang din nila itong nakakasamang kumain sa mesa. Hindi niya alam kung ano ba ang nagawa niya o kung may nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan kung kaya't bigla itong nagbago ng pakikitungo sa kanya. Parang hindi na niya maramdaman ang pagmamahal nito na dati ay palaging ipinararamdam nito sa kanya."Nana Adela? Nana Adela?" malakas ang boses na tawag niya s
Parang maiiyak si Daniela habang nakatingin sa mga taong nasa loob ng restaurant. Ang iniisip niyang makikita sa loob ng nakasaradong restaurant ay ang babae ni Drewner na siyang may-ari ng restaurant na iyon. Ngunit hindi niya ini-expect ang makikita ng kanyang mga mata. Maraming nakapalibot na lobo at bulaklak sa loob ng restaurant na halatadong pinagkagastusan ng mahal para maipaayos sa isang taong expert sa flower arrangements. Sa itaas ng dingding ay may mga nakadikit na lobo na may nakasulat na "WILL YOU MARRY ME, DANIELA? in bold letters. May buffet rin na puno ng masasarap na pagkain.Sa loob ng restaurant ay naroon at nakangiti sa kanya ng matamis ang kambal niyang anak na halatadong kagigising pa lamang dahil namamaga pa ang mga mata nila. Present din ang kanyang ama, ang best friend niyang si Iris, ang kaibigan niyang si Anton, si Nana Adela, ang best friend ni Drewner na si Jerson at siyempre, si Drewner na guwapong-guwapo sa suot nitong black suit. May hawak itong isnag b
Nang mga sumunod na araw ay naging abala sina Daniela at Drewner sa pag-aayos ng kasal nilang dalawa. Pareho silang hindi makapaghintay na sumapit ang araw ng kanilang kasal. Ang araw kung saan ay legal na silang magiging mag-asawa sa mga mata ng tao at sa mata ng Diyos.Pinabalik ng kanyang ama sa bahay nila si Daniela kasama ang kambal dahil mas mabuti raw na sundin nila ang tradisyon na kasal ng pamilya ni Daniela mula sa kanilang kaninununuan. Ang tradisyon nila ay dapat hindi nagsasama sa iisang bubong ang dalawang taong malapit nang ikasal dahil malas daw iyon. Kaya kahit pakiramdam niya ay huli na ang tradisyon na iyon dahil nagsasama naman na sila ni Drewner ay mas minabuti niyang sundin ang kagustuhan ng kanyang ama.Naiintindihan naman siya ni Drewner kaya walang pagtutol mula sa rito nang magpaalam siya na pansamantalang babalik sila ng mga bata sa bahay ng kanyang ama para doon na muna manirahan hangga't hindi pa sila ikinakasal. Nagkikita pa rin naman sila dahil magkasama