Share

WITHOUT TRUST, THERE'S NO US

Nag alangan akong sumagot. Iniisip kong hindi ko ito mapapagbigyan hangga't hindi pa ako tapos sa kontrata. "Puede bang nextweek? Martes siguro." Itinukod ko na ang siko ko sa pasimano ng barandilya, nagre-relax. Hinahaplos ko ang buhok ko na parang nasa harap ko lang si Logan, medyo nahihiya. "Tatawagan kita ng lunes."

Ilang segundo uli bago siya nagsalita. "Gusto ko ring sabihin sa 'yo na pagkatapos no'ng nangyari sa club....bumalik na ako sa dad ko. Nagresign na ako sa trabaho kaya lahat ng oras ko ay para lang sa yo. Anytime. Tawagan mo lang ako at darating ako...gaya noon, Frey."

Humigpit ang hawak ko sa phone. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya tungkol sa desisyon niyang bumalik sa San Ignacio. Pulitiko din ang daddy niya gaya ni Ray at medyo malapit ang dalawa dahil ayaw sa akin para kay Logan. Pero hindi yon ang problema. Dominante at control freak iyon at minamanipula ang lahat sa buhay nito. Hindi yon deserve ni Logan o ng kahit sino. Mas masarap mabuhay nang malaya kah
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status