Share

KILL ME, HEAL ME

"Ayoko na," bumagsak ang luha ko. Gusto kong kumawala palayo sa kanya sa hindi niya maaabot kahit kailan. "Ang sabi mo, sabihin ko lang sa 'yo kung kailangan mo nang tumigil at titigil ka. Na hindi ka gagawa ng bagay na labag sa loob ko. At ito na yon, Dark. Wala kang karapatan sa buhay ko. Sa yo na ang pera mo, hindi ko yon kailangan." Nanginig ako sa tindi ng kagustuhan kong makalaya. "Bitiwan mo na ako! Ayoko na! Itigil na natin ito!" Histerikal na ako at nagwawala.

Para siyang natauhan sa mga huling sinabi ko. Binitiwan niya ako agad gaya ng literal na napaso. Tapos ay biglang nagsisisi sa kapusukan niya at panghihimasok.

"Frey," humakbang siya palapit sa akin, guilty, at tinangka akong hawakan uli pero umaatras ako. "Hayaan mo akong magpaliwanag."

Hindi.

Shit lang.

"Nabigla ka lang? Yon ba ang sasabihin mo?" Bumagsak ang luha ko, parang dam na nawasak. Sariwa ang galit at hinanakit ko sa kanya. "Kagaya ka lang din ng iba. Nagiging hayop kayo kapag nakakanti ang ego ninyo.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status