Share

SIZZLING REWARDS

"Naku, oo naman. Hindi ako makakatanggi sa pinakamagandang babae na nakilala ko. Anytime." Nasa mata niya ang paghanga sa akin at medyo kinikiliting ngiti na tila may iniisip na kakaiba sa pagitan namin ni Dark.

May iniisip rin si Dark, naglalaro ang daliri sa labi. "Ah, Becky, puede ba kitang makausap sandali?"

"Sir?"

"Tungkol sa resthouse, may ilan lang akong sasabihin."

Gusto ko na namang maging intresado sa mga bagay na may kaugnayan kay Dark, pero nakita ko sa isip ko ang hitsura ko kanina kaya bigla na lang akong inalok ni Dark ni ice cream.

Yong ako na nababaliw.

Bounderies, Frey. Bounderies.

Detach.

"Babayaran ko muna ito sa counter," hinawakan ko si Dark sa siko. Nagulat ako nang hulihin niya ako sa pulso at kinabig ako palapit.

Hinagkan niya ako sa noo kahit nasa harap kami ni Becky.

"Sandali lang ito. Huwag kang magtatanan kasama ang iba," biro niya, humihingi ng pang unawa ang mga mata.

Tuloy nag init ang mukha ko.

Si Becky, natutop ang bibig. Tuwang tuwa. Pero iniwan ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status