FREY POV: Sandali siyang napatungo, nakatitig sa akin pero hindi na nagsalita. Nararamdaman ko ang init ng pagkayamot niya sa loob ng maiksing sandali kahit hindi ko siya direktang tinitingnan. At wala akong pakialam. Normal yon. Sinong lalaki ang hindi magagalit sa babaing katulad ko? Pero sa pagitan ng pagiging totoo sa sarili at sa pagtatago ng nararamdaman, palagi kong inuuna ang sarili ko at handa rin akong lagi sa mga consequences ng ginagawa ko. Wala akong maskara gaya ng ibang tao. Kung babawiin nga niya ang pera na katumbas ng mga araw na hindi na niya ako mapapakinabangan sa kama niya dahil kailangan na naming itigil ito o sasabihing niyang breach of contract ang mga inaasal ko dahil wala naman akong binasa at naintindihan sa two pages na kontrata--aalis agad ako ora mismo nang walang panghihinayang. Ang pagiging brutal ko at ugaling wala sa lugar at mahirap intindihin ay ipinakita ko na agad sa kanya sa unang araw mismo na nagkaharap kaming dalawa sa loob ng opisina
FREY POV: Hindi rin naman Siya nakikinig na tapusin na lang ang paghihirap ko at napakaduwag ko rin na kitlin ang sarili kong buhay. Lumalabas na sa kabila ng pagiging rebelde ko, may takot pa rin ako sa Kanya. Kaya lamang, matagal na akong hindi nananalangin o kahit pumasyal sa chapels. Hindi ko kaya. Buong-buo kong tinanggap na sa buong mundo, nag iisa na lang talaga ako. Nakakaawa ba yon? O miserable? Puedeng para sa iba, oo. Pero sa akin gaya nang nakasanayan ko na, malaking advantage yon. Dahil walang leverage ang iba para takutin ako o pagbantaan dahil wala ring akong ibang tao na pinahahalagahan. Kaya siguro hinahabol-habol ko ang bagay na trabaho sa gaya ko: maging hired killer. Perpekto yon. Mailalabas ko na ang galit ko sa gaya ni Ray, kikita pa ako ng malaking pera gaya ng mga Assassin Dolls ni Anna. Pero yon nga, ligwak. Hindi raw ako papasa. Kaya rin siguro pinagbubuti ko ang maging living sex doll ni Dark. Walang itatapon sa performance ko sa kama lalo n
Ang dapat kong alamin ay kung paano niya yon napaniwala na may karapatan siyang gawin ito.At bakit kailangan niya itong gawin nang hindi nagsasabi sa akin?Nababaliw na siya."Ipinahakot ko dahil maiinip ka dito," nagsasalita siya sa tabi ko pero hindi tumitingin sa akin. "Hindi tayo puedeng pakalat-kalat sa labas gaya kanina. Aaminin ko sa yo na may problema tayo pagdating sa mama ko," saka lang niya ako tiningnan nang deretso. "Hindi niya puedeng malaman na narito tayo. Hindi pa niya alam ang tungkol sa bahay na ito pero malalaman niya rin sa mga susunod na araw.""Kung ganon, kaya tayo umalis ng beach house kanina, biglang bigla ay yon pala ang totoong dahilan?"Pumatag ang dibdib niya matapos ang malalim na paghinga. Iyon mismo ang sagot sa tanong ko. Wala namang takot sa mata niya na para bang kontrolado niya ang lahat tungkol sa nanay niya kaya nawala rin ang pag aalala ko tungkol doon."Maligalig si mama at ayokong sugurin ka niya lalo na kapag nasa trabaho ako. Nakatulong din
FREY POV:"Ah, damn it," inirolyo ko ang mata ko sa langit. Ibinubuga ang usok na ang sama ng amoy pero parang nauunawaan ko na ang mga taong nasisiyahan sa paghithit nito--pagtakas. Karapatan ng tao ang pumili kung paano sila mamatay o magpapatuloy sa buhay. Nakakagaan din ng pakiramdam kapag galit ka dahil pakiramdam mo, hindi ka huhusgahan ng bisyo na ito gaya ng likas sa mga tao. "Bad influence pa pala ako sa 'yo." Gumuhit ang ngiti ko gaya ng matamis na tagumpay. Kailangan kong aminin sa sarili ko na lihim kong hinihiling na makasama pa siya sa mas maraming 'firstime'.Gusto kong makita at maranasan ang iba pa niyang susubukan kasama ako dahil hindi nawala ang pagkagusto niya sa akin matapos kong itapon ang inosenteng sandals kanina. Malayo ang aming mararating kung ganon.For me, everything is a test. At oo, nakapuntos si Dark kanina.Siguro, sa ibang mga lalaki, dead end na kanina ang ginawa ko. Baka nagtatakbo na pabalik sa saya ng nanay niya.Pero sa malas, ano naman ang s
Nag alangan akong sumagot. Iniisip kong hindi ko ito mapapagbigyan hangga't hindi pa ako tapos sa kontrata. "Puede bang nextweek? Martes siguro." Itinukod ko na ang siko ko sa pasimano ng barandilya, nagre-relax. Hinahaplos ko ang buhok ko na parang nasa harap ko lang si Logan, medyo nahihiya. "Tatawagan kita ng lunes."Ilang segundo uli bago siya nagsalita. "Gusto ko ring sabihin sa 'yo na pagkatapos no'ng nangyari sa club....bumalik na ako sa dad ko. Nagresign na ako sa trabaho kaya lahat ng oras ko ay para lang sa yo. Anytime. Tawagan mo lang ako at darating ako...gaya noon, Frey."Humigpit ang hawak ko sa phone. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya tungkol sa desisyon niyang bumalik sa San Ignacio. Pulitiko din ang daddy niya gaya ni Ray at medyo malapit ang dalawa dahil ayaw sa akin para kay Logan. Pero hindi yon ang problema. Dominante at control freak iyon at minamanipula ang lahat sa buhay nito. Hindi yon deserve ni Logan o ng kahit sino. Mas masarap mabuhay nang malaya kah
"Ayoko na," bumagsak ang luha ko. Gusto kong kumawala palayo sa kanya sa hindi niya maaabot kahit kailan. "Ang sabi mo, sabihin ko lang sa 'yo kung kailangan mo nang tumigil at titigil ka. Na hindi ka gagawa ng bagay na labag sa loob ko. At ito na yon, Dark. Wala kang karapatan sa buhay ko. Sa yo na ang pera mo, hindi ko yon kailangan." Nanginig ako sa tindi ng kagustuhan kong makalaya. "Bitiwan mo na ako! Ayoko na! Itigil na natin ito!" Histerikal na ako at nagwawala.Para siyang natauhan sa mga huling sinabi ko. Binitiwan niya ako agad gaya ng literal na napaso. Tapos ay biglang nagsisisi sa kapusukan niya at panghihimasok."Frey," humakbang siya palapit sa akin, guilty, at tinangka akong hawakan uli pero umaatras ako. "Hayaan mo akong magpaliwanag."Hindi.Shit lang. "Nabigla ka lang? Yon ba ang sasabihin mo?" Bumagsak ang luha ko, parang dam na nawasak. Sariwa ang galit at hinanakit ko sa kanya. "Kagaya ka lang din ng iba. Nagiging hayop kayo kapag nakakanti ang ego ninyo.
ANG galit ang pinakamasamang droga para sa akin. Malayo na ang narating ko mula sa dating Frey na may takot sa Dios na pinalaki ng nanay ko. Malala pa ito sa pinakamatapang na lason at mabagsik na sumpa. Nawalan ako ng tiwala sa Dios at paniniwala sa kabutihan ng tao. Naging mababaw akong tao na nagpapahalaga sa gandang panlabas kaysa sa kabutihan ng puso. Palaging may nag uudyok sa akin na magmura at gumawa ng masama. Sa loob ng isip ko, marahas ang paghihiganti ko kay Ray sa hinaharap. Nakakapangilabot kung paano ko pinananabikan ang pagmamakaawa nito at makapanindig balahibong sigaw habang pinahihirapan ko sa loob ng isip ko sa ibat-ibang hindi makataong paraan. Literal itong naliligo sa dugo at lasog lasog ang katawan. Nawawalan na rin ako ng likas na awa at simpatiya sa iba. Nagiging manhid ako at walang pakialam. Marami pa. At ang mga bagay na dapat kong ikahiya, pinaninindigan ko na kahit mali. Baluktot na talaga akong mag isip. Alam kong lahat yon pero kung magagali
FREY POV:Nitong mga nakaraang oras, hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol sa babae sa pader. Ang version ng kahinaan ng pagkapit ko sa buhay.Ewan ko na lang kung ano para kay Dark ang kabuluhan ng katotohanan na ang babaing sinasamba niya mula pa sa nakaraan ay ganoon pala.Suicidal.Itutuloy pa ba niya ang stone art kung isa yong larawan ng sumpa at mga paghihirap ko at salamin din ng karupukan niya ng mga sandaling yon?Hindi ko maiwasan ang humugot ng malalim na buntong-hininga sa tuwing naiisip ko ito.Doble ang naging bigat dahil pareho pala kami ng iniisip noon.Ngayong gabi, sinorpresa niya ako.Naghanda siya ng alak sa terasa para uminom kaming dalawa. Dahil ba sinabi kong gusto ko itong maranasan bago ako mamatay? O ginawa niya ito dahil tapos na ang kontrata namin bukas na halos hindi ko namalayan?Ano man ang dahilan, natuwa ako sa candlelit dinner na may champagne, white truffles, fried potatoes, citrus at ang paborito kong toasted fried chicken. Kahit sa pagkain