HINDI pa rin mag-sink in sa utak ko na fiancée ko na si Elvis. Alam kong wala pang isang taon mula nang kami ay magkakilala at ma-inlove sa isa’t isa. Pero kailangan pa bang patagalin kung ganito na kabaliw ang puso ko sa kanya? Elvis will be the woman I marry—wala nang iba. Sa kanya ko ulit naramdaman ang ganitong saya matapos ang sampung taon ng pangungulila ko sa aking namayapa nang asawa, si Hillary. She was my greatest love. She was my first love. I married her despite her father’s objections, and it eventually led to her death. My father-in-law, Mr. Smith—Franco’s father—wasn’t my biological dad, and he never adopted me. Pinalabas lang ng pamilya na adopted ako para pagtakpan ang krimen na ginawa nila sa pamilya ko. My father died because of that family. Hindi ko pa sila napapanagot sa mga kasalanan nila. At ngayon, guguluhin na naman nila ang buhay ko. Hindi na ako papayag. Hindi pa ako nakakalimot sa ginawa ng matandang iyon sa mama ko at sa kapatid kong babae—ang dahilan
“Boss," sambit ni Russ. Seryoso siya, at tila may hindi magandang nangyari. “What’s happening?" tanong ko ng walang gana pagkababa ko ng sasakyan. “If this is just nonsense, I swear, Russ, I’ll blow your head off," I firmly said. Yumuko si Russ at hindi na nagsalita. Hindi ko alam kung bakit urgent ito kaya nagtataka ako kung anong nangyayari. Kung bumalik na naman ba ang matandang 'yon at manggulo na naman. Nang makapasok ako sa loob, bigla akong napansin ng mga tauhan ko. Sabay naman silang nagsilingunan sa akin. Kunot-noo akong tumingin sa kanilang lahat, nagtataka sa kanilang mga reaksyon. Lumakas ang kabog sa dibdib ko habang papalapit ako sa living room, kung saan naroon sina Lindsay, Kennedy, at ang mga kapatid na lalaki ni Russ. Seryoso ang mga ito at nakatutok lamang sa isang direksyon. Nagtataka ako sa naging reaksyon nilang lahat. At kung sino ang kanilang tinitingnan at ganito sila ka seryoso. Patuloy lang akong naglakad hanggang sa biglang tumayo ang isang babae mu
Bumalik si Rowan sa hotel kung saan tumuloy sina Elvis at Elvira. Mabigat ang loob niya, at hindi pa rin niya maiproseso sa kanyang isipan ang nangyari. Pilit niyang pinapaniwala ang sarili na panaginip lang ang lahat—na bumalik si Hillary, at hindi ito totoo. Ngunit nasa realidad na siya, at ang nakita niya ay ang dating asawa. May takot din siyang naramdaman. Na paano kung malaman ito ni Elvis at makipaghiwalay siya sa kanya? Kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan ang GC. Sinabi niya sa mga kasama doon na huwag magkuwento kay Elvis tungkol sa ex-wife niya. At siya na ang bahalang magsabi dito. "Please, don't tell Elvis about what happened today. Ako na ang bahalang magsabi sa kanya. For now, huwag na muna kayong lalapit sa kanya. Hanggang sa ikasal kami. And don't tell Hillary about Elvis." Message sent. Agad naman na nag sagutan ang mga miyembro sa gc. Kennedy: Tito, kami na ang bahala. Magpalamig ka muna, umalis muna kayo ni Elvis ng ilang araw Kami na ni Lindsay bah
“Nagbalik ang dati kong asawa, Tita. Nag-aalala ako para sa kaligtasan ni Elvis. Kaya ko siyang protektahan, pero natatakot ako sa posibilidad na kapag nalaman ni Hillary ang tungkol kay Elvis, baka may gawin siyang masama. Kilala ko si Hillary, Tita—katulad lang siya ng daddy niya,” mahabang paliwanag ni Rowan.He looks frustrated. Halatang nag-aalala rin talaga siya para sa kaligtasan ni Elvis. Napaawang naman ang labi ni Elvira, habang puno ng pagtataka ang kanyang mga mata. Hindi niya inaasahan ang sinabi ni Rowan, lalo na’t wala itong nabanggit tungkol sa kanyang nakaraan.“A-anong ex-wife? Kasal ka pala habang kasama mo ang anak ko?” biglang napasigaw si Elvira sa sinabi ni Rowan. “Akala ko single ka? Rowan, ginawa mo bang kabit ang anak ko?”Parang hinugutan ng hininga si Elvira. Kusang tumulo ang kanyang mga luha dahil sa awa at sakit na nararamdaman para sa anak. Hindi niya inakala na naging kabit na pala ang kanyang anak. Kawawang Elvis, walang kamalay-malay.“Ginawa mong ka
Umalis na rin si Elvira, at si Rowan naman ay umakyat na sa hotel. Pagkarating niya sa kwarto, nadatnan niya si Elvis sa sala, tahimik na nanonood ng TV. Hindi siguro nito namalayan ang pagdating ni Rowan kaya't patuloy lang ito sa pinapanood. "Mi amor," tawag ni Rowan. Huminto si Elvis sa kanyang ginagawa at dahan-dahan na lumingon. "Bakit ka nandito?" inis na usal nito kay Rowan. "Sorry na, please... Bumalik naman ako agad, kasi namimiss kita. Please, sorry na, mi amor, mahal kita," panunuyo ni Rowan. Umupo si Rowan sa tabi ni Elvis at marahan na hinawakan ang kamay nito. Hindi naman siya pinansin ni Elvis at bumusangot lang ang mukha. "Mi amor, gusto mo bang sumama sa akin?" tanong ni Rowan. Nagtataka naman na lumingon si Elvis kay Rowan."Maglalayas ba tayo? Saan naman?" "Batanes. Mag-staycation muna tayo dun ng ilang araw lang," ani Rowan. "May pasok pa ako eh..." "Sina Lindsay na ang bahala, sama ka muna sa akin, okay?" "Kailan tayo aalis?" “Mamaya alas tres
BASCO, BATANES Pagdating nila sa Basco, Batanes, agad bumungad sa kanila ang kahanga-hangang tanawin at preskong simoy ng hangin. Hindi maialis ang mga mata ni Elvis sa kanyang paligid—mga berdeng kabundukan at ang malawak na karagatan. Talagang kahanga-hanga ang natural na ganda ng Batanes. Mabilis na kinuha ni Elvis ang kanyang cellphone upang kuhanan ng litrato ang paligid. Para siyang bata na nagsisitakbo habang kumukuha ng video, tuwang-tuwa na animo’y walang pakialam sa mundo. Napapatawa man si Rowan sa naging reaksyon ni Elvis, kahit paano’y nawala sa kanyang isipan ang tungkol kay Hillary. "Mi amor, come here. Let's take a picture together," ani Rowan habang kinukuha rin ang kanyang cellphone. Siya na ang humawak sa cellphone para mag-selfie, dahil maliit lang ang braso ni Elvis, kaya’t hindi masyadong makikita ang tanawin sa likuran. Kaya tama lang na siya ang maghawak. "Ang ganda, babe," manghang sambit ni Elvis habang tinititigan ang litrato na kuha ni Rowan. Na
HINIHINGAL na si Elvis, kaya binuhat na lamang siya ni Rowan hanggang sa makarating sila sa pinakataas na bahagi. Nasa itaas kasi ang main door, may isa pa sa ibaba, pero kailangan pa nilang umikot. Kaya't sa itaas na lang sila dumiretso. Pagkarating nila, ibinaba na rin siya ni Rowan. Doon, mas lalo siyang nakaramdam ng ginaw dahil sa malakas na simoy ng hangin. "Welcome to heaven," nakangiting sabi ni Rowan at ipinakita kay Elvis ang nakakamanghang karagatan ng Iraya. Napasinghap si Elvis at nanlaki ang mga mata habang nakatakip ang kanyang bibig. Hindi niya alam kung ano ang dapat na reaksyon dahil talagang namamangha siya. "Totoo talaga 'to? God! What a wonderful world," naluluhang salita ni Elvis. "Tears of joy ba?" bulong ni Rowan at niyakap siya patalikod. "I am so glad na dinala kita dito. Masosolo na naman kita," dagdag pa nito. "Baka nakakalimutin mo na masakit pa ang katawan ko? "Ops. I almost forgot, sorry about that. Hindi ata ako makaka-score ngayon ah. Hays.
"Yes. But Dad has already retired. Kami na ni Romanoff ang namumuno, and yes, we do illegal things like Dad," Romano said proudly. "Alam namin na ayaw mo na maging parte rin kami ng organisasyon, Ate. Pero ang kalaban ay hindi pa nagbabayad sa kanilang utang." Dagdag pang salita ni Romano. Hindi maiwasan ni Elvira na makaramdam ng pagkadismaya. Nang mawala ang kanilang ina dahil sa ambush ng kanilang mga kalaban, nagbago ang kanilang ama. Naging mahigpit ito at mas nakakatakot. Sa kanilang tatlong magkakapatid, si Elvira lamang ang hindi sumali sa organisasyon, dahil ayaw rin ng kanilang ina. Siya rin ang nag-iisang anak na babae. "Actually, matagal na namin gustong makipag-usap sa'yo. Pero parang ayaw mo talagang bumalik. We are happy for your success, Ate El. Nakikita namin lahat ng sakripisyo mo bilang isang magaling na designer," sabi ni Romano. Tahimik lang na nakinig si Elvira sa sinasabi ng kanyang kapatid. Totoo, matagumpay siya, at maraming proyekto ang naghihintay sa
NANG makabalik na si Elvis sa loob ng mansyon ay busy na sa kani-kanilang mga trabaho ang mga kasamahan niya. May pa-welcome party kasing gaganapin mamayang gabi. Hindi pa rin maiwasan ni Elvis na mainis sa tuwing maalala niya na may pa welcome party na magaganap mamayang gabi. Ngunit hindi rin mawala sa labi niya ang ngiti dahil mamayang gabi na niya gawin ang kanyang plano. Tutulong na sana siya kay Ate Susi sa ginagawa nito ng biglang sumulpot si Manang Lusy ang Head Maid, mula sa kung saan. “Melody, ihatid mo ‘tong coffee sa kwarto ng mag-asawa. Marunong ka ba mag-dala ng tray?" ani Manang Lusy na parang may pagdududa pa sa kanyang kakayahan. Lumaki man sa maranyang buhay si Elvis,ngunit alam naman niya ang mga gawaing bahay, lalo na nung bumukod na sila ni Rowan. “Yakang-yaka…” masigla at puno ng buhay naman na tugon ni Elvis. Nagsalubong naman ang kilay ng matanda, at natawa naman si Ate Susi na patuloy pa rin sa ginagawa. “Yakang-yaka?" "Kayang-kaya po, Manang,” pab
THIRD PERSON POV MATAPOS maglinis ng kwarto ay palihim na bumalik sa quarter si Elvis. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone at may esenend na mensahe kay Elvira. Gusto pa sana niyang tawagan ang kanyang Mommy, pero limitado lang ang oras niya dahil tutulong pa siya sa pag-aayos. Kailangan na nilang matapos ang gawain dahil dadating na sina Hillary at Rowan. “Melody, dito ka tumayo. Sabay natin batiin ang mag-asawa, okay?" Sabi ni Ate Susi. "Opo, Ate…” tugon niya rito. Ilang sandali pa ay umayos na nang tayo ang mga kasamahan niya kaya umayos na rin siya ng tayo. Bigla naman siyang kinabahan at naging mabigat at malalim ang kanyang hininga. 'Finally, makikita ko na ang asawa ko. Miss na miss ko na si Rowan." sa isipan ni Elvis. Para naman siyang maiiyak sa sobrang saya. Pero pinipigilan lang niya ang sarili baka paghinalaan siya at masira ang kanyang plano. “WELCOME BACK MR AND MRS. WALTER!" Sabay-sabay na salita nilang lahat, maliban kay Elvis na hindi nakasab
ELVIS PAGPASOK ko sa kwarto ni Franco ay sumalubong agad sa akin ang usok ng sigarilyo, at matapang na amoy ng alak. Agad akong napangiwi dahil sumakit bigla ang ulo ko dahil sa amoy. Bago tuluyan pumasok ay huminga muna ako ng malalim at tumuloy na. Sabi ni Manang Lusy ay wala raw si sir Franco ngayon dahil hindi raw umuwi kagabi, pero sino naman ang may kagagawan ng mga ‘to? Lahat ay nagkalat sa loob. Mga damit ng lalaki at babae? “Why are there women's clothes?" Nagtatakang tanong ko habang isa-isang pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig. Habang patuloy ako sa aking ginagawa ay biglang sumagi sa aking isipan ang isang bagay. Bigla akong napatayo ng tuwid at tiningnan ang bawat sulok ng sala sa kwarto ni Franco. Malaki rin ang kwarto ng lalaki na ‘yon. At ano ang sabi ni Manang na hindi ‘to umuwi kagabi? Nagkalat nga damit pambabae sa sahig. May milagrong ginagawa talaga ang lalaking ‘yon sa kwarto n’ya. “Ang wild naman ni Franco, pinunit ang panty?" Natatawa ako big
ELVIS NASA HAPAG-KAINAN na kaming lahat. Sabay-sabay kaming mag-umahan dahil mukhang magiging busy raw ang araw na ‘to. Wala pa naman sinabi si Manang Lucy kung ano ang aking gagawin, lalo na sa aming mga baguhan pa. May kasama akong baguhan rin, apat sila pero hindi ko pa sila nakakausap simula ng dumating kami kahapon. Dahil mas nauna ako dumating kaysa sa kanila. Nagsimula na akong kumain, pero biglang sumakit ang mga suso ko dahil nakalimutan ko palang mag-breast pump kanina. Kakausapin ko lang si Manang mamaya kung pwede ba akong mag punta ng pamilya upang kunin ang gatas para sa kambal. Pero syempre kausapin ko lang siya tungkol sa pagiging single mom ko.“Melody, magtanong ko lang, Iha. Ang laki ng suso mo at mukha ng paputok na. Nagpapadede ka pa ba, Iha?" Napahinto ako sa pagsubok dahil sa biglang tanong ni Ate Susi at tiningnan talaga ako ng maigi. Nasa akin naman ang atensyon ng mga kasamahan ko. HIlaw naman akong napangiti at biglang bingo ang ekspresyon para magmukhan
ELVIS UNANG gabi ko pa lang dito sa mansion ay para na akong sinasakal ng kalungkutan. Miss na miss ko na talaga ang kambal, at unang gabi na hindi ko sila kasama matulog. Ako lang mag-isa dito sa kwarto ko, sabi ni Head Maid na may kanya-kanyang kwarto raw lahat ng mga nagtatrabaho sa pamilya na ‘to. Ang sosyal naman talaga. Wala rin sa loob ng mansion ang silid ng mga maid, chefs, guards, at iba pa na nagtatrabaho sa pamilya Smith. May sariling quarters ang mga taong kagaya ko, kaya mas lalong nakakalungkot dahil wala kang makausap at kasama. Tanging hininga ko lang ang maririnig ko dito sa loob ng kwarto dahil sobrang tahimik na nang paligid. Nakapatay na rin ang mga ilaw sa labas. Lahat ng ilaw dito malapit sa quarters ng mga maid. Parang may sariling bahay lang din kami. I met a few of the workers and they were nice and approached me, akala ko’y mahihirapan akong mag-adjust but I think I am getting along with them na rin. Feeling ko rin ay matagal na sila sa pamilya Smith
“Are you sure about this, anak? Paano kung mapanahamak ka sa gagawin mo, ha?" Nag-aalala na salita ni Elvira habang pabalik-balik sa kanyang nilalakaran. “Mom, I am desperate to help them find Rowan. I can’t just stand here waiting for him to come home. Mom, masakit po ang desisyon kong ‘to dahil maiiwan ko ang mga bata. But, I will make sure na maging maayos ako doon. Susubukan ko po kung matatanggap ba ako sa mga Smith." Agad naman na paliwanag ni Elvis. Tutol talaga si Elvira sa gagawin ng Anak dahil natatakot siya sa posibleng mangyari sa kanya sa mansion ng mga Smith. But, Elvis cannot be stop, dahil planado na niya ang lahat, even her disguise. “Nakahanda na lahat ng disguise ko, and with that disguise ay hindi ako makilala ng lahat. Not even you, Mom. Ibang-iba ang disguise ko dito dahil marunong akong mag-bisaya. And I am a funny, talkative, jolly person here. Trust me, Mom. Hindi ko po hahayaan na mapahamak ako habang nasa loob ng impernong lugar na ‘yon." Puno ng tiwala a
ONE MONTH LATER ISANG buwan na ang nakalipas simula nang manganak si Elvis sa kambal. Marami ang nangyari sa loob ng isang buwan. Nahirapan si Elvis na tanggapin na matagumpay si Hillary na makuha ang kanyang asawa. Wala pa rin balita ang pamilya, at ang grupo kung nasaan si Rowan, dahil mailap na ngayon ang pamilya Smith. Hindi na rin umuwi sa kanila o sa bahay si HIllary. Hanggang ngayon ay pilit pa rin ni Elvis na gumalaw at libangin ang sarili sa ibang bagay. Ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang umiyak kapag naalala ang asawa. Nami-miss na niya si Rowan at hinahanap niya ang presensya nito. She also blamed herself, na kung sana hindi niya iniwan si Rowan sa bahay nila ay marahil kasama pa niya ‘to. “Good morning, babies,gutom na ba babies ni Mama?" Malambing at tunog baby na wika ni Elvis na nakangiti ng malapad. Kahit papaano ay naibsan naman ang lungkot na kanyang nararamdaman sa tuwing inaalagaan at tinitigan niya ang mga anak. “Anak, kumain ka na muna bago mo padedein a
NAGMAMADALI na tinungo nina Russ, Kennedy at Lindsay ang hospital kung saan dinala si Elvis. Pagdating nila sa hospital ay nadatnan nila si Elvira at Romanoff na nag-aalala sa anak. Bigla kasing dinugo si Elvis nang malaman nito kung nasaan si Rowan. Nalaman niya dahil sa Daddy Romanoff niya. Kahit paman galit ang Ama ni Elvis ay may mga tauhan pa rin naman ‘tong nakabantay sa bahay ng anak upang maging bantay. Nang makuha si Rowan ng mga tauhan ni Hillary o ng mga Smith ay agad na sinundan ng taong nagbabantay ang sasakyan nila, ngunit nakatakas pa rin at nawala na lang sa paningin nito. Nang tawagan si Romanoff ay nasa bahay ito ni Elvira kaya nalaman ni Elvis at bigla ‘tong nag-react kung ano ang nangyari sa asawa niya. “Kumusta na po si Elvis?" Nag-aalala na tanong ni Lindsay na hinihingal pa.“She's in the delivery room," tugon naman ni Elvira. Labis lang talaga ang pag-aalala nila dahil grabi ang pag-durugo nito. “I hope she’ll be fine and deliver the babies normal," komento
MASAMA ang loob na umuwi si Elvis sa kanyang Mommy Elvira. Umiiyak pa ‘to. Labis naman ang pag-aalala ni Elvira sa anak, hanggang sa makita niya si Russ na mukhang hindi rin maipinta ang mukha sa galit. Kunot-noo naman si Elvira kung bakit galit na galit ‘to. Dahil hindi na nagsalita si Elvis kung ano ang nangyari ay si Russ na lang ang kinausap niya, dahil alam niyang alam ni Russ kung bakit umuwi na umiiyak ang anak niya. “Alam mo na ang sasabihin mo, Russ. Hindi ko na kailangan pang magtanong," direktang wika ni Elvira ng makalapit na siya kay Russ na nakahawak pa sa baywang nito. “Rowan and Hillary almost make love. It’s such good timing that we got home early," he said in his low voice. "That woman really took advantage of Rowan's situation.” "Fuck! Ang kapal talaga ng mukha ng babae na ‘yon. Siya na nga ang sumira sa pamilya ng lalaki na kinababaliwan niya ay gusto pa niyang maging kabit. The nerve of that wench,” galit na salita nito at nakahawak pa sa ulo. “She’s obsesse