“Nagbalik ang dati kong asawa, Tita. Nag-aalala ako para sa kaligtasan ni Elvis. Kaya ko siyang protektahan, pero natatakot ako sa posibilidad na kapag nalaman ni Hillary ang tungkol kay Elvis, baka may gawin siyang masama. Kilala ko si Hillary, Tita—katulad lang siya ng daddy niya,” mahabang paliwanag ni Rowan.He looks frustrated. Halatang nag-aalala rin talaga siya para sa kaligtasan ni Elvis. Napaawang naman ang labi ni Elvira, habang puno ng pagtataka ang kanyang mga mata. Hindi niya inaasahan ang sinabi ni Rowan, lalo na’t wala itong nabanggit tungkol sa kanyang nakaraan.“A-anong ex-wife? Kasal ka pala habang kasama mo ang anak ko?” biglang napasigaw si Elvira sa sinabi ni Rowan. “Akala ko single ka? Rowan, ginawa mo bang kabit ang anak ko?”Parang hinugutan ng hininga si Elvira. Kusang tumulo ang kanyang mga luha dahil sa awa at sakit na nararamdaman para sa anak. Hindi niya inakala na naging kabit na pala ang kanyang anak. Kawawang Elvis, walang kamalay-malay.“Ginawa mong ka
Umalis na rin si Elvira, at si Rowan naman ay umakyat na sa hotel. Pagkarating niya sa kwarto, nadatnan niya si Elvis sa sala, tahimik na nanonood ng TV. Hindi siguro nito namalayan ang pagdating ni Rowan kaya't patuloy lang ito sa pinapanood. "Mi amor," tawag ni Rowan. Huminto si Elvis sa kanyang ginagawa at dahan-dahan na lumingon. "Bakit ka nandito?" inis na usal nito kay Rowan. "Sorry na, please... Bumalik naman ako agad, kasi namimiss kita. Please, sorry na, mi amor, mahal kita," panunuyo ni Rowan. Umupo si Rowan sa tabi ni Elvis at marahan na hinawakan ang kamay nito. Hindi naman siya pinansin ni Elvis at bumusangot lang ang mukha. "Mi amor, gusto mo bang sumama sa akin?" tanong ni Rowan. Nagtataka naman na lumingon si Elvis kay Rowan."Maglalayas ba tayo? Saan naman?" "Batanes. Mag-staycation muna tayo dun ng ilang araw lang," ani Rowan. "May pasok pa ako eh..." "Sina Lindsay na ang bahala, sama ka muna sa akin, okay?" "Kailan tayo aalis?" “Mamaya alas tres
BASCO, BATANES Pagdating nila sa Basco, Batanes, agad bumungad sa kanila ang kahanga-hangang tanawin at preskong simoy ng hangin. Hindi maialis ang mga mata ni Elvis sa kanyang paligid—mga berdeng kabundukan at ang malawak na karagatan. Talagang kahanga-hanga ang natural na ganda ng Batanes. Mabilis na kinuha ni Elvis ang kanyang cellphone upang kuhanan ng litrato ang paligid. Para siyang bata na nagsisitakbo habang kumukuha ng video, tuwang-tuwa na animo’y walang pakialam sa mundo. Napapatawa man si Rowan sa naging reaksyon ni Elvis, kahit paano’y nawala sa kanyang isipan ang tungkol kay Hillary. "Mi amor, come here. Let's take a picture together," ani Rowan habang kinukuha rin ang kanyang cellphone. Siya na ang humawak sa cellphone para mag-selfie, dahil maliit lang ang braso ni Elvis, kaya’t hindi masyadong makikita ang tanawin sa likuran. Kaya tama lang na siya ang maghawak. "Ang ganda, babe," manghang sambit ni Elvis habang tinititigan ang litrato na kuha ni Rowan. Na
HINIHINGAL na si Elvis, kaya binuhat na lamang siya ni Rowan hanggang sa makarating sila sa pinakataas na bahagi. Nasa itaas kasi ang main door, may isa pa sa ibaba, pero kailangan pa nilang umikot. Kaya't sa itaas na lang sila dumiretso. Pagkarating nila, ibinaba na rin siya ni Rowan. Doon, mas lalo siyang nakaramdam ng ginaw dahil sa malakas na simoy ng hangin. "Welcome to heaven," nakangiting sabi ni Rowan at ipinakita kay Elvis ang nakakamanghang karagatan ng Iraya. Napasinghap si Elvis at nanlaki ang mga mata habang nakatakip ang kanyang bibig. Hindi niya alam kung ano ang dapat na reaksyon dahil talagang namamangha siya. "Totoo talaga 'to? God! What a wonderful world," naluluhang salita ni Elvis. "Tears of joy ba?" bulong ni Rowan at niyakap siya patalikod. "I am so glad na dinala kita dito. Masosolo na naman kita," dagdag pa nito. "Baka nakakalimutin mo na masakit pa ang katawan ko? "Ops. I almost forgot, sorry about that. Hindi ata ako makaka-score ngayon ah. Hays.
"Yes. But Dad has already retired. Kami na ni Romanoff ang namumuno, and yes, we do illegal things like Dad," Romano said proudly. "Alam namin na ayaw mo na maging parte rin kami ng organisasyon, Ate. Pero ang kalaban ay hindi pa nagbabayad sa kanilang utang." Dagdag pang salita ni Romano. Hindi maiwasan ni Elvira na makaramdam ng pagkadismaya. Nang mawala ang kanilang ina dahil sa ambush ng kanilang mga kalaban, nagbago ang kanilang ama. Naging mahigpit ito at mas nakakatakot. Sa kanilang tatlong magkakapatid, si Elvira lamang ang hindi sumali sa organisasyon, dahil ayaw rin ng kanilang ina. Siya rin ang nag-iisang anak na babae. "Actually, matagal na namin gustong makipag-usap sa'yo. Pero parang ayaw mo talagang bumalik. We are happy for your success, Ate El. Nakikita namin lahat ng sakripisyo mo bilang isang magaling na designer," sabi ni Romano. Tahimik lang na nakinig si Elvira sa sinasabi ng kanyang kapatid. Totoo, matagumpay siya, at maraming proyekto ang naghihintay sa
BATANES "Maganda ba?" biglang sabi ni Rowan habang may dalang pagkain. "You scared me, babe," ani Elvis na napahawak sa kanyang dibdib. "My bad. Are you hungry na? I don’t know if you like this, but I hope you will, mi amor," wika ni Rowan habang nilalagyan niya ng pagkain ang plato ni Elvis. "Hindi naman ako mapili e. Kinakain ko naman lahat except sa seafood hehe... Salamat, Babe." "I am happy to know, mi amor. Sige na, kain ka muna para makapagpahinga ka na rin." "Samahan mo ako, Babe." Nagsimula na ring kumain ang dalawa. Pinili nilang kumain sa labas dahil mas nakagagaan ng pakiramdam ang tanawin. Madilim na ang paligid, ngunit napakamahiwaga ng gabi. Ang kalangitan ay nababalot ng ningning ng mga bituin. Parang bata si Elvis kung kumain; sa bawat pagsubo, laging may reaksyon sa kanyang mukha na nagpapakita kung gaano siya nasasarapan sa pagkaing inihain ni Rowan. "Based on your reaction, mukhang nagustuhan mo talaga ang niluto ko. I’m glad you liked it, mi amor."
“Who's Hillary?" muling tanong ni Elvis. Nakasuot na ito ng bathrobe, at mapungay pa rin ang mga mata. Bigla namang kinabahan si Rowan. Nag-clear siya ng throat bago magsalita. Huminga muna ito nang malalim bago ipinagpatuloy ang paghahanap ng maisusuot ni Elvis. "Just a colleague," tugon ni Rowan. "Finally found clothes for you, mi amor,” aniya upang ilihis ang tanong ni Elvis ukol kay Hillary. Lumapit ito kay Elvis sa kama at inilapag sa gilid ang ternong damit. "Muntik na akong malunod, nakatulog ako. Kaya nabasa ang buhok ko, ayun, nag-shower na lang ako. Mabuti na lang may hot water pa rin sa shower,” nakangiting wika nito habang nakapikit. "Nalunod ka na nga sa bath tub, nakangiti ka pa ah." Kunot-noo salita ni Rowan. "Natatawa lang kasi bigla akong nabuhayan ng dugo. Nanaginip kasi ako na nilunod daw ako ng isang babae," pagkwento niya. Napalingon naman si Rowan. "Let me get the blower first para makatulog ka na. Huwag mo na isipin ang wierdong panaginip na 'yan,”
Mahigpit na yakap na lamang ang ginawa ni Elvis dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Wala naman siyang balak na awayin si Rowan dahil gusto lang niyang malaman ang katotohanan habang maaga pa. Ngunit alam niyang hindi pa lahat ay sinasabi ni Rowan. "Wala ka na bang nararamdaman para sa kanya?" wika ni Elvis at humiwalay sa yakap. Tinitigan lang siya si Rowan at marahan na hinaplos ang kanyang pisngi. His looks is sincere at puno ng pagmamahal. But, there's still a part of her that she don't want to be complacent. "Yes, mi amor. Matagal na siyang wala sa puso ko, nang dumating ka ay binigyan mo ulit ako ng pagmamahal na matagal ko ng hindi naramdaman. Mahal kita at ikaw lang," sinserong tugon ni Rowan habang paulit-ulit na hinahalikan ang kanyang noo. "Nagulat lang ako sa biglang pagbalik niya, at akala niya siguro ay hindi magbabago ang pakiramdam ko sa kanya." Nakikinig na lamang si Elvis kahit marami pa siyang katanungan. Lalo siyang naging curious kung sino ng
⚠️ TRIGGER WARNING ⚠️ WALANG pag-dalawang isip na pinutok ni Hillary ang baril sa isa niyang tauhan. Galit na galit ito dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nakuhang matinong balita kung nasaan si Rowan. Baliw na baliw na ito kakaisip kung nasaan na ba ang kanyang dating asawa. Nagsisigaw, nagwawala, pinapaputok ang baril sa itaas, at sa kung saan. Walang pakialam kung may natamaan man o wala. "Mga inutil!! Walang mga silbi!" galit niyang sigaw sa mga tauhan na nakahandusay na sa sahig na wala ng mga buhay. "Ang simple lang ng inuutos ko, hindi niyo pa magawa?? Anong silbi niyo? Kaya nararapat lang na mawala kayo mga walang silbi!!!" "Ma'am, lahat po ng sinasabi niyo sa amin ay sinunod po namin. Kaso wala po talagang Sir Rowan sa lugar na pinuntahan namin. Lahat sila ay sinasabi na hindi umuuwi ang amo nila sa bahay." Paliwanag ng isang tauhan, ngunit hindi pa rin iyon pinalagpas ni Hillary at pinaputukan ang kabilang paa nito."Walang silbi! Magmanman kayo sa mansyon niya.
HINDI agad mag-proseso sa utak ni Elvis ang narinig mula sa kanyang Mommy. She was stun, confused, but suddenly remember what his Tito Romano said, earlier. He even intentionally mentioned — DADDY, ay dahil may pinapahiwatig pala ito sa kanya. May pag-aalala naman sa mukha ni Elvira. Wala pa naman talagang balak na amini n ng magkapatid ang tungkol sa bagay na ito hanggang sa matapos ang kasal. Pero parang panahon na rin para malaman ni Elvis ng katotohanan. Mas maganda nga na ito ang maghatid sa kanya sa altar sa araw ng kasal niya. Ngunit may pag-aalala para kay Elvira. 'Tito Romanoff is my real father?' Sa isipan ni Elvis. "Anak, alam kong nagtataka ka kung bakit magkasama kami ng Daddy mo. But, believe me hindi ko rin alam na siya ang ama mo. I just found out, two days ago." Agad na paliwanag ni Elvira. 'So, what about my dad? Alam ba nito na may anak siya?" sa isipan ulit ni Elvis. "Then, kilala ni Dad si Mommy?" tumango si Elvira. "Uhm. Nalaman lang ng daddy mo na ma
Nang magising na lahat ng tao sa bahay ay naghanda na rin si Elvis upang lumabas. Kanina pa kasi talaga n'yang gustong lumabas kaso pinipigilan siya ni Rowan dahil medyo maginaw pa sa labas. She's also excited to see her mom to the other side of the room, dahil dalawang araw din niya itong hindi nakita at nakasama. Aside from telling her mom about her wedding, she also gets excited to know more about her Tito Romanoff, who she just met earlier. And on her way to Elvira's room ay nakasalubong niya ang isang lalaki na kamukha ng Tito Romanoff niya. And she assumed na si Romanoff ito kaya walang pag-dalawang isip na binati niya ito. Malaki ang ngiti sa kanyang mukha at sobrang saya niya talaga na nakita niya ulit ang Tito niya. Sobrang gaan talaga ng loob niya rito. Ngunit biglang nawala ang ngiti sa labi niya ng may lumabas na lalaki sa isang kwarto at kamukha ito ng lalaking nasa harapan niya. "Elvis, Iha?" sambit ni Romanoff at nilapitan si Elvis. Palipat-lipat ang tingin ni Elvis
PAGBALIK ni Elvis sa kanyang kwarto ay dahan-dahan siyang umupo sa kama habang dinadama pa rin ang sayang kanyang nadarama. Hindi niya man alam kung ano ang dahilan ng saya sa kanyang puso, marahil dahil iyon sa lalaking nakausap niya na nag-ngangalang Romanoff. Na kapatid pala ng kanyang Mommy Elvira. Kaya siguro magaan ang loob niya ay dahil kapatid pala ito ng kanyang Ina. Na unang beses pa lang niyang makilala, dahil hindi naman niya nakilala ang pamilya ng mommy Elvira niya. Simula pa noon. Gustuhin man n magtanong ni Elvis kaso hindi niya magawa dahil palaging busy sa trabaho ang mga magulang at hindi pa siya kinakausap ng mga ito. "Bakit ang saya ng puso ko? I know that it's confusing sa akin kanina ang mga sinasabi niya, pero bakit iba ang dala nito sa puso ko?" Puno ng katanungan ang isipan niya habang marahan na hinaplos ang dibdib niya, pinakiramdaman ang tibok nito. "Masaya lang talaga siguro ako kaya magaan ang loob ko kay Tito Romanoff. Kakausapin ko talaga si Mommy
PUNO ng pagtataka ang makikita sa mukha ni Elvis. Hindi niya kilala ang taong nasa harapan niya, but somehow she felt something inside her that she wants to know him. Her heart thumped so fast, like it was going to burst out of her chest. Even mentioning a name that she hasn't heard all her life. “Po? Ahm…,” she was hesitant to mention the name, so she just cleared her throat before she spoke again. "Who's Viviana? I haven't heard that name po kasi,” ani Elvis and fakely smile. “Someone's important to me. To is?” He said , feels nervous. "Sadly you haven't had the chance to see her. But, she's the most amazing and understanding person I have ever met." Walang ideya si Elvis sa kung ano at sino ang sinasabi ni Romanoff ngunit nanatili lang siya upang makinig rito. ‘Ang agang-aga, nakakarinig ako ng drama. Well, it's not a drama, but a confession to the person. This is actually confusing, at ano ba ang ibig-sabihin sa mga sinasabi niya?’ sa isipan ni Elvis na puno ng pagtataka.
NASA kalagitnaan pa ng mahambing na tulog si Elvis ng bigla na lang bumaligtad ang kanyang sikmura at napatakbo sa cr. Naduduwal ito. Napansin naman agad ni Rowan ang mabilis na pagtakbo ni Elvis patungong cr,kaya sumunod siya agad rito. Nadatnan niya si Elvis na naduduwal pa rin kaya nag-aalala siya at hinagod-hagod ang likuran nito. Iniwan na muna niya saglit si Elvis upang kumuha ng maligamgam na tubig. “Masama ba pakiramdam mo, Mi amor?" Nag-aalala na tanong ni Rowan na nakatayo sa likuran ni Elvis at patuloy na sa paghagod ng likod nito. “Bigla na lang kasing bumaliktad ang sikmura ko e. Akala ko panaginip ko lang ‘yun, totoo pala," tugon ni Elvis at nagmomog na. “Here. Water. Maligamgam na tubig yan,” ani Rowan. Tinanggap naman agad ni Elvis ang baso ng maligamgam na tubig at ininom. “Do you wanna see a doctor?" “No, Babe. I'm okay. Maayos naman na pakiramdam ko at wala naman talaga akong naisuka. Sadyang bumaliktad lang talaga simula ko." “Sigurado ka? Baka dahil
Rowan's forehead creased upon hearing it. Pero hindi na siya nagtanong pa baka mali lang siya ng iniisip. He clears his throat bago magsalita. Inubos na muna niya ang isang baso ng wine, saka nagsalita. “By the way, where's Tita Elvira? Why is she not here if magkasama naman kayo?" tanong ni Rowan. Sabay naman na nagtinginan ang kambal. Peki naman na napaubo si Romano at inubos ang isang baso ng wine. “She's with your secretary, Russ," tugon ni Romanoff, sabay inom ng wine. “And we have no idea kung nasaan na ang dalawa," he added. “Seriously?" Hindi makapaniwala na salita ni Rowan. “Kanina pa kayo dito?" “30 minutes, already…" tugon ni Romano. “What is this guy doing?" anas ni Rowan at parang Ina na concern sa anak. Kinuha ni Rowan ang kanyang selpon at tinawagan si Russ. Mabilis naman itong sumagot. Bumungad naman kay Rowan ang maingay na simoy ng hangin at ang bawat paghampas ng tubig dagat sa dalampasigan. “Where did you take, Tita? She's supposed to be resting
MATAPOS paliguan, damitan, at ayusan ni Rowan si Elvis ay iniwan na muna niya itong natutulog na sa kama. Masyado kasi silang mapusok at aktibo sa ganoon na aktibidad kaya napagod na at nakatulog. Ilang oras din kaya silang nandun sa tabing-dagat, malalim na rin ang gabi ng sila’y nakauwi. Tulog mantika na kasi si Elvis kaya hindi na ito ginising pa ni Rowan, dahil alam niyang magigising ito kapag nakaramdam na ng gutom mamayang madaling araw. Paglabas ni Rowan ay bumungad sa kanya ang dalawang matangkad na lalaki. Maputi ang mga ‘to at pamilyar din ang hitsura ngunit hindi niya maalala kung nakilala na ba niya ang mga ‘to, dahip unang beses pa lang naman niyang na-meet ang dalawa. May kaedaran na rin ang mga ito, ngunit hindi halata sa kanilang postura. Dahil napakagandang lalaki nga naman nila kahit nasa 40s na. Matangkad, matipuno, maputi, at may kulay asul ang mga mata. Gulat man ay hindi ito ipinakita ni Rowan at walang pag-dalawang isip na kinonpronta ang dalawa. ‘Sino b
Dalawang araw na silang nasa Batanes, at mukhang nakalimutan na nila ang buhay sa Manila. They're just enjoying the time, especially for Elvis na unang beses niya lang sa Batanes. Until now, hindi pa rin mag-sink in sa utak niya na nasa Batanes siya. They went to beach together, enjoying the sun, the fresh air. Elvis even tried Kayak kahit takot siya sa tubig. No specific reason why but she's afraid of water. Hindi rin siya marunong lumangoy. Rowan was with her, guiding her para hindi siya matakot. He helped her overcome her fears kahit mangiyak-ngiyak na siya kanina dahil hindi niya mabalance ang pag sagwan. Takot na baka mahulog siya at malunod. But, Rowas reassuring her safety. Kinuha siya ni Rowan mula sa Kayak at yumakap sa kanya. He teach her how to hold her breath, and paddle her foot. He even tried to teach her how to swim, and slowly get it and hindi na natakot. “You learn fast, mi amor," anas ni Rowan ng nasa may batuhan na sila. Nasa kabilang parte sila Lindsay, Kenn