SA ISANG pribadong ospital sila nagpunta. Kaagad itong sinalubong ng asawa nang makita silang paparating.
“Kanina pa ako tumatawag sayo. Nag-seizure na naman si Lucas kanina,” wika ng babae na umiiyak.
“Magandang gabi po. Ako nga pala si Luisito. Magkaibigan po kami,” pakilala niya sa kanyang sarili at baka madulas pa ang kasama niya ang matawag siyang boss.
“Magandang gabi rin sayo,” wika sa kanya ng ginang.
“Kumusta na si Lucas?” tanong ng kanyang tauhan sa asawa.
“Sabi ng doctor ay kailangan maalis ang blood clot sa kanyang ulo dahil iyon ang dahilan ng kung bakit siya nagkaka-seizure,” sabat naman ng ginang.
Sumilip siya sa salamin ng ICU. May nakita siyang batang nakaratay sa hospital bed. Walang malay ay nakabenda ang ulo. Sa tingin niya ang kaedaran ng kanilang bunso ang tinawag na Lucas ng mga ito.
“Nakahiram ka ba ng pera?” tanong ng asawa nito.
Tinitigan siya ng kanyang tauhan kaya tumango ito.
“Pinasama po ako ng boss ko upang iabot sa inyo itong pera,” wika niyang inabot ang tatlong bundle ng pera sa babaeng asawa. “Kung kulang daw po ay magsabi lang kayo sa akin,” nakangiti niyang wika.
“Naku, Luisito. Biyaya ka ng itaas. Pakisabi sa boss mo na maraming-maraming salamat,” wika sa kanya ng ginang kaya tumango siyang nakangiti. “Malaking tulong ito sa pagpapaopera ni Lucas.”
“Kausapin mo na muna ang Doctor ni Lucas upang ma-schedule na ang kanyang operasyon,” wika ng kanyang asawa sa babae kaya nagmamadali naman itong umalis.
“Boss pwede niyo po akong patayin kung ‘yan ang gusto ninyo. Ang mahalaga sa akin ay ligtas ang aking anak,” wika sa kanya ng tauhan.
Umupo sia sa upuan na naroon. Nawala ang galit niya dito.
“Hindi na kailangan. Ang kailangan ko lang ngayon sayo ay ang katapatan mo. “What’s your name again?”
“Armando,” sagot nitong nakangiti sa kanya.
“Mang Armando,” wika niyang tumango-tango. “Tao rin naman ako,” dagdag niya pa.
“Ibibigay ko ang buhay ko sa inyo Boss. Pasensiya na po talaga sa nagawa ko at gipit na gipit talaga ako kung kaya po sumubok akong magtrabaho kahit pa napakadeklikado.”
“Kaya mo pa bang magtrabaho? Nakita mo naman kanina ang nangyari. Buwis buhay,” wika niya.
“Ngayon pa ba ako aatras na tinulungan mo ang pamilya ko? Wala ng atrasan ito Boss. Labis talaga ang pasasalamat ko sayo.”
“Don’t mention it.”
May kinuha siya sa kanyang jacket at inabot dito ang dalawang bundle na pera.
“Idagdag mo ito para hindi kayo kapusin. Sana ay gumaling na si Lucas. Kung may kailangan ka pa ay sabihin mo kay Danilo o di kaya sa akin. Uuwi na ako at ibabalik ko pa ang taxi,” wika niyang natatawa.
“Salamat Boss.”
Hinatid pa siya ni Mang Armando sa kanyang taxi.
Hindi niya mapigilang hindi mapangiti. Hindi lang naman si Mang Armando ang kanyang natutulungan kundi marami pang iba. May ampunan din siyang tinutulangan. Ang ibang pera niya ay ibinubuhos niya sa mga nangangailangan.
Biglang bumalik sa kanyang isipan kung paano ba siya napasok sa mundong ito. Kung paano ba siya naging Mafia boss. Isang kaibigan ang sumali sa kanya sa isang illegal na gawain at dahil kailangan niya naman ng pera ay hindi siya tumanggi. Madali niyang natutunan ang pasikot-sikot na kanilang ginagawa. Dadalhin niya lang ang drugs sa kanilang kliyente at instant pera na siya. Nakita niyang malupit ang kanyang amo sa kanilang mga tauhan pero iba ang trato nito sa kanya. Pinagkakatiwalaan siya ng kanyang boss dahil na rin sa kanyang galing sa pakikipaglaban. Minsan niya na rin naipagtanggol ito sa tangkang kamatayan.
“Ikaw ang magbantay sa mga drugs nating paparating dahil magkikita kami ni Mr. Su ngayon. Bagong kliyente natin si Mr. Su kaya personal akong magdadala sa kanya ng mga droga,” wika sa kanya ng boss niya. Isa itong drug lord. Lahat ng mga gawain nito at katransaksiyon ay alam niya na at kung minsan pa ay siya na ang nagdadala ng droga sa mga kliyente nila.
“Walang problema boss,” sagot niya.
Pagkaalis ng kanyang amo ay kaagad siyang tumibre sa mga pulis na may mangyayaring isang malaking deal ng droga at doon ay nahuli ang kanyang amo. Lahat ng mga naiwan nito ay siya ang nagpatuloy. Maging ang kanilang kliyente ay sa kanya na nakikipagtransaksiyon. Simula noon ay lumaki na ang kanyang nasasakupan. Naging isang makapangyarihang mafia sa Pilipinas.
Bigla siyang napapreno ng may babaeng pumara sa kanya. Muntikan niya pa itong masagasaan.
Sexy ang suot nitong damit at mukhang may pinagtataguan. Humihingal din ito.
“Snatcher pa yata ito,” sa loob-loob niya.
Nagbukas siya ng bintana.
“Manong para!” sigaw nito.
Napakunot-noo siya.
Manong talaga? Ang pagkakatanda niya ay Thirty-seven lamang siya. Binata at walang anak.
Mabilis nitong binuksan ang pinto ng kanyang taxi at pumasok.
“Paandarin mo na!” sigaw nito sa kanya.
Maganda sana ang babaeng ito pero mukhang p****k. Napailing siya.
“Bakit?” tanong nitong nakataas ang kilay.
“Wala po,” sagot niya.
Nakamasid lang siya sa rearview mirror. May napansin siya lalaki na lumabas ng club. Palinga-linga ito.
“Miss mukhang ikaw ang hinahanap,” wika niya sa babae. Humiga ito sa likuran upang hindi makita ng panot at matabang lalaki.
“Bilisan mo!” sigaw nito sa kanya. Natatawa na lang siya sa babaeng pasahero.
“Pwede ka ng umupo at malayo na tayo sa lalaking naghahanap sayo,” wika niya sa babae.
Bumangon namna ito at napabuntong-hininga.
“Hoy! ‘yang metro mo ha! Baka parang metro ng tubig ang bilis niyan!” sita nito sa kanya.
“Hindi po ma’am. Makatao po ang metro ko. Pwede naman po na hindi kayo magbayad,” sagot niya.
“Gusto mo ba ako Manong?” tanong sa kanya ng babae. Napangiwi na naman siya sa salitang “manong” Nakasumbrero kasi siya at hindi nito nakikita ang kanyang mukha. Napakaingay ng babaeng ito. Kulang na lang ay tutukan niyang baril ang bibig nito upang matahimik.
“Hindi Miss, isa pa ay wala kang mapapala sa akin. Taxi lamang ang meron ako,” sagot niya.
“Mabuti na ang malinaw Manong at baka mamaya ay rapist ka pala,” wika pa nito sa kanya kaya naubo siya.
Maging ang bibig nito ay walang preno.
“Bakit ka naubo? Totoo siguro ano?” tanong pa nito sabay duro sa kanya.
“Nabigla lang po ako,” sagot niya.
“Huwag mo ng tangkain na gahasain ako at magkamatayan na tayo. Libre himas lang pero siguraduhin mo na may pera ka!” singhal pa nito sa kanya.
“Nag-alok lang naman po ako ng libreng sakay sa inyo.”
“Libreng sakay nga baka mamaya ay ako ang sakyan mo!” wika pa nito.
“Hindi po ako pumapatol sa p****k,” sagot niyang gusto matawa.
“Ako p****k?” bulalas nito sabay hampas sa balikat niya. Napangiwi na lamang siya.
“Hindi ba?” tanong niyang natatawa na.
“Aba Manong ang bastos ng bibig mo!” singhal nito sa kanya. “Kahit pabayaran mo ako ay hindi ko ibibigay ang pagkababae ko sayo!” bulalas pa nitong wika sa kanya. “FYI hindi ako martilyo!”
“Ha?” tanong niya. Hindi niya naintindihan ang sinabi nito. Wala naman siyang sinabi na martilyo ito.
“Anong tunog ng martilyo? Hindi ba p****k?” wika pa nitong nanlalaki ang mga mata kaya natawa siya. Pambihira talaga ang babaeng ito. “Iuwi mo nalang ako Manong at napagod ako ngayon araw.”
“Sabihin niyo lang po kung saan ang bahay ninyo,” sagot niya.
“Natural! Alangan naman bahay mo ang ituro ko!” katwiran pa nitong napahalukipkip.
Lahat na lang yata ng sasabihin nito ay may isasagot ito.
“Saan po ba ang bahay ninyo?” tanong niya upang matapos na ang usapan.
“Novatas.”
“Ano? Ang layo-layo no’n ah!” bulalas niya.
“Hindi ba taxi ka at trabaho mo ito,” sagot pa nito sa kanya.
“Pero pauwi na po ako,” reklamo niya pa. Gagabihin na siya sa daan.
“Huwag kang mag-alala at babayaran naman kita. Ang dami mong reklamo!”
Napakamot na lamang siya sa kanyang ulo dahil sa babaeng ito.
“Nakadiskarte naman ako kahit papano,” wika pa nito. Hindi na lamang siya sumagot. Gustong-gusto niya na itong pababain at iwan sa daan.
Namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa. Curious talaga siya sa babaeng ito. Kung hindi ito pokpo ay ano pala ito?
Sinilip niya ito sa rearview mirror. Nagtatanggal ito ng make up sa mukha kung kaya pala abala ito. Maging ang malalaki nitong hikaw ay inalis na nito sa tenga. Unti-unti niyang nakikita ang natural nitong ganda at hindi niya maiwasang hindi humanga rito. Sa unang pagkakataon ay naramdaman niya ang pagtibok ng kanyang puso sa babae.
“Alam kong nakatitig ka sa akin,” puna nito sa kanya kaya napaderetso siya ng upo. Itinutok niya ang kanyang mga mata sa kalsada.
“Bakit mo ba ginagawa ‘yan? Pwede naman na sa bahay mo na alisin ang mga ‘yan?” hindi niya mapigilang tanong.
Pinandilatan siya nito.
“Huwag ka ngang mangialam! Sabi mo nga kanina ay mukha akong p****k. Isa pa ayokong makita ako ni Tatay sa ganitong ayos. Baka mamaya ay atakihin ‘yon,” napapangiwi nitong sagot sa kanya.
“Hindi niya ba alam ang trabaho mo?” tanong niya pa. Kahit nakairap ito sa kanya ay panay naman ang sagot.
“FYI manong hindi ako p****k!”
“Ano ka?”
“Con artist?” sagot nito sa kanya.
“Manggagantso?” ulit niya sa sinabi nitong salita.
“Pinasosyal ko na nga kung ano pa ang sinasabi mo!” singhal nito sa kanya kaya napailing na lamang siya.
“Paano kapag nalaman sa inyo na isa ka palang con artist?” tanong niya pa.
“Hindi nila malalaman unless sasabihin mo!” irap sa kanya ng babae.
Paano niya naman na sasabihin hindi niya naman kilala ang pamilya nito.
Nabigla pa siya ng maghubad ito.
“Huwag kang maghuhubad dito!” awat niya sa babae. Hindi niya alam kung ipipikit ang mga mata o titingin sa rearview mirror. Sa halip na itigil ang pagtaas ng damit ay itinuloy pa nito lalo upang hubarin, iyon naman pala ay may suot itong tube sa loob short. Lalo niyang nakita ang malaking dibdib nito. Kaakit-akit din ang cleavage nito. Ilang sandali pa ay naglagay ito ng jacket.
“Kapag nagkakuliti ka ay ‘wag mo akong sisisihin,” wika pa nito sa kanya.
“Sinabi ko naman sayo na ‘wag ka rito maghubad,” katwiran niya pa.
“Shit!” hiyaw nito kaya napalingon na naman siya.
“Bakit?”
“Ang bracelet ko. Natabig ko yata,” sagot nitong panay hanap sa loob ng kanyang taxi. Napilitan siyang ihinto sa isang tabi ang sasakyan at binuksan niya ang ilaw. “Bigay pa naman sa akin ‘yon ng boyfriend ko,” wika pa nito.
“Baka naman hindi dito nawala?” tanong niya.
“Hey!” bulyaw na naman nito. Duduruin sana siya nito ng matigilan ito dahil ibinaba niya ang kanyang sombrero. Mukha pa itong nabigla ng mapagmasdan siya. “A-ka-la ko ay matanda ka na?” nakangiwi nitong wika sa kanya. Napansin niya ang kakaibang titig nito.
“Nakita mo na ba?” tanong pa nito sa kanya.
“Hindi pa pero hahanapin ko dito dahil sigurado ako na dito ko ‘yon nawala at hindi mo ako mapipigilan,” wika pa nitong muling naghanap sa ilalim ng upuan. Gusto niya sana itong tulungan pero minabuti niyang manahimik na lang at baka pagbintangan pa siya nito.
Hanggang sa makarating sila ng babae sa bahay ng mga ito ay hindi pa rin nito nahanap ang bracelet.
“May ballpen ka diyan?” tanong nito sa kanya.
“Bakit?”
“Isulat mo ang number ko at baka makita mo ang bracelet ko,” wika pa nito kaya napangiwi siya.
Kumuha siyang ballpen at papel at inabot dito.
“Itext mo ako ha?” wika pa nito sabay bukas ng pinto.
Napailing na lamang siya habang pinagmamadan ang babae palayo. Habang pauwi siya ay walang ibang nasa isip niya kundi ang babae na naging pasahero niya. Ginulo nito bigla ang kanyang isip.
***************************
HUMAHANGOS na pumasok si Lucia sa loob ng bahay. Dederetso sana siya sa kanyang maliit na silid ng makakita ng kanyang kapatid na sumunod sa kanya. Twenty years old na ito. Working student at kumukuha ng kursong nursing.
“Bakit ngayon ka lang?” tanong sa kanya ni Helena.
Ngumiwi siya.
“Si Nanay at Tatay?” tanong niya. Hindi niya pinansin ang tanong nito.
“Nasa ospital. Inoperahan na si bunso,” sagot nito kaya namilog ang kanyang mga mata.
“Naoperahan na? Saan nakakuha ng pera?” bulalas niya sa kapatid. Ang alam niya ay aabutin ng five hundred thousand ang halaga ng operasyon, kaya nga kung ano-anong trabaho na ang kanyang pinapasukan at maging ang manloko ay ginagawa niya na rin magkapera lang at mailigtas man lang ang bunso nila. Naaksidente ito dahil sa motor ng minsang sumakay sa kaibigan. Patay ang kaibigan nito at ito naman ay nag-aagaw buhay dahil nagkaroon ng blood clot sa utak.
“Wala pa akong balita pero good news ito ate dahil sa wakas ang maooperahan na rin si bunso,” wika pa ni Helena sa kanya.
“Oo nga,” sagot niyang nakahinga ng maluwag. “May pagkain ba tayo?” tanong niya.
“Ginisang sitaw.”
“Maliligo lang ako,” sagot niya sa kapatid bago ito iniwan.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Napaupo siya sa kanyang maliit na kama at sunod-sunod na tumulo ang kanyang luha. Ang kanilang bunso ang dahilan kung bakit ang lakas ng loob niyang manloko ng tao. Ang hiling niya lang ngayon ay makaligtas ito at saka na iisipin kung paano sila makakabayad sa taong nagpautang sa kanila.
Pinunasan niya ang luha ng maalala niya ang mukha ng taxi driver kanina. Akala niya ay matanda na ito pero ng makita niya ang maamo at gwapo nitong mukha ay tumigil sa pagtibok ang kanyang puso. Kaya pala sa tuwing nagsasalita ito ay tila may naghahabulang daga sa kanyang dibdib.
Napapailing na napangiti siya.
“Sayang at taxi driver ka lang,” wika niyang napapangiti. Isang kahig isang tuka na nga siya ay magmamahal pa siya ng taxi driver? Never mind. Hindi siya pwedeng magkagusto sa lalaki.
Isa pa ay may nobyo na siya. Isang contractor. Gwapo rin at higit sa lahat ay mapera.
LUISITO'S SMILE IS CONSTANT while he sits on his chair. They used up all their firearms after dealing with them on the black market. They are even better in terms of weapon caliber. He does nothing except observe the people who operate in the black market. Every activity there is illegal.“What can you say boss?” tanong sa kanya ni Danilo. Nakangisi ito at tuwang-tuwa.“Great,” sagot niya.“Sold out lahat ng armas natin at gustong-gusto nila,” pagmamalaki pa nitong wika. Kumuha siya ng sigarilyo sa sinindihan iyon ni Danilo.“Expected ko na iyon. Hindi tayo tatagal sa trabahong ito kung hindi naman dekalidad. Maiba nga pala ako Danilo. Ano ang nangyari kay Mr. Cheng? Nagbigay na ba siya ng pera?” Si Mr. Cheng ay isa lamang sa kanyang hawak. Proteksiyon ang gusto ni Mr. Cheng mula sa kanya. Proteksiyon laban sa kapwa nito sindikato at milyon ang natatanggap niya mula sa negosyante.“Takot lang no’n na alisin mo ang mga tao natin sa tabi niya. Kilala ka niya Boss. Alam niya ang kaya mo
“KUYA!” naririnig niyang sigaw ng kanilang bunso na si Sandro. Twelve years old lamang ito. Papasok palang siya sa maliit nilang gate ay nakaabang na kaagad ang kanyang kapatid. Palibhasa kasi ay ngayon lang naman ang pangako niyang ibibili niya ito ng cellphone. Ginulo niya ang buhok ni Sandro pagbaba niya ng taxi. Ang ngiti nito ay abot langit dahil nakita nito ang bitbit niyang paperbag.“Ang saya natin ah?” tanong niyang nakangiti sa kapatid. Ibang-iba siya kapag pamilya ang kasama niya. Siguro dahil siya ang tumayong ama sa kanyang mga kapatid simula ng maulila sila. Thirty-seven na siya at hanggang ngayon ay wala pa ring asawa.“Makakalimutan ko ba ang araw na ito? Hindi ba ngayon ng pangako mo na ibibili mo ako ng cellphone?” wika pa nito sa kanya.Ngumiti siya sa sinabi ni Sandro. Kahit nga sasakyan ay kayang-kaya niyang ibili sa mga kapatid pero hindi niya magawa dahil lihim ang kanyang pagkatao. Inabot niya ang paperbag sa kamay nito.“Yes! Sa wakas naman ay hindi na ako hih
CHAPTER FIVE HINDI mapigilang hindi matuwa ni Lucia dahil sa wakas ay naoperahan na rin ang kanyang kapatid na si Lucas. Labis labis ang pag-aalala niya sa kapatid simula ng makaaksidente ito. Akala niya nga ay hindi na ito maooperahan pa dahil saang kamay ng Diyos naman nila hahagilapin ang pera na pinapabuo sa kanila ng Doctor. Kung ano-anong panloloko na nga ang ginagawa niya upang makaipon lamang ng pera.Niyakap niya ang mga magulang ng sabihin sa kanila ng Doctor na successful ang operation ni Lucas. Lahat sila ay napaiyak na lamang sa labis na tuwa.“Thanks God hindi ninyo pinababayaan ang anak ko,” usal ng kanyang ina. Tama ang ina, God is Good. Lahat ay nalagpasan nila.Kumalas siya ng yakap sa mga magulang.“Pero sino ang tumulong sa inyo Tay? Hindi biro ang pera na ipinahiram niya. Tiyak na kahit pa magkandakuba-kuba tayo a pagtratrabaho ay hindi natin mababayaran ang pinautang niyang pera,” nag-aalala niyang tanong sa ama.“Ang mahalaga ay ligtas na sa kapahamakan ang kap
Sunod-sunod na putok ang pinakawalan ni Luisito gamit ang kanyang high caliber revolver. Lahat ng kanyang kalaban ay isa-isang bumagsak sa semento. Lahat ay wala ng buhay. Sinugod nila ang hide out ng mga sindikato upang kunin ang mga high caliber na armas. Para siyang nakikipagsagupaan sa mga bala. Kaliwat-kanan ang hawak niyang baril at kaliwat kanan din ang pagpapakawala niya ng putok.Wala siyang kinatatakutan. Lahat ng kanyang gusto ay kanyang makukuha. Ilang sandali pa ay mga tauhan niya na lamang ang natira.“Kunin lahat ng armas at dahil sa hideout!” sigaw niya.“Boss Falcon paano ang mga pera?” tanong sa kanya ng isang tao.“Tanga ka ba? Pera na iiwan mo pa? Dalhin mo rin!” sigaw niya rito kaya napakamot ito sa ulo.Kahit kailan ay may mga tauhan na tatanga-tanga. Napansin niya ang pera na nakalagay sa limang attache case. Napangisi siya. It looks like he hit the jackpot today. Thanks to his source, who tipped him off that high-caliber weapons were coming. He plans to sell it

SA ISANG pribadong ospital sila nagpunta. Kaagad itong sinalubong ng asawa nang makita silang paparating.“Kanina pa ako tumatawag sayo. Nag-seizure na naman si Lucas kanina,” wika ng babae na umiiyak.“Magandang gabi po. Ako nga pala si Luisito. Magkaibigan po kami,” pakilala niya sa kanyang sarili at baka madulas pa ang kasama niya ang matawag siyang boss.“Magandang gabi rin sayo,” wika sa kanya ng ginang.“Kumusta na si Lucas?” tanong ng kanyang tauhan sa asawa.“Sabi ng doctor ay kailangan maalis ang blood clot sa kanyang ulo dahil iyon ang dahilan ng kung bakit siya nagkaka-seizure,” sabat naman ng ginang.Sumilip siya sa salamin ng ICU. May nakita siyang batang nakaratay sa hospital bed. Walang malay ay nakabenda ang ulo. Sa tingin niya ang kaedaran ng kanilang bunso ang tinawag na Lucas ng mga ito.“Nakahiram ka ba ng pera?” tanong ng asawa nito.Tinitigan siya ng kanyang tauhan kaya tumango ito.“Pinasama po ako ng boss ko upang iabot sa inyo itong pera,” wika niyang inabot a