Share

CHAPTER FOUR

last update Huling Na-update: 2022-11-17 18:23:06

“KUYA!” naririnig niyang sigaw ng kanilang bunso na si Sandro. Twelve years old lamang ito. Papasok palang siya sa maliit nilang gate ay nakaabang na kaagad ang kanyang kapatid. Palibhasa kasi ay ngayon lang naman ang pangako niyang ibibili niya ito ng cellphone. Ginulo niya ang buhok ni Sandro pagbaba niya ng taxi. Ang ngiti nito ay abot langit dahil nakita nito ang bitbit niyang paperbag.

“Ang saya natin ah?” tanong niyang nakangiti sa kapatid. Ibang-iba siya kapag pamilya ang kasama niya. Siguro dahil siya ang tumayong ama sa kanyang mga kapatid simula ng maulila sila. Thirty-seven na siya at hanggang ngayon ay wala pa ring asawa.

“Makakalimutan ko ba ang araw na ito? Hindi ba ngayon ng pangako mo na ibibili mo ako ng cellphone?” wika pa nito sa kanya.

Ngumiti siya sa sinabi ni Sandro. Kahit nga sasakyan ay kayang-kaya niyang ibili sa mga kapatid pero hindi niya magawa dahil lihim ang kanyang pagkatao. Inabot niya ang paperbag sa kamay nito.

“Yes! Sa wakas naman ay hindi na ako hihiram kay Jamie. Ang damot no’n!” wika ni Sandro. “Salamat kuya!” sabay yakap sa kanya ng kapatid. “The best kuya in the wolrd!”

“Bolero dahil may bagong cellphone,” natatawa niyang sagot. Masaya na siyang napapasaya ang mga kapatid.

“Hindi kaya,” nakaingos na sagot nito.

“Nandiyan na ba ang mga si Nanay?” tanong niya.

“Opo at nakapagluto na rin siya.”

“At mga kapatid mo?”

“Si Ate Angela ay nasa trabaho pa at si Ate Vanessa naman ay tulog pa dahil mamaya pa ang pasok no’n,” sagot nito dahil work from home si Vanessa. Magdamagan ang trabaho nito.

“Si Jamie?”

“Ano pa ba ang bago kay Kuya Jamie? Andun na naman sa barkada niya,” sagot ni Sandro sa kanya kaya napailing siya. Palaging sakit ng ulo si Jamie sa kanila. Mahilig kasi sa barkada. Ayon pa sa kanilang ina ay si Jamie ang black sheep sa pamilya pero ang hindi alam ng kanyang ina ay sobra pa siya.

Sabay silang pumasok ni Sandro sa loob ng bahay. Naamoy niya kaagad ang kalderata na niluluto ng ina.

“Linisin mo mamaya ang taxi ha?” wika niya kay Sandro.

“Walang problema kuya,” sagot naman nito.

Lumapit siya sa ina at nagmano niyakap niya pa ito ng mahigpit.

“Kanina pa hindi mapalagay ‘yang kapatid mo. Ang tagal mo raw umuwi. Naiinip na at baka nakalimutan mo raw ang ibibigay mo,” wika sa kanya ng ina.

Umupo siya sa upuan sa may hapag-kainan. Simple lang naman ang kanilang buhay. Masaya at madaling makontento. Napupunan niya ang pangangailangan nila at napag-aral niya ang mga kapatid. Ipinagtimpla siya ng ina ng kape.

“Hindi mo naman kailangan ibili ng cellphone ‘yang kapatid mo. Sa halip na mag-ipon ka para sa sarili mo,” wika sa kanya ng ina. “Hindi pa naman kailangan’yan ni Sandro.”

“Hayaan mo na Nay! Pangako ko ‘yan sa kanya basta pagbutihan niya ang kanyang pag-aaral,” sagot niya sa ina.

“Bakit kasi hindi ka na mag-asawa pa? Isa pa ay may edad ka na Luisito. Hindi ka na bumabata. Kung ang iniisip mo ay ako at ang mga kapatid mo ay ‘wag mo ng isipin pa. Malalaki na ang mga kapatid mo. Aba at napag-iiwanan ka na ng mga kaedaran mo,” sermon pa sa kanya ng ina. Wala na itong ginawa kundi ang ipamukha sa kanya na tumatanda na siya. Napapailing na lamang siya.

“Kalabaw lang po ang tumatanda,” natatawa niyang sagot sa ina.

“Lahat ay dinadaan mo sa biro. Kailangan mong mag-ipon para kapag nagkaroon ka na ng pamilya ay may pera kang gagamitin. Hindi iyong ibibigay mo ang lahat ng luho ng mga kapatid mo,” wika pa ng ina.

“Sayang at may ibibigay pa naman ako sayo,” wika niya rito kaya napatingin sa kanya ang ina. Bigla itong natigilan. Hindi niya mapigilang hindi mnapangiti. “Ibabalik ko na lang siguro ang binili ko at ipunin ko na lang ang pera,” dagdag niya pa.

“Ano ba ‘yon?” tanong nitong biglang humila ng upaan malapit sa kanya. Bigla itong na-curious sa kanyang ibibigay. “Alam mo kasi anak ang sinasabi ko sa’yo ay para naman sayo at hindi para sa akin pero kung ayaw mo talagang mag-asawa ay wala akong magagawa. Ngayon, ano ba ‘yong ibibigay mo sa akin?” tanong nitong natatawa na rin.

“Pinag-iisipan ko kung ibabalik ito,” wika niyang may kinuha sa kanyang jacket. Nasa isang maliit na kahon iyon. Inutos niya pa ‘yon kay Danilo kahapon. Maging ang cellphone ni Sandro ay siya ang bumili.

Napansin niya ang pagningning ng mga mata ng ina. Nagulat pa siya ng agawin nito ang kahon sa kanya. Bumangad dito ang may kakapalang kwentas na ginto.

“Ibabalik ko na lang po o di kaya ay isasangla ko,” wika niyang nakatitig sa ina. Tuwang-tuwa ito sa kwentas habang hinihimas ang kapal non.

“Ano ka ba! Investment ito Luisito. Kapag wala kang pera ay pwede mo itong ibenta,” sagot ng kanyang ina.

“Akala ko ba ay mag-iipon na lang ako?” kunot ang noo niyang tanong.

“Mag-ipon ka nalang ulit. Hindi ba para sa akin naman ito?” tanong pa nito sa kanya kaya napangiti siya. “Syempre ipagmamalaki ko naman ito sa opisina namin,” wika pa nitong tuwang-tuwa.

DSWD ang trabaho ng kanyang ina at dalawang buwan na lang ay magreretiro na ito kaya nagpapagawa na siya ng sari-sari store sa tapat ng kanilang bahay upang may pagkaabalahan ito.

“Nagustuhan mo ba?” tanong niya sa ina.

“Sobrang ganda Luisito,” sagot nitong niyakap pa siya. Hindi niya mapigilang hindi mapangiwi sa kanyang pangalan. “Hindi ba mahal ito?”

“Napag-ipunan ko po ‘yan para mabili,” sagot niya.

“Ang dami mong gastusin anak tapos nagpapatayo ka pa ng tindahan para sa akin.”

“Lahat ay ibibigay ko po sa inyo kaya kahit pa magtrabaho ako buong araw ay walang problema makita ko lamang kayong masaya,” wika pa ng kanyang Nanay Belen.

“Ano ‘yan?” tanong ni Angela na bagong dating. Ito ang sumunod sa kanya.

Napansin niyang kasama nito ang nobyong si Gabby. Lumapit ang mga ito sa kanilang ina at nagmano.

“Magandang gabi po Kuya Luis,” wika sa kanya ni Gabby. Hindi niya ito pinansin. Isa pa ay mainit ang ulo niya sa lalaki. Nahuli niya lang naman itong may ibang kasamang babae.

“Akala ko ba ay hiwalay na kayo?” tanong niya kay Angela.

“Naayos na po namin ang problema kuya,” sabat ni Gabby.

“Hindi ikaw ang tinatanong ko,” naiinis niyang sagot sa nobyo ni Angela.

“Stop it, Kuya Luis. Nag-usap na kami ni Gabby at hindi niya na uulitin ang pagkakamali niya,” wika naman ni Angela. Hindi niya alam kung bulag ba talaga ang kanyang kapatid o sadyang nagtatanga-tangahan.

Tiningnan niya si Gabby. Yumuko ito.

“Patawarin niyo po ako Kuya. Hindi ko na uulitin ang ginawa ko kay Angela,” wika pa nito sa kanya.

“Dapat lang dahil kapag inulit mo pa ay ‘wag kang magpapakita sa akin. Naiintindihan mo ba?” tanong niya kay Gabby.

“Opo,” takot na sagot nito.

“Tama na ‘yan Luisito at kakain na tayo. Dito ka ba kakain Gabby?” tanong ng Nanay Belen niya sa lalaki.

“Hindi siya rito kakain Nay,” sagot niya sa ina sabay titig kay Gabby.

“Sa bahay na lang po. Sinundo ko lang po talaga si Angela sa trabaho,” sagot ni Gabby na natatakot sa kanya. “Angela, mauna na ako,” wika nitong nagmamadaling umalis.

Tiningnan siya ni Angela. “Kuya naman eh, tinatakot mo ang tao.”

“Siraulo ang ganung tao Angela. Ano ‘yon okay lang na pinagsabay kayo?” galit niyang tanong sa kapatid.

“Mahal ko si Gabby, Kuya Luis,” wika ni Angela sa kanya.

Hindi niya magawang sumagot sa sinabi nito dahil para sa kanya hindi pagmamahal ang maging tanga. Ang lokohin ng minamahal.

ANG PLANO ni Luisito ay magpahinga lang sana buong araw dahil sunod-sunod din ang araw ng kanyang paglabas pero dahil sa bracelet na nakita ni Sandro sa kanyang taxi napilitan siyang tawagan ang babaeng kanyang nasakay kagabi. Nakailang tawag na siya pero hindi pa rin nito sinasagot ang kanyang tawag kung kaya nagpasya siyang puntahan ito total ay alam niya naman ang bahay ng babae.

Malapit na siya sa bahay nito ng muli niyang tawagan ang babae at sa wakas ay sinagot din nito. Kagabi pa nagugulo ang kanyang isip dahil sa pag-iisip dito. Natatawa na lamang siya sa tuwing na naiisip ang pagiging madaldal nito. Bumaba siya sa kanyang taxi at hinintay ito. Ilang sandali pa ay nakita niya itong tumatakbo palapit sa kanya hawak ang cellphone sa kamay. Maluwag ang suot na damit at maiksing short. She looks simple and innocent, hindi katulad kagabi na napagkawalan niya itong babaeng nagbibinta ng aliw.

“Nakita mo?” tanong nito sa kanyang namilog ang mga mata. Ang tinutukoy nito ay ang bracelet nito na silver. Mas mahal pa yata ang gasolina sa bracelet nito dahil sa layo ng kanyang biyahe.

Inilabas niya ang sa bracelet nito. Akmang kukunin nito ang bracelet sa kanya pero hindi siya pumayag. Ibinalik niya iyon sa bulsa.

“Ang lagay ay ganun-ganun na lamang?” tanong niya kaya napakunot ang noo nito.

“Ano ba ang gusto mo? Wala akong pera Mister at wala akong pantubos,” nakataas ang kilay na sagot nito sa kanya.

“Baka pwedeng magmeryenda muna tayo?”

“Wala akong pera!”

“My treat,” nakangiti niyang wika.

Itinuro niya ang mamihan sa isang kanto. “Samahan mo akong kumain at hindi pa ako kumakain dahil sa layo nitong inyo,” wika niyang naunang naglakad. Napangiti siya ng maramdaman na sumunod ito sa kanya.

Pumasok siya sa isang mamihan at mabilis na nag-order para sa dalawa.

Sabay silang umupo sa bakanteng upuan.

“Ganyan ka ba talaga magyaya ng date?” tanong nito sa kanya kaya natawa siya. Ang cute-cute nito kapag nakangiti. Tila ito anghel, iyon nga lang ay palaging magkasalubong ang kilay.

“Date ba itong ginagawa natin? Kung date ito ay hindi kita rito dadalhin.”

“Yabang!” irap nito sa kanya.

“Sinasabi ko lang naman sayo kung ano ang totoo.”

“Bakit saan tayo magdi-date? Sa Manila Hotel? Sa mga chinese restaurant at Italian restaurant?” nanlalaki ang mga mata nito habang sinasabi iyon.

“Kung saan mo man gusto,” sagot niyang natatawa. Ang sarap kausap ng babaeng ito. Pakiramdam niya ay may nag-uunahan sa kanyang dibdib habang nakatitig sa maamo nitong mukha.

“Dreamer ka!”

“Ao nga pala si Luisito,” nakangiwi niyang pakilala sa pangalan. “Ang bantot hindi ba?”

“Lucia,” nanlalaki ang matang pakilala nito sa kanya.

“Ang bantot din pala ng pangalan mo,” natatawa niyang sagot.

“Happy?”

“I’m just joking,” wika niya. “Naisip ko lang na bagay ang pangalan natin. Luisito and Lucia,” wika niyang nakangiti.

“In your dreams!” wika nito. Natigilan sila sa pag-uusap ng dumating ang kanilang order.

Habang kumakain ito ay hindi niya maiwasang hindi titigan. Ang mapupula nitong labi na walang pahid ng kahit ano mang lipstick ay tila ba kaysarap sakupin ng halik.

“Baka matunaw ako,” wika nito sa kanya. Pakiramdam niya ay namula ang kanyang mukha. “Gusto mo ba ako Luisito?” tanong sa kanya ng babae.

“Oo,” sagot niyang walang paligoy-ligoy kaya ito naman ang natigilan.

“Kung ganun ay itigil mo na dahil may nobyo na ako.”

“Masama bang magkagusto sa babaeng may boyfriend na?”

“Hindi mo ako kilala,” sagot pa ni Lucia sa kanya habang umiinom ng tubig.

“Bukod sa mandurukot ka at kung ano ka man ay wala akong pakialam. Sa tingin mo ba ay mag-aaksaya ako ng gasolina mapuntahan ka lang?”

“Bilib din naman ako sayo. Pangalawang pagkikita pa lang natin ito ay umaamin ka na kaagad,” napapailing na wika sa kanya ni Lucia.

“Para mapag-isipan mo,” sagot niya.

“Ngayon pa nga lang ay nagrereklamo ka na sa layo ng bahay namin.”

“Kapag minahal mo ako ay araw-araw mo akong makikita,” sagot niya.

“Hey!” singhal nito kaya natatawa siya. Ito lamang ang babaeng nagpapangiti siya sa kanya.

Napapangiti na lamang siya habang sakay sa kanyang taxi pauwi. Dadaan muna siya kay Mang Armando upang alamin ang kalagayan ng anak nito.

**********************

HABANG hinahatid ng tanaw ni Lucia si Luisito ay hindi niya mapigilang hindi mapangiti. Kinikilig siya sa tuwing na napapansin niyang tinitigan siya ni Luisito. Ang ma titig nito ay nagpapahina sa kanyang mga tuhod. Pakiramdam niya ay ang sarap magmahal ng lalaki. Ang gwapo nitong mukha ay tila ba kaysarap pugpugin ng halik. Napapangiti siya sa kawalan kahit pa nasa kalsada siya.

“Ate!” tawag sa kanya ng kapatid. “Kanina pa kita hinahanap.”

“Bakit ba?”

“Tumawag si Nanay. Pumunta ka raw po sa ospital at may aayusin siya,” wika sa kanya ng kapatid.

“Sige magbibihis lang ako.”

Kaugnay na kabanata

  • THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE   CHAPTER FIVE

    CHAPTER FIVE HINDI mapigilang hindi matuwa ni Lucia dahil sa wakas ay naoperahan na rin ang kanyang kapatid na si Lucas. Labis labis ang pag-aalala niya sa kapatid simula ng makaaksidente ito. Akala niya nga ay hindi na ito maooperahan pa dahil saang kamay ng Diyos naman nila hahagilapin ang pera na pinapabuo sa kanila ng Doctor. Kung ano-anong panloloko na nga ang ginagawa niya upang makaipon lamang ng pera.Niyakap niya ang mga magulang ng sabihin sa kanila ng Doctor na successful ang operation ni Lucas. Lahat sila ay napaiyak na lamang sa labis na tuwa.“Thanks God hindi ninyo pinababayaan ang anak ko,” usal ng kanyang ina. Tama ang ina, God is Good. Lahat ay nalagpasan nila.Kumalas siya ng yakap sa mga magulang.“Pero sino ang tumulong sa inyo Tay? Hindi biro ang pera na ipinahiram niya. Tiyak na kahit pa magkandakuba-kuba tayo a pagtratrabaho ay hindi natin mababayaran ang pinautang niyang pera,” nag-aalala niyang tanong sa ama.“Ang mahalaga ay ligtas na sa kapahamakan ang kap

    Huling Na-update : 2022-11-27
  • THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE   CHAPTER ONE

    Sunod-sunod na putok ang pinakawalan ni Luisito gamit ang kanyang high caliber revolver. Lahat ng kanyang kalaban ay isa-isang bumagsak sa semento. Lahat ay wala ng buhay. Sinugod nila ang hide out ng mga sindikato upang kunin ang mga high caliber na armas. Para siyang nakikipagsagupaan sa mga bala. Kaliwat-kanan ang hawak niyang baril at kaliwat kanan din ang pagpapakawala niya ng putok.Wala siyang kinatatakutan. Lahat ng kanyang gusto ay kanyang makukuha. Ilang sandali pa ay mga tauhan niya na lamang ang natira.“Kunin lahat ng armas at dahil sa hideout!” sigaw niya.“Boss Falcon paano ang mga pera?” tanong sa kanya ng isang tao.“Tanga ka ba? Pera na iiwan mo pa? Dalhin mo rin!” sigaw niya rito kaya napakamot ito sa ulo.Kahit kailan ay may mga tauhan na tatanga-tanga. Napansin niya ang pera na nakalagay sa limang attache case. Napangisi siya. It looks like he hit the jackpot today. Thanks to his source, who tipped him off that high-caliber weapons were coming. He plans to sell it

    Huling Na-update : 2022-11-17
  • THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE   CHAPTER TWO

    SA ISANG pribadong ospital sila nagpunta. Kaagad itong sinalubong ng asawa nang makita silang paparating.“Kanina pa ako tumatawag sayo. Nag-seizure na naman si Lucas kanina,” wika ng babae na umiiyak.“Magandang gabi po. Ako nga pala si Luisito. Magkaibigan po kami,” pakilala niya sa kanyang sarili at baka madulas pa ang kasama niya ang matawag siyang boss.“Magandang gabi rin sayo,” wika sa kanya ng ginang.“Kumusta na si Lucas?” tanong ng kanyang tauhan sa asawa.“Sabi ng doctor ay kailangan maalis ang blood clot sa kanyang ulo dahil iyon ang dahilan ng kung bakit siya nagkaka-seizure,” sabat naman ng ginang.Sumilip siya sa salamin ng ICU. May nakita siyang batang nakaratay sa hospital bed. Walang malay ay nakabenda ang ulo. Sa tingin niya ang kaedaran ng kanilang bunso ang tinawag na Lucas ng mga ito.“Nakahiram ka ba ng pera?” tanong ng asawa nito.Tinitigan siya ng kanyang tauhan kaya tumango ito.“Pinasama po ako ng boss ko upang iabot sa inyo itong pera,” wika niyang inabot a

    Huling Na-update : 2022-11-17
  • THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE   CHAPTER THREE

    LUISITO'S SMILE IS CONSTANT while he sits on his chair. They used up all their firearms after dealing with them on the black market. They are even better in terms of weapon caliber. He does nothing except observe the people who operate in the black market. Every activity there is illegal.“What can you say boss?” tanong sa kanya ni Danilo. Nakangisi ito at tuwang-tuwa.“Great,” sagot niya.“Sold out lahat ng armas natin at gustong-gusto nila,” pagmamalaki pa nitong wika. Kumuha siya ng sigarilyo sa sinindihan iyon ni Danilo.“Expected ko na iyon. Hindi tayo tatagal sa trabahong ito kung hindi naman dekalidad. Maiba nga pala ako Danilo. Ano ang nangyari kay Mr. Cheng? Nagbigay na ba siya ng pera?” Si Mr. Cheng ay isa lamang sa kanyang hawak. Proteksiyon ang gusto ni Mr. Cheng mula sa kanya. Proteksiyon laban sa kapwa nito sindikato at milyon ang natatanggap niya mula sa negosyante.“Takot lang no’n na alisin mo ang mga tao natin sa tabi niya. Kilala ka niya Boss. Alam niya ang kaya mo

    Huling Na-update : 2022-11-17

Pinakabagong kabanata

  • THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE   CHAPTER FIVE

    CHAPTER FIVE HINDI mapigilang hindi matuwa ni Lucia dahil sa wakas ay naoperahan na rin ang kanyang kapatid na si Lucas. Labis labis ang pag-aalala niya sa kapatid simula ng makaaksidente ito. Akala niya nga ay hindi na ito maooperahan pa dahil saang kamay ng Diyos naman nila hahagilapin ang pera na pinapabuo sa kanila ng Doctor. Kung ano-anong panloloko na nga ang ginagawa niya upang makaipon lamang ng pera.Niyakap niya ang mga magulang ng sabihin sa kanila ng Doctor na successful ang operation ni Lucas. Lahat sila ay napaiyak na lamang sa labis na tuwa.“Thanks God hindi ninyo pinababayaan ang anak ko,” usal ng kanyang ina. Tama ang ina, God is Good. Lahat ay nalagpasan nila.Kumalas siya ng yakap sa mga magulang.“Pero sino ang tumulong sa inyo Tay? Hindi biro ang pera na ipinahiram niya. Tiyak na kahit pa magkandakuba-kuba tayo a pagtratrabaho ay hindi natin mababayaran ang pinautang niyang pera,” nag-aalala niyang tanong sa ama.“Ang mahalaga ay ligtas na sa kapahamakan ang kap

  • THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE   CHAPTER FOUR

    “KUYA!” naririnig niyang sigaw ng kanilang bunso na si Sandro. Twelve years old lamang ito. Papasok palang siya sa maliit nilang gate ay nakaabang na kaagad ang kanyang kapatid. Palibhasa kasi ay ngayon lang naman ang pangako niyang ibibili niya ito ng cellphone. Ginulo niya ang buhok ni Sandro pagbaba niya ng taxi. Ang ngiti nito ay abot langit dahil nakita nito ang bitbit niyang paperbag.“Ang saya natin ah?” tanong niyang nakangiti sa kapatid. Ibang-iba siya kapag pamilya ang kasama niya. Siguro dahil siya ang tumayong ama sa kanyang mga kapatid simula ng maulila sila. Thirty-seven na siya at hanggang ngayon ay wala pa ring asawa.“Makakalimutan ko ba ang araw na ito? Hindi ba ngayon ng pangako mo na ibibili mo ako ng cellphone?” wika pa nito sa kanya.Ngumiti siya sa sinabi ni Sandro. Kahit nga sasakyan ay kayang-kaya niyang ibili sa mga kapatid pero hindi niya magawa dahil lihim ang kanyang pagkatao. Inabot niya ang paperbag sa kamay nito.“Yes! Sa wakas naman ay hindi na ako hih

  • THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE   CHAPTER THREE

    LUISITO'S SMILE IS CONSTANT while he sits on his chair. They used up all their firearms after dealing with them on the black market. They are even better in terms of weapon caliber. He does nothing except observe the people who operate in the black market. Every activity there is illegal.“What can you say boss?” tanong sa kanya ni Danilo. Nakangisi ito at tuwang-tuwa.“Great,” sagot niya.“Sold out lahat ng armas natin at gustong-gusto nila,” pagmamalaki pa nitong wika. Kumuha siya ng sigarilyo sa sinindihan iyon ni Danilo.“Expected ko na iyon. Hindi tayo tatagal sa trabahong ito kung hindi naman dekalidad. Maiba nga pala ako Danilo. Ano ang nangyari kay Mr. Cheng? Nagbigay na ba siya ng pera?” Si Mr. Cheng ay isa lamang sa kanyang hawak. Proteksiyon ang gusto ni Mr. Cheng mula sa kanya. Proteksiyon laban sa kapwa nito sindikato at milyon ang natatanggap niya mula sa negosyante.“Takot lang no’n na alisin mo ang mga tao natin sa tabi niya. Kilala ka niya Boss. Alam niya ang kaya mo

  • THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE   CHAPTER TWO

    SA ISANG pribadong ospital sila nagpunta. Kaagad itong sinalubong ng asawa nang makita silang paparating.“Kanina pa ako tumatawag sayo. Nag-seizure na naman si Lucas kanina,” wika ng babae na umiiyak.“Magandang gabi po. Ako nga pala si Luisito. Magkaibigan po kami,” pakilala niya sa kanyang sarili at baka madulas pa ang kasama niya ang matawag siyang boss.“Magandang gabi rin sayo,” wika sa kanya ng ginang.“Kumusta na si Lucas?” tanong ng kanyang tauhan sa asawa.“Sabi ng doctor ay kailangan maalis ang blood clot sa kanyang ulo dahil iyon ang dahilan ng kung bakit siya nagkaka-seizure,” sabat naman ng ginang.Sumilip siya sa salamin ng ICU. May nakita siyang batang nakaratay sa hospital bed. Walang malay ay nakabenda ang ulo. Sa tingin niya ang kaedaran ng kanilang bunso ang tinawag na Lucas ng mga ito.“Nakahiram ka ba ng pera?” tanong ng asawa nito.Tinitigan siya ng kanyang tauhan kaya tumango ito.“Pinasama po ako ng boss ko upang iabot sa inyo itong pera,” wika niyang inabot a

  • THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE   CHAPTER ONE

    Sunod-sunod na putok ang pinakawalan ni Luisito gamit ang kanyang high caliber revolver. Lahat ng kanyang kalaban ay isa-isang bumagsak sa semento. Lahat ay wala ng buhay. Sinugod nila ang hide out ng mga sindikato upang kunin ang mga high caliber na armas. Para siyang nakikipagsagupaan sa mga bala. Kaliwat-kanan ang hawak niyang baril at kaliwat kanan din ang pagpapakawala niya ng putok.Wala siyang kinatatakutan. Lahat ng kanyang gusto ay kanyang makukuha. Ilang sandali pa ay mga tauhan niya na lamang ang natira.“Kunin lahat ng armas at dahil sa hideout!” sigaw niya.“Boss Falcon paano ang mga pera?” tanong sa kanya ng isang tao.“Tanga ka ba? Pera na iiwan mo pa? Dalhin mo rin!” sigaw niya rito kaya napakamot ito sa ulo.Kahit kailan ay may mga tauhan na tatanga-tanga. Napansin niya ang pera na nakalagay sa limang attache case. Napangisi siya. It looks like he hit the jackpot today. Thanks to his source, who tipped him off that high-caliber weapons were coming. He plans to sell it

DMCA.com Protection Status