Share

CHAPTER 25

NAKAHINGA nang maluwag si Lalaine nang marinig ang sinabi ng lalaki saka nagmamadaling naglakad papunta sa malaking kahoy na pinto. Nang mabuksan iyon ay kaagad siyang nagsuot ang lumang pares ng tsinelas na naroon at hindi isinuot ang sapatos na nakahanda para sa kanya.

Umangat naman ang gilid ng labi ni Knives habang sinusundan ng tingin ang babaeng papalabas, ngunit agad din niyang ibinalik ang atensyon sa cellphone niyang nakapatong sa center table nang tumunog iyon.

“Mr. Dawson, ang clue para sa Project X ay nawala na. Ayon sa nakuha kong report, ang patay na ang taong iyon, ” pagbabalita ng secretary niyang si Liam sa kabilang linya.

Sumama naman ang mukha ni Knives nang marinig iyon, “Hayaan n'yong manatili ang mga tao roon para ituloy ang paghuhukay.”

“Okay, Mr. Dawson,” sagot ni Liam, “By the way Mr. Dawson, kumikilos na ang Adler Family. Mukhang gusto na namang gumawa ng gulo.”

Knives snorted, “Bantayan mo ang kilos nila.”

“Okay, ako na ang bahala, Mr. Dawson,” sagot naman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status