Share

THE FIFTY-BILLION BRIDE
THE FIFTY-BILLION BRIDE
Author: Midnight_writer

CHAPTER 1

“Eleanor, where are you?” my dad asked me.

Nandito ako ngayon sa opisina at busy sa mga pipirmahan at dumagdag pa ang kapatid ko kanina pa ito text ng text sa akin at hihingi na naman ng pera. Ano ang ibibigay ko sa kanya?

“Dad saan paba ako? Nandito ako sa opisina, I'm super busy right now. I need 50 billion—”

“Kaya nga ako tumawag kasi may kailangan tayong pag-uusapan,”pagputol ni Daddy sa pagsasalita ko.

Napairap na lang ako sa ere, “Later dad, As of now. Kailangan muna ako ng kompanya sa ngayon,” tugon ko at puputulan na sana ang linya ng umangal ito.

“No, we need to talk right now, Eleanor. Importante ang pag-uusapan natin ngayon,” mahinang saad ni Dad.

Bumuntong hininga na lang ako at umupo ng maayos, “What is it?” tanong ko.

“Kenneth offered me a deal - he'll become our company's partner if you marry him,” seryoso na saad ni Dad.

Nalaglag naman ang panga ko at bahagya pang napatayo, “What?! Nahihibang na ba siya? Ikakasal na sila ni Cheska Dad!” pag-react ko. Umusbong na naman ang galit ko sa walanghiyang lalaki na yon, ang kapal ng mukha. “Huwag mong sabihin sa akin na pumayag ka naman?”

Narinig ko naman ang kanyang paghinga ng malalim, “Kaya nga ako tumawag sayo para malaman mo,” sabi pa nito sa akin.

Na relieved naman ako sa kanyang sagot, “He's not the only one option, Dad. Huwag tayong magmadali, makakahanap pa ako ng paraan.” Sabi ko at pinutol na ang tawag.

Napatulala na lamang ako matapos kong ibaba ang tawag, nanghihina na sumandal ako sa swivel chair at pumikit, I really need 50 billion. Dahil kung hindi ako makaipon ng ganyang kalaking pera I will surely lose the DR Motors. Ang sakit lang isipin, sa ilang taong nakatayo ang pinaghirapan ng mama ko, babagsak lang ito dahil sa mga taong walang utang na loob.

Kaagad akong napatingin sa cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa ng tumunog ito, pagkakiha ko ay nakita kong si Trina ang tumawag. Ang matalik kong kaibigan na kakauwi lang mula sa Dubai, “Trin,” pagsagot ko.

“ELeeeee! I missed you, kumusta ka na?” tanong niya sa akin.

Napangiti na lamang ako, mabuti pa itong mga kaibigan ko. Palagi nila akong kinukumusta, “Eto stressed na naman, alam muna man kung ano ang naging sitwasyon ko ngayon.” mahinang sagot ko.

“How much ba kasi? Kagabi pa ako, tanong ng tanong ha! Di ka naman nagsasabi kung magkano,” tunog nagtatampo nitong tanong sa akin.

Kahit gustong gusto kong humingi sa kanila ng tulong ni Gina ay pinipigilan ko ang sarili ko, kapag kasi pagbigyan ko sila. Hindi na sila magpapabayad, nakakahiya naman kung ganun at tsaka alam ko naman na sapat lang sa mga sarili nila ang sweldo nila, wala ng family si Trina habang broken family naman ang mga magulang ni Gina tapos may pinapa-aral itong dalawang kapatid. Kaya hindi pwedeng humingi sa kanila ng tulong kahit alam ko naman na pipilitin nilang tulungan ako. “It's okay, makakahanap rin ako ng solusyon. No worries, Trina.”

“Sigurado ka?” tanong nito sa akin.

Tumango naman kaagad ako na para bang nakikita ako ng kaibigan ko, “Yes,”

“Let's go to a club! I miss hanging out with you and Gina, you know I just came back from Dubai.” wika nito na tunog pagtatampo.

Natawa na lang ako ng mahina, tumingin naman ako sa relo ko at alas singko na pala ng hapon, hindi ko man lang namalayan. “Sure, uwi muna ako ng condo at magpapalit ng damit. Hindi niyo naman siguro gugustuhin na mag office attire akong uupo sa tabi niyo?” natatawa kong saad at tumayo mula sa swivel chair.

“Right, napaka workaholic mo pa rin talaga. Mag walwal ka naman, Eleanor. Bente singko ka na! At hindi mo pa sinundan si Kenneth,” natatawa na saad ni Trina sa akin. “Take note, baka umasa yon na mahal mo pa kaya hindi ka humanap ng pamalit sa kanya.” Dagdag nitong sabi sa akin.

Hindi na ako sumagot pa sa kanyang sinabi sa halip ay nagpaalam na ako na ibaba upang maka-alis na patungo sa condo, na miss ko ring uminom. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huli kong pag-inom, habang pababa ako sa kompanya ay nakasabay ko naman ang sekretarya ko. “Nelmie, cancel all my sched meetings for tomorrow. May importante akong lalakarin bukas,” sabi ko sa sekretarya ko.

Kaagad namang tumango sa akin si Nelmie, “Yes, Ma'am.”

Tumunog ang bell hudyat na nasa groundfloor na ako, tumango muna ako sa sekretarya ko bago lumabas. Bitbit ang pulang handbag ko ay naglalakad ako patungo sa kotse ko at mabilis na pumasok at tinahak ang daan patungo sa condo.

Lumipas ang ilang minuto ay lumabas ako ng kotse, mabagal naman akong pumasok naman sa elevator at pinindot ang tamang floor. Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa harapan ng condo ko. At pagbukas ko naman ay kaagad kong inilapag sa sahig ang bag at walang pakialam na hinubad ang trouser at fashion long sleeve polo ko habang naglalakad patungo sa banyo.

Kasalukuyan akong nagbibihis ako ay tumunog naman ang cellphone ko at nakitang si Gina ang tumawag, kaagad ko itong sinagot, “Gina,” pagsagot ko habang naglagay ng lipstick.

“Gaga, asan ka na? Nandito na kami ni Trina,” saad nito.

Napairap na lang ako sa ere, “Pababa na ako ng condo, hintayin niyo na lang ako.” natatawa kong saad at lumabas na sa condo at dumeretso sa elevator.

Pagdating ko naman sa parking area ay kaagad kong pinaandar ang kotse patungo sa paborito naming bar na magkakaibigan, ilang minuto lang ang lumipas ay pinarada ko ang kotse ko sa parking space ng bar at pumasok sa loob.

Sumalubong naman kaagad sa akin ang usok ng sigarilyo at amoy ng alak, nakakahilo din ang ilaw mula sa dancefloor. Sobrang daming tao ngayon, kaya nahihirapan akong hanapin ang kaibigan ko.

Habang nakikipag siksikan ako sa mga tao ay hindi ko sinasadyang napatingin sa may bandang sulok, isang lalaking prenteng nakaupo habang walang emosyon ang mukha. Tahimik lang itong umiinom habang mariin na nakatitig sa akin o guni-guni ko lang yon.

“Eleeee!” sigaw ni Trina at Gina. Kaagad nawala ang atensyon ko sa lalaki ng hinatak ako ng dalawa, habang hinatak ako ng dalawa ay pilit kong inaninag ang pwesto niya pero wala na siya.

“Guys, did you see that man earlier? The one who was staring at me?” I asked the two of them.

Nagkatinginan naman ang dalawa at sabay na tumaw, “Yes Gurl! Halos lahat ng lalaki ay nakatingin sayo, what a gorgeous woman pero walang jowabels.” Saad ni Trina sabay tawa.

Nagtatawanan kaming tatlo habang umiinom, pinag-uusapan ang mga nakakatawang nakaraan, “Girls! Dancefloor?” tanong ko habang nakangisi ng nakakaloko.

“Gameeeee!” halos sabay na sagot ng dalawa at kaagad na naglakad patungo sa dancefloor.

Habang ako ay paika-ika na naglakad dahil sa kalasingan, halos hindi ko na makita ang tamang daan dahil nahihilo ako sa ilaw. Hindi naman kaagad ako nakailag sa isang babaeng wild na sumayaw at alam ko sa sarili ko na hindi ako makabawi, napapikit na lang ako habang hinintay ang pagbagsak ng katawan sa sahig. Subalit ilang minuto ang lumipas ng hindi ako nasaktan sa halip ay init ng hininga ang naramdaman kong dumadampi sa mukha ko.

Dahan dahan kong binuka ang mata at doon naaninag ang isang lalaki, ang lalaking nakatingin sa akin kanina. “Y-you—”

“You, okay?” baritonong tanong nito. Pero hindi ko na marinig ng mabuti dahil sa lakas ng music at dahil na rin sa kalasingan ko.

Napatitig ako sa kanyang labi, parang ang sarap nitong halikan. Dagdagan pa na marahang kinagat ng lalaki ang sariling labi. I don't know what happened to me. Pero namalayan ko na lang ang sarili ko na kahalikan ko na ang lalaki.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status