Share

CHAPTER 7

ELEANOR POV:

Tatlong araw na lang at babalik si Mr. Eduardo. Isang linggo lang ang palugit niya sa akin, at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng 150 thousand. Sobrang sakit ng ulo ko sa mga nangyayari.

Dinampot ko ang dumpling bag ko at lumabas ng condo. Apat na araw na rin akong pabalik-balik sa kompanya ni Mr. Volkovitch, at sa apat na araw na iyon, wala akong nakitang kahit isang anino. Hindi ko mahagilap ang sekretarya, at kapag nagtatanong ako sa lobby, iisa lang ang sagot nila: Nasa ibang bansa ang kanilang amo at hindi nila alam kung kailan ang balik.

Habang nakaupo ako sa sofa dito sa lobby, bitbit ko ang laptop ko. Kailangan kong magtrabaho. Hindi ko pwedeng sayangin ang oras ko sa paghihintay sa kanya. Naawa na nga ako kay Nelmie dahil sa palagiang pag-o-overtime sa trabaho. At syempre, ipinagpapasalamat ko rin iyon dahil malaki talaga ang kanyang naitulong.

Habang nagkukulikot ako sa laptop ay namataan ko ang secretary ni Mr. Volkovitch, kaya kaagad akong tumayo upang sundan ito. Pumunta ito sa ground floor kung saan ang parking lot, doon ko lang na realize na bawat araw na pagpunta ko rito ay nandito lang pala ang taong hinahanap ko at wala lang talaga itong balak na harapin ako.

“Mr. Sebastian,” tawag pansin ko sa lalaki.

Si Seb naman ay kaagad na tumingin sa akin, gulat ang mukha. “M-ms. Del Rosso?” nagtataka nitong tanong. “Ano pong ginagawa niyo rito?”

Kaagad kong tinaasan ng kilay si Seb. “Ang boss mo ay nasa taas? Huwag kang magsinungaling, Seb. Masama ang magsinungaling.”

“Mahigpit pong hinabilin ni Mr. Volkovitch sa akin na huwag magpapasok ng bisita, ma'am. Pasensya na.” magalang na sabi nito sa akin.

Mas lalong tumaas ang kilay ko, “So all this days, nandyan lang siya sa itaas?” tanong ko. “At wala siya sa ibang bansa?”

Nag-aalangan namang tumango ang lalaki. "Pasensya na po, Ms. Del Rosso. Sumusunod lang po ako sa utos ng amo ko," magalang na sagot nito.

Marahan akong tumango, naiintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin. "Pwede ko ba siyang makausap ngayon?" puno ng pag-asa kong tanong.

Umiling si Seb. "Kakaalis lang po niya, sa ibang direksyon po ako pupunta."

Nanghihinang tumango na lang ako at tumalikod na, naiiyak na ako. Ilang araw na lang, babalik ulit si Mr. Eduardo sa opisina para kunin ang pera. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Nawawalan na rin ako ng pag-asa, at lalong ayoko na maikasal kay Kenneth.

DICKRAN POV:

"Kumpirmado ba 'yan? Saan? Anong pangalan niya?" sunod-sunod kong tanong. Limang araw nang pabalik-balik si Del Rosso sa kompanya at naiinis na ako. Kailangan kong mahanap ang babaeng nakatalik ko noong gabing iyon para maipakita kay Del Rosso na hindi na ako available.

"Ang buong pangalan niya ay Eleanor Del Rosso, ang CEO ng DR Motors at Luxury Hotel, VIP Resort." Balita sa akin ng imbestigador ko.

Hindi ako agad nakapagsalita, hindi ako makapaniwala sa kanyang binalita. “Imposible, baka mali ang nahanap niyo," iritado kong sabi.

Hindi pwedeng siya, imposible iyon. Ang babaeng nakatalik ko ay mahinhin ang dating, hindi isang tulad niyang prangka sa lahat ng sinasabi. May birthmark din siya sa likuran ng kanyang tainga.

“Imposibleng mali ang pagkumpirma namin, Mr. Volkovitch. Nakuha namin ang CCTV footage sa kabilang side ng VIP hotel, at siya nga ang nasa video. Nagtatanong din kami sa hotel staff, at nakumpirma nila na siya ang kasama mo.” sagot ng imbestigador.

“May litrato ka ba sa kanya? Gusto kong makita ang birthmark niya sa likod ng tainga kung siya nga ang babaeng hinahanap ko,” sabi ko na puno ng pagdududa. Umupo ulit ako upang ma-relax ang sarili. Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso, kahit wala naman akong sakit.

“Yes, I will send it to you right now, Mr. Volkovitch. May dagdag ebidensya rin kami kung gusto mo,” sabi nito.

Nangunot agad ang noo ko. “Ano naman iyan?”

“May kumakalat na video tungkol sa iyo at sa babae. Don’t worry, ipa-take down na namin ang video bago ka pa mag-utos,” pagkwento ng imbestigador.

“Video? Anong video?” naguguluhan kong tanong.

“Isang video na nakita kayong naghalikan sa loob ng bar at VIP hotel. Meron na din kaming kopya ng CCTV footage sa hallway kung saan kayo naglalakad sa floor na iyon.”

“Send it to me, now!!” galit kong saad at agad na pinutol ang tawag.

Kung siya nga ang babaeng hinahanap ko, ano naman ang gagawin ko sa kanya? Kailangan niya ng tulong ko at gusto niyang pakasalan ko siya. Wala sa bokabularyo ko ang ganyang paraan sa negosyo, kaya imposibleng matutulungan ko siya.

Isang tunog mula sa laptop ko, tunog na hudyat na i-sent na sa akin ng imbestigador ang hinahanap ko. Kaagad akong tumayo mula sa sofa at naglakad patungo sa leather chair kung saan ang mesa ko. Mabilis kong binuksan ang email at tinignan ang laman. Halos nanlumo ako ng makita ang video, ako nga ito at ang babaeng hinahanap ko, siya nga si Del Rosso.

Papatayin ko na sana ang laptop ng biglang dumating ang isang bagong email, galing kay Jarren. Mukhang nakuha na niya ang buong impormasyon tungkol kay Del Rosso. Biglang sumakit ang ulo ko sa mga nangyayari. Kung ganon, pagpunta pa lang ni Del Rosso rito sa opisina ko ay kilala niya na ako? Hindi niya lang inamin na ang babaeng hinahanap ko at siya ay iisa.

Pagbukas ko sa email ay gusto ko nang itapon ang laptop. Lahat ng impormasyon niya ay nandito. Pero hindi ko parin magawang maniwala. Mula bata pa lang ito ay spoiled sa mga magulang pero noong namatay ang sariling ina, biglang naglaho ang dating masigla niyang pagkatao. Napalitan ito ng seryoso at hindi na nakikipaghalubilo sa ibang bata. Kahit ang step-sister ay hindi kasundo. Dagdagan pa na hindi kasundo sa step-mother.

Mabilis kong hinatak ang leather jacket ko at susi ng kotse. Nakasalubong ko pa si Seb, ang sekretarya ko, pero hindi ko na siya pinansin. Dire-diretso akong bumaba. Pagdating ko sa isang sikat na bar, kaagad akong umupo sa high stool at umorder ng black and Daniel na alak. Paglapag ng baso, kaagad kong inabot at ininom ang lahat. Binalik ko ulit sa bartender upang salinan niya ulit.

“Alone?” tanong ng isang babae sa akin na kakadating lang. Nakasuot ito ng revealing na damit pero hindi ko ito pinansin, tinanggap ko ulit ang baso na may lamang alak.

“You're handsome and hot too. Want to spend a night with me? I'll make you happy,” she said, her voice dripping with honey. She reached out and touched my shoulder.

I glared at her. “Get lost,”

Kaagad namang natakot ang babae at dali-daling umalis. Huminga ako ng malalim at umorder ng isang botelya ng alak. Nakukulangan ako sa baso, kung pwede namang isang botelya ang i-order ko.

“Pare, problem?” tanong ni David. Isa sa mga kaibigan ko. Nasa likuran naman si Jarren, nakayuko habang busy sa selpon.

Umiling naman ako sa kanyang tanong, ani ba ang problema ko? Hindi ko alam kung ano.

“Kanina pa iyan sa cellphone nakatingin,” sabi nito at tumingin rin sa likuran kung saan si Jarren. “Sandali, teka nga lang. Ikaw ba ang nagbigay sa kanya ng bagong lupa?” tanong nito sa akin.

Marahan naman akong tumango. Hindi na ba bago sa aming magkakaibigan, ang ganitong pangyayari. Kung sino yung may kailangan dapat magbabayad, lalo na kay Jarren. Mahirap ang gagawin niya kung sino yung gusto mong pa-imbestigahan. Nabibigay niya ng kumpleto, walang bawas, walang kulang, hindi mali-mali ang gawa. “May pinagawa lang ako sa kanya. Hindi naman mahalaga sa akin ang lupa doon sa Cagayan,” balewala kong sabi.

“Wait, did I hear that right? Lupa mo sa Cagayan binigay mo sa lokong iyan? Pare, ilang taon akong naghintay sa lupang yun tapos sa kanya mo lang binigay? Magkano ang inoffer niya sa iyo? Dodoblehin ko,” sunod-sunod na sabi ni David.

Napapailing na lang ako dahil sa kanyang sinabi. Bakit kaya gustong-gusto nila ang mga lupa ko doon sa Cagayan na hindi naman iyon malapit sa city. Mahirap gumawa ng negosyo doon, “Hindi pera ang hinihingi ko sa kanya,” mahinang tugon ko.

“Ha? Ano naman ang hinihingi mo sa kanya? Babae? Weeh?” natatawa na sabi ni David.

“Bro, tumahimik ka. Nag-eemote iyan, baka malaking problema ang dinadala,” makahulugan na sabi ni Jarren, at tumingin pa sa akin.

Napailing na lang ako dahil sa kanyang inasta. Ano naman ang problema ko? Maayos ang negosyo ko, hindi din tumawag si tanda kaya wala akong problema sa ngayon.

Humalakhak naman si David. “Bakit naman iyan mag-emote? Wala nga iyang babae, mag-emote pa kaya?”

“Ms. Del Rosso offered him a marriage—”

“Ano?! Pare, sabihin mong hindi mo tinanggap,” sabi pa nito. “Ako ang magpapakasal sa kanya eh. Sayang lang, di niya ako type,” pagdadrama ni David, at may pahawak-hawak pa sa bandang dibdib.

“Kaya mo bang ibigay ang kailangan niya?” tanong ni Jarren.

Agad rin akong tumingin kay David, nakita ko kung paano nangunot ang kanyang noo. “Ibigay? You mean, may kailangan siya bago ikasal?”

Gusto ko talagang sapakin ang loko to, kahit kailan talaga napaka-slow. “Oo,” ako na ang sumagot. “Gusto mo ba siyang pakasalan?” tanong ko pa.

Mabilis naman na tumango ito. “Oo, sana kung papayag siya.”

Ngumisi naman ako. “Din bigyan mo siya ng 50 bilyon,” saad ko.

“H-ha? 50 bilyon?” nagtataka na tanong ni David.

Muli akong tumango. “Kung may 50 bilyon ka, pwede mo siyang pakasalan kahit bukas na bukas,” sagot ko at nilagok ang alak.

Tumabi naman agad si Jarren sa akin at inakbayan ako. “Kaya kung ano sayo Pre,” sabi niya sabay tingin sa banda ni David. “Ipaubaya mo na lang sa kaibigan natin ang babaeng yon,” dagdag nito at tumingin sa akin ng makahulugan. “Alam mo bang, binigay niya ang lupa niya sa Cagayan de Oro para lang makuha ang buong impormasyon ni Ms.Del Rosso?” pagsalita nito ulit.

“Tsk!” ungot ko at agad na ininom ang alak.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status