Share

CHAPTER 6

DICKRAN POV:

“Nahanap mo na ba ang babaeng hinahanap ko?” tanong ko sa personal kong imbestigador.

Pagkagising ko nang araw na iyon, wala na si EL. Natatandaan ko ang pangalan niya, pero hindi ko na masyadong maalala ang mukha niya. Siguro dahil sa kalasingan ko, hindi ko siya natitigan ng mabuti.

“Mayroon na kaming lead, Mr. Volkovitch. Pero hindi pa namin ma-kumpirma kung ang nakita namin ay ang babaeng hinahanap mo.”

Kaagad nangunot ang noo ko, “What do you mean?” tanong ko. Alam ko naman na lahat ng tao ay may posibilidad na magkamukha, pero that woman is something. Virgin siya ng ginawa namin yon, hindi bago sa akin na makapag one night stand pero ang isipin na virgin pa siya ay hindi ako makapaniwala na binigay lang nito ng basta-basta sa hindi kilalang tao.

“Meron kaming lead, Mr. Volkovitch, isang CEO ng isang malaking kompanya."

Mas lalong nangunot ang noo ko, "CEO? Sigurado ka ba? Baka mali ang nahanap niyo." naninigurado kong tanong.

“That's why we need more evidence, Mr. Volkovitch. Para kapag ibalita namin sa inyo ay tama ang nakuha namin,” magalang nitong sagot sa akin.

Huminga ako ng malalim. "Ipaalam mo sa akin kung may iba pang ebidensya," ani ko.

“Opo, Sir. Tatawagan ko po kayo kaagad.”

“Good.” Huling sagot ko bago naputol ang linya. Napatingin naman agad ako sa pintuan ng opisina ko dahil may kumatok. “Come in!”

Dumungaw si Seb, ang sekretarya ko. "Ano 'yon?" tanong ko.

Mabilis na nag-kamot ng ulo si Seb, "Si Ms. Del Rosso po, nasa lobby na naman.”

Isa pa 'yang babaeng 'yan, ilang araw nang pabalik-balik dito sa kompanya at pinipilit ang walang kwentang alok niya. Hindi ko gusto ang alok niya, lalo na't kasali ang kasal sa usapan. Ayoko ng negosyong nakasalalay sa kasal, ayokong isipin ng ibang tao na lalago ang negosyo ko dahil sa babaeng pakakasalan na may kapalit. "Sabihin mo sa front desk na wala ako rito," saad ko.

"Opo, Sir." Tumango na sagot ni Seb.

Binalik ko ang atensyon ko sa mga papeles na kailangan kong pirmahan. Naalala ko bigla ang kapalit na gusto ni Ms. Del Rosso. Limampung bilyon? Napakalaking halaga. Saan kaya niya gagamitin iyon? Umiling-iling ako para mawala siya sa isip ko, pero kahit anong gawin ko, naaalala ko pa rin siya habang nagbabasa.

Huminga ako ng malalim at tinawagan ang kaibigan kong magaling sa pag-iimbestiga. Pwede naman talagang siya na lang ang maghanap sa babaeng hinahanap ko. Pero alam kong pagtatawanan lang nila ako. Huling komento ko kasi sa love life ng kaibigan namin, naalala pa nila.

Tumawag ako, at sumagot siya pagkatapos ng tatlong ring. “Hello,” sabi ko.

“Uy, ano meron? Napatawag ka?” tanong niya, mukhang kumakain dahil sa kakaibang tono.

I cleared my throat before I spoke. “Can you help me investigate Eleanor Del Rosso? My personal investigator said she's a CEO, and I need her information.”

Narinig kong umubo ang kaibigan ko, sabi ko na nga ba. Lahat na lang big deal sa kanila.

“Teka! Ano?! Del Rosso?! Volkovitch, saang lupalop ka ng planeta nagsusuot? Hindi mo talaga kilala ang babaeng 'yan?” manghang tanong sa akin ng kaibigan kong si Jarren.

Mas lalo tuloy nangunot ang noo ko, “Magpapa imbestiga ba ako sayo, kung kilala ko yan?”

Humalakhak naman si Jarren at mukhang aliw na aliw sa akin, kaya talaga ayokong lumalapit sa kanila lalo na kapag may gusto akong malaman. Pagtawanan ka muna bago gawin ang gusto mo.

"Sorry sorry," medyo natatawa paring saad nito. "Pero talaga bang hindi mo siya kilala? Lahat yata ng negosyante ay kilala yan. Babaeng palaban at may paninindigan sa buhay. Balita ko din, hindi yan gusto ng step mom kaya siguro hindi din kasundo ang mga kapatid.”

Lumalim naman ang gitna ng noo ko, "Kilala mo talaga siya?" nagtataka kong tanong.

“Oo naman, sino ba kasi ang hindi nakakilala sa kanya. Ikaw lang yata siguro, sabihin ko na lang sayo ang mga nalalaman ko.” pagsasalita nito, “Ang ama niya ay ang unang CEO ng DR Motors, noong namatay ang kanyang mama. Nag anunsyo bigla na magpapakasal at yon ay may dalawang anak. Balita ko kasi ay hindi magkasundo noon pa man ang tatlong magkakapatid, lalo na ang step mom mismo ay hindi gusto si Eleanor.”

“Oo naman, sino ba namang hindi nakakakilala sa kanya. Ikaw lang yata siguro. Sabihin ko na lang sa'yo ang mga nalalaman ko," sabi niya. “Ang ama niya ang unang CEO ng DR Motors. Nang namatay ang kanyang ina, bigla na lang nag-anunsyo ang kanyang ama na magpapakasal, at may dalawa itong anak. Balita ko rin kasi na hindi magkasundo ang tatlong magkakapatid, lalo na ang step mom. Hindi niya gusto si Eleanor.”

Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko, pero malaking negosyo ang DR Motors. Narinig ko na ang kompanyang 'yan, pero hindi ko akalain na ang CEO ay isang babae. Kaya noong pumunta siya sa opisina ko para sabihin ang alok, hindi ako naniniwala. Isang CEO siya, pero kung makapag bitaw ng salita at alok ay parang hindi. Wala rin naman akong nabalitaan na may problema ang kompanya nila, kaya hindi ako naniniwala. “You mean, ang step mom at dalawang anak ay hindi kasundo ni Ms. Del Rosso?”

"Yes, yan kasi ang umiikot na chismis. Pero lately, I think may problema sa DR MOTORS. Hindi lang ako sure if totoo kasi sa tagal na nakatayo ng negosyo nila ay wala akong narinig na nagkaproblema ito.”

"Problema? Anong klaseng problema?" tanong ko at naalala ang ka-desperadahan ni Ms. Del Rosso noong pumunta siya rito sa opisina. Pero kahit sobrang laki ng problema ay hindi dapat umabot sa kasal, hindi ko kailangan ng kasal. Kaya imposibleng mapapayag ako.

"Hindi ako sigurado, pero nahuli kong nagkukwentuhan ang sekretarya ko at isang empleyado dito sa kompanya."

"Ano naman ang narinig mo?" tanong ko na parang atat na atat na. Andami kasing pasikot-sikot niya, pwede naman na sabihin ng deretsahan.

“Teka nga lang, bakit ka interesado sa kanya? Type mo ba siya?”

“Sinabi ko na sayo na kailangan ko ang impormasyon niya, bakit ba andami mong tanong? Babayaran naman kita, kaya sabihin muna ang mga nalalaman mo.” sabi ko para matigil na itong kakatanong.

“Hindi ko kailangan ang pera mo, gusto ko lang malaman kung bakit interesado ka sa kanya.” sagot ni Jarren at tunog nagtatampo pa.

Huminga ako ng malalim bago ito sinagot, "Pumunta siya rito tatlong araw na ang nakalipas. Kailangan niya ng 50 Billion, at kung papayag ako sa alok niya, mag merge ang kompanya namin, at magpapakasal kami. Pero hindi ako tanga, hindi ako papayag.”

“Huh? Bakit di ka pumayag? Dude, ang ganda ganda niya at hindi mo tinanggap ang alok niya?” gulat na tanong sa akin ni Jarren.

Ang sarap talaga niyang sapakin, ano naman ang koneksiyon ng ganda niya sa alok niya? Yes, aaminin ko kahit ako ay nagagandahan sa kanya pero hindi yon rason para pumayag ako sa alok niya.

“Malaking halaga ang kailangan niya, Jarren, at ine-expect mong papayag ako ng basta-basta?” sabi ko at marahan na tumayo sa swivel chair. “At isa pa, ang negosyo ko ay airport, paliparan ng eroplano. At ang negosyo niya ay pagawaan ng mga sasakyan o kung anong tatakbo sa lupa. Magkaiba ang mga industriya namin.”

“Kahit na,” ungot nitong sabi sa akin. “Pwede niyo namang pagusapan ang mga posibilidad na pag merged ng negosyo ninyo. Pwede kang babawi sa pera lang, basta pagusapan niyo.”

Napapailing na lang ako dahil sa narinig mula sa kaibigan, hindi ko talaga maintindihan ang iba. Kapag maganda pakiramdam nila ay need na i-grab ang opportunidad, saan ang negosyo dyan? Negosyo ang nakasalalay at hindi ang kagandahan.

“Ikaw na lang kaya ang magbigay sa kanya ng 50 bilyon at ikaw na ang magpakasal sa kanya,” suhestiyon ko sa kaibigan ko dahil parang gusto nitong tanggapin ko ang alok. Kung siya na lang ang tatanggap, di ba?

“Dude, wala akong pera.” natatawang sagot nito.

Sus, kung talagang nasa harapan ko siya, baka kanina ko pa siya nasapak. Nagtanong lang naman ako ng impormasyon, at kung saan-saan na napadpad ang usapan. “Jarren, sabihin mo ang lahat na nalalaman mo tungkol sa kanya. Huwag ng maraming sinasabi,” seryoso kong sabi.

“May lupa ka sa Cagayan?” seryoso nitong tanong.

Napangisi ako ng marinig ang kanyang tanong at ang naging tunog niya, “Yeah, gusto mo?” tanong ko.

“Gusto ko yon, I will sent you the whole information tungkol sa kanya.”

Mas lalo akong napangiti dahil sa tunog niya, mukhang business mode na ang loko. “Sure,”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status