Share

CHAPTER 9

DICKRAN POV:

“Ano?! Gusto siyang pakasalan ng ex-boyfriend niya? Akala ko ba nobyo ‘yon ng kapatid niyang si Cheska?” tanong ko sa imbestigador ko.

Kagabi kasi habang nag-iinuman kami ni Jarren at David sa bar, nasabi ni Jarren ang tungkol sa love life ni Ms. Del Rosso. Ang balita ay third party daw si Cheska sa hiwalayan ng mag-nobyo.

“Opo, Mr. Volkovitch. ‘Yan ang nakuha naming impormasyon,” sagot nito.

Mabilis kong binaba ang tawag at humarap sa pinto. “Seb!” tawag ko sa sekretarya ko.

Agad naman siyang pumasok. “Boss,”

“May numero ka ba ni Ms. Del Rosso? Tawagan mo siya ngayon!” Inis kong sigaw at padabog na umupo. Ayaw na ayaw kong may kaagaw ako sa mga bagay na gusto ko. “Paki-tawagan siya na pumunta dito. Gusto kong makita siya ngayon din!”

Agad namang kinuha ni Seb ang telepono para tawagan si Ms. Del Rosso. “Hello, Ms. Del Rosso. Sabi ni Mr. Volkovitch, kailangan mo raw pumunta dito ngayon.”

Pinapanood kong mabuti ang sekretarya ko. Paano kaya kung bigla niyang baguhin ang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status