Share

Chapter 4

“Magandang araw Mr. Eduardo,” pagbati ko sa matandang nakaupo sa loob ng opisina ko. May maliit na sala kasi ako sa loob para sa mga kliyente ko or bisita.

“Magandang araw Ms. Del Rosso, I'm sorry if I'm here today, but I really need that money.” Walang paligoy-ligoy na saad nito sa akin. “I know, nahihirapan ka ngayon pero nahihirapan din ako, ang mga customer ko ay naghahanap na sa kanilang binili. Ano ang ibibigay ko sa kanila kung palpak ang ginawa niyo?”

Umupo naman ako sa kanyang harapan kung saan ako palaging umupo kapag may kliyente, “We sincerely apologize, Mr. Eduardo, for the delay in your business. We are truly sorry for our mistake. We hope you can understand.”

“Yes, yes, I understand. But you know my situation, nasa gitna ako ngayon, kaya nahihirapan ako. They want a refund, and I don't have enough money to give it to them. You know my business is small, Ms. Del Rosso.”

“Give me atleast one week, Mr. Eduardo. Hindi pa din na inaprubahan ang loan ko,” problemado kong saad. Totoo naman kasi, hindi pa talaga inaprubahan ang loan at kapag kukuha naman ako sa hotel o di kaya'y sa resort ko ay tatagilid ang mangyayari at hindi pa rin sapat yon.

Huminga ng malalim ang matanda bago tumayo, “Fine, I'll give you a chance, Ms. Del Rosso, but you better keep your promise. I'll be back next week and I don't want any excuses,” Mr. Eduardo said.

Umalis na si Mr. Eduardo kaya't nakatulala na lang akong nakatingala sa kisame, I felt sorry for myself. It wasn't my fault, but I was the one struggling. Habang nakatulala ako, my eyes landed on my handbag. I hadn't checked the contents of the man's business card. I quickly reached for it and read his name: Dickran Volkovitch parang narinig ko na ang pangalan na ito pero hindi ako sigurado.

I was about to get my cellphone to search his name, baka meron itong social media o di kaya'y mga balita tungkol rito. Mabilis akong napatingin sa pintuan ng may kumatok, “Come in!” pagsagot ko at nilapag ang business card.

I took a deep breath. No wonder my shareholders were panicking; the problem was huge. If they didn't take their shares, they'd be dragged down with the company. But they wouldn't be able to take all their shares if they were forced out. As I recall, Mom set some rules before the shareholders entered.

“Kilala niyo po si Mr. Volkovitch, ma'am?” Manghang tanong ni Nelmie sa akin. Habang nakatingin sa desk ko kung saan ang business card ng lalaki.

Nangunot naman kaagad ang noo ko, “Huh? You know him, too?”

Dali-daling umupo sa harapan ko si Nelmie at para pa itong nag daydream sa harapan ko, “Sino ba kasing taong hindi nakakilala sa kanya? Lahat na yatang tao dito sa Pinas o kahit sa ibang bansa ay kilala siya, sikat siya dahil sa malaking kompanya niya dito sa Pinas, Ma'am. Gwapo din atsaka yummy din,” kinikilig na sabi ni Nelmie at namumula pa ang dalawang pisngi.

I can't believe the man I slept with last night is that rich and famous. I never heard of him before. “Is he really that famous and well-known?” I asked my secretary, my voice tinged with doubt.

Agaran naman itong tumango-tango, “Yes, Ma'am.”

Napatango na lamang ako at tumahimik, hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman. What if? Tatanggapin niya kaya ang alok ko? Mayaman naman siya atsaka may nangyari sa amin. 50 Million kapalit ng kung ano, pwede din kasal. Naglalarong tanong sa isipan ko.

“Ma'am Eleanor? Ma'am?” pagtawag sa akin ng sekretarya ko.

Umayos naman ako ng upo at tumingin kay Nelmie, “Yes?” nag-aalangan kong tanong.

“Tinatanong ko po, kung bakit may business card ka niya kung di mo pala siya kilala.”

Gulat man ay agad ko itong tinago, “Binigay lang ng ka kilala ko, baka raw magagamit ko.”

Ramdam ko naman ang pagdududa ni Nelmie ay hindi ko iyon pinansin, marahan akong tumingin sa relo at nakitang lunch break na. “It’s already twelve, Nelmie. Mag lunch break ka na at pabili na lang din ako ng lunch ko,”

Para namang nakuha ni Nelmie na ayaw kong ng pag-usapan ang lalaki, kaya kaagad itong tumango at lumabas. Habang naghihintay ako sa pagbalik ng sekretarya ko ay biglang tumunog ang selpon ko. Pagtingin ko ay ang kaibigan ko na si Gina.

“Hi,” pagsagot ko.

“Gaga, saan ka nagsusuot kagabi? Bakit hindi ka namin mahanap? Uy… aminin, may nakabingwit na ba sa atensyon ng kaibigan namin?” natatawa na pagsagot ni Gina.

I rolled my eyes, of course hindi ko sasabihin ang totoo. Ano? Aminin kong may nakatalik ako kagabi? Tapos sasabihin ko na ang nakatalik ko ay ang sikat na negosyante? “Umuwi na ako, No! Sorry, hindi na ako nakapag paalam sa inyong dalawa ni Trina. Hindi ko kasi kayo mahanap,” pagsisinungaling ko.

“Hay naku! Aminin mo na lang kasi na sumama ka sa lalaki,” pamimilit nito.

Umirap na lang ako sa ere, “Ah sige na nga, sabi mo yan eh. Ede, sumama na ako.” tunog napipilitan para matigil na.

“Tse! Gaga ka talaga, mabuti pa si Trina mukhang nadiligan na naman kagabi, may chinito kasing lumapit sa kanya samantalang ako? Sakit lang ng ulo,” natatawa na sabi niya.

Natatawa na lang ako dahil sa ka-dramahan ni Gina, “Bakit ba kasi hindi ka naghanap ng sayo kagabi? Hindi ka sana solo flight,”

“Kung hindi ka umalis kagabi, dalawa tayong lasing lang ang dala. Alam mo hindi talaga ako naniniwala na wala kang ginawang kababalaghan kagabi,”

Tumawa na lang ako upang hindi halata, “Gina naman, anong akala mo sa akin? Takot maubusan ng lalaki?” natatawa kong sabi.

“Hindi naman, ang akin lang baka hindi ka naghanap ng bagong nobyo e, hindi mo pa nakalimutan si Kenneth.” seryoso na sabi ni Gina.

Para akong masuka dahil sa sinabi ng kaibigan ko, “Gina, I'm done with him. Kahit anong gawin niya o kahit ilang ulit siyang mag cheat sa kapatid ko, I don't care. And I already move on,”

Narinig ko naman ang pag buntong hininga ng kaibigan ko, “Oh siya, tama na ang pag-uusap. I need to go to the meeting, ingat ka dyan at kumain kana huwag puro trabaho.”

Natatawa na lang ako dahil sa siningit niyang sermon, “Oo ma, nag pabili na ako sa sekretarya ko,” biro kong sagot.

“Tse!” Huling rinig ko bago naputol ang linya.

Napatingin ulit ako sa business card ng lalaki, kailangan kong subukan. Wala naman sigurong mawawala kung subukan ko di ba? Halatang nag-enjoy rin naman siya kagabi, kaya bakit pa magpakipot?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status