Share

7 - Compromise

Penulis: Redink
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-19 22:32:35

Chapter 7

BINUKSAN ni Jovy ang walk-in cabinet at kinagat ang ibabang labi nang tumama ang mga mata niya sa mga mamahaling gamit sa loob. Kasing-laki ng kuwarto niya ang area na iyon. Laman ang signature dresses na naka-patent mismo sa gumawa, designer bags, footwears, mga alahas at ibang fashion items.

Lahat nang mayroon sa kuwartong iyon ay ginto-ginto ang halaga. Ipinaramdam sa kaniya kung ganoon kayaman ang nagmamay-ari ng mansion. Kahit kurtina at simpleng place mat sa coffee table ay pwede yatang mai-sangla dahil sa nakalululang presyo.

Pumasada ang mga mata niya sa mga bestidang nakahilera sa gawing kanan at nakasabit sa stand. Pumili siya ng dark green dress, kimono style at may flutter sleeves. Hanggang sa ibaba ng tuhod niya ang haba at malambot ang tela. Kinuha niya iyon mula sa hanger at binalingan ang shoes. Dinampot niya sa rack ang puting high heel, lace up knot at hindi ganoon kahaba ang takong, mga 1¹/² inch lang siguro. Binitbit niya ang mga iyon palabas.

Nahinto siya nang makita ang red roses flower bouquet na nasa gitna ng kama. May kasamang stuff toy iyon na  pabilog at color yellow. Para bang kahugis ng itlog ng manok. Nilapag niya sa kama ang kinuhang outfits at dinakot ang stuff toy. Tama nga siya, it is an egglet stuff toy. May mata at tuka tapos maliit na mga binti at paa.

"An egglet, it's cute isn't it? Nakita ko lang sa stuff shop na nadaanan namin ni Celso kanina, naisip kong iuwi sa iyo." Si Rodjak na pumasok galing ng balcony ng kuwartong iyon. "And the flowers of course." Itinuro nito sa mga mata ang bulaklak at nabasa niya ang kislap ng ngiti roon na hindi niya madalas makita sa labi nito.

"Itigil mo na ito. May asawa ako at alam mo ang dahilan kaya pinili kong mag-stay rito. Ginagawa kong hostage ang sarili ko sa tahanan mo kapalit ang kaligtasan ng aking asawa." Nakasimangot niyang lintanya at ibinaba ang stuff toy.

Sinusuyo siya ni Rodjak, alam niya iyon. Gusto nitong maniwala siya kung gaano ito ka-seryoso sa hangarin nito sa kaniya. Pero paano niya makita ang malinis na intention sa likod ng mga ginagawa nito kung sinimulan nito iyon sa maruming plano? Isa pa, bakit hindi nito maintindihang hindi na siya malaya?

Isang linggo na at araw-araw binibigyan siya nito ng flowers, isa sa umaga paggising niya at sa gabi bago siya matulog.

"What made you think I'll harm your husband?"

"Huwag ka nang mag-deny, may binabalak ka sa kaniya!" akusa niyang umiirap. 

"Looks like you have a new main squeeze." Pang-aasar nito. "If someone is putting that into your head then he must be the one who is plotting something bad."

"Ayaw ko ng stuff toy na 'to, ang pangit!" Binalibag niya rito ang laruan.

"Yeah yeah, knowing you...your way or the highway...take it anyway." Mas lalo lang siya nitong tinudyo.

Dinampot niya ang bulaklak at akmang ihahambalos iyon kay Rodjak pero bigla siyang nanghinayang. Ibinigay na lang niya iyon kay Rosela mamaya.

"Seriously, ngayong narito ka na sa akin, wala na akong pakialam pa sa asawa mo. I don't have to kill him, really. I just need five good years and your marriage with him will automatically becomes null and void." Naglakad ito patungong pintuan. "Hihintayin kita sa study room, may pupuntahan tayo," pahayag nitong binuksan ang pinto at lumabas.

Gigil na napahabol ang tingin niya at tumama sa nakapinid na pinto. Ano'ng pinagsasabi nitong five years at mawawalan na ng bisa ang kasal nila ni Kris! Hindi iyon pwede! Delusional na Rodjak!

Pero kahit nabubugnot siya, nagbihis pa rin siya. Nag-ayos sa harap ng dresser na kompleto ang set ng mga pampaganda pero hindi naman lahat ay alam niya kung paano gamitin. Sunblock at foundation lang ang nilagay niya sa mukha, concealer para sa eyebags, manipis na blush on at liptint.

Inamoy niya ang sarili. Parang hindi na kailangan ng perfume, may pabango na yata ang mga damit sa loob ng walk-in cabinet. Lumabas siya ng silid at tinunton ang gawin ng hagdanan. Baka bibisita ulit sila sa museleo ng anak ni Rodjak. Lumabas siya ng kuwarto at tinunton ang pasilyo patungong hagdanan.

Kombinasyon ng black and white ang zip hoodie na suot ng lalaking naghihintay sa kaniy sa study room. Ang buhok nito ay nakatago sa ilalim ng itim na baseball cap at ilang hibla ang nakatakas pababa sa magaspang na hulma ng panga nito.

Tumingin ito sa kaniya. Humagod ang malagkit na titig pababa sa kaniyang katawan at pinatingkad ang pagnanasang sumilip sa ilalim ng lilim ng cap. Nagbigay sa kaniya ng kilabot bawat haplos ng mga mata nito sa kaniya.

"Come here," tawag nitong may kinuha mula sa ibabaw ng desk.

Lumapit siya. Pumihit ito at ibinigay sa kaniya ang naka-sling na ID.

"Ano ito?" tanong niyang nagtataka.

"You will pose as my private secretary when we're outside." Binawi nito ang ID na hawak na sana niya at ito na mismo ang nagsuot niyon sa kaniya. "Celso, ready the car, clear the guys and let's move out!" utos nito sa bodyguard na nakaantabay mula sa labas ng pintuan.

"Handa na ang sasakyan, Sir!" sagot ni Celso.

Dinampot ni Rodjak ang cellphone na nasa desk at dinakma nito ang kamay niya, kinaladkad siya palabas ng study room. Nasa bukana ng porch ang sasakyan, naghihintay. Agad silang pinagbuksan ng pinto ng mga bantay nito.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya pagkasampa sa loob.

"Sa school ni Kylle para makita mo siya. Kung may gusto kang bilhin, sabihin mo lang at nang madaanan natin. Bumili na ako ng ilang pasalubong, nasa trunk. Check it out later."

Hindi siya nakasagot at natameme na lang. Pupuntahan nila ang anak niya? Sumikip ang kaniyang dibdib at gumahol ang paghinga. Uminit ang sulok ng mga mata niya. Rodjak kept pushing on forward just to melt her.

Panakaw niyang sinulyapan ang lalaking katabi. Nakatuon ang paningin nito sa unahan. Pero napansin nitong nakatingin siya. Gumalaw ang mga mata nito at pa-side eye siyang tinitigan. Kumislap doon ang aliw.

"You're welcome," sabi nitong ikinanguso niya.

"Hindi naman ako nag-thank you."

"It's written in your eyes." Hinawakan nito ang kamay niya at banayad na pinisil. "I love you."

Parang dagundong iyon na nag-echo sa kaniyang pandinig.

***

"KRIS!" Kasabay ng sigaw ang malakas na pagtulak sa kaniya ng kasamahang technician palayo sa bumabagsak na blade ng grinding machine.

Nasadlak si Kris sa steel cabinet na storage ng resin chemical, ang pandikit para sa metal parts ng optic section.

"Pare, mag-ingat ka naman! Gusto mo bang mawalan ng mga braso? Parang ipapakain mo na sa grinder iyang sarili mo, ah? Umayos ka, lagi ka na lang tulala!" Bugnot na pinagsabihan siya ni Archie.

"Pasensya ka na, Pare, salamat..." sabi lang niyang binalikan ang machine at tiniyak na maayos na iyon. Pinindot niya ang off button. Kahapon pa out of operation ang makina dahil sa electrical trouble pero ngayon lang niya nakumpuni.

"Okay ka lang ba, Kris? Lagi kang wala sa sarili, ah! May problema ba? Hindi ba ligtas na ang bunso mong nasa hospital? Pare, ayusin mo iyang sarili mo, baka ikaw naman ang madisgrasya!"

Tumango lang siya at hindi nagtangkang magpaliwanag. Nagsulat siya sa logbook at nilagyan ng check mark ang sticker, idinikit iyon sa machine, tanda na pwede na ulit mag-operate ang makina. Baka pwede siyang mag-half day ngayon. Limang machines na ang naayos niya at ngayong linggo ay nakuha nila ang quota mula sa kliyente.

Nagtungo siya ng opisina ng section head at nag-file ng undertime. Agad iyon na-aprobahan gawa ng sitwasyon niya dahil kay Karylle. Gusto niyang sumaglit ng Guadarama Hill Compound. Isang linggo na rin siyang tumatambay roon galing sa trabaho, nagbakasaling makita niya ang asawa. Pero hindi pa rin siya pinalad.

Pasakay na siya ng motorbike nang tumunog ang cellphone na nakasuksok sa back pocket niya. Hinugot niya iyon. Ang kapatid niya ang tumawag.

"Hello?"

"Kuya, half day lang ang klase ni Kylle ngayon, hindi ko siya masusundo, pasensya ka na. May practical class pa kasi ako."

"Okay lang, ako na ang susundo sa kaniya."

"Sige, Kuya, ingat ka. Babalik na ako sa site."

Hinulog niya sa pocket ng motor ang cellphone at bumuga ng hangin. Sumabit ang mga mata niya sa suot na singsing. Hinaplos niya iyon, dinala sa bibig at h******n ang wedding ring nila ni Jovy.

"Mahal na mahal kita, Jovy. Sana maayos ang araw mo," bulong niyang tumingin sa kawalan, umaasang dadalhin ng hangin papunta sa kaniyang asawa ang panalangin ng puso niya.

Umangkas siya sa motorbike, binuhay ang makina at isinuot ang helmet. Mabagal siyang umusad palabas ng gate. Bumilis lang ang takbo nang nasa highway na siya. Hindi gaanong malayo ang central school kung saan pumapasok si Kylle.

Sakto lang ang dating niya. Dismissal na ng mga bata. Tanaw niya ang agos ng mga mag-aaral sa covered hallway. Ipinarada niya ang motorbike sa bakanteng spot at bumaba. Tinanggal sa ulo ang suot na helmet at isinabit sa manibela. Alam na ni Kylle kung saan madalas maghihintay ang sundo nito.

Maya-maya pa ay natanaw na niya ang anak, masayang tumatakbo. Parang malikot na isdang umiiwas na masagi ang ibang mga batang naglalakad. Napangiti siya.

"Papa!" masigla nitong sigaw.

Lumapad pa ang ngiti niya at sinalubong ang anak. Dadakmain na sana niya ito para kargahin nang mapansin niya ang sapatos na suot nito. Iyon ang shoes na gusto nitong ipabili sa kaniya.

"Papa, nakita ko si Mama kanina, pumunta siya rito!" masayang balita ni Kylle.

Para siyang tinadyakan ng kabayo sa dibdib. Humigpit nang humigpit ang puso niya at bumukol ang hangin sa kaniyang lalamunan. Pinipigil ang kaniyang paghinga.

"Ang mama mo?"

"Opo, at dinalhan niya ako ng pasalubong, itong shoes, oh!" Niyuko nito ang mamahaling sapatos. "Sabi po ni Mama, nagtrabaho raw muna siya kaya hindi pa uuwi sa atin pero lagi raw siyang bibisita para makita kami ni Karylle."

"Kailan siya ulit bibisita, Anak, sinabi ba niya?"

Tumulis ang nguso ni Kylle. "Sorry po, hindi ko po tinanong. Oo nga pala," aligaga nitong dinukot ang bulsa ng shorts na uniform. "Ito po, pinabibigay ni Mama sa inyo. Love letter daw niya para sa inyo. May kasama raw na kiss iyan, sabi niya. Iyong matunog na matunog na kiss." Isang papel na pang-grade three ang ibinigay sa kaniya ng bata.

Love letter mula sa asawa niya? Nginig ang mga daliring kinuha niya ang papel at sabik na binuklat. Hindi na niya napigil ang pagpatak ng mga luhang nagpapahapdi sa kaniyang mga mata.

Kris

Ingatan mo ang sarili mo. Kumain nang maayos. Huwag magpagod nang husto sa trabaho at huwag magpuyat. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayong tatlo ng mga bata.

Jovy

Hindi niya mabilang kung ilang ulit pumasada roon ang luhaan niyang mga mata. Bawat salita roon ay nagbabaon ng masakit na tinik sa puso niya pero gustong-gusto niya.

"Papa?" Hinatak ni Kylle ang suot niyang jacket, kinukuha ang atensiyon niya.

Maingat niyang tinupi ang papel at itinago sa bulsa ng kaniyang pantalon.

"May kasama ba ang mama mo kanina?"

"Wala po, mag-isa lang po siya. Papa, pumunta rin dito ang congressman, ang pogi pala niya. Namigay po siya ng pagkain at mga laruan!" tuwang-tuwa na kuwento ni Kylle.

Nagtagis siya ng mga bagang. Siyempre, hindi hahayaan ng lalaking iyon na lumabas mag-isa si Jovy.

"Binigyan ka rin ba ng laruan?"

"Opo!" Ibinaba ng bata ang bag nitong nakasabit sa mga balikat at binuksan ang zipper. Kinuha nito sa loob ang karton ng laruang natanggap.

Isang high-end drone for kids. Naglalaro ang halaga sa one hundred thousand o higit pa. Limited stocks ang franchise dito sa bansa, malamang direktang binili iyon mula sa mismong pagawaan sa Singapore.

"Lahat ba kayo ganitong laruan ang binigay?"

"Hindi po, ako lang po ang binigyan ni Sir pogi ng ganyan. Sabi niya alam n'yo raw po paano iyan laruin, magpaturo raw ako sa inyo."

Aburidong ibinalik niya sa bag ang karton. Gusto niyang itapon iyon. Ano'ng gustong palabasin ni Rodjak, pagkatapos ng asawa niya, kukunin naman nito ang loob ng kaniyang anak?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Dhei A. Tomines
ouch kris huhuhu
goodnovel comment avatar
Rio Del Mar
done po naka follow n po aq
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   8 - misplaced

    Chapter 8 ST. ELIZABETH Village. Bumaba ng sasakyan si Jovy mga ilang metro ang layo mula sa bahay nila. Naglakad na lang siya habang mabagal na bumubuntot sa kaniya si Rodjak at ang mga bodyguards nito sakay ng dalawang SUV. Tahimik ang bahay nang pumasok siya ng gate. Gusto lang niyang pumuslit doon at kumuha ng isang photo album para may masilip siya tuwing namimiss niya ang kaniyang mag-aama. Maglilinis na rin siya saglit at maglalaba. Siguradong tambak na ang labahin dahil abala sa trabaho at sa hospital si Kris. Hindi rin sila sanay dati pa na umasa sa pamilya nito. Nahinto siya nang may naamoy na parang may nasusunog. Natilihan siya nang makita ang pagbulusok ng usok pataas sa papawirin. Nagmula iyon sa likod-bahay. Taranta siyang tumakbo papunta roon. Baka ang tambakan ng wood scraps ang nasusunog. Awang ang mga bibig na nag-ugat siya sa lupa nang madatnan doon ang biyenan niya at isang babaeng nakatalikod sa kaniyang gawi pero pamilyar sa kaniya ang hubog ng katawan. Sa

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-20
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   9 - Deception

    Chapter 9ISANG masalimuot na linggo na naman ang mabagal na lumipas. Walang ginawa si Jovy kung hindi magkulong lang sa kuwarto. May mga inspirational books na binigay si Rosela sa kaniya, nagbabasa siya para maibsan ang pagkabagot. Si Rodjak ay masigasig at masugid sa ginagawa nitong panunuyo sa kaniya. Balewala sa lalaki kahit hindi niya ito pinapansin at madalas nagtutulug-tulugan siya tuwing pumapasok ito roon sa kuwarto niya. Narinig niya ang mababaw na katok mula sa pinto. Tiniklop niya ang aklat na binabasa at tumingin doon. Hindi naman kumakatok si Rodjak kapag pumapasok doon. Baka isa sa mga kasambahay. Tumayo siya para pagbuksan ang sinumang nasa labas pero nahawi ang pinto at kasunod na sumilip ang foodcart, tulak-tulak ng congressman. "Hindi pa ako nagugutom," masungit niyang sabi at naglakad patungo sa kama. "Hinatid ko na sakali magutom ka mamaya, may meeting ako sa doctor ko at baka matagalan kami." Itinuloy pa rin nito ang food cart sa coffee table na nasa sulok.

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-21
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   10 - Pregnant

    "K-KRIS...wait lang muna-" hindi makahirit si Jovy, tuwing ibubuka niya ang bibig ay isinasara iyoni Kris nang mapusok nitong halik. Napapadaing na lamang siya. Ang kamay ng asawa ay nakapasok na sa loob ng damit niya at salitan kung masahiin ang kaniyang dibdib.Bumaba ang haplos nito at napaigik siya nang sumiksik ang haba ng daliri nito sa ilalim ng panty niya. Hinimas at pinisil ang malambot na tinik sa gitna ng pagkababae niya, hanggang sa bumukal ang likido roon kasabay ang paghulagpos ng kaniyang hininga. Isa pang daliri nito ang dalubhasang hinagilap ang pinto papasok sa kaniyang kaluluwa at bumaon nang walang babala. Ibinuka niya nang husto ang mga hita at hindi na malaman kung saan ihahampas ang ulo. Dumiin, umaangat ang pang-upo niya sa hagupit ng pagnanasang animo'y nagbabagang putik na kumukulo at nagbabadyang sumabog. Hindi na niya magantihan ang halik ni Kris dahil nauubusan siya ng hangin. Nakaawang na lamang ang bibig niya, tumitirik ang mga mata at umaarko ang kat

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-22
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   11 - Advice

    Chapter 11KUNG mayroon mang hindi sinungaling sa mundong ito, iyon ay ang oras. Kahit ang mga gintong inilibing noon sa ilalim ng lupa ay unti-unting umaangat sa paglipas ng panahon. Walang usok ang hindi sisingaw. Walang sekretong nasa dilim ang hindi mabubunyag sa liwanag kapag oras na ang nagdidikta.Nagpupulso ang kirot sa ulo ni Jovy at hindi sapat kahit ipinikit na niya ang mga mata. Lumala ang pagkahilo niya at ang kumukulong asim sa kaniyang sikmura. Maya't maya siyang naduduwal na parang lango sa alak. Nasa tabi niya si Celso at sa paanan niya ay ang plastic na nilagyan ng kaniyang suka. "Di ba sinabi ko sa iyo, sa amin ni RJ ka lang makikinig. Pinatulan mo pa ang kagagahan ni Rosela kahit alam mong walang magandang idudulot sa iyo. Paano kung nabangga ka kanina?"Natawa siya nang bahaw. "May pakialam ka ba? Nagmamalasakit ka sa akin?" "Next time ipapakita ko sa iyo kung paano ako magmalasakit, Jovy, papatay ako ng tao, sampolan na natin ang asawa mong manyak at sira-ulo."

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-23
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   12 - communication

    Chapter 12MADALING-ARAW nang dumating si Rodjak sa Guadarama Hill Complex. Gising ang karamihan sa mga househelps na malamang ay ginising ni Celso para asikasuhin siya kahit hindi naman kailangan. "Pahinga na kayo, Harry. I need you in the morning, seven sharp!" utos niya sa mga bodyguard. Hinatid siya ng mga ito hanggang sa sala ng bahay. "Sabi ni Harry overnight kayo roon," si Celso na humabol sa kaniya roon sa sala matapos bigyan ng instruction ang relibong mga bantay sa labas at moving security na nag-iikot. "How can I stay there after you disclose that good news for me?" Nilingon niya ang kaibigan. "Thank you for looking out Jovy. Kumusta na siya? Natingnan ba ng doctor kanina?" "Galing siya ng hospital, nagkita sila ni Kris," balita ni Celso.Naudlot ang paghakbang niya. "Nagkita sila? Paano?" "Good morning po, Congressman," bati ni Carlota."Good morning, Manang." Ibinigay niya rito ang shoppin bags na naglalaman ng mga pasalubong."Para po ba ito kay Ma'am Jovy?""Hin

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-24
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   13 - separation

    Chapter 13IBINABA ni Kris ang cellphone at pinukol nang tanaw ang sasakyan sa kabilang parking lane. Bumukas ang pinto sa right side at lumabas ang babaeng sakay. Naningkit ang mga mata niya. Si Rosela nga. May kunting nagbago pero kompirmadong ito ang babaeng nakasama niya noong gabi bago ang kasal nila ni Jovy. Huminga siya nang malalim kasabay ang pagbuhos ng mga alaala ng nakaraan pabalik sa kaniyang utak. Bisperas iyon ng kasal niya, nalaman ni Kris ang surprise party na in-organize ng kaniyang barkada. Tinawagan siya ni Archie. Nag-ambag-ambag daw ang mga ito at nagpa-book ng exclusive schedule sa isang kilalang bar sa siyudad. "Pwede ba akong pumunta?" Nagpaalam siya kay Jovy na kausap niya sa cellphone. "Uuwi rin ako agad, magpapakita lang ako roon, nakakahiya kasi sa kanila, nag-effort ang tatlo para bigyan ako ng party.""Okay lang sana pero sabi ni Nanay hindi raw dapat umalis, alam mo naman ang pamahiin ng matatanda. Hindi ba pwedeng i-urong 'yong party? Pwede pa naman

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-25
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   1 - Husband

    Chapter 1NARINIG ni Jovy ang rebolusyon ng motorsiklong pumasok sa bakuran ng bahay nila. Iniwan niya ang hugasin sa lababo at nagpunas ng basang kamay sa suot na apron. Inayos muna ang sarili at ang buhok na nakatakas sa pantali at isinabit sa likod ng tainga. Kumaripas siya palabas ng kusina para salubungin ang asawang si Kristoff. "Kylle, dumating na si Papa!" masaya niyang tawag sa panganay na anak na gumagawa ng assignment sa may study area na kanugnog lang ng sala. "Opo, Ma!" masiglang sagot ng walong taong gulang na batang lalaki. Humabol ito kaniya palabas ng bahay. Nadatnan nilang naglalagay si Kris ng trapal sa motor na ilalim ng resting shed na gawa sa native materials. Bitbit nito ang full-faced helmet at ecobag laman ang ilang groceries. Nasa likod nito ang itim na laptop bagpack. Nakangiting tumingin sa kanilang mag-ina ang lalaki matapos ihulog sa bulsa ang susi ng NMAX. "Papa!" Agad yumapos si Kylle sa ama matapos magmano. "Perfect ako kanina sa test namin sa Math

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-14
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   2 - The Mother

    Chapter 2PAGKATAPOS mag-mop sa sala, binitbit ni Jovy ang mop at balde na may tubig at fabric conditioner. Dinala niya ang mga iyon sa laundry area sa likod na konektado lang sa kusina. Binanlawan niya ang mop at isinampay sa tubong sampayan sa labas. Isinunod niyang labhan ang mga pinagbihisan ni Kris at school uniform ni Kylle. Nakababad na sa detergent powder ang mga iyon. Kinusot na lang niya. Ilang piraso lang naman. Araw-araw siyang naglalaba para hindi dumami ang maruruming damit. Pagsapit ng Sabado ay pillow cases, kumot at bed sheet naman ang nilalabhan niya katulong ang asawa. Pagkatapos maglaba at maisampay ang mga damit, pinuntahan niya ang bunsong anak sa kuwarto. Napainom na niya ito ng gamot. Panay ang kislot nito at alumpihit sa higaan. Lumapit siya. Dinama ang noo nito at nagulantang nang halos mapaso ang palad niya sa sobrang init. Inaapoy na naman ito ng lagnat. Tarantang dinampot niya ang cellphone at tinawagan si Kris. Pero hindi siya sinasagot ng asawa. Malam

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-15

Bab terbaru

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   13 - separation

    Chapter 13IBINABA ni Kris ang cellphone at pinukol nang tanaw ang sasakyan sa kabilang parking lane. Bumukas ang pinto sa right side at lumabas ang babaeng sakay. Naningkit ang mga mata niya. Si Rosela nga. May kunting nagbago pero kompirmadong ito ang babaeng nakasama niya noong gabi bago ang kasal nila ni Jovy. Huminga siya nang malalim kasabay ang pagbuhos ng mga alaala ng nakaraan pabalik sa kaniyang utak. Bisperas iyon ng kasal niya, nalaman ni Kris ang surprise party na in-organize ng kaniyang barkada. Tinawagan siya ni Archie. Nag-ambag-ambag daw ang mga ito at nagpa-book ng exclusive schedule sa isang kilalang bar sa siyudad. "Pwede ba akong pumunta?" Nagpaalam siya kay Jovy na kausap niya sa cellphone. "Uuwi rin ako agad, magpapakita lang ako roon, nakakahiya kasi sa kanila, nag-effort ang tatlo para bigyan ako ng party.""Okay lang sana pero sabi ni Nanay hindi raw dapat umalis, alam mo naman ang pamahiin ng matatanda. Hindi ba pwedeng i-urong 'yong party? Pwede pa naman

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   12 - communication

    Chapter 12MADALING-ARAW nang dumating si Rodjak sa Guadarama Hill Complex. Gising ang karamihan sa mga househelps na malamang ay ginising ni Celso para asikasuhin siya kahit hindi naman kailangan. "Pahinga na kayo, Harry. I need you in the morning, seven sharp!" utos niya sa mga bodyguard. Hinatid siya ng mga ito hanggang sa sala ng bahay. "Sabi ni Harry overnight kayo roon," si Celso na humabol sa kaniya roon sa sala matapos bigyan ng instruction ang relibong mga bantay sa labas at moving security na nag-iikot. "How can I stay there after you disclose that good news for me?" Nilingon niya ang kaibigan. "Thank you for looking out Jovy. Kumusta na siya? Natingnan ba ng doctor kanina?" "Galing siya ng hospital, nagkita sila ni Kris," balita ni Celso.Naudlot ang paghakbang niya. "Nagkita sila? Paano?" "Good morning po, Congressman," bati ni Carlota."Good morning, Manang." Ibinigay niya rito ang shoppin bags na naglalaman ng mga pasalubong."Para po ba ito kay Ma'am Jovy?""Hin

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   11 - Advice

    Chapter 11KUNG mayroon mang hindi sinungaling sa mundong ito, iyon ay ang oras. Kahit ang mga gintong inilibing noon sa ilalim ng lupa ay unti-unting umaangat sa paglipas ng panahon. Walang usok ang hindi sisingaw. Walang sekretong nasa dilim ang hindi mabubunyag sa liwanag kapag oras na ang nagdidikta.Nagpupulso ang kirot sa ulo ni Jovy at hindi sapat kahit ipinikit na niya ang mga mata. Lumala ang pagkahilo niya at ang kumukulong asim sa kaniyang sikmura. Maya't maya siyang naduduwal na parang lango sa alak. Nasa tabi niya si Celso at sa paanan niya ay ang plastic na nilagyan ng kaniyang suka. "Di ba sinabi ko sa iyo, sa amin ni RJ ka lang makikinig. Pinatulan mo pa ang kagagahan ni Rosela kahit alam mong walang magandang idudulot sa iyo. Paano kung nabangga ka kanina?"Natawa siya nang bahaw. "May pakialam ka ba? Nagmamalasakit ka sa akin?" "Next time ipapakita ko sa iyo kung paano ako magmalasakit, Jovy, papatay ako ng tao, sampolan na natin ang asawa mong manyak at sira-ulo."

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   10 - Pregnant

    "K-KRIS...wait lang muna-" hindi makahirit si Jovy, tuwing ibubuka niya ang bibig ay isinasara iyoni Kris nang mapusok nitong halik. Napapadaing na lamang siya. Ang kamay ng asawa ay nakapasok na sa loob ng damit niya at salitan kung masahiin ang kaniyang dibdib.Bumaba ang haplos nito at napaigik siya nang sumiksik ang haba ng daliri nito sa ilalim ng panty niya. Hinimas at pinisil ang malambot na tinik sa gitna ng pagkababae niya, hanggang sa bumukal ang likido roon kasabay ang paghulagpos ng kaniyang hininga. Isa pang daliri nito ang dalubhasang hinagilap ang pinto papasok sa kaniyang kaluluwa at bumaon nang walang babala. Ibinuka niya nang husto ang mga hita at hindi na malaman kung saan ihahampas ang ulo. Dumiin, umaangat ang pang-upo niya sa hagupit ng pagnanasang animo'y nagbabagang putik na kumukulo at nagbabadyang sumabog. Hindi na niya magantihan ang halik ni Kris dahil nauubusan siya ng hangin. Nakaawang na lamang ang bibig niya, tumitirik ang mga mata at umaarko ang kat

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   9 - Deception

    Chapter 9ISANG masalimuot na linggo na naman ang mabagal na lumipas. Walang ginawa si Jovy kung hindi magkulong lang sa kuwarto. May mga inspirational books na binigay si Rosela sa kaniya, nagbabasa siya para maibsan ang pagkabagot. Si Rodjak ay masigasig at masugid sa ginagawa nitong panunuyo sa kaniya. Balewala sa lalaki kahit hindi niya ito pinapansin at madalas nagtutulug-tulugan siya tuwing pumapasok ito roon sa kuwarto niya. Narinig niya ang mababaw na katok mula sa pinto. Tiniklop niya ang aklat na binabasa at tumingin doon. Hindi naman kumakatok si Rodjak kapag pumapasok doon. Baka isa sa mga kasambahay. Tumayo siya para pagbuksan ang sinumang nasa labas pero nahawi ang pinto at kasunod na sumilip ang foodcart, tulak-tulak ng congressman. "Hindi pa ako nagugutom," masungit niyang sabi at naglakad patungo sa kama. "Hinatid ko na sakali magutom ka mamaya, may meeting ako sa doctor ko at baka matagalan kami." Itinuloy pa rin nito ang food cart sa coffee table na nasa sulok.

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   8 - misplaced

    Chapter 8 ST. ELIZABETH Village. Bumaba ng sasakyan si Jovy mga ilang metro ang layo mula sa bahay nila. Naglakad na lang siya habang mabagal na bumubuntot sa kaniya si Rodjak at ang mga bodyguards nito sakay ng dalawang SUV. Tahimik ang bahay nang pumasok siya ng gate. Gusto lang niyang pumuslit doon at kumuha ng isang photo album para may masilip siya tuwing namimiss niya ang kaniyang mag-aama. Maglilinis na rin siya saglit at maglalaba. Siguradong tambak na ang labahin dahil abala sa trabaho at sa hospital si Kris. Hindi rin sila sanay dati pa na umasa sa pamilya nito. Nahinto siya nang may naamoy na parang may nasusunog. Natilihan siya nang makita ang pagbulusok ng usok pataas sa papawirin. Nagmula iyon sa likod-bahay. Taranta siyang tumakbo papunta roon. Baka ang tambakan ng wood scraps ang nasusunog. Awang ang mga bibig na nag-ugat siya sa lupa nang madatnan doon ang biyenan niya at isang babaeng nakatalikod sa kaniyang gawi pero pamilyar sa kaniya ang hubog ng katawan. Sa

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   7 - Compromise

    Chapter 7BINUKSAN ni Jovy ang walk-in cabinet at kinagat ang ibabang labi nang tumama ang mga mata niya sa mga mamahaling gamit sa loob. Kasing-laki ng kuwarto niya ang area na iyon. Laman ang signature dresses na naka-patent mismo sa gumawa, designer bags, footwears, mga alahas at ibang fashion items. Lahat nang mayroon sa kuwartong iyon ay ginto-ginto ang halaga. Ipinaramdam sa kaniya kung ganoon kayaman ang nagmamay-ari ng mansion. Kahit kurtina at simpleng place mat sa coffee table ay pwede yatang mai-sangla dahil sa nakalululang presyo. Pumasada ang mga mata niya sa mga bestidang nakahilera sa gawing kanan at nakasabit sa stand. Pumili siya ng dark green dress, kimono style at may flutter sleeves. Hanggang sa ibaba ng tuhod niya ang haba at malambot ang tela. Kinuha niya iyon mula sa hanger at binalingan ang shoes. Dinampot niya sa rack ang puting high heel, lace up knot at hindi ganoon kahaba ang takong, mga 1¹/² inch lang siguro. Binitbit niya ang mga iyon palabas. Nahinto

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   6 - Accusation

    DISPERATE, bumalik ng hospital si Kris. Sa unang pagkakataon sa buhay niya iginupo siya ng pagkatalo at pagod. Nangmamanhid ang puso niya pero bakit walang tigil ang hagupit ng kirot? Para bang gusto na lang niyang tumigil sa paghinga, kung pwede lang. Kahit ilang minuto lang. Isasara muna niya ang utak at kalimutan ang mundo, kalimutang buhay siya. Ang daming plano na tumatakbo sa isip niya pero nangangamba siyang gawin. Baka magkamali siya at lalo lang malagay sa alanganin si Jovy. Para itong babasaging bagay na kunti pa ay tuluyan nang madudurog at baka hindi na niya mahawakan. Kaya wala siyang nagawa kanina kundi ang umalis na lang muna. Hindi niya pwedeng ipilit ang gusto niya dahil hindi nagtatagpo ang katwiran nilang dalawa. "Nasaan ang asawa mo? Kanina pa kita tinatanong?" makulit na utas ng kaniyang ina. "Para kang robot diyan na naubusan ng baterya. Nasaan si Jovy?"Blangkong tiningnan niya ang magulang at saglit na sinuyod ang buong kuwarto. Hindi man lang niya napansing

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   5 - The Unborn

    Chapter 5PAGDATING kay Jovy, sinasagad ni Kris ang sarili. Pagmamahal, pagsisikap para sa pamilya nila at kung ano ang mga responsibilidad niya bilang asawa at ama ng kanilang mga anak. Binibigay niya ang lahat. Hindi niya naisip na magtira para sa kaniyang sarili dahil naniniwala siyang mahal siya ng asawa at ang pagmamahal nito ay higit pa sa sapat para paulit-ulit siyang buuin araw-araw. Pumihit siya paalis, dama ang humahabol na tanaw ni Jovy kung kailan nakatalikod na siya. Sinadya niyang ibaba ang kaniyang depensa para isipin ng mga bodyguards ni Rodjak na sumuko siya. Nang dumistansiya ng ilang hakbang ang mga ito'y umikot siya pabalik at sinugod ang congressman. Bangkay siyang uuwi kung hindi rin lang niya maisasama ang asawa. "Kris!"Kasabay ng malakas na tili ni Jovy ay ang pagbira niya nang malakas na suntok. Sapul sa mukha si Rodjak na sadyang hindi umilag dahil hinawi nito palayo ang asawa niya at ginawang pananggalang ang saliri sa kaniyang atake. Nasira ang balanse

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status