Chapter 2
PAGKATAPOS mag-mop sa sala, binitbit ni Jovy ang mop at balde na may tubig at fabric conditioner. Dinala niya ang mga iyon sa laundry area sa likod na konektado lang sa kusina. Binanlawan niya ang mop at isinampay sa tubong sampayan sa labas. Isinunod niyang labhan ang mga pinagbihisan ni Kris at school uniform ni Kylle. Nakababad na sa detergent powder ang mga iyon. Kinusot na lang niya. Ilang piraso lang naman. Araw-araw siyang naglalaba para hindi dumami ang maruruming damit. Pagsapit ng Sabado ay pillow cases, kumot at bed sheet naman ang nilalabhan niya katulong ang asawa. Pagkatapos maglaba at maisampay ang mga damit, pinuntahan niya ang bunsong anak sa kuwarto. Napainom na niya ito ng gamot. Panay ang kislot nito at alumpihit sa higaan. Lumapit siya. Dinama ang noo nito at nagulantang nang halos mapaso ang palad niya sa sobrang init. Inaapoy na naman ito ng lagnat. Tarantang dinampot niya ang cellphone at tinawagan si Kris. Pero hindi siya sinasagot ng asawa. Malamang ay nasa production ito at may inaayos na machine. Dali-dali na siyang nagbihis. Pinalitan din niya ang damit ni Karylle. Isinalpak sa loob ng bag ang pitaka, cellphone, at ilang gamit ng bata. "Mama..." mahina nitong sambit nang buhatin niya. "Pupunta tayo sa doctor para mawala na ang fever mo, okay?" "Masakit po ang tiyan ko," daing nito at umiyak na. Gusto na rin niyang umiyak. Masakit ang tiyan? Kaya siguro hindi ito mapakali. Dapat naging mas mapagmatyag siya. Hindi mareklamong bata si Karylle. Matiisin ito. Umuuga na sa takot ang dibdib niya. Ni-lock niya ang main door, hinulog ang susi sa kaniyang bulsa at tinunton ang labasan ng gate. Isinara rin niya iyon pero hindi na ikinabit ang lock. Loan ni Kris sa Pag-ibig ang bahay nila. Nasa subdivision iyon. Halos takbuhin na niya ang private road palabas ng village. Hingal na hingal pero hindi niya iniinda. Panay ang salat niya sa noo ng anak na umiiyak. "Kunting tiis muna, baby, ha? Sasakay na tayo ng taxi." Saktong may taxi na nakatambay pagdating niya ng main road. Kinawayan niya iyon. Agad namang umusad papalapit sa kinatatayuan niya. "Sa hospital po tayo!" sabi niya sa driver pagkasampa sa loob. "Ano po ang nangyari sa bata, Mam?" tanong nito. "Nilalagnat at masakit daw ang tiyan niya." Pinahid niya sa palad ang mga luha ng bata. Malamig ang pawis nito at maputla ang labi. "Pakibilisan po!" apura niya sa driver. "Baka dengue po," sabi nitong binilisan ang takbo ng taxi. Iyon din ang suspetsa niya. Umalsa nang husto ang panic sa sistema niya. "Mama!?" matinis na iyak ni Karylle na namilipit sa sakit. Naiyak na siya at hindi malaman kung aling parte ng tiyan nito ang hahaplusin. *** BREAKTIME sa umaga nang mabasa ni Kris ang text ng asawa niya. Nag-miss call din ito pero hindi niya nasagot dahil busy siya sa pagkumpuni sa production machine ng optic section at iniwan niya ang cellphone sa kaniyang locker kanina. Aprobado na ang three days leave niya simula bukas. Sa ngayon tatlong araw lang ang maximum number of days na naibibigay ng kompanya dahil sa quota ng orders na kailangang maabot ng bawat production. Halos paliparin niya ang motorbike pagkalabas ng gate 7 ng planta. Sa private hospital sa kabilang lungsod isinugod si Karylle. Thirty minutes din ang biyahe papunta roon, buti na lang at maluwag ang daloy ng trapiko. Ipinarada niya sa bakanteng parking area ang motorbike. Lakad-takbo ang ginawa niya sa lobby ng hospital at dumeretso sa front desk. "Excuse me, Ma'am, ama po ako ni Karylle Pama Concepcion," pakilala niya sa babaeng receptionist. "Wait lang po, Sir, i-check po natin. Ilang taong gulang po ang anak ninyo?" "Five." "Nasa emergency room pa ang bata, Sir." "Salamat!" Tinakbo niya ang pasilyo papuntang emergency room. Kalat ang mga tao sa labas pero nahanap agad ng mga mata niya si Jovy. Nakaupo ito sa bench at kabadong nag-aabang sa saradong pintuan. Dinaluhong niya ang asawa at umuklo. Niyakap ito. "Kris!" Sumubsob ito sa dibdib niya at umiyak. "I'm sorry, kaninang breaktime ko lang nabasa ang text mo. Natali ako roon sa production, maraming trouble," paliwanag niya. "Okay lang, kaya hindi na kita inabala pa kasi alam kong busy ka kanina. Si Karylle, dumadaing sa sakit ng tiyan. Duda ko baka may dengue siya." Ikinulong niya sa mga kamay ang nanlalamig nitong palad at dinampian ng halik. Bakas sa mugto nitong mga mata ang takot. Bumukas ang pinto ng emergency room at lumabas ang doctor. "Sino ang mga magulang ni Karylle?" tanong nito. "Kami, Doc!" agap niyang sagot. Sumikdo ang dibdib niya sa kaba. Seryoso ba ang kondisyon ng bata? Hindi maganda ang nakikita niyang expression sa mukha ng doctor. "Kakausapin ko kayo sa opisina ko." Ikinumpas nito ang kamay para sumunod sila. Hinapit niya si Jovy at inakay. Bumuntot sila sa doctor. Bumibigat ang paghinga niya habang papalapit sila sa opisina nito. Pero kailangan niyang lakasan ang loob. Hindi pwedeng panghinaan. Siya ang padre de pamilya, sa kaniya humuhugot ng lakas at tapang ang asawa. Papasanin niya mag-isa ang takot at pag-aalala mapagaan lang ang nararamdaman nito. "You may sit down." Itinuro ng doctor ang sofa sa may dingding. "By the way, I'm Dr. Alvin Serrano, the attending physician of Karylle." "Kumusta po ang anak namin, Doc?" tanong ni Jovy. Matagal muna silang tinitigan ng doctor saka ito bumuntong-hininga. "She's not in good shape. Isasalang natin siya sa laboratories pero sa ngayon may initial diagnosis ng tumor sa atay niya." Mabilis niyang nasalo ang asawa na nawalan ng lakas ang mga tuhod at muntik nang mapaluhod sa sahig. Bumagsak sa kaniya ang bigat nito. "I will refer her to a surgeon for more accurate diagnosis. Sa ngayon kailangan ninyong maghanda ng malaking halaga sakaling i-rekomenda ang surgery at liver transplant sa kaniya. Kailangang matanggal ang bahaging tinubuan ng tumor para hindi madamay ang buong atay." "How much do we need to prepare, Doc, for the surgery?" "Naglalaro sa seven to nine million ang kabuuang gastos. Tutulungan ko kayong maghanap ng liver donor, may programa ang hospital, magbibigay rin kami ng kunting financial assistance." Humagulgol na si Jovy. Mahigpit niyang niyakap ang asawa at hinalikan sa ulo. "Hindi tayo susuko. Gagawa ako ng paraan," sabi niya at bumaling sa doctor. "Doc, iligtas n'yo po ang anak namin, ako na ang bahala sa pera." "We will do that, Mr. Concepcion. But I advice you to expedite the budget para magawa natin ang surgery in two weeks time. You don't want to see your daughter suffering any longer than two weeks," pahayag ng doctor. "Naintindihan ko, Doc." "Saan tayo kukuha ng 9 million, Kris?" desperate na tanong ni Jovy pagkalabas nila ng opisina. "Mag-i-inquire ako kung ilan ang coverage ng philhealth na pwede kong makuha. Pwede rin ako humiram sa kompanya pero hindi siguro ganoon kalaki. Basta, gagawa ako ng paraan, wag ka nang mag-alala. Ang importante mabubuhay ang anak natin." "Doon sa Medical Access Program ng PCSO, subukan natin." Tumango siya. His mind is running on circle trying to find the solution they badly needed for that moment. Pwede naman silang lumapit sa mga ahensiya ng gobyerno na nag-aalok ng medical financial assistance pero percentage lang ang pwede nilang ma-avail. Pinuntahan nila sa recovery room si Karylle at pinalilipat sa pribadong silid. Tinawagan din niya ang kapatid na si Karlo para sunduin muna sa school si Kylle at samahan sa bahay nila. *** TWO days lumabas ang resulta ng laboratory tests kay Karylle. Tama ang unang diagnosis ng doctor, may tumor sa atay ang bata, dala na nito mula pagkasilang. Mabagal ang pagkalat ng tumor cells sa ibang bahagi pero kailangan nang tanggalin agad ang apektadong parte. Halos araw-araw na umaalis si Kris para likumin ang pera na kailangan para sa surgery. Nagbigay na ng quotation ang doctor at mahigit siyam na milyon ang magagastos. Awang-awa na si Jovy sa asawa niya. Kitang-kita niya ang pagod sa mga mata nito pero hindi niya ito narinig na nagreklamo. Ito pa ang laging nagpapalakas ng loob niya. "Anak, naisangla ng tatay mo ang lupain natin ng isang milyon. Luluwas siya diyan bukas para ihatid ang pera," balita ng nanay niya na kausap niya sa cellphone. "Maraming salamat po, Nay, hayaan n'yo po tutubusin ko ang lupa kapag nakaluwag kami ni Kris," naiiyak niyang sabi. "Ang dalawang kapatid mo ay mag-aambag din daw pero hindi ganoon kalaki dahil kapos din sila ngayon." "Okay lang po, pakisabi po kina Ate at Manong, maraming salamat." "Sige, Anak, tatawag na lang ako ulit. Pupunta muna ako ng tindahan, tanghali na." "Sige po, ingat po kayo." Ibinaba niya ang cellphone at nagpahid ng mga luha. Maswerte siya sa pagkakaroon ng supportive na pamilya. Malaking bagay ang moral support na binibigay ng mga ito bukod sa financial na tulong. Nilapitan niya ang bunsong anak na panay lang ang tulog at hinaplos ang noo nito. Hindi ito tinantanan ng sinat at dahil iyon sa tumor cells na nagsimulang maging agresibo matapos turukan ng gamot ang bata. "Magpahinga ka muna, buong gabi kang nagpuyat sa pagbabantay, ako na ang titingin dito sa apo ko," sabi ng biyenan niyang babae pagbalik nito galing bumili ng pagkain nila para sa tanghalian. "Okay lang po, Ma, hihintayin ko si Kris." "Pumunta ba siya ng planta?" "Opo, kakausapin daw niya ang general manager." "Bakit hindi mo subukang humingi ng tulong sa opisina ng congressman? May programa rin yata silang pang-medical. May kumare akong nabigyan ng ayuda nitong nakaraang buwan lang." "Oo nga pala, sige po try ko po pumunta roon ngayon. Ano po ba ang requirements?" "Endorsement mula sa barangay at DSWD." Hindi siya nagsayang ng oras. Umalis siya ng hospital at umuwi muna sa bahay. Walang tao, baka nasa school pa si Karlo. Nagbihis siya lang siya saka nagtungo ng barangay. May session ang barangay officials pagdating niya pero patapos na ang mga ito. Ilang minuto lang siyang naghintay. Binigyan siya agad ng secretary ng endorsement pirmado ng punong barangay. Galing doon ay sa CSWD naman siya sa lungsod nagtungo. Nakuha rin niya agad ang certification. Sa bahay ng congressman na siya dumeretso, madalas kasi roon nito ini-estima ang mga bisita. Hindi lang siya ang naroon at naghihintay para humingi ng tulong. "Ma'am, pinapapasok po kayo roon sa loob," abiso sa kaniya ng lalaking staff. "Salamat," aniyang tumayo pero hindi siya sa opisina dinala nito kundi sa loob mismo ng bahay. Hiwalay ang office at konektado iyon sa garahe kung saan naka-parada ang iba't ibang mamahaling sasakyan. "Dito po kayo maghintay, pababa na po si Congressman," sabi ng staff at iniwan siya roon sa sala. Naglikot ang mga mata niya sa magarang kapaligiran at mga gamit na humihiyaw ang nakalululang halaga. Hanggang sa humantong ang mga mata niya sa naka-alpombrang hagdanan at sa lalaking bumababa na takaw pansin ang tikas. Si Cong. Rodjak Guadarama. Fit na maong ang suot nito at button-up long-sleeves na bukas ang unang tatlong butones. Sumisilip ang mabalahibo nitong dibdib at kung ano pa ang kisig na iniingatan nito. Kasing-tangkad ito ni Kris at baka magkasing-laki ng katawan ang dalawa. Natural na wavy ang buhok nito at naka-undercut. Agresibo pagmasdan ang mga panga nito dahil sa manipis na latag ng balbas. "Magandang tanghali po, Congressman," bati niya at tumayo mula sa inuupuang couch. "Good noon, Ms?" "Mrs. Concepcion po, Sir." Tumango ito at sumenyas na sumunod siya rito. Tinunton nito ang isang corridor na naghatid sa kanila sa pinto pagdating sa dulo. Study room iyon. "Have a seat," alok nito sa upuang nasa harap ng malinis na desk. Tanging laptop ang naroon at ilang libro na related yata sa batas ang laman. Naupo siya. Huminga nga malalim. "Let's hear it," pahayag nito pagkabagsak ng sarili sa high-backed swivel chair. Bayolenteng umuga iyon dahil sa bigat nito. Lumunok siya ng hangin at nilapag sa desk ang dalang endorsement at certification. "Hihingi po sana ako ng tulong para sa anak kong nasa hospital. Kailangan po niya ng liver transplant dahil sa tumor sa atay niya, 9 million po ang halagang hiningi ng hospital sa amin. May naipon na kami pero malayo pa sa siyam na milyon." "How much do you have so far?" "Nasa tatlong milyon pa lang po." Tumango ito. "Walang ganoon kalaking allocation ang opisina ko sa ngayon dahil hindi pa naipasa ng lower house ang supplemental budget para sa medical assistance. Pero kaya kong sagutin ang gastos mula sa personal kong budget." Humagod pababa sa dibdib niya ang titig nito at napansin niya ang pagsilip ng dulo ng dila nitong mabilis na pumasada sa ibabang labi, kasunod ang marahas na pagtalbog ng adams apple sa lalamunan nang lumunok ito. Nakadama siya ng pagkailang pero pilit niyang binalewala iyon. Hindi naman kilalang malikot sa babae itong si Congressman. Isa pa, may asawa na ito at modelo iyon. Imposibleng pagnasaan nito ang kagaya niyang ang ganda ay hanggang sa mutya ng classroom lang. "Maraming salamat po sa-" "Saang hospital ba naroon ang anak mo? Ipapahulog ko ang pera para masimulan ang surgery." "Sa Mendero po." "Pero may pabor akong hihilingin sa iyo, pwede ka bang maging escort ko mamayang gabi sa meeting ko?" "Sir?" gulantang niyang bulalas.Chapter 3SIX O' CLOCK ang dinner meeting na dadaluhan ni Rodjak. Caucus iyon ng partido niya para sa nalalapit na national and local election. Habang naghihintay kay Jovy inabala muna niya ang sarili sa mga legislation na nakabinbin sa kamara. Nagbibihis pa ang babae sa loob ng guest room kasama ang kilala niyang make-up artist. Pumayag itong maging escort niya kapalit ang sampung milyon. Marahil ay may ideya naman ito kung ano ang kasunod ganap nila pagkatapos ng dinner. Mapagsamantala na siyang maituring pero wala siyang balak na pakawalan ang babae ngayong napasok na nito ang pugad niya. "Rosela, confirm the hospital about the money I transferred to their account for the surgery of a child named Karylle Concepcion," utos niya sa staff na pumasok doon."Cong, mas okay po yata kung mag-forward din tayo ng formal letter of transaction galing sa bank account ninyo.""No need, just get the director's name. Making a call is easier than typing a lousy letter.""Okay po, tatawagan ko po
Chapter 4NAMALUKTOT si Jovy habang nakasiksik sa headboard ng kama. Niyakap ang magkasalikop na mga tuhod at isinubsob doon ang mukha. Yugyog ang mga balikat. Ayaw na yatang tumila ng mga luha niya tulad ng ulan sa labas na sige pa rin ang pagbuhos. Alam niyang walang saysay ang umiyak dahil pinili naman niyang gawin ang kasalanang iyon. May pagkakataon siyang tumanggi. May lakas siyang tumutol. May karapatan siyang ipaglaban kung ano ang tama pero isinara niya ang katinuan at hinulog ang sarili sa bangin. Kahit buong buhay siyang magsisi, hindi na niya mababawi ang kataksilang ginawa. Kahit araw-gabi pa siyang magluksa para sa namamatay niyang puso, hindi na niya mabubura ang bakas at marka ni Rodjak sa kaniyang pagkababae. At ang masakit, mas nangingibabaw iyon kaysa sa mahabang pinagsamahan nila ni Kris. Tunay nga na kahit isang beses lamang gawin ang pangit na kasalanan, kayang-kayang pa rin nitong takpan ang ganda at dalisay na pagmamahalan katulad kung ano ang mayroon sila ng
Chapter 5PAGDATING kay Jovy, sinasagad ni Kris ang sarili. Pagmamahal, pagsisikap para sa pamilya nila at kung ano ang mga responsibilidad niya bilang asawa at ama ng kanilang mga anak. Binibigay niya ang lahat. Hindi niya naisip na magtira para sa kaniyang sarili dahil naniniwala siyang mahal siya ng asawa at ang pagmamahal nito ay higit pa sa sapat para paulit-ulit siyang buuin araw-araw. Pumihit siya paalis, dama ang humahabol na tanaw ni Jovy kung kailan nakatalikod na siya. Sinadya niyang ibaba ang kaniyang depensa para isipin ng mga bodyguards ni Rodjak na sumuko siya. Nang dumistansiya ng ilang hakbang ang mga ito'y umikot siya pabalik at sinugod ang congressman. Bangkay siyang uuwi kung hindi rin lang niya maisasama ang asawa. "Kris!"Kasabay ng malakas na tili ni Jovy ay ang pagbira niya nang malakas na suntok. Sapul sa mukha si Rodjak na sadyang hindi umilag dahil hinawi nito palayo ang asawa niya at ginawang pananggalang ang saliri sa kaniyang atake. Nasira ang balanse
DISPERATE, bumalik ng hospital si Kris. Sa unang pagkakataon sa buhay niya iginupo siya ng pagkatalo at pagod. Nangmamanhid ang puso niya pero bakit walang tigil ang hagupit ng kirot? Para bang gusto na lang niyang tumigil sa paghinga, kung pwede lang. Kahit ilang minuto lang. Isasara muna niya ang utak at kalimutan ang mundo, kalimutang buhay siya. Ang daming plano na tumatakbo sa isip niya pero nangangamba siyang gawin. Baka magkamali siya at lalo lang malagay sa alanganin si Jovy. Para itong babasaging bagay na kunti pa ay tuluyan nang madudurog at baka hindi na niya mahawakan. Kaya wala siyang nagawa kanina kundi ang umalis na lang muna. Hindi niya pwedeng ipilit ang gusto niya dahil hindi nagtatagpo ang katwiran nilang dalawa. "Nasaan ang asawa mo? Kanina pa kita tinatanong?" makulit na utas ng kaniyang ina. "Para kang robot diyan na naubusan ng baterya. Nasaan si Jovy?"Blangkong tiningnan niya ang magulang at saglit na sinuyod ang buong kuwarto. Hindi man lang niya napansing
Chapter 7BINUKSAN ni Jovy ang walk-in cabinet at kinagat ang ibabang labi nang tumama ang mga mata niya sa mga mamahaling gamit sa loob. Kasing-laki ng kuwarto niya ang area na iyon. Laman ang signature dresses na naka-patent mismo sa gumawa, designer bags, footwears, mga alahas at ibang fashion items. Lahat nang mayroon sa kuwartong iyon ay ginto-ginto ang halaga. Ipinaramdam sa kaniya kung ganoon kayaman ang nagmamay-ari ng mansion. Kahit kurtina at simpleng place mat sa coffee table ay pwede yatang mai-sangla dahil sa nakalululang presyo. Pumasada ang mga mata niya sa mga bestidang nakahilera sa gawing kanan at nakasabit sa stand. Pumili siya ng dark green dress, kimono style at may flutter sleeves. Hanggang sa ibaba ng tuhod niya ang haba at malambot ang tela. Kinuha niya iyon mula sa hanger at binalingan ang shoes. Dinampot niya sa rack ang puting high heel, lace up knot at hindi ganoon kahaba ang takong, mga 1¹/² inch lang siguro. Binitbit niya ang mga iyon palabas. Nahinto
Chapter 8 ST. ELIZABETH Village. Bumaba ng sasakyan si Jovy mga ilang metro ang layo mula sa bahay nila. Naglakad na lang siya habang mabagal na bumubuntot sa kaniya si Rodjak at ang mga bodyguards nito sakay ng dalawang SUV. Tahimik ang bahay nang pumasok siya ng gate. Gusto lang niyang pumuslit doon at kumuha ng isang photo album para may masilip siya tuwing namimiss niya ang kaniyang mag-aama. Maglilinis na rin siya saglit at maglalaba. Siguradong tambak na ang labahin dahil abala sa trabaho at sa hospital si Kris. Hindi rin sila sanay dati pa na umasa sa pamilya nito. Nahinto siya nang may naamoy na parang may nasusunog. Natilihan siya nang makita ang pagbulusok ng usok pataas sa papawirin. Nagmula iyon sa likod-bahay. Taranta siyang tumakbo papunta roon. Baka ang tambakan ng wood scraps ang nasusunog. Awang ang mga bibig na nag-ugat siya sa lupa nang madatnan doon ang biyenan niya at isang babaeng nakatalikod sa kaniyang gawi pero pamilyar sa kaniya ang hubog ng katawan. Sa
Chapter 9ISANG masalimuot na linggo na naman ang mabagal na lumipas. Walang ginawa si Jovy kung hindi magkulong lang sa kuwarto. May mga inspirational books na binigay si Rosela sa kaniya, nagbabasa siya para maibsan ang pagkabagot. Si Rodjak ay masigasig at masugid sa ginagawa nitong panunuyo sa kaniya. Balewala sa lalaki kahit hindi niya ito pinapansin at madalas nagtutulug-tulugan siya tuwing pumapasok ito roon sa kuwarto niya. Narinig niya ang mababaw na katok mula sa pinto. Tiniklop niya ang aklat na binabasa at tumingin doon. Hindi naman kumakatok si Rodjak kapag pumapasok doon. Baka isa sa mga kasambahay. Tumayo siya para pagbuksan ang sinumang nasa labas pero nahawi ang pinto at kasunod na sumilip ang foodcart, tulak-tulak ng congressman. "Hindi pa ako nagugutom," masungit niyang sabi at naglakad patungo sa kama. "Hinatid ko na sakali magutom ka mamaya, may meeting ako sa doctor ko at baka matagalan kami." Itinuloy pa rin nito ang food cart sa coffee table na nasa sulok.
"K-KRIS...wait lang muna-" hindi makahirit si Jovy, tuwing ibubuka niya ang bibig ay isinasara iyoni Kris nang mapusok nitong halik. Napapadaing na lamang siya. Ang kamay ng asawa ay nakapasok na sa loob ng damit niya at salitan kung masahiin ang kaniyang dibdib.Bumaba ang haplos nito at napaigik siya nang sumiksik ang haba ng daliri nito sa ilalim ng panty niya. Hinimas at pinisil ang malambot na tinik sa gitna ng pagkababae niya, hanggang sa bumukal ang likido roon kasabay ang paghulagpos ng kaniyang hininga. Isa pang daliri nito ang dalubhasang hinagilap ang pinto papasok sa kaniyang kaluluwa at bumaon nang walang babala. Ibinuka niya nang husto ang mga hita at hindi na malaman kung saan ihahampas ang ulo. Dumiin, umaangat ang pang-upo niya sa hagupit ng pagnanasang animo'y nagbabagang putik na kumukulo at nagbabadyang sumabog. Hindi na niya magantihan ang halik ni Kris dahil nauubusan siya ng hangin. Nakaawang na lamang ang bibig niya, tumitirik ang mga mata at umaarko ang kat
Chapter 13IBINABA ni Kris ang cellphone at pinukol nang tanaw ang sasakyan sa kabilang parking lane. Bumukas ang pinto sa right side at lumabas ang babaeng sakay. Naningkit ang mga mata niya. Si Rosela nga. May kunting nagbago pero kompirmadong ito ang babaeng nakasama niya noong gabi bago ang kasal nila ni Jovy. Huminga siya nang malalim kasabay ang pagbuhos ng mga alaala ng nakaraan pabalik sa kaniyang utak. Bisperas iyon ng kasal niya, nalaman ni Kris ang surprise party na in-organize ng kaniyang barkada. Tinawagan siya ni Archie. Nag-ambag-ambag daw ang mga ito at nagpa-book ng exclusive schedule sa isang kilalang bar sa siyudad. "Pwede ba akong pumunta?" Nagpaalam siya kay Jovy na kausap niya sa cellphone. "Uuwi rin ako agad, magpapakita lang ako roon, nakakahiya kasi sa kanila, nag-effort ang tatlo para bigyan ako ng party.""Okay lang sana pero sabi ni Nanay hindi raw dapat umalis, alam mo naman ang pamahiin ng matatanda. Hindi ba pwedeng i-urong 'yong party? Pwede pa naman
Chapter 12MADALING-ARAW nang dumating si Rodjak sa Guadarama Hill Complex. Gising ang karamihan sa mga househelps na malamang ay ginising ni Celso para asikasuhin siya kahit hindi naman kailangan. "Pahinga na kayo, Harry. I need you in the morning, seven sharp!" utos niya sa mga bodyguard. Hinatid siya ng mga ito hanggang sa sala ng bahay. "Sabi ni Harry overnight kayo roon," si Celso na humabol sa kaniya roon sa sala matapos bigyan ng instruction ang relibong mga bantay sa labas at moving security na nag-iikot. "How can I stay there after you disclose that good news for me?" Nilingon niya ang kaibigan. "Thank you for looking out Jovy. Kumusta na siya? Natingnan ba ng doctor kanina?" "Galing siya ng hospital, nagkita sila ni Kris," balita ni Celso.Naudlot ang paghakbang niya. "Nagkita sila? Paano?" "Good morning po, Congressman," bati ni Carlota."Good morning, Manang." Ibinigay niya rito ang shoppin bags na naglalaman ng mga pasalubong."Para po ba ito kay Ma'am Jovy?""Hin
Chapter 11KUNG mayroon mang hindi sinungaling sa mundong ito, iyon ay ang oras. Kahit ang mga gintong inilibing noon sa ilalim ng lupa ay unti-unting umaangat sa paglipas ng panahon. Walang usok ang hindi sisingaw. Walang sekretong nasa dilim ang hindi mabubunyag sa liwanag kapag oras na ang nagdidikta.Nagpupulso ang kirot sa ulo ni Jovy at hindi sapat kahit ipinikit na niya ang mga mata. Lumala ang pagkahilo niya at ang kumukulong asim sa kaniyang sikmura. Maya't maya siyang naduduwal na parang lango sa alak. Nasa tabi niya si Celso at sa paanan niya ay ang plastic na nilagyan ng kaniyang suka. "Di ba sinabi ko sa iyo, sa amin ni RJ ka lang makikinig. Pinatulan mo pa ang kagagahan ni Rosela kahit alam mong walang magandang idudulot sa iyo. Paano kung nabangga ka kanina?"Natawa siya nang bahaw. "May pakialam ka ba? Nagmamalasakit ka sa akin?" "Next time ipapakita ko sa iyo kung paano ako magmalasakit, Jovy, papatay ako ng tao, sampolan na natin ang asawa mong manyak at sira-ulo."