Share

6 - Accusation

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-04-16 14:43:20

DISPERATE, bumalik ng hospital si Kris. Sa unang pagkakataon sa buhay niya iginupo siya ng pagkatalo at pagod. Nangmamanhid ang puso niya pero bakit walang tigil ang hagupit ng kirot? Para bang gusto na lang niyang tumigil sa paghinga, kung pwede lang. Kahit ilang minuto lang. Isasara muna niya ang utak at kalimutan ang mundo, kalimutang buhay siya.

Ang daming plano na tumatakbo sa isip niya pero nangangamba siyang gawin. Baka magkamali siya at lalo lang malagay sa alanganin si Jovy. Para itong babasaging bagay na kunti pa ay tuluyan nang madudurog at baka hindi na niya mahawakan. Kaya wala siyang nagawa kanina kundi ang umalis na lang muna. Hindi niya pwedeng ipilit ang gusto niya dahil hindi nagtatagpo ang katwiran nilang dalawa.

"Nasaan ang asawa mo? Kanina pa kita tinatanong?" makulit na utas ng kaniyang ina. "Para kang robot diyan na naubusan ng baterya. Nasaan si Jovy?"

Blangkong tiningnan niya ang magulang at saglit na sinuyod ang buong kuwarto. Hindi man lang niya napansing narito na pala siya sa private room na dating inuokupa ni Karylle.

Bumuga siya ng hangin. Nagbabara ang lalamunan niya at pumipintig ang kirot sa kaniyang ulo. Wala sana siyang balak na sabihin ang totoo sa magulang. Pero malalaman din naman iyon ng pamilya niya at mas gugulo pa kung magmumula sa ibang tao, dagdag-bawas na ang sistema at mas lalong magiging kawawa si Jovy. Sa ganitong krisis, gusto niyang protektahan ang asawa at ang reputasyon nito pero saan ba siya magsisimula?

"Kristoff!" apura ng mama niya.

"Naroon siya kay Congressman, Ma. Hindi pa siya makauuwi. Hintayin lang natin." Ibinagsak niya ang sarili sa sofa yumukyok sa pagkakaupo, piniga ang ulo.

"Ano'ng ginawa niya roon? Namasukan?" Bagot na segunda ni Mrs. Concepcion.

Umiling siya at pinukol ng tingin ang bakanteng kama. Kung mailalabas na ng ICU si Karylle, kailangan na siguro niyang mag-suweldo ng yaya na mag-aasikaso sa bata. Hindi siya pwedeng mawala ng matagal sa trabaho at lalong hindi niya hahayaan si Jovy na gawing priso ni Congressman sa poder nito.

"Sandali nga, magtapat ka, may ginawa bang katangahan ang asawa mo? Ano? Iniputan ka sa ulo?"

Nagpanting ang tainga niya at marahas na bumaling sa ina. "Ma, dahan-dahan naman kayo sa pagsasalita! Nagkamali si Jovy pero may mabigat siyang dahilan!" depensa niya sa asawa.

Tumawa ng pagak si Connie. "Tama  nga ako! Diyos ko, heto na nga ba ang sinabi ko. At ano'ng dahilan niya? Dati pa ay hindi ko na gusto iyang asawa mo, Kris! Pero ipinipilit mo sa amin! Ngayon, ano na? Pinatunayan na niyang kaladkarin talaga siya!"

"Tama na!" bulyaw niyang tumayo. "Kung magsalita kayo parang hindi ninyo nakita ang sakripisyo niya sa pamilya namin. Mabuti siyang asawa sa akin at mabait na ina ng aming mga anak. Hindi ako papayag na basta n'yo na lang siya iinsultuhin! Lagi na lang ang mali niya ang nakikita ninyo mula pa noon. Kung magkuwentahan tayo, ano bang nagawa ninyo para sa kaniya? Pero ang asawa ko, ginagawa niya ang lahat matanggap n'yo lang siya!"

Natigilan ang kaniyang ina at sinakop ng poot ang mga mata. "Sinisigawan mo ako? Binulyawan mo ang iyong ina para ipagtanggol ang maharot mong asawa?"

"Sino ba ang nagbigay sa kaniya ng ideyang humingi ng tulong sa gagong congressman na iyon? Sino ang nag-utos sa kaniyang pumunta roon?"

Saglit na natameme si Mrs. Concepcion at umilap ang mga mata. 

"Sinabihan ko nga siyang pumunta pero ayuda ang dapat na hiningi niya, hindi ipakamot ang kaniyang kati at magpasawsaw sa ibang lalaki!"

Lalong sumirko ang galit sa utak niya. Pero magulang niya ang kaharap, kailangan niyang kontrolin ang sarili.

"Inosenteng pumunta roon ang asawa ko, ang lalaking iyon ang mapagsamantala at abusado!" Tama, itutuon niya kay Rodjak ang galit. Walang ibang dapat sisihin kundi ang lalaking iyon.

"Bakit sa akin ka nagagalit. Dahil ba nakita mo na kung ano'ng klaseng babae ang inasawa mo? Hiwalayan mo agad iyon! Mag-file ka ng annulment at iuwi mo sa bahay natin ang mga bata pag nakalabas na rito sa hospital ang apo ko. Ayaw ko nang makitang lumalapit pa sa atin ang babaeng iyon! Nanaggigigil ako sa kaniya!"

"Hindi ko iyon gagawin! Babalik sa akin si Jovy at hihintayin ko siya, 'wag na kayong makialam sa amin. Ako ang aayos sa problemang 'to. Isa pa, hindi pwedeng hindi siya makita ng mga bata, hahanapin siya ng dalawa."  Aburido siyang naglakad palabas ng silid, pero hindi pa man niya nahawakan ang door knob ay bumukas na ang pinto at tumambad sa kaniya ang babaeng limang taon din niyang hindi nakita.

"Kris?" bulalas nitong namilog ang mga matang pinatitingkad ng artificial eyelashes at contact lens na kulay blue, kaya nagmukhang asul ang mga mata nito.

"Trixia," sambit niyang bahagyang na-sorpresa sa hindi inaasahang pagsulpot ng babae.

Pabalya itong yumakap sa kaniya. "Kahapon lang ako dumating, binisita ko ang libing nina dad at mom. Death anniversary nila yesterday."

"Trixia? Ikaw ba iyan?"

"Hello po, Tita Connie!" masigla nitong bati sa mama niya at sabik na nagbeso ang dalawa.

Ito ang gusto ng mga magulang niya noon na mapangasawa niya. Magkaibigan ang pamilya nila at malapit si Trixia sa kaniyang ina, halos anak na ang turing. Madalas kasing ibilin noon sa bahay nila ang dalaga lalo na kung nasa business trip ang mga magulang nito.

"Kumusta ka na? Sorry about your daughter, kung nalaman ko lang agad nakapag-abot sana ako ng tulong."

"Okay lang, naitawid namin ang surgery at ligtas na si Karylle." Ligtas na ang anak niya pero si Jovy naman ang nasa kritikal na sitwasyon. Kung nalikom lang agad niya ang perang kailangan.

"Kumusta ka na, Nak?" Inakay ng mama niya si Trixia patungo sa couch, siya naman ay tumuloy na palabas. Pumunta siya ng chapel at doon ay nagsumbong sa Diyos.

***

DALAWANG ORAS din ang virtual meeting na dinaluhan ni Rodjak. Nang balikan niya sa kuwarto si Jovy, nakatulog na ang babae. Mabuti naman at nagawa nitong makapagpahinga kahit papaano. Stressful ang araw na iyon at nag-aalala siyang baka hindi ito kakalma.

Pumuslit ang anino ng ngiti sa sulok ng labi niya habang pinagmamasdan nang may pagsuyo ang babae. Kinabig niya ang pinto at maingat na isinara. Naglakad palayo sa kuwarto.

"Tapos ko nang kausapin ang team, Sir," abiso ni Celso sa kaniya.

Tumango siya. "Dagdagan ang tao. Ayaw kong may makalusot na naman. Si Rosela nasaan? May iuutos ako sa kaniya."

"Nasa opisina, ipapatawag ko."

Bumaba sila ng study room. He will endure the chaos for a while. Lilipas din ito at magiging komportable si Jovy rito sa mansion. Alam niyang home-body ang babae, sanay sa house chores at pag-aalaga sa bahay. Marami itong pagkakaabalahan dito. Pwede nitong i-make over ang buong mansion ayon sa gusto nito.

"Celso, simulan n'yo nang i-regulate ang main gate para sa mga gustong pumasok at humingi ng ayuda. Ayaw kong may gulo na namang mangyayari. Bantayan ninyo na hindi na muling tatapak dito sa compound si Jissel. Ayaw kong makita siya ni Jovy na pumupunta pa rito."

"Copy that, Congressman."

Ganitong pakiramdam ang bumubuhay sa kaniya. Iyon bang nasasabik siya na kinakabahan, ayaw niyang magkamali sa mata ng babaeng special para sa kaniya. This is something motivating. Checking his moves, polishing his decisions and making everything smooth for her.

Now, for Jovy.

"Congressman?" Pumasok doon sa study room si Rosela.

Umahon siya sa swivel chair at senenyasan si Celso na magbukas ng wine. Agad itong tumalima.

"I need you to monitor Jovy's kids starting today, hire job orders if you must. Aalamin mo ang tungkol sa pangangailangan nila. I will provide for them, everything they need."

"Paano po si Mr. Concepcion, baka-"

"Jovy can't live without her children but she can survive without her husband."

"Itumba na ba namin, Congressman?" biro ni Celso, bitbit ang dalawang glass na naglalaman ng wine. Ibinigay nito sa kaniya ang isa.

"Hindi iyan nakakatawang biro," sikmat ni Rosela. "Cong, I mean po, baka harangin ni Mr. Concepcion ang ibibigay natin."

"Hindi niya tatanggihan iyon kung galing kay Jovy. Para sa mga anak nila ang provisions, hindi para sa kaniya." Tinikman niya ang alak.

"At sabihin mo sa mayabang na iyon na kaya siyang ipatanggal ni RJ sa trabaho niya. Masyadong hambog," singit ni Celso.

"Normal lang ang ginawa niya, asawa niya si Jovy," malditang sagot ni Rosela.

"Akala mo perfect husband, alam ba ni Jovy na nakipag-sex siya sa ibang babae bago sila ikasal?"

"Wala tayong pakialam sa private life niya." Ayaw magpatalo ni Rosela.

"Tumigil na kayong dalawa," awat niya sa mga ito. "I know, your opinion about this matter is not on my favor, Rose, but do the job, okay? Separate your personal comment. Minsan pumapayag naman akong talakan mo, di ba?" biro niyang kinindatan ang staff.

Namula ang mga pisngi ni Rosela at tumirik ang mga mata. Si Celso naman ay humagalpak ng tawa. Childhood friends niya ang dalawang ito. Kasama niya mula pagkabata at pinagkakatiwalaan niya kahit sa pinakamadilim na sekreto.

Executive assistant si Rosela at si Celso naman ang head ng kaniyang security.

"Cel, mag-set up tayo ng dinner sa may pool." Baling niya sa bodyguard pagkaalis ni Rosela.

"Sige, sasabihin ko sa mga kasambahay. Akala ko lalabas kayo mamaya. Pina-check ko na sa mechanic ang sasakyan."

"Hindi na muna, hindi komportable si Jovy na makita kami ng ibang tao kaya dito ko na lang siya bibigyan ng dinner date. Will formally start the courtship tonight." Lumagok siya ng wine at naupo sa edge ng desk.

"Bakit hindi mo sabihin kay Mrs. Concepcion ang resulta ng background check natin sa asawa niya?" suggests ni Celso.

"What for? Mahal na mahal niya ang lalaking iyon, Cel. Nothing in this world can turn her off and unlove him. Pero magbabago ang nararamdaman niya, tiwala ako roon."

"Masaya akong makita kang ganyan kasigla, RJ."

Nilapag niya ang baso sa desk at inikot ang kaniyang daliri sa bibig ng glass.

"Palagay mo hindi alam ni Jovy ang tungkol sa bagay na iyon?"

"Hindi siguro. Nangyari iyon during the groom's roast party. Kasal na nila kinabukasan, malamang wala nang time ang bride na alamin kung ano ang ginawa ng groom niya sa party na iyon."

"May identity ba ang babaeng nakasama ni Kristoff?"

"Alam ko kung sino ang babae."

"Can I use that to my advantage? Parang hindi effective iyan, Cel. Just keep that information under wraps."

"Ikaw ang bahala."

Nagtrabaho siya ng ilang oras doon sa study room habang nakabantay si Celso.

***

GUSTO pa niyang matulog pero masakit na ang pantog niya sa pagpipigil ng ihi. Napilitan si Jovy na bumangon. Kinusot ang nanghahapding mga mata at bumaba ng kama. Nagtungo siya ng banyo.

Habang umiihi ay napansin niya ang red tulips sa babasaging flower vase sa may lavatory. Parang bagong pitas lang. Umahon siya sa toilet bowl at inangat ang underwear. Inayos ang suot na bestida.

Pagkalabas ng banyo ay umagaw sa pansin niya ang red tulips na parang bantay at naka-puwesto sa kada sulok ng silid. Bumalik siya ng kama at naupo roon, blanko ang isip na nilibot ang paningin sa buong kuwarto. Hindi ito 'yong silid kung saan may nangyari sa kanila ni Rodjak. Ibang kuwarto ang kinaroroonan niya. Akala niya pipilitin siya ng lalaking samahan itong matulog sa silid nito.

"Oh, you're up, nagugutom ka na ba? Pinapahanda ko pa ang dinner." Lumitaw ang bulto ni Rodjak sa pintuan, matapos bumukas ang pinto. "May ipapakita ako sa iyo." Bitbit nito ang laptop at lumapit sa kaniya.

Suminghap siya nang makita ang video footage ni Karylle sa hospital. Nasa loob ng ICU ang bata at inasikaso ng isang nurse.

"I have a friend doctor there and she is the one taking the video. I know you missed your kids. May videos din sa panganay mo. We will play it after this one."

Gumaspang ang lalamunan niya sa pagpipigil ng luha. Totoo, sobrang miss na niya ang mga anak. Inagaw niya kay Rodjak ang laptop at ipinatong sa kandungan niya. Naiiyak na pinapanood niya ang videos.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   7 - Compromise

    Chapter 7BINUKSAN ni Jovy ang walk-in cabinet at kinagat ang ibabang labi nang tumama ang mga mata niya sa mga mamahaling gamit sa loob. Kasing-laki ng kuwarto niya ang area na iyon. Laman ang signature dresses na naka-patent mismo sa gumawa, designer bags, footwears, mga alahas at ibang fashion items. Lahat nang mayroon sa kuwartong iyon ay ginto-ginto ang halaga. Ipinaramdam sa kaniya kung ganoon kayaman ang nagmamay-ari ng mansion. Kahit kurtina at simpleng place mat sa coffee table ay pwede yatang mai-sangla dahil sa nakalululang presyo. Pumasada ang mga mata niya sa mga bestidang nakahilera sa gawing kanan at nakasabit sa stand. Pumili siya ng dark green dress, kimono style at may flutter sleeves. Hanggang sa ibaba ng tuhod niya ang haba at malambot ang tela. Kinuha niya iyon mula sa hanger at binalingan ang shoes. Dinampot niya sa rack ang puting high heel, lace up knot at hindi ganoon kahaba ang takong, mga 1¹/² inch lang siguro. Binitbit niya ang mga iyon palabas. Nahinto

    Last Updated : 2025-04-19
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   8 - misplaced

    Chapter 8 ST. ELIZABETH Village. Bumaba ng sasakyan si Jovy mga ilang metro ang layo mula sa bahay nila. Naglakad na lang siya habang mabagal na bumubuntot sa kaniya si Rodjak at ang mga bodyguards nito sakay ng dalawang SUV. Tahimik ang bahay nang pumasok siya ng gate. Gusto lang niyang pumuslit doon at kumuha ng isang photo album para may masilip siya tuwing namimiss niya ang kaniyang mag-aama. Maglilinis na rin siya saglit at maglalaba. Siguradong tambak na ang labahin dahil abala sa trabaho at sa hospital si Kris. Hindi rin sila sanay dati pa na umasa sa pamilya nito. Nahinto siya nang may naamoy na parang may nasusunog. Natilihan siya nang makita ang pagbulusok ng usok pataas sa papawirin. Nagmula iyon sa likod-bahay. Taranta siyang tumakbo papunta roon. Baka ang tambakan ng wood scraps ang nasusunog. Awang ang mga bibig na nag-ugat siya sa lupa nang madatnan doon ang biyenan niya at isang babaeng nakatalikod sa kaniyang gawi pero pamilyar sa kaniya ang hubog ng katawan. Sa

    Last Updated : 2025-04-20
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   9 - Deception

    Chapter 9ISANG masalimuot na linggo na naman ang mabagal na lumipas. Walang ginawa si Jovy kung hindi magkulong lang sa kuwarto. May mga inspirational books na binigay si Rosela sa kaniya, nagbabasa siya para maibsan ang pagkabagot. Si Rodjak ay masigasig at masugid sa ginagawa nitong panunuyo sa kaniya. Balewala sa lalaki kahit hindi niya ito pinapansin at madalas nagtutulug-tulugan siya tuwing pumapasok ito roon sa kuwarto niya. Narinig niya ang mababaw na katok mula sa pinto. Tiniklop niya ang aklat na binabasa at tumingin doon. Hindi naman kumakatok si Rodjak kapag pumapasok doon. Baka isa sa mga kasambahay. Tumayo siya para pagbuksan ang sinumang nasa labas pero nahawi ang pinto at kasunod na sumilip ang foodcart, tulak-tulak ng congressman. "Hindi pa ako nagugutom," masungit niyang sabi at naglakad patungo sa kama. "Hinatid ko na sakali magutom ka mamaya, may meeting ako sa doctor ko at baka matagalan kami." Itinuloy pa rin nito ang food cart sa coffee table na nasa sulok.

    Last Updated : 2025-04-21
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   10 - Pregnant

    "K-KRIS...wait lang muna-" hindi makahirit si Jovy, tuwing ibubuka niya ang bibig ay isinasara iyoni Kris nang mapusok nitong halik. Napapadaing na lamang siya. Ang kamay ng asawa ay nakapasok na sa loob ng damit niya at salitan kung masahiin ang kaniyang dibdib.Bumaba ang haplos nito at napaigik siya nang sumiksik ang haba ng daliri nito sa ilalim ng panty niya. Hinimas at pinisil ang malambot na tinik sa gitna ng pagkababae niya, hanggang sa bumukal ang likido roon kasabay ang paghulagpos ng kaniyang hininga. Isa pang daliri nito ang dalubhasang hinagilap ang pinto papasok sa kaniyang kaluluwa at bumaon nang walang babala. Ibinuka niya nang husto ang mga hita at hindi na malaman kung saan ihahampas ang ulo. Dumiin, umaangat ang pang-upo niya sa hagupit ng pagnanasang animo'y nagbabagang putik na kumukulo at nagbabadyang sumabog. Hindi na niya magantihan ang halik ni Kris dahil nauubusan siya ng hangin. Nakaawang na lamang ang bibig niya, tumitirik ang mga mata at umaarko ang kat

    Last Updated : 2025-04-22
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   11 - Advice

    Chapter 11KUNG mayroon mang hindi sinungaling sa mundong ito, iyon ay ang oras. Kahit ang mga gintong inilibing noon sa ilalim ng lupa ay unti-unting umaangat sa paglipas ng panahon. Walang usok ang hindi sisingaw. Walang sekretong nasa dilim ang hindi mabubunyag sa liwanag kapag oras na ang nagdidikta.Nagpupulso ang kirot sa ulo ni Jovy at hindi sapat kahit ipinikit na niya ang mga mata. Lumala ang pagkahilo niya at ang kumukulong asim sa kaniyang sikmura. Maya't maya siyang naduduwal na parang lango sa alak. Nasa tabi niya si Celso at sa paanan niya ay ang plastic na nilagyan ng kaniyang suka. "Di ba sinabi ko sa iyo, sa amin ni RJ ka lang makikinig. Pinatulan mo pa ang kagagahan ni Rosela kahit alam mong walang magandang idudulot sa iyo. Paano kung nabangga ka kanina?"Natawa siya nang bahaw. "May pakialam ka ba? Nagmamalasakit ka sa akin?" "Next time ipapakita ko sa iyo kung paano ako magmalasakit, Jovy, papatay ako ng tao, sampolan na natin ang asawa mong manyak at sira-ulo."

    Last Updated : 2025-04-23
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   12 - communication

    Chapter 12MADALING-ARAW nang dumating si Rodjak sa Guadarama Hill Complex. Gising ang karamihan sa mga househelps na malamang ay ginising ni Celso para asikasuhin siya kahit hindi naman kailangan. "Pahinga na kayo, Harry. I need you in the morning, seven sharp!" utos niya sa mga bodyguard. Hinatid siya ng mga ito hanggang sa sala ng bahay. "Sabi ni Harry overnight kayo roon," si Celso na humabol sa kaniya roon sa sala matapos bigyan ng instruction ang relibong mga bantay sa labas at moving security na nag-iikot. "How can I stay there after you disclose that good news for me?" Nilingon niya ang kaibigan. "Thank you for looking out Jovy. Kumusta na siya? Natingnan ba ng doctor kanina?" "Galing siya ng hospital, nagkita sila ni Kris," balita ni Celso.Naudlot ang paghakbang niya. "Nagkita sila? Paano?" "Good morning po, Congressman," bati ni Carlota."Good morning, Manang." Ibinigay niya rito ang shoppin bags na naglalaman ng mga pasalubong."Para po ba ito kay Ma'am Jovy?""Hin

    Last Updated : 2025-04-24
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   13 - separation

    Chapter 13IBINABA ni Kris ang cellphone at pinukol nang tanaw ang sasakyan sa kabilang parking lane. Bumukas ang pinto sa right side at lumabas ang babaeng sakay. Naningkit ang mga mata niya. Si Rosela nga. May kunting nagbago pero kompirmadong ito ang babaeng nakasama niya noong gabi bago ang kasal nila ni Jovy. Huminga siya nang malalim kasabay ang pagbuhos ng mga alaala ng nakaraan pabalik sa kaniyang utak. Bisperas iyon ng kasal niya, nalaman ni Kris ang surprise party na in-organize ng kaniyang barkada. Tinawagan siya ni Archie. Nag-ambag-ambag daw ang mga ito at nagpa-book ng exclusive schedule sa isang kilalang bar sa siyudad. "Pwede ba akong pumunta?" Nagpaalam siya kay Jovy na kausap niya sa cellphone. "Uuwi rin ako agad, magpapakita lang ako roon, nakakahiya kasi sa kanila, nag-effort ang tatlo para bigyan ako ng party.""Okay lang sana pero sabi ni Nanay hindi raw dapat umalis, alam mo naman ang pamahiin ng matatanda. Hindi ba pwedeng i-urong 'yong party? Pwede pa naman

    Last Updated : 2025-04-25
  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   1 - Husband

    Chapter 1NARINIG ni Jovy ang rebolusyon ng motorsiklong pumasok sa bakuran ng bahay nila. Iniwan niya ang hugasin sa lababo at nagpunas ng basang kamay sa suot na apron. Inayos muna ang sarili at ang buhok na nakatakas sa pantali at isinabit sa likod ng tainga. Kumaripas siya palabas ng kusina para salubungin ang asawang si Kristoff. "Kylle, dumating na si Papa!" masaya niyang tawag sa panganay na anak na gumagawa ng assignment sa may study area na kanugnog lang ng sala. "Opo, Ma!" masiglang sagot ng walong taong gulang na batang lalaki. Humabol ito kaniya palabas ng bahay. Nadatnan nilang naglalagay si Kris ng trapal sa motor na ilalim ng resting shed na gawa sa native materials. Bitbit nito ang full-faced helmet at ecobag laman ang ilang groceries. Nasa likod nito ang itim na laptop bagpack. Nakangiting tumingin sa kanilang mag-ina ang lalaki matapos ihulog sa bulsa ang susi ng NMAX. "Papa!" Agad yumapos si Kylle sa ama matapos magmano. "Perfect ako kanina sa test namin sa Math

    Last Updated : 2025-04-14

Latest chapter

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   13 - separation

    Chapter 13IBINABA ni Kris ang cellphone at pinukol nang tanaw ang sasakyan sa kabilang parking lane. Bumukas ang pinto sa right side at lumabas ang babaeng sakay. Naningkit ang mga mata niya. Si Rosela nga. May kunting nagbago pero kompirmadong ito ang babaeng nakasama niya noong gabi bago ang kasal nila ni Jovy. Huminga siya nang malalim kasabay ang pagbuhos ng mga alaala ng nakaraan pabalik sa kaniyang utak. Bisperas iyon ng kasal niya, nalaman ni Kris ang surprise party na in-organize ng kaniyang barkada. Tinawagan siya ni Archie. Nag-ambag-ambag daw ang mga ito at nagpa-book ng exclusive schedule sa isang kilalang bar sa siyudad. "Pwede ba akong pumunta?" Nagpaalam siya kay Jovy na kausap niya sa cellphone. "Uuwi rin ako agad, magpapakita lang ako roon, nakakahiya kasi sa kanila, nag-effort ang tatlo para bigyan ako ng party.""Okay lang sana pero sabi ni Nanay hindi raw dapat umalis, alam mo naman ang pamahiin ng matatanda. Hindi ba pwedeng i-urong 'yong party? Pwede pa naman

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   12 - communication

    Chapter 12MADALING-ARAW nang dumating si Rodjak sa Guadarama Hill Complex. Gising ang karamihan sa mga househelps na malamang ay ginising ni Celso para asikasuhin siya kahit hindi naman kailangan. "Pahinga na kayo, Harry. I need you in the morning, seven sharp!" utos niya sa mga bodyguard. Hinatid siya ng mga ito hanggang sa sala ng bahay. "Sabi ni Harry overnight kayo roon," si Celso na humabol sa kaniya roon sa sala matapos bigyan ng instruction ang relibong mga bantay sa labas at moving security na nag-iikot. "How can I stay there after you disclose that good news for me?" Nilingon niya ang kaibigan. "Thank you for looking out Jovy. Kumusta na siya? Natingnan ba ng doctor kanina?" "Galing siya ng hospital, nagkita sila ni Kris," balita ni Celso.Naudlot ang paghakbang niya. "Nagkita sila? Paano?" "Good morning po, Congressman," bati ni Carlota."Good morning, Manang." Ibinigay niya rito ang shoppin bags na naglalaman ng mga pasalubong."Para po ba ito kay Ma'am Jovy?""Hin

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   11 - Advice

    Chapter 11KUNG mayroon mang hindi sinungaling sa mundong ito, iyon ay ang oras. Kahit ang mga gintong inilibing noon sa ilalim ng lupa ay unti-unting umaangat sa paglipas ng panahon. Walang usok ang hindi sisingaw. Walang sekretong nasa dilim ang hindi mabubunyag sa liwanag kapag oras na ang nagdidikta.Nagpupulso ang kirot sa ulo ni Jovy at hindi sapat kahit ipinikit na niya ang mga mata. Lumala ang pagkahilo niya at ang kumukulong asim sa kaniyang sikmura. Maya't maya siyang naduduwal na parang lango sa alak. Nasa tabi niya si Celso at sa paanan niya ay ang plastic na nilagyan ng kaniyang suka. "Di ba sinabi ko sa iyo, sa amin ni RJ ka lang makikinig. Pinatulan mo pa ang kagagahan ni Rosela kahit alam mong walang magandang idudulot sa iyo. Paano kung nabangga ka kanina?"Natawa siya nang bahaw. "May pakialam ka ba? Nagmamalasakit ka sa akin?" "Next time ipapakita ko sa iyo kung paano ako magmalasakit, Jovy, papatay ako ng tao, sampolan na natin ang asawa mong manyak at sira-ulo."

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   10 - Pregnant

    "K-KRIS...wait lang muna-" hindi makahirit si Jovy, tuwing ibubuka niya ang bibig ay isinasara iyoni Kris nang mapusok nitong halik. Napapadaing na lamang siya. Ang kamay ng asawa ay nakapasok na sa loob ng damit niya at salitan kung masahiin ang kaniyang dibdib.Bumaba ang haplos nito at napaigik siya nang sumiksik ang haba ng daliri nito sa ilalim ng panty niya. Hinimas at pinisil ang malambot na tinik sa gitna ng pagkababae niya, hanggang sa bumukal ang likido roon kasabay ang paghulagpos ng kaniyang hininga. Isa pang daliri nito ang dalubhasang hinagilap ang pinto papasok sa kaniyang kaluluwa at bumaon nang walang babala. Ibinuka niya nang husto ang mga hita at hindi na malaman kung saan ihahampas ang ulo. Dumiin, umaangat ang pang-upo niya sa hagupit ng pagnanasang animo'y nagbabagang putik na kumukulo at nagbabadyang sumabog. Hindi na niya magantihan ang halik ni Kris dahil nauubusan siya ng hangin. Nakaawang na lamang ang bibig niya, tumitirik ang mga mata at umaarko ang kat

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   9 - Deception

    Chapter 9ISANG masalimuot na linggo na naman ang mabagal na lumipas. Walang ginawa si Jovy kung hindi magkulong lang sa kuwarto. May mga inspirational books na binigay si Rosela sa kaniya, nagbabasa siya para maibsan ang pagkabagot. Si Rodjak ay masigasig at masugid sa ginagawa nitong panunuyo sa kaniya. Balewala sa lalaki kahit hindi niya ito pinapansin at madalas nagtutulug-tulugan siya tuwing pumapasok ito roon sa kuwarto niya. Narinig niya ang mababaw na katok mula sa pinto. Tiniklop niya ang aklat na binabasa at tumingin doon. Hindi naman kumakatok si Rodjak kapag pumapasok doon. Baka isa sa mga kasambahay. Tumayo siya para pagbuksan ang sinumang nasa labas pero nahawi ang pinto at kasunod na sumilip ang foodcart, tulak-tulak ng congressman. "Hindi pa ako nagugutom," masungit niyang sabi at naglakad patungo sa kama. "Hinatid ko na sakali magutom ka mamaya, may meeting ako sa doctor ko at baka matagalan kami." Itinuloy pa rin nito ang food cart sa coffee table na nasa sulok.

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   8 - misplaced

    Chapter 8 ST. ELIZABETH Village. Bumaba ng sasakyan si Jovy mga ilang metro ang layo mula sa bahay nila. Naglakad na lang siya habang mabagal na bumubuntot sa kaniya si Rodjak at ang mga bodyguards nito sakay ng dalawang SUV. Tahimik ang bahay nang pumasok siya ng gate. Gusto lang niyang pumuslit doon at kumuha ng isang photo album para may masilip siya tuwing namimiss niya ang kaniyang mag-aama. Maglilinis na rin siya saglit at maglalaba. Siguradong tambak na ang labahin dahil abala sa trabaho at sa hospital si Kris. Hindi rin sila sanay dati pa na umasa sa pamilya nito. Nahinto siya nang may naamoy na parang may nasusunog. Natilihan siya nang makita ang pagbulusok ng usok pataas sa papawirin. Nagmula iyon sa likod-bahay. Taranta siyang tumakbo papunta roon. Baka ang tambakan ng wood scraps ang nasusunog. Awang ang mga bibig na nag-ugat siya sa lupa nang madatnan doon ang biyenan niya at isang babaeng nakatalikod sa kaniyang gawi pero pamilyar sa kaniya ang hubog ng katawan. Sa

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   7 - Compromise

    Chapter 7BINUKSAN ni Jovy ang walk-in cabinet at kinagat ang ibabang labi nang tumama ang mga mata niya sa mga mamahaling gamit sa loob. Kasing-laki ng kuwarto niya ang area na iyon. Laman ang signature dresses na naka-patent mismo sa gumawa, designer bags, footwears, mga alahas at ibang fashion items. Lahat nang mayroon sa kuwartong iyon ay ginto-ginto ang halaga. Ipinaramdam sa kaniya kung ganoon kayaman ang nagmamay-ari ng mansion. Kahit kurtina at simpleng place mat sa coffee table ay pwede yatang mai-sangla dahil sa nakalululang presyo. Pumasada ang mga mata niya sa mga bestidang nakahilera sa gawing kanan at nakasabit sa stand. Pumili siya ng dark green dress, kimono style at may flutter sleeves. Hanggang sa ibaba ng tuhod niya ang haba at malambot ang tela. Kinuha niya iyon mula sa hanger at binalingan ang shoes. Dinampot niya sa rack ang puting high heel, lace up knot at hindi ganoon kahaba ang takong, mga 1¹/² inch lang siguro. Binitbit niya ang mga iyon palabas. Nahinto

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   6 - Accusation

    DISPERATE, bumalik ng hospital si Kris. Sa unang pagkakataon sa buhay niya iginupo siya ng pagkatalo at pagod. Nangmamanhid ang puso niya pero bakit walang tigil ang hagupit ng kirot? Para bang gusto na lang niyang tumigil sa paghinga, kung pwede lang. Kahit ilang minuto lang. Isasara muna niya ang utak at kalimutan ang mundo, kalimutang buhay siya. Ang daming plano na tumatakbo sa isip niya pero nangangamba siyang gawin. Baka magkamali siya at lalo lang malagay sa alanganin si Jovy. Para itong babasaging bagay na kunti pa ay tuluyan nang madudurog at baka hindi na niya mahawakan. Kaya wala siyang nagawa kanina kundi ang umalis na lang muna. Hindi niya pwedeng ipilit ang gusto niya dahil hindi nagtatagpo ang katwiran nilang dalawa. "Nasaan ang asawa mo? Kanina pa kita tinatanong?" makulit na utas ng kaniyang ina. "Para kang robot diyan na naubusan ng baterya. Nasaan si Jovy?"Blangkong tiningnan niya ang magulang at saglit na sinuyod ang buong kuwarto. Hindi man lang niya napansing

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   5 - The Unborn

    Chapter 5PAGDATING kay Jovy, sinasagad ni Kris ang sarili. Pagmamahal, pagsisikap para sa pamilya nila at kung ano ang mga responsibilidad niya bilang asawa at ama ng kanilang mga anak. Binibigay niya ang lahat. Hindi niya naisip na magtira para sa kaniyang sarili dahil naniniwala siyang mahal siya ng asawa at ang pagmamahal nito ay higit pa sa sapat para paulit-ulit siyang buuin araw-araw. Pumihit siya paalis, dama ang humahabol na tanaw ni Jovy kung kailan nakatalikod na siya. Sinadya niyang ibaba ang kaniyang depensa para isipin ng mga bodyguards ni Rodjak na sumuko siya. Nang dumistansiya ng ilang hakbang ang mga ito'y umikot siya pabalik at sinugod ang congressman. Bangkay siyang uuwi kung hindi rin lang niya maisasama ang asawa. "Kris!"Kasabay ng malakas na tili ni Jovy ay ang pagbira niya nang malakas na suntok. Sapul sa mukha si Rodjak na sadyang hindi umilag dahil hinawi nito palayo ang asawa niya at ginawang pananggalang ang saliri sa kaniyang atake. Nasira ang balanse

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status