Sa mansyon ng mga Fuentabella, nakaupo si Alejandro sa couch at pinagmamasdan nang maigi ang kamay na may benda. May multong ngiti sa kaniyang mga labi habang inaalala kung paano siya ginamot ni Klaire sa kotse dalawang oras na ang nakalipas. “You are really something…” bulong niya, hindi maipaliwanag kung saan nanggagaling ang munting tuwa na nararamdaman. Bumukas ang malaking double doors ng mansyon, dahilan para mabaling ang kaniyang atensyon sa mga bagong dating. It was his children and Ivan. Mukhang masaya ang tatlo at tila ba nag-enjoy kung saan sila galing. “Where have you been?” kuryoso niyang tanong sa tatlo. Himala na makita niya ang kaniyang bunso na nakangiti kay Ivan. Karga-karga ito ng lalaki at komportable naman ang anak niya habang nakapulupot ang mga munting kamay sa leeg nito. Sa isip ni Alejandro, ano kayang pinakain ni Ivan sa mga bata? “We ate in a 5-star restaurant,” sagot ni Ivan bago ibaba ang batang babae, na kapag kuwan ay tumakbo palapit kay Alejandr
Naramdaman ng pagkahilo si Alejandro matapos ang isang company meeting na tumagal nang mahigit isang oras nang umagang ‘yon. He could feel that his body was uncomfortable. Halata sa kaniyang hitsura ang pagkabalisa dahil sa natamong injury. Nang makabalik sa kaniyang opisina ay dumiresto siya sa kaniyang desk. He was weak and he knew that he couldn’t work when he was like that. “Boss, ito na po ang mga dokumentong kailangan niyong pirmahan,” wika ni Luka nang makapasok sa opisina at inilagay sa kaniyang desk ang tumpok ng dokumentong kailangan niyang asikasihuhin. Napakunot ang kaniyang noo sa dami niyon. Minasahe niya ang kaniyang sintindo pagkatapos ay sinabing, “Send those to my Mom’s office and let her handle the signing.”“Sige, boss. Ipapadala ko agad kay Chairman,” sagot ni Luke na napatingin sa kaniyang sugatang kamay na nangangailangan na ng bagong dressing. “Boss, kung hindi ka komportable dahil nananakit ang sugat mo, mas maganda siguro na matulog ka muna. Gisingin na la
Gayunpaman, hindi na masyadong inisip ni Klaire ang bagay na ‘yon at tumango na lamang bilang pagsang-ayon. Ilang saglit pa ay pumasok muli si Luke sa lounge na may dalang pagkain. “Boss, hindi po kayo kumain ng breakfast kanina. Nagluto ang chef sa bahay ng lugaw at pinadala dito. Kumain na ‘ho kayo.” Tamad na sumagot si Alejandro. “Ayoko niyan. I don’t have an appetite.”Nang marinig ang lalaki ay kumunot ang noo ni Klaire. “You’re not feeling well. Mas magiging maayos ang pakiramdam mo kung malalamanan nang mainit ang tiyan mo.” Umiling lamang si Alejandro. Kinuha ni Klaire ang mga gamot sa kaniyang bag. “Take this. Mga gamot ‘to na pampababa ng lagnat. Formulated ng boss ko. Mas effective ‘yan at walang side effect. Pero kailangan mong kumain muna bago ka uminom nito.”Sumimangot naman si Alejandro, halatang medyo hindi nasisiyahan, ngunit pagkaraan ng ilang segundo, sinabi pa rin niya, "Ilagay mo na lang diyan."Klaire pressed her lips together. Mataman siyang nakatingin sa l
“W-Why would I be scared?” depensa ni Klaire, pilit na hindi pinapansin ang pagwawala ng kaniyang puso sa mga oras na ‘yon. “Then be a helping hand,” hamon ni Alejandro at saka itinaas ang kamay na may injured. “Dahil dito kaya hindi ako makaligo.” Sa huli ay tumango si Klaire. Hindi na lang niya papansinin ang nanunubok na mga mata at boses ng lalaki. Gagawin na lang niya ang dapat niyang gawin pagkatapos ay aalis na siya!“Fine,” mariin niyang sabi. May multong ngiti sa labi ni Alejandro nang tumalikod ito at bumalik sa banyo. Lakas-loob na sumunod si Klaire sa kaniya. Nang makapasok sa magarbong banyo ay napaawang ang kaniyang labi. Animo’y parang hari ang dating ng lalaki dahil sa disenyo ng banyong ‘yon. Halos lahat ng bagay doon ay tila gawa sa ginto. “Since you mentioned that it’s not good for me to take a bath while I have a fever, I’ll just wipe my body,” ani Alejandro. “Sige, ipaghahanda na lang kita ng maligamgam na tubig at towel,” sabi naman ni Klaire na pilit na ki
Mabilis lumipas ang oras sa research institute, bago pa man matanto ni Klaire, inabot na sila ng gabi sa paggawa ng mga bagong perfume formula. Nang sa wakas ay matapos ay nakahinga siya nang maluwag at kinusot ang kaniyang mga mata. Ramdam niya ang pagod sa buong maghapon. Nananakit na rin ang kaniyang balikat at batok. She stretched her arms and craned her neck a bit. Hindi nagtagal ay nagpalit na rin siya ng damit. Kailangan pa niyang balikan si Alejandro para palitan ang dressing ng sugat nito. “Klaire, tara! Sabay na tayo umuwi,” yaya sa kaniya ni Annie na paalis na ng lab. “You can go ahead, Annie. May pupuntahan pa ako,” sagot niya at nginitian ang kaibigan. “Oh, okay. Kaya pala bihis na bihis ka,” natatawang komento ni Annie. “Client ba?”Napairap si Klaire dahil sa gawi ng paninitig sa kaniya ni Annie. Tila ba nanunukso pa ito. “Yes, client. Mag-ingat ka pag-uwi. See you tomorrow!” “See you. Ingat ka sa client mo,” nakangiting sabi ni Annie at saka kinindatan siya bago
Nang marinig ni Melissa ang sinabi ni Feliz ay nilingon niya ito. Kunot-noo ang ginang at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “And who are you?” tanong ni Melissa. Maging si Carmina na nasa tabi nito ay hindi siya kilala. “Actually, dear. Ang mysterious doctor na ang may last say sa ganitong bagay, hindi ikaw.”Nakuyom ni Feliz ang kaniyang kamay. Alam niya kung ano’ng ginawa ng tatlong babaeng ‘yon kay Klaire kaya hindi niya papayagan ang mga ito na gamitin ang kaibigan niya para sa pansarili nilang kapakanan!“Sorry to burst your bubble, Mrs. De Guzman. May last say din ako sa bagay na ito dahil best friend ko at kasosyo ko sa kumpanya ko ang doktor na hinahanap niyo. She is only here because of our friendship. Pero kung para sa babaeng ‘yan?” Malamig ang kaniyang mga mata nang sulyapan si Sophia at ang binto nito. “Walang obligasyon ang kaibigan ko na gamutin siya. Sana naiintindihan niyo ‘yon.”Hindi maganda sa pandinig ni Sophia ang mga sinabing ‘yon ni Feliz. Naramdam ito n
Nakatuon ang lahat ng atensyon kay Alejandro. Lahat ng ito ay naghihintay ng kaniyang desisyon. Malamig ang mga mata nito nang pagmasdan ang kaniyang ina na si Melissa, na kasalukuyang nag-aalboroto sa galit. He knew Feliz Santos’s words were serious. Gayunpaman ay iisa lang ang magiging sagot niya sa bagay na ‘yon.Palaban na nagtaas ng kilay si Feliz habang nakahalukipkip. Hindi niya alam na hahantong sa gano’n ang sitwasyon. Dapat ay naghihintay siya sa paglabas ni Klaire sa operating room at ang magandang balita na ligtas na ang kaniyang Mommy, pero talagang nandoon ang mga taong sisira ng araw niya at ng best friend niya. Nagpamulsa si Alejandro. “No, I won’t cancel the contract with their company.” Mas lalong namula sa galit si Melissa at sumigaw, “Alejandro!!”Pagod na binalingan ng tingin ni Alejandro ang kaniyang ina. Hindi na niya maintindihan kung bakit at gano’n na lang kainit ang dugo nito sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Klaire. Wala naman ‘yong kinalaman sa nakaraa
Feliz didn’t know that Alejandro could be so persistent. Napalunok siya at napatingin sa operating room. Iilang mga nurse na ang nalabas mula doon. Nagsisimula na siyang mabalisa. Paano na lang kung lumabas din si Klaire mula doon? Panigurado ay mabibisto ito nang mga Fuentabella at De Guzman! “It’s up to you,” wika niya kay Alejandro, pilit na tinatago ang pangamba sa kaniyang puso. Nang may makitang pamilyar na lalaking doktor na isa sa mga nag-assist kay Klaire sa operation ay mabilis na gumalaw si Feliz. “Doctor Alex!” bulalas niya at lumapit sa doktor. “How’s the operation?” Nagtanggal ng surgical mask ang doktor at sinabing, “It was succesful, Feliz. Ligtas na ang Mommy mo.” Halos mapaiyak si Feliz nang marinig ‘yon. Maging ang kaniyang pamilya ay tuwang-tuwa sa balitang ito. Napakagaling talaga ni Klaire! Nang makalma sa halu-halong emosyon ay binulungan niya ang kakilalang doktor. “Nasaan si Klaire?”“Pumunta siya sa locker area para magpalit ng damit.” “Alex, kapag ti