Pagkatapos ng hapunan ay mahigpit na utos ni Don Armando kay Alejandro na ihatid si Klaire sa bahay nito…Nakasunod si Klaire sa likod ni Alejandro at nakita na nakahanda na ang kotse. Kagat ang ibabang labi ay lakas-loob siyang lumapit sa lalaki. “Kaya ko na mag-taxi pag-uwi. You don’t have to send me home,” aniya sa malamig na boses. “My father told me to send you home. Huwag mo na akong pahirapan.”Kumunot ang noo ni Klaire. “Ayaw nga kitang pahirapan kaya sinasabi ko sa ‘yo ngayon na huwag mo na akong ihatid, Mr. Fuentabella.” Binuksan ni Alejandro ang pinto sa backseat at saka hinarap siya. Animo’y naiinis.“Can you goddamn drop the Mister, Klaire? Alejandro. Call me by my name. Sanay ka namang tawagin ako sa pangalan ko noon. Why can’t you do it now?”“Iba tayo noon sa kung ano tayo ngayon, Mr. Fuentabella,” katwiran niya at saka pinasadahan ng mga daliri ang kaniyang buhok. “I don’t call my clients by their first names.” “Excuses…” bulong ni Alejandro habang napapailing, at
Alejandro clenched his jaw. Pinanood niya ang pagpasok ni Klaire sa gate ng villa at walang sinabi na kahit ano habang nakatingin sa tirahan ng dating asawa. Hindi niya maintindihan kung ano ang dapat maramdaman. Ang dapat ay galit siya sa babae dahil inabandona nito ang kanilang kambal na anak pero animo’y hindi niya mahanap ang galit sa kaniyang dibdib sa mga oras na ‘yon. Bagkus ay mas naiinis siya sa kaniyang sarili. He didn’t know if he made the right decision… “Boss, kanina pa po pumasok si Miss Klaire,” basag ni Luke sa katahimikan. Kumurap si Alejandro at bumaling sa rearview mirror, pagkatapos ay tumango. “Let’s go,” utos niya at tumingin sa villa nang huling beses bago nagpakawala nang buntonghininga. Habang nasa daan pauwi, tumawag naman ang kaniyang ama. Sinulyapan ni Alejandro ang kaniyang telepono bago iyon sagutin. “Ano? Did you send her home safely?” tanong ni Don Armando mula sa kabilang linya. “Yes, Pa.”“Good. I thought you’d play hard on her again.” Napailin
Mabilis na nagmaneho si Klaire at nakarating sa Institute of Psychology. Bumaba din ng sasakyan sina Nico at Natasha sa kotse. Nang makita nilang dalawa ang pamilyar na kapaligirang ito, natigilan sila.Hindi ba ang lugar na ito... ang research institute ni Tito Ivan? Gulat na naisip ni Nico. Nagkatinginan ang kambal, hindi mawalan ang gagawin. “Nandito na tayo,” bulalas ni Klaire sa dalawa at saka tiningnan ang oras sa kaniyang relo. “Buti na lang at hindi pa tayo late.”Hinila ni Natasha ang dulo ng t-shirt na suot ni Nico. Balisang-balisa na ang batang babae. Paano kung makita sila ng kanilang Tito Ivan? Panigurado ay mabibisto sila! Samantala, bagama't balisa rin si Nico ay kalmado pa rin itong nag-iisip ng paraan para matakasan ang check up. "Mommy, biglang sumakit ang tiyan ko..." he lied. Napahinto si Klaire at tumingin sa anak, agad na kinabahan. “What? Why? What’s wrong baby?”Hinawakan ni Nico ang kaniyang tiyan at nagkunwaring namimilipit sa sakit. "Hindi ko alam, Mom
Habang pauwi, nakita ni Nico ang text message mula kay Clayton, kaya mabilis siyang nagtipa ng mensahe para ipinaliwanag ang nangyari.Nang mabasa nina Clayton at Callie ang mensahe mula kay Nico, hindi nila naiwasang mangamba. Napakaliit ng mundon.... Sinong mag-aakala na mangyayari sa kanila ang coincidence na ‘yo? Buti na lang at matalino ang nakababatang kapatid, kung hindi ay nasira ang kanilang plano.Ang kanilang Tito Ivan ay isang napakahusay na psychiatrist. Napaka-observant at tuso din nito. Dahil sa lalaki kaya sila binabantayan ng Daddy nila nitong mga nakaraang araw. Hindi sila pwedeng mapalapit sa lalaking ‘yon dahil baka mabilis na matuklasan ang sekreto nila. Mukhang kailangan na namin magkaroon ng bagong plano… naisip ni Clayton. Napatingin siya sa kanilang Tito Ivan na tapos nang makipag-usap sa kanilang Daddy. Ang mga mata nito ay nakatuon sa kaniyang kapatid na si Callie. "Natasha honey, bakit ka nagbabasa ng medical book?" Lumakad ito ng ilang hakbang palapit
Alas otso ng gabi nang dumating si Alejandro sa X restaurant gaya ng napag-usapan nila ng kaniyang inang si Melissa. Marahan niyang tinulak ang pinto para sa VIP room kung saan gaganapin ang kanilang family dinner. Sa loob, nakita niya ang kaniyang ina at lola kasama ang tatlong miyembro ng pamilya De Guzman. Masayang nakikipag-usap ang kaniyang ina kay Carmina De Guzman. Agad na napagtanto ni Alejandro kung ano ang nangyayari. His expression darkened as he gazed at his mother.Pero animo’y hindi natinag si Melissa kahit pa gano’n ang hitsura ni Alejandro. Malapad ang ngiti nito at saka sinenyasan siya na maupo. “Finally, you are here, Ali! Halika at maupo ka sa tabi ni Sophia,” ani Melissa. Bagama't hindi mapalagay si Sophia sa kaniyang upuan ay sinuportahan niya ang ina ni Alejandro at nginitian din si Alejandro. “Ali, we ordered all your favorite dishes for this dinner,” sabi pa ni Sophia. “Come on, sit with me.” Hindi siya pinansin ni Alejandro at umupo sa kabilang dulo. Hin
Samantala, sa kabilang VIP room ay makikita ang kambal na sina Clayton at Callie na nakadikit ang mga tainga sa pader upang pakinggan ang mga usapan sa kabilang kwarto kung nasaan ang kanilang Daddy, Lola Melissa at ang pamilya De Guzman. Mabuti na lang ay hindi sound proof ang bawat VIP room doon kaya naririnig ng mga bata ang mga usapan ng matatanda tungkol sa pagpapakasal sa kanilang Daddy at Sophia. “Narinig mo ba ‘yon?” tanong ni Clayton sa kambal. “Ituturing daw tayo ni Tita Sophia na tunay na mga anak. E, ‘di ba bad siya?” Nakasimangot si Callie habang tumatango. “That’s true,” sang-ayon naman ni Ivan na palihim din na nakikinig sa kabilang kwarto. Isa siyang psychiatrist, at masasabi niya kung anong uri ng tao ang mga nakakaharap niya. Bagama't wala siyang gaanong pakikipag-ugnayan kay Sophia, alam niya sa unang tingin pa lang na hindi siya ang taong pinapakita niya sa lahat, lalo na sa mga bata. Dahil doon ay ayaw din ni Ivan na makatuluyan ni Alejandro si Sophia. Hind
Natahimik ang pamilya De Guzman. Lahat sila ay nagulat sa sinabi ni Alejandro na tila ba may kahulugan ang mga salita. Lumunok si Carmina, ang kaniyang mata ay naglilikot. “We have been separated from her for so many years, Alejandro. Masisisi mo ba kami kung hindi namin siya akuin? Kakaiba siya at halatang walang class at pinag-aralan. I-Isa siyang malaking kahihiyan sa pamilya De Guzman.” “At isa siyang masamang babae, Ali,” segunda pa ni Melissa. “Tell me, son. Gusto mo bang makipagbalikan muli sa babaeng ‘yon? You know I won’t let that happen, right? Kahit pa siya ang ina ng mga apo ko, hindi ako papayag na pumasok siya sa buhay natin, Ali!” “Besides, alam ko kung paano mo pinapahalagahan ang mga bata. Kaya nga tikom ang bibig namin para hindi malaman ng dati mong asawa na buhay sila. That bitch is a lost case. Dahil laki sa hirap kaya iskwater ang ugali. Magkaiba ang mundo niyo. Ibang-iba siya kay Sophia,” pahayag pa ni Carmina. Ang mga salitang ‘yon ay narinig lahat ng dalaw
Ilang taon na ang nakalilipas, nang paalisin nila si Klaire sa mansion, pinamukha ng mga De Guzman sa kaniya na wala silang anak na katulad niya. Mas pinanigan ng mga ito si Sophia at hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon na kilalanin. Nanatili sa isipan ni Klaire ang mga masasakit na salita ng kaniyang mga magulang noon. Hinding-hindi niya ito makalilimutan at ngayo’y gagamitin niya ang mga ito upang ipagtanggol ang sarili niya. The air in the restaurant became so tense. Kuyom ni Klaire ang kaniyang kamao habang seryosong nakatitig sa kaniyang tunay na mga magulang na ngayo’y nakaangil na sa kaniya. Tila ba wala kahit na katiting na lukso ng dugong nararamdaman para sa kaniya. Para bang isa siyang kaaway para sa dalawa. Ilang segundo ang nakalipas nang lumabas si Lance Buenaventura sa VIP room kung saan sila nagdi-dinner ni Klaire. Halatang narinig niya ang ingay at nakitang pinagtutulungan ng dalawang pamilya si Klaire sa harap ng maraming tao sa restaurant na ‘yon. “It’s