Natahimik ang pamilya De Guzman. Lahat sila ay nagulat sa sinabi ni Alejandro na tila ba may kahulugan ang mga salita. Lumunok si Carmina, ang kaniyang mata ay naglilikot. “We have been separated from her for so many years, Alejandro. Masisisi mo ba kami kung hindi namin siya akuin? Kakaiba siya at halatang walang class at pinag-aralan. I-Isa siyang malaking kahihiyan sa pamilya De Guzman.” “At isa siyang masamang babae, Ali,” segunda pa ni Melissa. “Tell me, son. Gusto mo bang makipagbalikan muli sa babaeng ‘yon? You know I won’t let that happen, right? Kahit pa siya ang ina ng mga apo ko, hindi ako papayag na pumasok siya sa buhay natin, Ali!” “Besides, alam ko kung paano mo pinapahalagahan ang mga bata. Kaya nga tikom ang bibig namin para hindi malaman ng dati mong asawa na buhay sila. That bitch is a lost case. Dahil laki sa hirap kaya iskwater ang ugali. Magkaiba ang mundo niyo. Ibang-iba siya kay Sophia,” pahayag pa ni Carmina. Ang mga salitang ‘yon ay narinig lahat ng dalaw
Ilang taon na ang nakalilipas, nang paalisin nila si Klaire sa mansion, pinamukha ng mga De Guzman sa kaniya na wala silang anak na katulad niya. Mas pinanigan ng mga ito si Sophia at hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon na kilalanin. Nanatili sa isipan ni Klaire ang mga masasakit na salita ng kaniyang mga magulang noon. Hinding-hindi niya ito makalilimutan at ngayo’y gagamitin niya ang mga ito upang ipagtanggol ang sarili niya. The air in the restaurant became so tense. Kuyom ni Klaire ang kaniyang kamao habang seryosong nakatitig sa kaniyang tunay na mga magulang na ngayo’y nakaangil na sa kaniya. Tila ba wala kahit na katiting na lukso ng dugong nararamdaman para sa kaniya. Para bang isa siyang kaaway para sa dalawa. Ilang segundo ang nakalipas nang lumabas si Lance Buenaventura sa VIP room kung saan sila nagdi-dinner ni Klaire. Halatang narinig niya ang ingay at nakitang pinagtutulungan ng dalawang pamilya si Klaire sa harap ng maraming tao sa restaurant na ‘yon. “It’s
Hindi makapaniwala si Klaire sa ginawa ni Alejandro. Hawak nito ang kaniyang kamay at matagal din silang naglakad. Nang makabawi sa pagkalunod sa iba’t ibang emosyon ay agad siyang nagpumiglas. “Mr. Fuentabella, please let me go!” galit niyang sabi.Pero hindi siya binitiwan ni Alejandro, ni hindi nito pinansin ang pagpupumiglas niya. Ang kanyang katiting lakas ay hindi sapat para sa lalaki! Galit na galit si Klaire at mas pinilit na alisin ang kamay nitong nakahawak sa kaniyang pulso.Nakalabas na sila ng restaurant nang maramdaman ni Klaire ang pagkulo ng kanyang tiyan. The discomfort after drinking 2 glasses of champagne made her want to vomit on the cemented ground. Napahinto sa paglalakad si Alejandro at nilingon siya. “What’s wrong? Does your stomach hurt again?” tanong ng lalaki. Matigas ang tono ng boses niya at malamig ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Muling sinubukang bawiin ni Klaire ang kaniyang kamay pero hindi siya nagtagumpay. “Can you mind your own business?” gal
Hindi dumiretso ng uwi si Klaire. Ni hindi siya sumakay ng taxi. She was just walking on the side road while trying to clear her head a bit. Ang malamig na panggabing hangin ay nagpapawala ng kaniyang kalasingan.Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang naglalakad. Ang tanging alam niya lang ay malayo na siya sa restaurant kung saan nangyari ang gulo.Klaire has no sense of direction. Kaya naman nang mahimasmasan ang kalasingan ay napagtanto niya na nakarating na siya sa isang lugar na hindi niya alam. Madilim ang kalye at halos kaunti lang ang nakailaw na mga poste.Napalunok siya. Tiningnan ang paligid. Ang kadiliman niyon ay nagtutulak sa kaniya na bumalik na lang kung saan siya galing kanina. Pero bago siya makalakad ng ilang hakbang pabalik ay may nakasalubong siyang grupo ng mga lalaki. Hindi inaasahan ng iilang mga lalaking ‘yon na makakatagpo sila ng gano’ng kagandang babae sa lugar na iyon. Napatigil silang lahat at sumipol sa kanya. Halatang-halata ang kahulugan ng panu
“What are you still standing for?” Kumunot ang noo ni Alejandro at naiinis siyang tinanong. Nanginginig ang buong katawan ni Klaire sa mga oras na ‘yon. Wala na siyang pakialam sa mga sinasabi ni Alejandro. Ni hindi niya kayang ihakbang ang mga paa niya matapos ang nangyari. Nag-angat siya ng tingin sa lalaki at tumugon. “How can you say that? Nasugatan ka dahil sa akin. Sa tingin mo kaya kong umuwi na ganiyan ang lagay mo? I need to treat your wounds. Please, let me check it…”Kinuha niya ang kamay ni Alejandro na may malaking hiwa ng kutsilyo. Naguguluhan pa rin siya kung paanong nandoon din ang dating asawa sa lugar na ‘yon. Hindi niya alam kung sinundan ba siya nito o talagang napadaan lang sila. Gayunpaman, kung hindi ito humarang ay baka nasaksak na siya sa dibdib ng gagong lalaking ‘yon. Huminga nang malalim si Alejandro at seryoso siyang tiningnan. “I thought you made it clear that you didn’t want to have anything to do with me, Klaire?” May inis ang tono ng lalaki. “You
Ilang saglit pa ay dumating na ang mga pulis. Kinailangang lumabas ng kotse ni Luke upang kausapin ang mga ito. Samantala, naiwan naman sina Klaire at Alejandro sa kotse. Tahimik ang dalawa, tila ba nagpapakiramdaman. Hindi na mabilang ni Klaire kung ilang beses siyang napalunok upang pakalmahin ang nagwawala niyang puso. Wala na ang kalasingan niya kaya naman ramdam na niya ang pagkailang sa dating asawa. Huminga nang malalim si Alejandro, kada limang segundo ay sinusulyapan si Klaire. Hindi niya alam kung bakit pero natutuwa siya sa sitwasyon. Siya itong nasugatan pero para bang may maliit na parte sa kaniya ang natutuwa na nangyari iyon. His ex-wife was close to him at the moment. Hindi lang ‘yon dahil ito pa ang mag-aalaga sa kaniya hanggang sa gumaling ang sugat niya. “Let’s decide where we should meet to treat your wounds. Siguro meet halfway na lang, Mr. Fuentabella? Coffee shop?” basag ni Klaire sa katahimikan at saka bumaling sa kaniya. Nagtaas ng kilay si Alejandro. “Yo
Sa mansyon ng mga Fuentabella, nakaupo si Alejandro sa couch at pinagmamasdan nang maigi ang kamay na may benda. May multong ngiti sa kaniyang mga labi habang inaalala kung paano siya ginamot ni Klaire sa kotse dalawang oras na ang nakalipas. “You are really something…” bulong niya, hindi maipaliwanag kung saan nanggagaling ang munting tuwa na nararamdaman. Bumukas ang malaking double doors ng mansyon, dahilan para mabaling ang kaniyang atensyon sa mga bagong dating. It was his children and Ivan. Mukhang masaya ang tatlo at tila ba nag-enjoy kung saan sila galing. “Where have you been?” kuryoso niyang tanong sa tatlo. Himala na makita niya ang kaniyang bunso na nakangiti kay Ivan. Karga-karga ito ng lalaki at komportable naman ang anak niya habang nakapulupot ang mga munting kamay sa leeg nito. Sa isip ni Alejandro, ano kayang pinakain ni Ivan sa mga bata? “We ate in a 5-star restaurant,” sagot ni Ivan bago ibaba ang batang babae, na kapag kuwan ay tumakbo palapit kay Alejandr
Naramdaman ng pagkahilo si Alejandro matapos ang isang company meeting na tumagal nang mahigit isang oras nang umagang ‘yon. He could feel that his body was uncomfortable. Halata sa kaniyang hitsura ang pagkabalisa dahil sa natamong injury. Nang makabalik sa kaniyang opisina ay dumiresto siya sa kaniyang desk. He was weak and he knew that he couldn’t work when he was like that. “Boss, ito na po ang mga dokumentong kailangan niyong pirmahan,” wika ni Luka nang makapasok sa opisina at inilagay sa kaniyang desk ang tumpok ng dokumentong kailangan niyang asikasihuhin. Napakunot ang kaniyang noo sa dami niyon. Minasahe niya ang kaniyang sintindo pagkatapos ay sinabing, “Send those to my Mom’s office and let her handle the signing.”“Sige, boss. Ipapadala ko agad kay Chairman,” sagot ni Luke na napatingin sa kaniyang sugatang kamay na nangangailangan na ng bagong dressing. “Boss, kung hindi ka komportable dahil nananakit ang sugat mo, mas maganda siguro na matulog ka muna. Gisingin na la