Alejandro looked at Luke with a grim expression. Halata sa mga mata niya na hindi niya nagustuhan ang komento ng kanang-kamay, dahilan para mataranta ang lalaki. “S-Sorry, boss.” Yumuko ito para iwasan ang kaniyang nakakatakot na titig. Sa isip ni Luke ay parang baliw ang kaniyang boss at hindi niya maintindihan ang kinikilos nito. Una, ito ang nag-file ng divorce para layuan ang dating asawa. Ngayon naman ay parang gumagawa ito ng paraan para mapalapit kay Klaire. Ano ba talaga, boss? Naisip niya. “Get out,” ani Alejandro at nagpatuloy sa pagmasahe ng kaniyang sintindo. He couldn’t understand why Klaire had to leave so soon. Hindi niya maiwasang mag-alala, ngunit agad din niyang kinastigo ang damdamin. Bakit naman kasi siya mag-aaala sa babaeng umabanduna sa mga anak nila?Bumaling si Alejandro sa mga bata at saka huminga nang malalim. Hindi na dapat niya hinahayaan ang sarili na pakialaman pa ang babaeng ‘yon…. …Pasado alas-dose na ng gabi nang makauwi si Klaire. Tahimik na an
Hindi inaasahan ni Klaire ang sagot na ‘yon mula kay Alejandro. Bakit nasa tono nito na parang gusto pa nitong pahirapan siya gayong tinatanggap na nga niya ang alok nitong makipag-sosyo sa kumpanya nila?With a slight irritation in her chest, she pursed her lip and managed to say, “Sure, Mr. Fuentabella. I will call back later.” Hindi rin nagustuhan ni Alejandro ang sagot niyang ‘yon. “Tsk. Hindi ko inaasahan na papasok ka sa opisina ngayon. Hindi maayos ang pakiramdam mo kagabi. This is unsolicited advice pero try to rest when your body calls for it. Hindi ka naman binabayaran ng milyon ng kumpanyang pinapasukan mo para i-risk mo ang kalusugan mo.”“Hindi ko expected na concern ka pala sa kasulugan ko, Mr. Fuentabella.” “Don’t be so assuming. It’s not that I’m concern. I’m just saying, dahil ako ang naperwisyo mo kagabi, remember?” May kung ano’ng tumusok sa puso ni Klaire. Ewan ba niya pero hindi ‘yon ang mga salitang gusto niyang marinig. She shook her head and kept all her emo
Pagkatapos magpunta ng ospital ay sumugod si Melissa Fuentabella sa Bloom Perfume Company. Taas noo itong pumasok ng building at agad na dumiretso sa front desk. Tinaasan niya ng kilay ang mga naroon at saka nagsalita, “Nasaan si Klaire Perez? Sabihin niyo sa kaniya na hinahanap ko siya. Ilabas niyo ang babaeng ‘yan at kakausapin ko!” Nagulat ang front desk officer sa inakto ni Melissa ngunit nanatili pa ring kalmado at nagtanong, “Good afternoon, Madame. We would like to know if you made an appointment?Hindi nagustuhan ni Melissa ang narinig. Sarkastiko itong natawa at saka nilibot ng tingin ang buong lobby bago ibinalik ang tingin sa front desk officer. “Hindi ko alam na kailangan na palang magpa-appointment para lang makausap ang mga assistant ng kumpanyang ‘to. How ridiculous!” ani Melissa at inirapan ang babae. “Uhm, Madame kasi po—” “I said I want to speak with Klaire Perez. Now!” komando ni Melissa. Magsasalita pa sana ang front desk officer, ngunit isang babae ang lum
“Sinong sinasabi mong nakakahiya? Hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila mo, Klaire!” halos pasigaw na saad ni Melissa. Nagkibit-balikat siya. “What? Did I say something wrong, Madame?”“Ikaw…” Nagtagis ang bagang ni Melissa sa ugaling pinapakita ni Klaire. Kung noon ito nangyari ay baka nasampal na niya nang maraming beses ang babae, pero dahil hindi na niya daughter-in-law ang kaharap niya ay pilit niyang kinokontrol ang pangangati ng kaniyang palad na dumapo sa pisngi nito. “Don’t think highly of yourself. Akala mo ba hindi ko alam na pinagsiksikan mo lang ang sarili mo sa anak ko noon. Masyado kang desperada kaya pati ang ate mong si Sophia ay itinulak mo sa hagdan. Hindi mo matanggap na siya ang mas matagal ng mga magulang mo, hindi ba? Para kang linta! Kung hindi lang nakipag-divorce sa iyo si Alejandro ay baka ngayon ay pinagsisiksikan mo pa rin ang sarili mo sa pamilya namin!”Ni hindi na nasaktan pa si Klaire sa mga sinabing ‘yon ng ina ng dati niyang asawa. Simula pa man n
Bandang 5:30 nang hapon, Katatapos lang ni Klaire sa kanyang mga paper works nang makatanggap ng text mula kay Luke. Inayos niya ang kanyang mga gamit at naghanda para sa kaniyang appointment. Nagmamadaling pumasok si Feliz sa kaniyang opisina. Hindi na nito kinailangang bantayan ang kanyang ina sa ospital nang hapon na ‘yon, kaya nagpunta ito sa kumpanya. Pagkakita pa lang nito sa kaniya ay agad na siya nitong tinanong, "I heard from Annie that you plan to cooperate with Fuentabella Group of Companies? Is it true?" "Feliz? Why are you here?” Sinabi ni Feliz: "Nagpunta ang kapatid ko sa ospital para pumalit sa akin sa pagbabantay kaya nagpunta ako rito. Answer me, Klaire. Totoo ba?”"Iyon ang plano,” sagot niya. Makikita sa mukha ni Feliz ang hindi pagsang-ayon sa desisyon niya. "Klaire, alam kong isinasaalang-alang mo ang mga interes ng kumpanya, pero I hope na hindi ka magkamali dahil sa bagay na ito." Huminga nang malalim si Feliz. “Alam mo naman kung ano ang dinanas mo sa
Saglit na nagpunta si Klaire sa girl’s restroom, pagkatapos ay bumalik na siya sa VIP dining room. Napansin niya na tapos na si Alejandro sa pagkain, at kasalukuyang umiinom ng tsaa. Tikom ang bibig niya nang bumalik sa upuan. Agad niyang inilabas ang dokumento, nilapag iyon sa mesa at seryosong sinabi, “Tapos na tayong kumain. Now, we can proceed with the business deal.”Kinuha ni Alejandro ang dokumento mula sa mesa at binaliktad ito nang basta-basta, para bang wala pa rin itong balak na pirmahan na ang kontrata. Tuso ang naging ngiti ng lalaki. “Before I sign this contract, we need to discuss about some important things, Ms. Perez.”Bahagyang nagtaas ng kilay si Klaire. “Fine. You can let me know if you have some questions.”“I promise to offer the best discounts for the products that your company will need to start your business in the Philippine market. Gusto kong malaman kung kailan ko mae-expect na matanggap ang formula ng perfumes na kailangan ko para sa aking business? I ne
Tiim-bagang na binalingan ni Alejandro ng tingin si Sophia at saka bahagyang lumayo sa babae. Kasabay no’n ay tiningnan niya si Klaire sa kanilang harapan. Tahimik na nakatayo si Klaire habang tinitingnan ang dokumentong pinirmahan nilang pareho, na para bang wala lang sa kaniya na malapit si Sophia sa kaniya ngayon. Lingid sa kaalaman niya na masama na ang timpla ng emosyon ni Klaire sa loob-loob nito, ngunit matalino ang babae para hindi iyon ipakita sa kaniya, lalo na kay Sophia. Nang marinig niya kung paano banggitin ng babae ang pangalan ng dating asawa ay parang may kung ano’ng sama ng loob siyang nararamdaman. Puno ng pagmamahal ang boses ni Sophia kapag tinatawag si Alejandro, bagay na nakakapagparindi sa kaniyang tainga. Nang mapansin naman ni Alejandro na para bang wala lang kay Klaire kahit pa magdikit sila ni Sophia ay napasimangot ito. Tumalim ang tingin niya sa babae. Pinilit ni Sophia na tatagan ang loob. Tiniis niya ang selos sa kaniyang puso at ibinaling ang tingi
Noong panahong iyon, kakahiwalay pa lang nila ni Alejandro. Umalis siya ng bansa, malungkot at walang tulong na makuha sa pamilya. Ni wala siyang pera kaya minabuti niyang pumasok bilang part-timer upang masuportahan ang sarili. Isang gabi, pagbalik niya sa kanyang tirahan, sinundan siya ng ilang dayuhang lalaki sa daan. Sa sobrang takot niya ay sinubukan niyang tumakbo palayo sa mga ito, ngunit hindi siya makatakas.Nang maabutan siya ng mga ito ay kinulong siya sa isang silid buong gabi. Ang dilim sa oras na iyon ay tila ba kapareho ng dilim ng sandaling ito… Nanlalaki ang mga mata ni Klaire, at nagsimula siyang pagpawisan nang malamig sa kaniyang likod. Nagsimulang bumilis ang paghinga niya, nanginginig ang buong katawan, at dahan-dahan siyang bumagsak sa sahig.Napansin ni Alejandro ang paggalaw at abnormal na paghinga ng dating asawa sa tabi niya, at hindi niya maiwasang magulat, at pagkatapos ay nagtanong, "Ano ang nangyayari sa iyo?"Hindi sumagot si Klaire. Sinubukan niyang