Tiim-bagang na binalingan ni Alejandro ng tingin si Sophia at saka bahagyang lumayo sa babae. Kasabay no’n ay tiningnan niya si Klaire sa kanilang harapan. Tahimik na nakatayo si Klaire habang tinitingnan ang dokumentong pinirmahan nilang pareho, na para bang wala lang sa kaniya na malapit si Sophia sa kaniya ngayon. Lingid sa kaalaman niya na masama na ang timpla ng emosyon ni Klaire sa loob-loob nito, ngunit matalino ang babae para hindi iyon ipakita sa kaniya, lalo na kay Sophia. Nang marinig niya kung paano banggitin ng babae ang pangalan ng dating asawa ay parang may kung ano’ng sama ng loob siyang nararamdaman. Puno ng pagmamahal ang boses ni Sophia kapag tinatawag si Alejandro, bagay na nakakapagparindi sa kaniyang tainga. Nang mapansin naman ni Alejandro na para bang wala lang kay Klaire kahit pa magdikit sila ni Sophia ay napasimangot ito. Tumalim ang tingin niya sa babae. Pinilit ni Sophia na tatagan ang loob. Tiniis niya ang selos sa kaniyang puso at ibinaling ang tingi
Noong panahong iyon, kakahiwalay pa lang nila ni Alejandro. Umalis siya ng bansa, malungkot at walang tulong na makuha sa pamilya. Ni wala siyang pera kaya minabuti niyang pumasok bilang part-timer upang masuportahan ang sarili. Isang gabi, pagbalik niya sa kanyang tirahan, sinundan siya ng ilang dayuhang lalaki sa daan. Sa sobrang takot niya ay sinubukan niyang tumakbo palayo sa mga ito, ngunit hindi siya makatakas.Nang maabutan siya ng mga ito ay kinulong siya sa isang silid buong gabi. Ang dilim sa oras na iyon ay tila ba kapareho ng dilim ng sandaling ito… Nanlalaki ang mga mata ni Klaire, at nagsimula siyang pagpawisan nang malamig sa kaniyang likod. Nagsimulang bumilis ang paghinga niya, nanginginig ang buong katawan, at dahan-dahan siyang bumagsak sa sahig.Napansin ni Alejandro ang paggalaw at abnormal na paghinga ng dating asawa sa tabi niya, at hindi niya maiwasang magulat, at pagkatapos ay nagtanong, "Ano ang nangyayari sa iyo?"Hindi sumagot si Klaire. Sinubukan niyang
Sa mansyon ng Fuentabella, Nakita nina Nico at Natasha ang pangyayari sa restaurant kung saan nagkita ang kanilang Mommy at Daddy sa tulong ng surveillance screen na na-hack ni Nico. Napanood nila kung paanong hinimatay ang Mommy nila at kung paano ito binuhat ng Daddy nila palabas ng building. Nag-aalala at mabilis ang paghinga ni Nico, takot na takot na baka may nangyari nang masama sa kanilang Mommy. “Natasha, hurry up! We need to go to the hospital!” Nagmamadaling pinatay ni Nico ang computer at hihilain na sana si Natasha palabas ng kwarto nang mag-ring ang kaniyang phone. When he checked it, it was their Kuya Clayton who’s calling. Agad na sinagot ni Nico ang tawag at narinig ang boses ng kambal sa kabilang linya. “Nico, anong ginagawa niyo ni Natasha ngayon? Do you want to play games with us? Tutulungan namin kayo ni Callie makatakas.” Bigla na lamang napaiyak si Nico sa labis na kaba. “Kuya, we have a problem!” “What?” Litong tanong ni Clayton sa kambal. “What happened
Sa emergency ward, Hindi maialis ni Alejandro ang tingin sa dating asawa habang tulog na tulog ito sa hospital bed. Nakaupo siya sa gilid ng kama nito at maraming tanong ang nasa isipan niya. Luke finally went back and entered the ward, and Alejandro glanced in his direction. “Have you found something?” tanong ni Alejandro. Marahang tumango si Luke. “Yes, boss. Napag-alaman ko na kung sinu-sino ang mga nakausap at kinita ni Miss Klaire nitong mga nakaraang araw. Dalawang araw na ang nakalilipas nang magpunta si Madam Carmina De Guzman sa Bloom Perfume Company. Nag-usap sila sa labas ng building. Hindi ko lang alam, boss, kung ano talaga ang pinag-usapan nila pero napag-alaman ko na hindi maganda ang naging usapan nila.” Napakunot ang noo ni Alejandro sa narinig. He knew that Carmina De Guzman would never visit Klaire just to chat about their relationship as mother and child. Mas mahal ng ginang ang ampon nito na si Sophia. “Siya lang ba? What else have you found out?” malamig na
“Mommy said she won’t go home tonight,” sabi ni Clayton sa mga kambal niya. “Let’s go home now. Mommy will leave the hospital tomorrow.”“Kuya, I want to wash my face muna,” nakangusong saad ni Callie. Tumango lang si Clayton at saka bumaling kina Nico at Natasha. “You two should go home too. Text me kapag nasa house na kayo ni Daddy.” “Yes, Kuya!” Naghiwa-hiwalay na ang mga kambal. Tumungo muna sina Clayton at Callie sa restroom. Nang matapos ang kapatid sa paghihilamos ay hinawakan ni Clayton ito sa kamay at sabay silang lumabas ng restroom. Kaya lamang ay pagkalabas doon ay nakita nila ang pamilyar na gwapong lalaki na naglalakad palapit sa gawi nila. It was their daddy, Alejandro Fuentabella. Namutla ang dalawang bata at saka nagkatinginan sa kaba. Samantala, puno naman ng inis ang kalooban ni Alejandro nang lumabas sa ward ni Klaire. Hindi niya matagalan ang pagkasalbahe ng babae at kailangan niyang makalanghap ng sariwang hangin. Ngunit imbis na sariwang hangin ay iba ang
Hindi pa rin makalma ang puso ni Klaire matapos ang nangyari. Para bang natutuyuan ang lalamunan niya kapag naaalala niya ang pakiramdam na katigasan ni Alejandro sa pagitan ng kaniyang mga hita. Nag-init ang mga pisngi at tainga niya. Naiinis siyang nagtalukbong ng kumot. Hindi niya maintindihan kung bakit sobrang apektado siya sa bagay na ‘yon. Dahil ba ilang taon na siyang walang sex life? Halos isang oras din nang marinig ni Klaire ang paglabas ni Alejandro sa banyo. Hanggang sa kama ay naaamoy niya ang bango ng shower gel na ginamit nito. Napanguso siya at mariing pinikit ang mga mata, nagpanggap na tulog. Kinaumagahan ay maayos na ang pakiramdam ni Klaire. May kulay na ang mukha nito at naabisuhan na rin ng doktor na wala namang komplikasyon matapos ng nangyari kaya gusto na niyang umalis ng ospital para makauwi sa mga anak. Alejandro asked Luke to go through the discharge procedures. Siya na ang nagbayad ng hospital bills ni Klaire at nagsiguro na wala nang magiging proble
"I am a psychiatrist after all, and I usually prescribe medicine. I am most familiar with this font,” saad pa ni Ivan. Nahihiwagaan pa rin si Alejandro kung paano natutong magsulat ng gano’n si Natasha. Nang magawi ang mga mata sa pinto ng study room ay nakita niya ang dalawang bata na nakasilip sa kanila, kaya naman kinumpas niya ang kamay para palapitin ang mga ito sa kaniya. Nakayuko naman si Callie habang naglalakad palapit kay Alejandro, hindi malaman ang gagawin at nangangatog na baka mabisto siya ng kanilang Daddy. Pinakita ni Alejandro ang papel sa bata. “When did you learn writing in this style, Natasha?” tanong ni Alejandro. Nag-aatubili si Callie, hindi malaman kung ano ang sasabihin. Hindi naman niya pwedeng sabihin na sa Mommy Klaire niya iyon natutunan. “Daddy, natuto po si Natasha by watching videos,” sagot ni Clayton upang isalba ang kambal lalo na’t ang lahat ng mga tingin ng matatanda ay nasa kaniya na. “There’s no way your twin sister will learn this kind of
“You speak so harshly, Klaire,” ani Sophia sa malditang boses. “Ganiyan ka umasta kasi galit ka sa akin, hindi ba?” Hindi nakapagpigil si Feliz, halatang pikon na ito sa dalawang babae kaya naman siya ang humarap kay Sophia. “Look, Sophia De Guzman, whoever you are, and you.” Duro niya kay Antonette. “Tingin niyo ba talaga nagma-matter kayo sa kaibigan ko? Kung makapagsalita kayo, ah. First of all, hindi pamilya ang turing ni Klaire sa inyo at alam naman nating hindi rin gano’n ang tingin niyo sa kaniya kaya bakit hindi na lang kayo magpanggap na hindi niyo siya kilala? It isn’t even hard to do. At saka pangalawa, huwag kayong mga warfreak, ha? Kasi pumapataol talaga ako sa mga malalansang isdang kagaya niyo!” Nagulat ang dalawa sa mga sinabi ni Feliz. Nanlalaki ang mga mata ni Antonette nang duruin din si Feliz. “Hoy! Sino ka bang mistisang hilaw ka ha? Anong malalansang isda? Hindi mo ba naaamoy pabango namin? Branded ‘yan!” “What a freak,” natatawang komento ni Feliz. “You bitc