Share

Chapter 3

Author: Lot
last update Last Updated: 2024-09-01 21:36:33

Kelly's Pov

Nang mailabas ako sa simbahan ng dalawang relatives ko ay agad na isinarado nila ang pintuan para hindi ako makapasok muli. Umiiyak na naglakad na lamang ako ng mabagal palayo sa simbahan. Kung gaano kasaya at ka-excited ang nararamdaman ko habang papunta ako sa simbahan kanina ay ganoon naman kasakit at kabigat ang nararamdaman ko sa aking dibdib ngayon. Kahit ang langit ay hindi rin naawa sa akin at dinagdagan pa ang pagiging miserable ng pakiramdam ko dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Kahit na malakas ang buhos ng ulan ay hindi ako huminto sa paglalakad para sumilong. Wala akong pakialam kahit na para akong basang sisiw na naglalakad sa gilid ng kalsada at pinagtitinginan ng mga taong nagdaraan at dinaraanan ko. Iintindihin ko pa ba ang kahihiyan gayong labis-labis na sakit ang nararamdaman ko sa aking dibdib ngayon? Wala akong pakialam sa kanilang lahat.

Habang naglalakad ako sa kalsada ay tila may maliit na boses ang bumulong sa akin na magpasagasa ako sa mga nagdaraang sasakyan. Humakbang ang isa kong paa sundin ang sinabi ng tinig na iyon ngunit nang makarinig ako ng malakas na bosena ng sasakyan ay bigla akong napabalik sa gilid ng kalsada at umiyak ng malakas. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang magpakamatay. Natitiyak kong hindi magugustuhan ng mga magulang ko king magkikita kami sa kabilang buhay dahil nag-suicide ako at namatay.

Nang maalala ko ang mga magulang ko ay bigla akong natauhan. Pinahid ko ang mga luha ko at itinaas ang aking noo. Wala akong kasalanang ginawa. Hindi ako dapat na umiyak dahil hindi karapat-dapat na iyakan ang mga taong nanakit sa akin.

Nagpasya akong paalisin sa bahay ko ang mga kamag-anak kong inakala kong totoong mabait sa akin. Sa akin nakapangalan ang lupa't bahay ng mga magulang ko kaya may karapatan akong paalisin silang lahat. Tutal pinagkaisahan nila ako at hindi nila inisip na masasaktan ako kaya wala rin akong pakialam sakaling masaktan sila kapag pinaalis ko sila sa bahay.

Sa isiping iyon ay biglang lumakas ang aking loob. Kailangan kong ipakita sa kanila lalong-lalo na kina Agnes at Rex na matibay ako. Na madali akong makakapag-move on sa ginawa nila sa akin. Pinahid ko ang aking mga luha at inayos ang aking sarili na kahit anong ayos ko ay magulo pa rin lalo na ang aking mukha. Kumalat na kasi sa mukha ko ang makeup ko dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Malapit lamang ang bahay namin kaya ipinagpatuloy ko na lamang ang aking paglalakad sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Nasa tapat na ako ng kanto at ilang hakbang na lamang ay gate na ng subdivision namin nang bigla na lamang may van huminto sa tapat ko. Lumabas ang tatlong lalaki na sakay ng van at lumapit sa akin.

"Kelly Winter?" kausap sa akin ng isa sa tatlong lalaki.

"Yes, ako nga. Bakit? Anong kailangan niyo sa akin?" nakakunot ang noo na tanong ko sa kanila. Nakakunot din ang noo nila habang nakatingin sa mukha ko. Siguro ay napansin nila na namumugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak.

"Sumama ka sa amin ng maayos kung ayaw mong may masamang mangyari sa'yo," babala sa akin ng isa pang lalaki.

Agad kong nahulaan ang balak nilang gawin. Balak nila akong kidnapin. Tatakbo na sana ako papunta sa gate ng subdivision para humingi ng tulong sa dalawang guard ngunit bigla na lamang tinakpan ang bibig ko ng panyo ng isa sa tatlong lalaki. Nang maamoy ko ang pampatulog na ipinahid sa panyo ay agad akong nawalan ng malay.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. At nang pagbalikan ako ng aking malay ay nakahiga na ako sa malambot na kama. Ngunit mabigat ang aking pakiramdam pati na rin ang mga talukap ng aking mata kaya hindi ko magawang magmulat ng mata. Mukhang nilagnat yata ako dahil sa pagkakababad ng katawan ko sa ulan at dahil na rin siguro sa pagiging heartbroken ko.

"Kumusta na ang kalagayan niya, Doc?" narinig kong tanong ng isang lalaking nagtataglay ng napakagandang boses. Medyo malalim ang boses nito at lalaking-lalaki ang dating sa pandinig ko. Gusto kong magmulat para makita ang mukha nito ngunit hindi ko talagang kayang idilat ang mga mata ko.

"Kailangan niya ng ilang araw na pahinga, Mr. Adamson. Maliban sa nababad ang katawan niya sa ulan ay mukhang sobrang stress pa siya kaya siya nilagnat," sagot ng boses ng isa pang lalaki na natitiyak kong isang doktor.

Pinatingnan ako sa doktor ng taong nag-utos na dukutin ako at nakahiga ako sa malambot na kama sa halip na sa sahig katulad sa mga napapanuod kong movie ng mga taong kinikidnap fir ransom money, ibig sabihin ay hindi masamang tao ang nagpakidnap sa akin. Pero ano naman ang dahilan niya at ipinakidnap niya ako?

"Don't worry, Doc. I will make sure my wife will have enough rest para mabilis siyang maka-recover sa kanyang sakit. Salamat sa pagpunta mo sa bahay ko para tingnan siya kahit na sobrang lakas ng ulan," narinig kong wika ulit ng lalaking nagtataglay ng magandang tinig.

My wife? Sinong wife ang tinutukoy niya? Ako ba? Paano naman niya ako naging asawa gayong hindi ko naman siya kilala at ang aking groom-to-be ay basta na lamang akong ibinasura na para bang wala akong kuwentang tao? Ano ba talaga ang nangyayari? Nananaginip ba ako dahil sa taas ng lagnat ko?

"Walang anuman, Mr. Adamson. Malaki ang utang na loob ko sa'yo  at ang maliit na bagay na ito ay walang-wala kumpara sa nagawa mong tulong sa akin," narinig kong sagot ng doktor sa lalaki. "Kapag nagising siya ay mainit na lugaw na may itlog ang ipakain mo sa kanya. Dapat ay mga soft food lang muna ang kainin niya habang hindi pa siya gumagaling. At huwag mong kalimutan ang mga gamot na dapat na ipainom mo sa kanya pagkagising niya."

Sa tingin ko ay tumango lamang ang lalaking kausap ng doktor dahil hindi na ito muling nagsalita pa. Ilang saglit pa ay narinig ko ang mga yabag ng paa na naglakad palayo, pati ang pagbukas at pagsara ng pintuan.

Mr. Adamson? May kilala ba akong taong ganyan ang apelyido? Wala naman akong taong kilala na ganyan ang apelyido kaya paano niya ako nakilala? At bakit nkya sinabi sa doktor na asawa niya ako?

Kahit mabigat ang pakiramdam ko at parang binibiyak sa sakit ang ulo ko ay pinilit ko pa ring isipin ulit kung may kilala ba akong Mr. Adamson. Mahina akong napaungol dahil lalong kumirot ang ulo ko sa pag-iisip tungkol sa lalaking si Mr. Adamson. Pero kahit anong isip ko ay wala talaga akong maalala na may nakilala akong Mr. Adamson. Sumagi sa isip ko ang Mr. Adamson na madalas kong nababasa sa diyaryo at naririnig ko ang pangalan sa mga balita sa telebisyon. Ngunit imposible namang ang Mr. Adamson na nababasa at naririnig ko sa balita at ang Mr. Adamson na kausap ng doktor ay iisa. Sa pagkakaalam ko ay pinuno ng mafia ang Mr. Adamson na kilala ko ngunit hindi sa personal.

Nahinto ang pag-iisip ko sa dalawang Mr. Adamson nang maramdaman ko ang mahinang paglundo ng kama sa aking tabi. Ibig sabihin ay may taong naupo sa gilid ng kama. Sinubukan kong imulat ang aking mga mata. Sa wakas ay nagtagumpay akong maimulat ang mga mata ko ngunit malabo ang aking paningin. Malabo ang mukha ng lalaking nakikita kong nakatunghay sa akin.

"You can't escape from me, Kelly," narinig kong kausap sa akin ng lalaki. Gusto ko siyang tanungin kung sino siya at kung ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya ngunit muling bumigat ang talukap ng aking mga mata kaya muli akong pumikit. Hanggang sa tangayin ng kadiliman ang aking kamalayan ay iniisip ko pa rin ang narinig kong sinabi ng lalaki sa akin. 

Related chapters

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 4

    Kelly's PovNang muli akong pagbalikan ng aking malay ay malinaw na ang aking paningin bagama't nahihilo pa rin ako. May nakita akong babaeng nag-aayos ng pagkain sa maliit na mesang nasa tabi ng hinihigaan kong kama. Sa base sa suot nito ay nahuhulaan kong maid siya sa bahay na ito. Bahagya akong umungol para makuha ang kanyang atensiyon."Mabuti naman at gising ka na, Ma'am Kelly," nakangiting kausap sa akin ng maid nang tumingin siya sa akin. "Tutulungan kitang makaupo para makakain ka ng mainit na lugaw at para makaino ka ng gamot." Lumapit ang maid sa akin at tinulungan niya akong makaupo ng maayos sa kama.Kinain ko ang lugaw at ininom ang gamot ng walang reklamo. Gusto kong manumbalik na agad ang lakas ko. Kung gusto kong makaalis sa bahay na ito ay dapat muna akong gumaling sa aking sakit. Hindi ako makakaalis kong ganitong may lagnat pa ako at nanghihina ang aking pakiramdam."Salamat. Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko sa maid sa palakaibigang tono. Nais kong makuha an

    Last Updated : 2024-09-01
  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 1

    Kelly's Pov May matamis na ngiti sa aking mga labi habang sakay ako ng aking kotse. Papunta ako sa bahay ni Rex, ang aking fiance. Bukas ay kasal na namin. After three years bilang magkasintahan ay sa wakas inalok na rin niya ako ng kasal na agad kong tinanggap. I'm twenty and he is twenty five. Pareho na kaming nasa tamang edad kaya puwede na kaming magpakasal kahit nag-aaral pa ako ng college. One week na kaming hindi nagkikita ni Rex dahil sabi ng mga kamag-anak ko ay bawal daw magkita ang mga taong malapit nang ikasal bago ang kanilang kasal. Hindi raw kasi matutuloy ang aming kasal kapag magkita kami bago ang kasal namin. Tinawanan ko lamang sila dahil hindi ako naniniwala sa kasabihang iyon. Ngunit naniniwala si Rex sa lumang kasabihang iyon kaya heto, one week na kaming hindi nagkikita. Miss na miss ko na siya ngunit pinipigilan ko ang aking sarili na puntahan siya dahil ayaw niya. Ayaw daw niyang hindi matuloy ang kasal namin. Ngunit sa araw na ito ay hindi ako nagpapigil sa

    Last Updated : 2024-09-01
  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 2

    Kelly's Pov Biglang nanginig ang buo kong katawan habang nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa video nina Agnes at Rex na patuloy pa ring naghahalikan. Kuha ang video sa loob ng silid ni Rex. At kung hindi ako nagkakamali ay kahapon lamang ini-record ang video dahil katulad ng suot ni Rex kahapon ang suot nito sa video. Gustong tumulo ng aking mga luha ngunit ewan kung bakit hindi lumalabas sa aking mga mata ang mga luha ko. Para bang may bagay na humaharang sa aking mga mata para hindi lumabas ang aking mga luha. Umugong ang malakas na bulungan sa loob ng simbahan. Nakalarawan sa mukha ng mga tao ang pagkalito. At maging ang pari na dapat magkakasal sa amin ni Rex ay nalilito na rin ang hitsura. Nalilito ito kung ano ang nangyayari sa paligid. "Anong ibig sabihin nito, Amalia? Arturo?" galit na sita ng ama ni Rex na si Rigor Montilla sa mga magulang ni Agnes. Ang pinsan ko naman ay tahimik lamang at tila ini-expect na nito ang ganitong eksena. Hindi sinagot ng mga magulang n

    Last Updated : 2024-09-01

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 3

    Kelly's PovNang mailabas ako sa simbahan ng dalawang relatives ko ay agad na isinarado nila ang pintuan para hindi ako makapasok muli. Umiiyak na naglakad na lamang ako ng mabagal palayo sa simbahan. Kung gaano kasaya at ka-excited ang nararamdaman ko habang papunta ako sa simbahan kanina ay ganoon naman kasakit at kabigat ang nararamdaman ko sa aking dibdib ngayon. Kahit ang langit ay hindi rin naawa sa akin at dinagdagan pa ang pagiging miserable ng pakiramdam ko dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kahit na malakas ang buhos ng ulan ay hindi ako huminto sa paglalakad para sumilong. Wala akong pakialam kahit na para akong basang sisiw na naglalakad sa gilid ng kalsada at pinagtitinginan ng mga taong nagdaraan at dinaraanan ko. Iintindihin ko pa ba ang kahihiyan gayong labis-labis na sakit ang nararamdaman ko sa aking dibdib ngayon? Wala akong pakialam sa kanilang lahat. Habang naglalakad ako sa kalsada ay tila may maliit na boses ang bumulong sa akin na magpasagasa ako sa m

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 2

    Kelly's Pov Biglang nanginig ang buo kong katawan habang nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa video nina Agnes at Rex na patuloy pa ring naghahalikan. Kuha ang video sa loob ng silid ni Rex. At kung hindi ako nagkakamali ay kahapon lamang ini-record ang video dahil katulad ng suot ni Rex kahapon ang suot nito sa video. Gustong tumulo ng aking mga luha ngunit ewan kung bakit hindi lumalabas sa aking mga mata ang mga luha ko. Para bang may bagay na humaharang sa aking mga mata para hindi lumabas ang aking mga luha. Umugong ang malakas na bulungan sa loob ng simbahan. Nakalarawan sa mukha ng mga tao ang pagkalito. At maging ang pari na dapat magkakasal sa amin ni Rex ay nalilito na rin ang hitsura. Nalilito ito kung ano ang nangyayari sa paligid. "Anong ibig sabihin nito, Amalia? Arturo?" galit na sita ng ama ni Rex na si Rigor Montilla sa mga magulang ni Agnes. Ang pinsan ko naman ay tahimik lamang at tila ini-expect na nito ang ganitong eksena. Hindi sinagot ng mga magulang n

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 1

    Kelly's Pov May matamis na ngiti sa aking mga labi habang sakay ako ng aking kotse. Papunta ako sa bahay ni Rex, ang aking fiance. Bukas ay kasal na namin. After three years bilang magkasintahan ay sa wakas inalok na rin niya ako ng kasal na agad kong tinanggap. I'm twenty and he is twenty five. Pareho na kaming nasa tamang edad kaya puwede na kaming magpakasal kahit nag-aaral pa ako ng college. One week na kaming hindi nagkikita ni Rex dahil sabi ng mga kamag-anak ko ay bawal daw magkita ang mga taong malapit nang ikasal bago ang kanilang kasal. Hindi raw kasi matutuloy ang aming kasal kapag magkita kami bago ang kasal namin. Tinawanan ko lamang sila dahil hindi ako naniniwala sa kasabihang iyon. Ngunit naniniwala si Rex sa lumang kasabihang iyon kaya heto, one week na kaming hindi nagkikita. Miss na miss ko na siya ngunit pinipigilan ko ang aking sarili na puntahan siya dahil ayaw niya. Ayaw daw niyang hindi matuloy ang kasal namin. Ngunit sa araw na ito ay hindi ako nagpapigil sa

DMCA.com Protection Status